Inirapan ko si Sir sa tuwing magtatama ang mata namin pero iiwas lang siya ng tingin na parang hindi niya ako nakitang nag-iirap dito.
Gusto ko sanang sumayaw at uminom kaso naisip kong magtatrabaho pa pala ako bukas at pakiramdam ko isang araw kong lilinisin ang floor na 'yun dahil sa subrang laki! Mas malaki pa sa bahay namin!
Tapos ako lang isang maglilinis doon! Hindi ko maiimagine na naglilinis ako sa floor na 'yun! Hindi ko nga alam kong matatapos ko ba 'yun ng isang araw!
Ano bang nagawa ko bakit pinaparusahan ako ng ganito? Gusto kong magdrama kaso hindi sumasabay ang tugtug ng musika dito sa club kaya hindi na natuloy. Alangan namang iiyak ako dito tapos napaka hype ng tugtug, baka sasayaw din ang mga luha ko nun.
"Oh! Uminom ka naman, Lhorain!" Nilahad sa akin ni Jaime ang isang basong alak.
Ngumiwi ako at tinulak kay Jaime ang baso at umiling. "Ayaw ko maaga pa ako bukas." Ngumuso ako at ininom na lang ang juice na inorder ko.
"Sa susunod sa iba naman kita ipapasyal-"
Napabaling ako kay tita, "sa ibang bar? Nako! Wag na po tita!"
Baka sa susunod magdadrama na naman ako dapat hindi na kami dito sa club. Hindi kasi natutuloy ang pagdadrama ko.
May mga nakikita naman akong mga babae na umiiyak at naglalasing, siguro iniwan 'yun ng mga boyfriend at girlfriend nila.
"Tanga! Hindi na kita ipapasyal dito! Hindi ka naman pala nag-eenjoy dito." Ngumuso ako at hinimas ang balikat ko.
"Sa susunod niyo na po ako ipapasyal dito kapag broken na ako kay Sir Hugo."
Sabay na nagngiwian si Tita at si Jaime.
"Hindi ka pa ba broken? Hindi magiging kayo ni Sir!" Inirapan ko si Jaime.
"Hindi pa ako mabobroken dahil hindi pa kami no!"
Nag-ilingan sila, hinarap ako ni tita. "Bakit kung maging kayo nga ni Sir Hugo gustohin mo bang ma broken ka sa kanya?"
Mas humaba pa ang nguso ko at tumingin na lang sa dancefloor.
Syempre hindi ako papayag na mabroken ako kay Sir Hugo.
Nahagip ng mata ko ang isang babaeng nakaupo sa counter, order siya ng order ng alak. Paniguradong lasing na siya sa dami ba naman ng ininom na alak. Mas lalo ko pang naklaro ang mukha ng babae,maganda siya pero lumuluha ang mata niya. Nalaisip ako, kung broken ba siya. Kung nasasaktan ba siya sa boyfriend niya.
Nakita ko pa lang siyang umiiyak parang natakot na rin akong masaktan.
Hindi kami nagtagal sa club, umalis kami mga bandang 10:30 dahil baka daw papagalitan si Tita sa asawa niya kung tatagal pa siya dito sa club.
Sumama ako kay tita sa bahay niya. Pinatulog niya ako sa bakanteng kwarto ng bahay nila. Hindi man gaano ka laki ang bahay nila maganda pa rin tignan. Sa katunayan nga eh mas malaki pa ang bahay nila kaysa sa bahay namin sa Surigao.
Maaga rin akong nagising para makapaghanda na ako sa trabaho. Sa bahay na rin ni tita Cynthia ako naligo, dahil wala akong dalang extra umiporme, pinahiram na lang ako ni tita.
Alas sais pa lang nasa kompanya na ako. Plano kong agahan ang paglilinis sa floor ni Sir Hugo para maaga akong matapo para naman matulungan ko si Jaime sa paglilinis sa 14th floor.
Pagdating ko sa palapag kong saan ang opisina si Sir ay nagsimula kaagad akong maglinis. Malaki ang floor na to dahil nga may kwarto dito ni Sir para kung mag overtime siya ay hindi na siya uuwi sa bahay niya.
Habang nagmamop ako ng sahig napapansin kong may mga matang nakatitig sa akin. Tumigil ako at tinignan kong saan nanggaling ang mga titig na 'yun. Laking gulat ko ng makita si Sir Hugo na bagong gising at nakaroba ito.
"Hmm, ang aga mo ah." Naupo siya sa sofa at pinanood akong maglinis.
"Para maaga akong matapos, Sir." Pinagpatuloy ko ang pagmop. Hindi pinapansin ang presensya ni Sir kahit naman naiilang talaga ako.
"Hindi ko alam na siseryosohin mo ang sinabi ko kagabi." Napabaling ako kay Sir Hugo.
Anong sinasabi niya na jinojoke time niya lang ako?!
"Ano? Hindi ka seryoso ng sabihin mo 'yun sa akin?!" Nagpamaywang ako sa harap niya hindi na mapigilang mapataas ang boses ko.
"Yup!" He said popping the "p"
Napatanga na lang ako ka Sir, tangina?! Anong silbi ng pag-aaga ko sa opisina para lang maglinis ng maaga dahil sa laki ng opisina?!
Gumising pa talaga ako ng maaga para lang maaga kong masimulan ang trabaho ko pero joke lang pala niya 'yun?
Bumuka ang bibig ko akmang magsasalita pero inunahan na niya ako. "Pero dahil nandito ka na rin naman at nasimulan mo na, bakit hindi mo na lang kaya taposin?"
Pinanood ko na lang ang pagpasok niya sa opisina niya habang ako ay laglag ang panga.
Ano bang problema ng lalaking 'yun sa akin?!
Dahil ss inis ko sinipa ko ang balde na naglalaman ng tubig, nagkalat ang maruming tubig sa sahig sa pagkakataong ito pinagsisihan ko kung bakit sinipa ko pa ang balde nadagdagan tuloy ang tatrabahuin ko.
"Argh!" Sumigaw na ako sa inis at nagsimula na namang magmop.
Parang binaha ang waiting room dahil sa baldeng sinipa ko. Mangiyak ngiyak kong nilinis ang ginawa kong kalat.
Ngayon pa ako nabobohan sa sarili ko. Hindi naman ako bobo sadyang ayaw lang talagang gumana ng utak ko...minsan. Kasi minsan gumagana naman lalo na kapag nasa bingit na ako ng kamatayan.
Malapit ko ng matapos ang paglilinis sa waiting room. Nalinis ko na rin ang mga maruming tubig kanina.
Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito at lumabas si Sir Hugo. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at humalukipkip, tinignan ako.
"Timpalahan mo ko ng kape." Utos niya sa akin, bago ako makapagprotesta ay pumasok na naman siya sa opisina niya.
Wala akong nagawa kundi binitawan ang tuyong pamunas at nagpapadyak na pumunta sa coffee maker.
Kung hindi ko lang siya boss baka nilagyan ko na ng lason ang kape niya. Pero nangibabaa ang takot sa sistema ko, paano kung makulong ako dahil nalaman nilang ako ang naglason sa napaka galing nilang boss.
Paano na lang ang magulang ko sa Surigao?
Wala na rin akong nagawa kundi ang ihatid kay Sir Hugo ang kape niya. Pinunasan ko muna ang pawis ko bago kumatok at pumasok.
Nakita ko kaagad siya sa upuan niya. Nagtitipa sa kanyang laptop at seryoso sa ginagawa. Naka business suit na siya ngayon at bagay na bagay sa kanya ang suot na 'yun mas lalo siyang gumagwapo.
Pinilig ko ang ulo ko bago nilapag ang mug sa mesa niya.
Bakit pupuriin ko siya dapat nga magalit alo dahil pinaglaruan niya ako.
Lumabas kaagad ako pagkatapos kung ihatid sa kanya ang kape niya.
Nagpatuloy ako sa paglilinis. Natigil lang ng bumakas ulit ang pintuan at dumungaw doon si Sir Hugo.
"Ayaw ko sa lasa matamis masyado, palitan mo." Napanganga na lang ako sa sinabi niya pero bago pa ako makapagsalita ay sinarado na niya ang pintuan.
Padabog kong binitawan ang hawak kong panglinis at dumiretso na sa coffe maker.
Bwesit! Bwesit! Hindi talaga ako matatapos sa paglilinis kung minuminuto ang utos niya! Ano ako secretary niya?!
Kumatok ulit ako sa pintuan niya, kunot ang noo at salubong ang kilay ko ay pumasok ako sa loob at nilapag ang bagong timpla na kape sa mesa niya.
Nilapag ko na rin ang coffee maker sa mesa niya, napatingin siya sa akin. "Pagtimplahan mo ang sarili mo! Litse! Hindi ako natatapos sa trabaho nito dahil sayo eh!"
Tinalikoran ko na siya pagkatapos kong sabihin 'yun.
Inis na pinulot ko ulit ang panlinis saka nagpatuloy na.
Nasa kalagitnaan na ako ng pag-ayus ng napakalaking sofa ng bumukas na naman ang pinto.
Tumigil ako sandali bago nagpatuloy.
Ano na naman ang kailangan ng boss kong to?!
"Lhorain-"
"Ano?!" Sininghalan ko na siya.
Sumilay ang ngiti niya labi ng suminghal ako. Anong nakakatawa sa sinabi ko?!
Tumikhim siya bago sumagot, "Paglutuan mo ako, nagugutom na ako."
Hingang malalim, Lhorian! Hinga! Akala ko ba maglilinis lang ako? Bakit taga luto na ako ngayon?! Sekretarya niya ba ako?! Hindi 'di ba?! Sana pala secretary na lang ang inapplyan ko.
Aalis na sana ako pero may pahabol pa siya, "bilisan mo at siguradohin mong masarap."
Nalaglag na lang ang panga ko ng makita siyanf sinarado ang pintuan ng opisina niya.
Ang cute talaga ni Sir! Nanggigigil ako sa kanya! Ang sarap saksakin!
Salubong ang kilay ko habang nagluluto. Ang sabi pa ni Mama sa akin na kapag nagluluto ako dapat may pagmamahal para masarap ang niluluto. Dahil gigil na gigil na ako ngayon lagyan ko kaya to ng lason?
Sinigang ang niluto ko, buti na lang komplete ang gamit dito may mga sangkap din. May isda rin sa ref kaya hindi ko na kailangang lumabas pa ng kompanya.
Ang yaman din ng mga Lardizabal no? Kahit dito may ref. may mga laman pa.
Pagkatapo ng ilang minuto ay natapos na akong magluto. Nagluto na rin ako ng kanin baka mang-uutos na naman ang pinaka gwapo kong boss.
Kumuha ako ng bowl at nagsinalin doon ang nilutong sinigang.
Hindi na ako kumatok pa, diretso akong pumasok sa loob. Inangat ni Sir Hugo ang tingin niya sa akin saka sumulyap siya sa relo niya.
Nagtaas siya ng kilay bago bumalik ang tingin sa akin. "You're 20 seconds late."
Tinirik ko ang mata ko, muntik ng itapon sa kanya ang mainit na sinigang.
Nanggigigil talaga ako sa pagmumukha ng lalaking to! 20 seconds lang na late eh!
Nilapag ko sa mesa niya ang bowl na may lamang sinigang at lumabas ulit para kunin ang kanin.
Alas dose na kaya paka nakaramdam ako ng gutom kanina habang nagluluto ako ng sinigang. Ilang beses ngang tumunog ang tyan ko kanina.
Hindi ko na kasi namalayan ang oras dahil tutok na tutok ako sa trabaho ko na akala ko lang paglilinis pero naging secretary na niya ako.
Pumasok ulit ako sa opisina niya pero ngayon nakita ko na siya sa isang malaking sofa at ang bowl naman ay nasa mesang nasa harap nito. Hindi na niya suot ang coat niya at mas lalo ko pang nakikita ang malalaki niyang dibdib, halatang nag g-gym siya dahil napaka maskulado niya.
Nilapag ko ang kanin sa mesa at tumalikod na. May tatapusin pa akong trabaho kaya dapat hindi na ako mag-aaksaya ng oras.
"Stay here." Napatigil ako sa paghakbang at lumingon sa kanya.
May hawak siyang dalawang plato at mga kubyertos. Umupo siya at tinuro ang pang-isahang sofa sa tapat niya.
"Kumain ka na rin."
Tumingin ako sa niluto ko at nakaramdam na naman ako ng gutom kahit kanina ay nawala na ito.
Lumunok ako at umiwas ng tingin, pinapanatili ang walang emosyong mukha.
"Busog pa ako, Sir. Salamat na lang po." Sabi ko at tumalikod ulit pero nagsalita na naman siya na ikinatigil ko.
"Ayaw mong tikman ang niluto mo? Sayang..." Tumigil siya sa pagsasalita para tikman ang niluto ko. Nilingon ko siya, nakapikit siya habang tinitikman ang sinigang.
"Hmm,f**k, ang sarap!" Napalunok ulit ako ng dinilaan niya ang labi niya, tinitigan ko talaga ang adams apple niyang nagtaas baba dahil sa paglunok niya.
"Ayaw mo talaga?" Tumingin siya sa akin, umiwas ako at umiling kahit ginugutom naman talaga at gusto ng lantakan ang pagkain.
Nanginginig na nga ang katawan ko dahil sa pagod at gutom. Tapos kapag tatanggihan ko pa to baka mahimatay na lang ako maya habang nagtatrabaho. Kaya dapat may lakas ako mamaya habang naglilinis.
Walang imik akong umupo sa tapat niya at kinuha ang plato at kubyertos. Nahagip ko siya na nakataas ang kilay at may ngiti sa labi parang nasisiyahan na bumigay ako.
"Pumayag lang ako dahil baka isipin mong pabebe ako kahit hindi naman. Saka hindi naman talaga ako gutom gusto ko lang tikman ang luto ko."
Nagsandok ako ng kanin isang sandok tapos bundok pa ang kanin.
Tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa plato ko pagkatapos ay nag-angat ng tingin sa akin.
"Hindi ka gutom niyan?"
Tinaasan ko siya ng kilay bago naglagay ng ulam sa plato.
"Kulang pa nga to eh, taste test lang to no."
Umiling siya at may amusement na ngiti sa labi saka sumubo na rin.
Nakadalawang sandok na ako ng kanin pero hindi pa rin ako tapos kumain. Nasa harap ko lang si Sir pinapanoo ako namamangha.
"Wow... Kunti na lang mauubos mo na ang kanin..." Nanlaki ang mata niya dahil sa pagkamangha at natawa pa siya.
Tudo irap naman ako.
Umiling na lang siya at pinagpatuloy ang panonood sa akin. Nailang na tuloy ako at nahihiya ng magpatuloy sa pagkain. Isang sandok lang kasi ang kinain niya tapos ako magtatlo na.
Sabay kaming napabaling sa pintuan ng bumukas ito at pumasok si Sir Hector.
Napatingin siya sa banda namin at nanlaki ang mata sa pagkamangha.
"Oh! You're here!" Lumapit siya at umupo sa tabi ng kapatid niya.
"How are you, Lhorain?" Nakangiting tanong ni Sir Hector, nilunok ko muna ang kinain ko at pinunasan ang mukha bago sumagot kay Sir Hector.
"Ayus naman po ako."
Tumango siya at bumaba ang tingin sa pagkaing nasa mesa.
"Oh, sinigang!"
"Opo, Sir! Ako po ang nagluto niyan! Gusto niyo pong kamain?" Tumayo ako para kumuha ng plato at kubyertos para kay Sir Hector.
Nahagip ng mga mata ko ang pagtaas ng kilay ni Sir Hugo at pag wala ng emosyon sa mukha niya.
"Ito po, Sir." Ngumiti ulit siya sa akin bago nagsandok ng kanin at maglagay ng sinigang sa plato niya.
"Ikaw ba ang nagluto nito, Lhorain?" Tanong ni Sir Hector
Tumango ako at pinanood ko siyang tikman ang niluto ko.
"Kakakain ko lang ng lunch pero ng matikman ko ang luto mo ginutom ulit tuloy ako." Hinimas pa niya ang tyan niya at sumubo ulit.
"Bolero po kayo, Sir!"
"No! Totoo! Ang sarap ng sinigang mo-"
"Tss. Ang pangit nga ng lasa eh, hindi ko nagustuhan." Sumabad si Sir Hugo na dahilan ng pagbago ng mood ko.
Ang hilig talaga ni Sir no na baguhin ang mood ko into devil mood?! Ang sarap na niyang saksakin ng tinidor na nasa plato ko!
Hindi man lang niya ako pinasalamatan na nilutuan ko siya ng pagkain tapos nilalait pa niya ako!
Ayaw ko na! Nagsisisi akong landiin pa siya! Hindi pa nga ako nagsisimula tapos ganito na?! Para na akong bulkang sasabog dahil sa kanya!
"Masarap kaya! Tikman mo." Nag-offer si Sir Hector na tikman ni Sir Hugo ang sinigang pero tumayo lang si Sir Hugo.
"Natikman ko na 'yan kanina pa, mas nauna pa ako sayo na tikman 'yan."
Pumunta siya sa swivel chair niya at hinarap na naman niya ang laptop niya.
"'Yun naman pala eh, masarap naman ang luto ni, Lhorain."
Hindi sumagot si Sir Hugo tumaas lang nag kilay nito.
Tumayo ako at kinuha ang plato na ginamit ni Sir Hugo kanin at nilagyan ito ng sinigang saka lumapit kay Sir Hugo.
"Tikman mo ulit, Sir. Masarap 'yan! Naubos mo nga ang isang sandok mong kanin eh." Nilapit ko sa kanya ang plato, napapangiti ako sa tuwing ngumingiwi siya.
"Mabuti pa si Sir Hector pinuri ang luto ko." Nilapit ko pa lalo ang plato sa kanya.
"Wag kang magulo! Nagtatrabaho ako!" Tinabig niya ang kama ko at tumilapon ang plato sa malayo, nagkalat ang sabaw sa sahig at ang isda.
Napatitig ako doon at sumikip ang dibdib ko parang may nakadagan na mabigat na bagay sa puso ko dahil ang bigat bigat kong huminga ako.
"Clean up your mess, Lhorain!" Sigaw pa niya, umigting ang panga.
Natigilan ako at napatitig na lang sa sahig. Hindi ko mapigilang masaktan. Pinaghirapan kong lutuin 'yan tapos tatawagin lang 'yang mess? Dumi?
Sana naman hindi na lang niya 'yun sinabi, nasasaktan ako! Parang hindi ako makahinga dahil sa sikip ng dibdib ko.
Kahit naiinis ako kay Sir Hugo, hindi ko itatanggi na kanina habang nagluluto ako ay iniisip ko ang magiging reaksyon niya sa luto ko. Kung masasarapan ba siya sa luto ko o hindi. Kung pupuriin ba niya ang luto ko.
Kanina din habang tinitikman niya ang sinigang na niluto ko pinapanood ko ang reaksyon niya at naghihintay sa pagpuri niya pero ito lang pala ang matatanggap ko, ang sigaw niya na nagpapasakit ng puso ko.
Maluluha akong lumabas sa opisina. Tumingala ako at pinaypayan ang sarili para hindi tuluyang tumulo ang luha. Bakit ako nasasaktan? Bakit sumisikip ang dibdib ko? Bakit ang bigat ng pakiramdam ko?
Huminga ako ng malalim at hinayaang tumulo ang luha bago kinuha ang gamit na panglinis. Pinalis ko ang luha sa mga mata at siniguradong walang bakas ng pag-iyak bago ako pumasok.
"Lhorain..." Tawag ni Sir Hector sa akin, hindi na siya naka ngiti ngayon. Nakarinig ako ng sigawan kanina ng lumabas ako at naisip ko na baka sinigawan ni Sir Hector si Sir Hugo.
"L-lilisin ko lang po to tapos...tataposin ko na ang paglilinis sa labas..." Yumuko ako at tumikhim.
Ayaw kong makita nila akong mangiyak ngiyak na naglilinis.
Litse! Nakakasakit palang magustuhan ang isang Hugo Lardizabal. Ang hirap abutin, tama si Jaime ang tayug ng pangarap kong magkatuluyan kami ni Hugo kasing tayug ng kompanyang ito.