ADAM POV Natapos lang ang ride namin sa ferris wheel nang hindi ko manlang na-enjoy ang buong ride. Paano ba naman kasi ako mag-eenjoy dito kung may pabaon siyang warning kanina. Iyong warning pang kay hirap iwasan. Karma is b***h and she’s Katana. “Tara dun tayo,” masayang aya nito sa akin at wala akong nagawa kundi ang magpahila nalang sa kaniya. Natagpuan ko nalang ang aking sarili na nasa harap ng isang stall na nagbebenta ng mga couple accessories, shirts, caps at stuffs toys. “Ano pong atin Ma’am, Sir?” magalang na tanong sa amin ng lalaking tindero. “Pabili nga po ako ng dalawang sombrero,” rinig kong sabi ni Katana sa tindero. “Pili nalang po kayo dito Maam kung anong gusto niyo,” sabi naman ng tindero at prinesenta nito ang kanyang mga paninda. “Anong kulay gusto mo?

