Napagpasyahan nina Mama at Papa na umuwi muna ako Naic. True to Drake's words, pumayag nga si Sir Avery sa indefinite leave ko for a month. Dinalaw rin nila ako ni Keira kinabukasan at kinumusta ako. Kinausap ko ang CEO at humingi ng pasensya sa hustle na ginawa ko. Ang dami ko kasing naiwan na trabaho sa totoo lang. Huwag ko na lang muna raw isipin iyon at ang sales team na ang bahala roon. Baka raw ipa-DOLE na siya ni Drake kapag hindi niya ako pinayagan magpahinga. Sina Mama at Papa na ang kasabay ko pabalik ng Naic. Drake was left at Manila dahil may mga trabaho pa siyang kailangan na tapusin. Aaminin ko na sobra akong nalungkot dahil magkalayo kami sa ngayon. Pero pinangako naman niya sa akin na thrice a week na lang muna siya this month magre-report sa office at iyong apat na araw

