Mabilis lumipas ang mga buwan at kabuwanan na ni Annabelle. Hawak-hawak niya ang kanyang tiyan dahil halos hindi na siya makahinga sa sobrang sakit. Gaya ng dati ay nasa kwarto pa rin siya. Grounded pa rin siya dahil kahit anong pakiusap niya ay hindi siya pinayagan na lumabas unless susundin ang utos ng ama. “Susko, anong nangyari sayo?” Nag-alala na tanong ni Milagros. “Ate, ang sakit ng tiyan ko. Ahh,” nakangiwing sabi ni Annabelle. Napatingin naman si Milagros sa babae pati sa tiyan at nakita niyang may dumaloy na kung anong likido mula sa panubigan nito. “Jusko, manganganak ka na yata, ma’am.” “Ate, ang sakit…” wika ni Annabelle. “Teka, teka, saglit. Tawagin ko si ma’am Julianna,” natataranta na wika ni Milagros. Ngunit hindi pa man nakalabas si Milagros ay s’yang dating ng a

