Binuhat ako palayo ni Drake kung saan naroon ang kahon. Nanginginig pa rin ang katawan ko. Naghahabol ng hininga at kung anu-anong tumatakbong hindi maganda sa isipan. Paano kung inaabangan lang nila kami sa labas pagkatapos ay tambangan? "B-Bakit may ganu'n? Kanino galing ang box na 'yon?" takot na takot kong tanong. Bumalik kami sa may maliit niyang silid at doon ako inupo. He gave me water to make me calm before he answered. "I don't know. Maybe some business-related threats, rank and files," pagod niyang sabi. "H'wag mo nang masyadong isipin. Nasa labas na ang mga pulis at nagiimbestiga." "Lagi ka bang may natatanggap na ganyan?" hindi makapaniwala kong tanong. Because base on his reaction parang lagi na itong nangyayari. "No. Maraming beses na, mostly it came from the staffs na

