Pagbalik ko ng aming silid ay nakabihis na ulit sila ng swimwear. Ang laki ng ngiti ni Drake dahil suot-suot na ni Brianna ang rashguard na binili niya. "Bagay ba, mommy?" Drake asked me, smiling. "Wow, ang ganda naman ng prinsesa namin. Si tatay ang nag-buy niyan, anak? Galing pumili ni tatay ah." Tagong-tago lahat. Gusto kong idagdag. Paano ba naman pati pang-ibaba ay biker shorts ang style, mas mahaba kesa sa karaniwang terno cycling shorts ng rash guard. "Opo, mommy. Tatay bought this for me. Saan ka po galing, mommy? Bihis ka na, mom. Come on let's swim na!" aya ng anak ko. "Galing lang ako sa gym. Mommy will take a quick shower lang. Wait for me." "Bakit hindi mo ako hinintay?" nakasimangot na tanong ni Drake. "Ang himbing po ng tulog ninyo mahal na hari. Hayaan mo bukas n

