Kahit na gustuhin pa naming mag-extend ng bakasyon ay hindi na maari dahil papasok nang muli si Bri sa school. Kaya nagkukumahog iyong dalawang matanda na maproseso agad iyong papeles ng bibilhin nilang lupa sa Waikiki. Awang-awa nga si Drake dahil malungkot ang anak niya kaya sa sumunod na araw ay nilabas niya ito para i-date. Hinayaan ko na sila dahil kailangan ko ring mag-report agad sa work. Hindi na ako makakasama dahil sobrang daming inquiries at lunod na ang sales team ko dahil napakalakwatsera ng amo nila. Iyong binakasyon ko ng limang araw ay binawian agad ng pagod sa loob lamang ng walong oras. Hindi ko tuloy namalayan na ang mag-ama ko pala ay nakabalik na at nasa playroom na ni Brianna at naglalaro na sila roon. They were lying on the comforter and playing online games. "K

