Matapos ang pag-uusap na iyon ay lalo kaming naging mas malapit ni Nigel. Kapansin-pansin ang pagiging mas maalalahanin niya sa akin. Madalas din ang pagpunta niya sa Naic noong naroon pa ako at masaya sina Mama at Papa kapag bumibisita siya. Ganoon rin ang mga kuya ko. Gaya noong dumating si Drake sa buhay namin ay bukas kamay nilang tinanggap si Nigel. Nagkaroon na naman tuloy ng bagong anak si Mama at Papa. Malaki na rin ang iniusad ng kaso dahil siya mismo ang sumasadya sa mga taong maaring may koneksyon sa akin. He even gave up the cases of big people in the society that would bring millions to him kung maipanalo niya iyon. Narinig ko iyon isang beses sa sekretarya niya minsang dinalhan ko siya sa opisina ng pagkain. Kung hindi si Drake ang sumusundo sa akin ay kay Nigel niya ako bin

