FOUR

2026 Words
Nasa jeep pa lang ako a natatanaw ko na ang mga nagkakaguluhang estudyante. Bumaba kaagad ako sa jeep at sumiksik sa mga estudyante para makita kung sino ang pinapalibutan nila. Pagdating ko sa unahan ay nakita ko si William at ilang estudyante na hindi ko kilala. Nakahawak ang iba sa kamay ni William habang ang iba ay sinusuntok si William sa katawan nito. Napasinghap ako at tinignan ang mga estudyante. Wala man lang ba nag-awat sa kanila?! Bakit nanonood lang sila?! May mga senior high pang nanonood at nagpupustahan. Dahil sa ginawa nila ay kumulo ang dugo ko. Dapat sila 'yong mag-aawat sa nag-aaway bakit wala man lang silang ginawa?! At nagpustahan pa talaga?! Wala pa ba si Kuya Spencer? Bakit wala man lang ni isa ang nag awat sa kanila? Ang guard?! Talagang wala atang aawat. Nanonood lang sila at nagsisigawan, nagpupustahan at ang saya-saya nila na makitang may nag-aawayan. "Porke sikat ka lang pwede mo nang agawin sa akin girlfriend ko?!" Sigaw ng lalaki at sinuntok ulit si William sa tiyan na naging dahilan ng pag-ubo nito. Napatakip ako sa bibig ko. Ang dami na ng pasa ni William sa katawan at pumutok na rin ang labi niya at namamaga ang mata niya. Shit! Kanina pa ata nila binubugbug si William! "Hoy! Wala akong pake na mayor pa ang Papa mo! Dapat lang 'to sa'yo kasi mang-aagaw ka ng girlfriend!" Sigaw pa ng kasamahan nito. Kinagat ko ang labi ko bago tumakbo sa gitna at pinoprotektahan si William. "Ano ba! Tigilan niyo na nga 'yan!" Sigaw ko kahit nanginginig ang tuhod dahil sa takot. Payatot ako, anong kaya ko sa malalaking tao na 'to?! Baka isang tulak lang nila sa akin ay mababali na ako. "Ayon! May girlfriend ka pala pero nang agaw ka!" Tumawa ang lalaking nambugbug kay William. Sinamaan niya ako ng tingin pero tinawanan lang niya ako. "Gusto mo pati ikaw bugbugin ko?!" Napalunok ako at napaatras sa takot. Talagang gagawin niya 'yon?! Babae ako! Tangina niya! Dahil lang sa babae nagkakaganito siya?! "Huwag ka munang sugod nang sugod kung hindi mo alam ang totoong dahilan kung bakit ka iniwan ng girlfriend mo!" Sigaw ko. Kumunot ang noo niya at humakbang palapit sa akin. Napaatras ako at nanginig sa takot. Sino ba kasing nagsabi na magpaka-hero ako?! "Wala kang alam—" "Tanongin mo kaya ang girlfriend mo?!" "Inigaw niya ang girlfriend ko—" "Inagaw ba talaga?! Baka 'yong girlfriend mo lang ang may gusto kay William at kaya ka niya iniwan kasi ang pangit mo! Tignan mo nga ang sarili mo!" Wow! Clemence! Ang tapang mo naman! Talagang nangingialam ka sa away nila, ano? Nagpapakabayani ka na naman! Payatot ka pa naman! "Manahimik ka payatot!" Nanlaki ang mata ko at napapikit dahil inangat na niya ang kamay niya at akma na akong sasampalin. "Gusto niyo atang ipapatawag ko mga magulang ninyo," Ang boses na 'yon. Nandito na si Kuya Spencer. "Kayo pumasok na kayo sa mga room ninyo kung ayaw niyong pati mga magulang niyo ay ipapatawag sa guidance at kayo," hinarap niya ang lalaking nambugbug at mga kasamahan nito tsaka bumaling din ito sa amin ni William na nasa likod niya. "Pumunta kayo sa guidance. Ipapatawag ko mga magulang niyo." Kinabahan kaagad ako. Napatingin ako kay Venice na nakatingin sa akin na may pag-aalala pero kalaunan ay ngumisi ito at tinuro pa si William sa likoran ko. Napailing ako at hinarap si William. Basag na basag ang mukha. Ang daming pasa na natamo niya dahil sa mga bugbug. Yumuko ako para mapantayan ko ang mukha ni William. "William...dadalhin kita sa clinic..." Bulong ko at akma siyang bubuhatin pero naunahan ako ni Kuya Spencer. "Tingin mo kaya mo siyang buhatin hanggang clinic?" Galit nitong tanong. Napayuko ako at umiling. "Tss." Tinalikoran niya ako at binuhat ni si William tsaka hinarap ang mga kasamahan sa SSG. "Dalhin ang mga 'yan sa guidance at ipatawag ang mga magulang ng mga 'yan," utos niya rito bago tumalikod at naglakad na papasok sa gate. Kinuha ko muna ang bag ni William bago sumunod kay Kuya Spencer sa clinic. Hindi man lang napagod si Kuya na buhatin si William hanggang clinic na nasa third floor pa ng junior high building. Kung ako pa ang umalalay kay William baka nasa gate pa lang kami ay napagod na ako. Payatot ako kaya hindi ko kayang alalayan mag-isa si William. "Anong nangyari?" Tanong ng nurse pagpasok namin. "Binugbug po..." Sagot ko. "Ako na bahala rito...pumasok na kayo sa mga klase ninyo," aniya. "Thank you, Ms. Santos," humarap si Kuya Spencer sa akin. "Let's go, Clemence." Umiling ako tsaka naupo sa upuan na malapit sa kamang pinaghihigaan ni William. "Dito muna ako, Kuya...babantayan ko lang si William," "Nandiyan naman si Ms. Santos para bantayan si Mr. Guerrero—" "Dito lang ako." Giit ko at niyakap ng mahigpit ang bag ni William. Natawa naman si Ms. Santos. "Hayaan mo na, Spencer. Gusto atang bantyan ng dalagang ito ang boyfriend niya." Nakangiti nitong sambit. Namula ang mukha ko sa sinabi ni Ms. Santos. Iniwas ko ang mukha ko sa kanila dahil baka makita nila ang pamumula ko. "Aalis na ako." Paalam ni Kuya Spencer. Narinig ko ang pagsara at pagsarado ng pintuan. Nakaalis na si Kuya Spencer kaya inangat ko muli ang mukha ko tsaka tinignan ang kawawang William. Pinanood ko lang si Ms. Santos na gamotin si William. Hindi ako umalis sa tabi ni William kahit sinabi ni Ms. Santos na nagamot na niya si William at hindi na raw kailangang bantayan. Umiling ako at nanatili sa tabi ni William hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa kakabantay ni William. Nasa madilim at masikip na kuwarto na naman ako. Nahihirapan na naman akong huminga dahil sa sikip ng kuwarto. Nandito na naman ako sa bangungut ko. Nahihirapan na ako sa paghinga dahil habang tumatagal ay mas lalong sumisikip ang kuwarto. Hindi na ako makagalaw at ilang Ilang sandali pa ay may narinig akong may tumatawag sa pangalan ko. Sunod-sunod ang paglanghap ko ng hangin pero dahil sa sikip ng kuwarto na parang naiipit na ako ay halos wala na akong malanghap na hangin. Sumikip ang dibdib. Gusto kong sumigaw dahil sa sakit pero hindi ko magawa. May tumawag ulit sa pangalan ko. "Clemence..." Galing sa lalaki ang boses. Kumunot ang noo ko at patuloy na hinanap ang boses. "Clemence..." Dahan-dahan akong nagising dahil sa haplos niya sa buhok ko. Mga mata ni William ang bumungad sa akin, mga matang puno ng pag-aalala. Hinaplos niya muli ang buhok ko at huminga siya ng malalim nang makitang gising na ako. "Gising ka na...pinag-alala mo ako," bulong niya at bahagyang lumayo sa akin. Napalayo rin ako sa gulat dahil ngayon ko lang narealized na ang lapit pala namin. Nagmamadali kong pinunasan ang gilid ng labi ko at ang mukha ko baka may laway ako sa mukha. "G-Gising ka na..." Nauutal kong wika. May mga benda na ang katawan niya at may band aid na rin ang mukha niya pero namamaga pa rin ang mukha niya dahil sa mga pasa. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko. Ngumiti siya sa akin. "Hmm. Pinag-alala ba kita?" He suddenly asked. Napasinghap ako at mabilis na nag-iwas ng tingin. Ang init ng mukha ko. "H-Hindi naman..." Sinungaling. Sabihin mo na kasing nag-aalala ka sa kanina. Sabi pa ng utak ko. Pumagitna ka pa nga sa away para lang protektahan siya. Dagdag nito. "Pinag-aalala mo ako," Dahan-dahang bumalik ang tingin ko sa kaniya. Hindi na siya nakangiti ngayon. "Dumadaing ka kanina habang natutulog ka..." Aniya sa mahinang boses. "Binabangongot talaga ako minsan. Minsan naman ay mapayapa ang tulog ko." Natahimik kaming dalawa. Katahimikan ang namayani. Pinalibot ko ang tingin sa clinic pero hindi ko nakita si Ms. Santos. "Bakit ka pumagitna kanina? Sana hinayaan mo na lang sila na bugbugin ako baka madamay ka pa," "Anong gusto mo? Manood lang ako kagaya ng iba habang ikaw...binubugbug ng mga tarantadong 'yon?" Pagalit kong sambit. Katamikan muli ang pumagitna sa amin. Ni isa walang nagsasalita. Nakatitig lang siya sa kawalan habang ako ay nakatitig sa kaniya. Totoo ba 'yong sinabi ng lalaking nambugbug sa kaniya na inagaw ni William ang girlfriend nito? "'Yong sinabi niyang...inagaw mo raw ang girlfriend niya...totoo ba 'yon?" Mahina kong tanong at humigpit ang pagyakap sa bag niya. Hanggang ngayon hindi ko binibitawan bag niya. "Hindi ko nga kilala kung sino ang girlfriend niya, eh," natatawa niyang sabi tsaka humarap sa akin. "Bigla na lang nila akong sinunggaban kanina. Hindi ko nga alam kung bakit nila ako sinuntok. Wala akong laban sa kanila kasi ang dami nila tapos mag-isa lang ako. Kung siya lang 'yong sumuntok sa akin at wala siyang kasama baka lumaban na ako." Tumitig siya sa akin tsaka ngumiti ng matamis. "Maraming salamat..." Iniwas ko ang tingin ko. "W-Walang ano man..." Kanina pa ako namumula baka mahalata niyang nagugustuhan ko siya. "Pwedeng paabot ng cellphone ko?" "Saan?" Tinuro niya ang bag na yakap-yakap ko kanina pa. "Nasa bag." Pakiramdam ko tinawanan niya ako dahil kanina ko pa hawak ang bag niya at hindi ko talaga ito pinakawalan kahit natulog ako. Binigay ko sa kaniyang cellphone niya at pinanood ko siya na magtipa sa kaniyang cellphone. "Tatawagan ko lang sila Mama baka nag-aalala na sila sa akin." Ngumiti ako at hinayaan siyang makipag-usap sa magulang niya. "Nasa clinic ako, Ma—" huminto siya. Pinakinggan ang sinasabi ng Ina. "Ayos lang ako. Don't worry. Magpapasundo na rin ako ni Manong Ted ngayon. Yes. Thank you, Ma. I love you po." Pagkatapos ay binaba na niya ang tawag at tumingin sa akin. "Sabay ka na sa akin sa pag-uwi," "Ha? H-Hindi na...sasakay na lang ako ng—" "Alas kuwatro na. Ihahatid na kita sa inyo dahil punuan ang jeep ngayon dahil hapon na." Nagulat ako sa sinabi niya. Alas kuwatro na?! Gaano ako katagal natulog?! Hindi man lang ako nakakain ng pananghalian at hindi man lang ako nakaramdam ng gutom. "Hayaan mong ihahatid kita sa inyo, Clemence. Wala akong ibang choice kundi ang pumayag sa sinabi ni William. Dumating ang driver niya pagkatapos ay inalalayan siya pababa ng building. Ako pa rin ang nagdala sa bag ni William hanggang sa makasakay kami sa kotse niya. Nasa likod kami ng sasakyan niya. Ngumiti siya sa akin nang magkatinginan kami at sabay ding nag-iwas ng tingin. Wala naman kaming pinag-usapan buong byahe. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay. Humarap ako sa kaniya tsaka ngumiti. "Maraming salamat sa paghatid," "'Yan ba ang bahay mo?" Nakangiti niyang tinuro ang bahay. Tumango ako. "Sino kasama mo?" Natahimik ako sa tanong niya. Lumingon muna ako sa bahay bago siya sinagot. "Si P-Papa..." "Hmm," ngumiti ulit siya at tumingin sa akin. "Pakikamusta sa Papa mo. Sabihin mo gusto ko siyang ma-meet sa susunod." Nagulat ako sa sinabi ni William pero isinawalang bahala ko na lang 'yon. Ngumiti ako at tumango kay William bago lumabas sa kotse at naglakad na papasok ng bahay. Para akong lumulutang sa ere. Nakasama ko lang naman ng matagal ang crush ko at nakausap ko pa siya! Para akong nasa cloud 9! "Clemence!" Huminto ako sa paglalakad at nagpipigil ng ngiti. Huminga muna ako ng malalim bago humarap kay William. Aamin na ba siya? Gusto rin ba niya ako? "'Yong bag ko." Parang may nabasag na salamin dahil sa sinabi ni William. Nawala ang excitement ko. Assuming talaga ako. Kumurap-kurap ako at nagmamadaling binigay kay William ang bag niya. Nakakahiya! Nakakahiya! Bakit iniisip kung aamin siya sa akin?! Tapos nakalimutan ko man lang na isauli ang bag niya! Tanga ka, Clemence! Tanga! Assuming pa! "S-Sorry...nakalimutan ko hehe," sana kainin na lang ako ng uwak dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Iniimagine ko pa kanina na nasa isang telenobela ako. 'Yong tinawag ako ni William tapos haharap ako sa kaniya na biglang nagslow mo ang lahat pagkatapos ay tatakbo ako sa kaniya at bubuhatin niya ako pero naalala kong nalumpo pala si William kaya hindi niya ako mabuhat. Grabeng imagination 'yan, Clemence. "Aalis na kami. Ingat ka, Clemence..." Ngumiti siya pagkatapos ay sinarado na ang pintuan at umalis na sila. Napabuntong hininga ako at pumasok na sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD