KATANA POV Hindi nagtagal ay naramdaman nalang namin na tumigil na ang SUV na aming sinasakiyan, isang palatandaan na tuluyan ng naming narating ang hideout nila. Nauna ng lumabas ang iba pa habang ang iba naman ay pinauna muna kami. Tatanga-tanga rin ang mga ito dahil hindi manlang nila tinalian ang aming mga kamay o pinosasan man lang. Masyado nila kaming minamaliit kaya tingnan nalang natin kung sino ang mamatay mamaya. “Open the gate,” utos ng lider nila sa mga nakabantay sa may tarangkahan ng kanilang hideout. Hindi naman siya binigo ng mga ito at agad na tumalima sa kaniyang utos. “Let’s go,” aya pa nito sa amin habang bantay sarado kaming pumasok sa premises ng kanilang hideout. Nasa tapat na kami ng isang luma at antigong mansion na sangkatutak ang bantay sa buong paligid.

