Hindi ko alam na masakit palang pagsabihan ka ng malandi. Akala ko kasi wala lang 'yun sa akin dahil sanay na akong marinig ang mga 'yun dahil 'yun na ang bansag sa akin ng mga empleyado doon sa 14th floor.
Ngayon ko lang naramdaman ang sakit at paninikip sa puso nang si Sir Hugo na mismo ang nagsabi sa akin non.
Nagpatuloy ako sa paglilinis sa loob ng opisina niya habang nag-uusap ang magkapatid.
Tahimik lang ako, bigla akong nawalan ng imik dahil sa sinabi ni Sir Hugo. Malandi na pala ang pakikipag usap sa isang lalaki? Hindi ba pwedeng friendly lang talaga ako?
Well, maliban na lang kay Sir Hugo dahil nilalandi ko naman talaga siya.
"Lhorain, kailan ka lang nagsimulang maging janitress dito?" Natigil ako sa paglinis at bumaling kay Sir Hector.
"A-ah, noong isang araw lang po..." Sagot ko. Tumango si Sir Hecto at ngumiti kaya napangiti na lang rin ako.
Pero nawala ang ngiti ko ng mapatingin ako kay Sir Hugo, ang talim ng tingin nito sa akin at kay Sir Hector.
Tumikhim ako at umiwas ng tingin. Bakit ganun siya kung makatingin? Wala naman akong ginawa sa kanya ah? Baka akalain niyang nilalandi ko kuya niya. Pwes, for his information siya ang lalandiin ko at hindi ang kuya!
"Hmm, I see... Sanay ka na sa mga gawaing bahay no?" Tanong niya ulit kaya napatigil ako sa paglinis para harapin siya.
Hindi pinapansin ang matatalim ba titig ni Sir Hugo.
"Opo! Naglilinis kasi ako ng bahay araw araw."
Ngumiti siya, nawaha narin tuloy ako. "Oh... Kaya pala ang galing mong maglinis."
Ngumiti ako ng malaki sa papuri niya, nahagip ko ang makakamatay na titig ni Sir Hugo.
Oo, nakakamatay na ngayon ang titig niya. Kanina lang siguro ako nasa kabaong dahil sa titig niya.
"Get me some coffee, Lhorain." Napatayo ako ng maayos, "po? Saan po ako magtitimpla?" Tanong ko at nilibot ang tingin sa opisina.
"Nasa labas ang coffee maker, Lhorain," ngumiti si Sir Hector sa akin, tumango ako at akmang lalabas na pero nagsalita pa si Sir Hector na nagpatigil sa akin.
"Timpalahan mo na rin ako, Lhorain." Dahan dahan akong tumango bago tuluyang lumabas sa opisina at hinanap kaagad ang coffee maker.
Nang makita ito ay pinuntahan ko kaagad ito, natigilan ako ng may nakalimutan ako.
Bumalik ulit ako sa opisina si Sir Hugo, binuksan ko ito at sumilip sa pintuan. Napabaling sila sa akin, naka taas ang kilay ni Sir Hugo at sumandal sa swivel chair niya habang si Sir Hector naman ay nakangiti pa rin.
"Uhm, Sir ano po palang gusto ninyong kape? Kopeko blanca? Kopeko brown? Kopeko black twin pack? Nescafe? O barako?" Sunod sunod kong tanong, nalaglag ang panga ni Sir Hector at bahagyang natawa, napahilot naman sa kanyang sentido si Sir Hugo.
May mali ba sa sinabi ko? Wala naman ah? Tinanong ko naman sila kung anong gusto nilang kape.
"Kung anong meron na lang doon, Lhorain." Natatawa pa ring sambit ni Sir Hector.
"Wala naman sigurong mga kape na nabanggit mo doon, Lhorain," bumaling si Sir Hector sa kapatid niya na hindi pa matanggal ang ngiti sa labi. "Meron ka bang kopeko dito, Hugo?" Tanong nito sa kapatid niya.
"May nakita kabang kopeko doon?" Malamig niyang tanong sa akin, nagpaisip ako. Sa pagkaalala ko ay wala akong nakitang kopeka na pack doon.
"Wala po Sir." Sagot ko.
"Obviously! Edi itimpla mo na lang kung anong meron doon!" Napangiwi ako sa sinabi niya.
"Baka lang naman Sir, baka gusto niyo pala ang kopeko—
"I don't drink a cheap coffee, Lhorain." Diretsahan niyang sabi.
"Grabe to! Anong cheap? Labing dalawa ang benta ng kopeko sa amin! Lalo na 'yung twin pack! Anong cheap?" Natawa si Sir Hector sa pagsagot ko sa boss ko habang si Sir Hugo naman ay nagtaas lang ng kilay at humilig sa kanyang swevil chair.
"My coffee is worth of million." Mayabang niyang sabi.
"Anong klaseng kape 'yan? Ba't ang mahal? Ano 'yan gold?" Umirap ako bago sinarado ang pintuan at bumalik ulit sa coffee maker at nakasimangot na nagtimpla ng kape sa señorito at sa kanyang prinsepe na kapatid.
Grabe saan siya makakahanap ng milyong halagang kape?! Anong pagkakaiba nun sa kopeko ni Aling bebang sa Surigao sa kape niyang milyon akala mo naman gold!
Padabog ko ring binuksan ang pintuan ng opisina. Nilingon nila akong dalawa pero hindi ko sila nilingon, nilapag ko na ang mga kape nila.
"Ito na po ang kape niyong gold señorito, alam niyo po ba ang side effect nito? Magiging ginto ka rin kapag ininom mo to." Ngumiwi siya ng sinabi ko 'yun kasabay ng paglapag ng kape sa harap niya.
Sunod ko namang pinuntahan si Sir Hugo at nilapag ang kape niya, "Ito naman po sayo prinsepe Hector. Wag ka pong tumulad sa kapatid niyong tumatae ng pera."
Tumawa si Sir Hector sa sinabi ko at tinikman ang tinimpla kong kape.
"Hmm, ang sarap ng pagkatimpla mo—" hindi na natapos ni Sir Hugo ang sasabihin niya ng sumingit si Sir Hugo.
"Ang pait ng lasa, ulitin mo!" Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha ang mug sa kanya.
"Kasalanan ko bang hindi pala masarap ang kape mong milyon ang bili mo! Mas masarap pa dito ang kopeko eh!" Reklamo ko habang lumabas ng opisina at magtimpla ulit para ka Sir hugo.
"Ano ba kasing magagawa ng milyong kape na 'yan sa atin? Tatae ba ako ng milyon nito kapag uminom ako ng kape na to?" Nagpatuloy ako sa pagreklamo.
"Kaya pala hindi masarap ang kape ko dahil panay ang talak mo sa harap ng kape ko." Napatalon ako sa gulat ng biglang nagsalita si Sir Hugo sa likoran ko.
Sumandal siya sa mesa at kinuha ang bago kong timpla na kape ag ininom ito. Hinintay ko ang sasabihin niya pero tinaas niya lang ang kilay niya at sumimsim ulit.
"Hmm, not bad." Tumayo siya at tinalikoran na ako. Inirapan ko naman siya at inayos na ang kalat sa mesa.
"Lhorain!" Napalingon ako sa tumawag sa akin, nakita ko si Tita Cynthia na lumabas sa elevator kasama si Jaime.
Natigilan sila ng makita si Sir Hugo na nakasandal sa hamba ng pintuan ng opisina niya.
Kumunot ang noo ko kay Sir pero tinaasan lang niya ako ng kilay at sumimsim ulit.
"Ah, good evening, Sir." Bati ni Tita Cynthia, tinanguan lang siya ni Sir.
"Good evening Sir." Bati rin ni Jaime, tumaas ang kilay ni Sir Hugo bago tumango.
"Ah, Sir. Kasi po tapos na ang time sa paglilinis ni, Lhorain, susunduin sana namin siya." Sabi ni Tita Cynthia.
"Pero kung gusto niyo Sir na dito na muna si Lhorain. Ayus lang po." Sinamaan ko ng tingin si Jaime sa pagsingit niya.
Gusto niya ba akong iwan dito kay Sir? Kung hindi lang ako nainis sa kanya at sa kape niyang worth of a million nagpaiwan na sana ako dito para makasama ko siya ng matagal. Pero dahil naiinis ako sa kanya at sa kape niya hindi ako magpapaiwan dito.
Bumaling si Sir Hugo sa akin bumuka ang bibig niya parang ma may gustong sabihin pero nauna na si Sir Hector na kakalabas lang ng opisina. Napa "o" ang bibig ni bakla ng makita si Sir Hector.
"Aalis ka na, Lhorain?" Tanong niya sa akin.
Ngumiti ako, "opo, Sir. May lakad po kami eh."
Ngumuso siya at tumango kapaunan. "Ah, ganun ba? Sayang naman magkukwentohan pa sana tayo—"
"Pwede ka ng umalis, Lhorain." Singit ni Sir Hugo na nagpatigil kay Sir Hector.
"Let's go, Kuya. May pag-uusapan pa tayo." Nauna ng pumasok sj Sir Hugo sa opisina niya, ngumiti at tumango lang sa akin si Sir Hector.
"Sige, ingat kayo sa lakad niyo." Ngumiti rin siya sa dalawa pang kasamahan ko bago pumasok sa opisina.
Nang mawala na sila sa harap namin hindi na magkamawa ang dalawa kong kasama.
"Ano 'yun, Lhorian?!! Shyet!" Niyugyug ako ni Jaime,
Tumawa naman si Tita Cynthia pero may kakaibang ngiti sa labi. "Ano ka ba! Wala 'yun!"
Binuhat ko na ang mga gamit panglinis at nauna nang pumasok sa elevator.
Sumunod si Tita Cynthia at si Jaime na hindi pa rin tumigil sa pagtili.
"Baka may gusto ka sa kapatid ni Sir Hugo, Lhorain ha?" Inilingan ko si Tita Cynthia, "iba po ang gusto ko tita, hindi ang kuya kundi ang bunso." Humagikhik ako ng sabihin ko 'yun.
"Sus! Wala kang pag-asa kay Sir Hugo no!" Inirapan ko si Jaime at lumabas na ng elevator.
Nilagay ko muna sa stock room ang mga gamit bago lumabas sa komapnya.
"May gusto ka ba kay Sir Hugo, Lhorain?" Tanong ni Tita Cynthia habang pumapara ng taxi.
"Unang kita pa lang niya kay Sir hugo, nako! Sabi pa niya lalandiin niya daw ito hanggang maging sila! Ang tayog ng pangarap teh! Kasing tayog ng building na to!"
Sumakay na kami ng taxi at pumunta na sa night club na sinasabi ni Tita Cynthia.
Nagulat ako ng makarating na kami sa distinasyon namin. Nasa labas pa kami pero dumadagong dong na ang maingay na hiyawan at ang musika na nakakaindak.
Namangha ako ng pumasok na kami sa loob.
"Pangmayaman siguro ang club na to." Sabi ng nilibot ang tingin sa paligid.
"Sus! Walang mahirap at mayaman sa club teh!" Sigaw ni Jaime dahil hindi kami magkakarinigan kong hindi sisigaw dahil sa lakas ng togtog.
"Ayy! Ang daming bebs dito! Pak! Ang lalaki ng katawan, shems!" Napatitig ako kay Jaime ng sinabi niya 'yun, namanghan dahil ngayon ko pa lang siya narinig na magsalita ng ganun.
Umiling na lang ako at umupo sa sofa. Hindi ko inakalang pasyalan na pala ang club. Nice.
"Hello, Beautiful." May lumapit sa akin na foreinger, napabaling ako sa dalawa at nag thumbs up lang sila. Ngumiwi ako at tumingin ulit sa foreinger.
"H-hi?"
Uupo na sana siya sa tabi ko pero may tumikhim na sa gilid namin, napatingin kami sa tumikhim at laking gulat ko ng makita ko si Sir Hugo kasama si Sir Hector na nakangiti pa rin.
"Mamamasyal pala ah? Hindi ko alam na pasyalan na pala ang club." Malamig niyang sabi bago tinulak ang foreinger at naupo sa harap ko.
Nagtaas lang ako ng kilay, "hindi mo alam na pasyalan na ang club? Kawawa ka naman! Parke na ang club ngayon no!"
Sinamaan lang niya ako ng tingin. Inirapan ko rin siya.
"Hi, Lhorain!"
"Hi—" uupo na sana si Sir Hector sa tabi ko pero hinila na siya ni Sir Hugo.
"Pumunta ka ng opisina ko bukas, linisin mo buong floor. Kung hindi mo malilinis, tatanggalin kitasa trabaho mo." Napanganga ako sa sinabi niya at tinignan siya na hinila si Sir Hector palayo, umupo sila sa mga nagkukumpolang lalaki na katulad ng antas niya.