Hindi ako masyadong nakatulog kakaisip sa pinag-usapan namin ni Kuya Eon kaya pinili ko na lang na bumangon na ng maaga. Binaling ko ang oras sa mga inquiries at reports ng Red Gwen's habang may nakasakalang na labahin sa automatic washing machine. Natigil ako sa pagtipa sa laptop nang may mapagtanto. Kung ganoon pala ang plano ni Kyla ay mas lalong hindi pa pwedeng bumalik si Drake sa Pilipinas. Siguradong guguluhin na naman siya ni Kyla. Napatingin ako sa silid kung saan sila natutulog. Hindi kaya ang dahilan kung bakit siya narito ay ang malayo kay Kyla? Mukhang kailangan na naming pag-usapan. Sana lang ay handa na siya. Hindi naman ako magagalit kung ano man ang malaman ko. I know that he did it with reasons kung sakaling nagsinungaling man siya sa akin. Ibinalik ko ang sarili sa

