Si Drake ang unang kong hinanap nang dumilat ang mga mata. Pabalikwas akong bumangon at nilinga ang paligid. Mabilis na kumalma ang nag-aalalang dibdib nang makita ko siyang nasa couch malapit sa akin. So, tama naman pala iyong huling ala-ala ko kagabi na naitabi ko nang maayos ang sasakyan at ligtas kami. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at napatitig sa pinto. Mukhang hindi na niya ako nito papayagang mag-drive. Wala naman akong swero at hindi naman ako naka-hospital gown so, I guess I'm okay. Hindi ko na siya ginising pa dahil alam kong pagod na pagod siya. I took my phone from my bag and checked the time. It was midnight. Muli akong humiga at napagpasyahang matulog na lang muli. Bukas ko na iisipin kung anong nangyari sa akin kani-kanina lang. I have a hunch but I cho

