"Bakit parang malungkot ka ngayon?" Tanong sa akin ni Jaime. Sinulyapan ko lang siya at nilampasan.
"Tapos ka na ba sa trabaho mo?" Sumunod siya sa akin. Hindi pa ko pa rin siya inimik, bigla akong nawalan ng gana dahil sa nangyari kanina. Ang sakit sa dibdib.
"Napangalitan ka ba ni Sir Hugo?"
Napabuntong hininga ako at niyakap si Jaime. Nagtaka siya sa kinilos ko pero hindi na rin nagreklamo.
"Tama ka na Jaime..." Mahina kong sambit at pumikit ng mariin.
Bumalik ang alala kanina sa nangyari. Ang sinigang na pinaghirapan kong lutuin ay sinabi niya lang na dumi? Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing naaalala ko 'yun.
"Tama na ano? Anong drama to ha?"
"Ang tayug ang pangarap ko." Walang gana kong sagot sa kanya.
"Ay jusko! Lahat tayo matayug ang pangarap no! Anong drama ba 'yan?"
Napanguso ako at kumalas sa pagkayakap kay Jaime at sumandal sa upuan.
"Mali kasi. Ang ibig kong sabihin na matayug ang pangarap ko... Ang hirap abutin ni Sir Hugo."
"Ayun! Malamang mahirap 'yun abutin! Nakikita mo ba kung nasaan tayo ngayon?" Nilingon ko siya at kinunutan ng noo. Hindi ko na gets ang tinanong ni Jaime pero sinagot ko pa rin.
"Nasa opisina tayo-"
"Ang bobo mo! Hindi ko na gets! Sabi ko nakikita mo ba kung saan tayo ngayon? Ibig kong sabihin na mahirap lang tayo at empleyado lang sa kompanyang to habang 'yang kinahuhumalingan mong lalaki boss natin! Boss! CEO! Mayaman 'yun teh!"
Humaba pa lalo ang nguso ko at napatulala na lang. Bakit ba kasi mayaman pa siya? Sana mahirap na lang siya para hindi siya mahirap abutin. Ayus na sa akin na wala siyang pera.
Nagbago na isip ko, hindi ko na siya lalandiin dahil sa pera. Lalandiin ko siya dahil gusto ko siya.
Sabi nga ni Mama habang bata pa dapat lumandi na.
Sabi naman ni Tita Cynthia, kapag lalandi ka doon ka sa mayaman. Mahirap ka na nga doon ka pa lumalandi sa mahirap. Gamitin mo ang ganda mo para makabingwit ng gwapong CEO.
Joke lang, hindi naman talaga si tita nagsabi non. Ako naman talaga ang nagsabi nun sa sarili ko.
"Ano? Lalandi ka pa ba? Humanap ka na lang ng matandang may pera 'yun yayaman ka kaagad." Inirapan ko si Jaime.
"Hindi naman pera habol ko kay Sir Hugo no."
Nagtaas siya ng kilay, hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Anong nangyari sa sinabi mo noong unang araw mo dito? Ha? Naalala ko pa sinabi mo na lalandiin mo si Sir para yayaman ka."
Hindi talaga to maka gets ang baklang to. Kaunti na lang talaga masasapak ko na siya.
"Hindi naman kasi pera ang habol ko-"
"So, hindi na pera habol mo kundi si Sir na? Lumevel up ka ah-aray!" Sinapak ko na, ang daldal eh, baka may makakarinig pa sa amin tapos iba pa ang iisipin sa sinabi ni Jaime.
"Hindi nga! Gusto ko nga talaga siya pero masakit!" Tinignan niya ako ma may pagdududa sa mga mata niya.
Grabe kong makatingin sarap dukutin ang mata.
"Char! May kayo ni Sir bakit ka nasaktan?"
"Ewan ko sayo bakla hindi sana kayo magkatuluyan ng prensepe ng katabaan mo." Tumayo ako at iniwan ko na siya doon.
Tinawag pa niya ako pero hindi ko na siya nilingon. Dumiretso ako sa opisina ni Lola, mas masaya pang kausap si Lola kaysa sa baklang 'yun.
Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pintuan. Naabutan ko si Lola na may binabasang papel, natigil lang ng makita akong pumasok.
"Sino ka hija?"
Bumuntong hininga ako at naupo sa upuan na nasa harap ni Lola, tanging maliit na mesa ang pumagitna sa amin.
"Si Lhorian po lola."
Sumingkit ang mata ni lola at nilapit pa ang mukha sa akin.
"Ah! Ikaw 'yung anak sa ikatlong anak ni Don ignasio na pinsan ng pinsan ni Flores na anak ni Gregorio sa ika labing sampong asawa na kabit ni Aldolfo."
Natampal ko na lang ang noo ko. Mas lumala na si Lola ngayon hindi ko na nasundan ang mga sinabi niya dahil sa subrang haba. Hindi ko nga kilala ang mga pangalang binanggit niya eh.
"Anong ginagawa mo dito 'di ba doon ka naglilinis sa opisina ni Sir Hugo, hija." Bumalik sa pagbabasa si Lola, nagpalumbaba ako at bumuntong hininga.
"Lola ano pong gamot sa sawi sa pag-ibig?" Lumingon si Lola sa akin pero agad ding bumalik sa pagbabasa.
"Bakit? May nobyo ka na ba. hija?"
Ngumuso ako at umiling. "Wala po..."
Kumunot ang noo ni Lola at umiling. "Bakit ka sawi sa pag-ibig eh wala ka naman palang nobyo."
"Lola naman eh syempre nasasawi kami sa pag-ibig kaming walang nobyo! Nasasaktan ako dahil hindi ako gusto ng taong gusto ko."
Tumigil na sa pagbabasa si Lola at nilapag na ang papel sa mesa saka humarap sa akin.
"Sino ba tong lalaking gusto mo hija?"
Kinagat ko ang labi ko at huminga ng malalim. Siguro makakalimutan naman to ni lola kaya safe ako dito.
"Sa atin lang po to lola ah? Secret lang natin to."
Muntik na akong matawa dahil sumeryoso ang mukha ni Lola, tsismosa din si Lola eh, ready na ready sa mga chika.
"Si Hugo Lardizabal po-"
"Ay jusko! Susmaryosep!" Nataranta ako ng napahawak si Lola sa dibdib niya.
Nakaka shocks naman ang matandang to, bigla bigla na lang nanggugulat.
"Si Sid Hugo ang gusto ko hija?" Tanong ni Lola hindi ata narinig ng mabuti ang sinabi ko kanina.
"Opo..."
"Mamamatay ako ng maaga sayo hija!"
Ang oa naman ni lola. Ngumuso ako at sumandal na lang sa upuan. Sana pala hindi ko na lang sinabi kay lola ang sekreto ko.
"Nako! Ang tayug ng pangarap mo hija! Si Sir pa talaga? Nako nako! Wala kang pag-asa doon."
Sumimangot ako. Akala ko pa naman support si Lola sa akin pero gaya din ni Jaime, pareho lang sila ng sinasabi. Ang taas kuno ng pangarap ko.
"Ano pala pangalan mo lola?" Tanong ko para mawala ang topic namin.
"Mercidita Asuncion hija." Sagot ni lola.
Tumango ako. "Paano niyo naman po naakit ang asawa niyo?"
Biglang ngumiti si lola, napangiwi naman ako. Iba kasi ang ngiti ni lola may kakaiba. Ito po ba ang sinasabing ngiting in love?
"Syempre hija madali lang naakit ang asawa ko hihi." Ngumiwi ako pero hinintay pa rin ang sunod ja sasabihin ni lola.
"Nilasing ko siya pagkatapos noongn nalasing ginapang ko na para wala ng takas!" Tawa ng tawa si lola habang ako naman ay hindi na mapinta ang mukha.
Mas malala pala si lola Mercidita sa akin. Jusko! Hindi ko talaga naisip na gapangin si Sir.
Napatingin kami ni lola sa pintuan ng bumukas ito at dumungaw si Jaime.
"Hoy, kanina ka pa hinahanap ni Sir Hugo!" Pasigaw niyang sabi.
Hinahanap na ako ng asawa ko! Nawala bigla ang pagtatampo ko kay Sir Hugo. Nawala na ang sakit dahil hinahanap na niya ako, hindi niya pala kaya na wala ako sana sinabi niya sa akin para hindi na ako umalis sa tabi niya.
Ang lapad ng ngisi ko at tumayo ako. "Mauna na ako lola, hinahanap na kasi ako ng asawa ko." Pakiramdam ko ang pula pula ng pisnge ko.
"Alam ba ni Sir Hugo na asawa mo siya, Hija?"
Nawala ang ngiti ko at awkward na tumawa. Grabe talaga si Lola mapanakit.
"Syempre hindi hehe ako lang po ang may alam nun. Imagination ko lang hehe."
"Ilusyonada."
Ngumuso ako, hindi talaga alam ni Lola ang salitang support.
"Mukhang pagod ka na lola pahinga ka na, baka gusto mong magpahinga habang buhay?" Syempre biro ko lang 'yun.
"Gusto mo ikaw muna mauna hija? Susunod ako."
Nakamot ko na lang ang ulo ko. Si lola talaga may sagot sa lahat. Kahit anong sabihin ko palagi siyang may sagot.
"Aalis na po ako! Ingat ka po lola Mercidita!" Lumabas na ako sa opisina ni Lola.
Ang sarap bumalik sa opisina ni Lola, nalilibang ako sa pag-uusap namin. Kahit matanda ni si lola Mercidita, nagtatrabaho pa rin siya.
Nasaan na kaya ang mga anak ni lola? Bakit hinayaan siyang magtrabaho?
"Bilisan mo galit na si Sir!" Tinulak na ako ni Jaime sa elevator. Inirapan ko siya bago magsirado ang pinto.
Kahit naibsan na ang sakit sa puso ko, hindi pa rin mawala ang kaba ko.
Sa tuwing nakikita ko si Sir hindi na magkamayaw ang puso ko. Nagwawala ito.
Tumunog ang elevator at bumukas ang pinto.
Lalabas na sana ako pero napatalon ako sa kinatatayuan ko dahil nakita ko si Sir Hugo na naka sandal sa gilid ng elevator at nakahalukipkip.
Nag-angat ang tingin niya sa akin. Ngumiti ako pero hindi man lang siya ngumiti pabalik.
"A-Ah sorry Sir nasa opisina po kasi ako ng head namin."
Kinagat ko ang labi ko dahil nanginginig ang boses ko.
Sasarado na sana ang elevator pero mabilis na hinarang ni Sir ang maugat niyang kamay.
"Sumunod ka sa opisina." Tumalikod na si Sir habang ako ay naiwang tulala sa loob ng elevator.
Kinakalma ang sariling puso, hindi naman ganun ka lalim ang pagtingin ko sa kanya pero bakit ganito magwala ang puso ko?
"Lhorain!"
Napatalon ako at kumurap kurap, nakalimutan kong susunod pa pala ako kay Sir, muntik pang sumirado ang elevator.
Lumabas ako at mabilis na sumunod kay Sir. Feeling close din si Sir, tinatawag niya lang ako gamit ang pangalan ko.
Nasa loob pa ng opisina si Sir Hector pagpasok ko. Ngumiti ito sa akin ng makita ako kaya sinuklian ko ang ngiti niya.
"Maupo ka." Sumunod ako sa sinabi ni Sir Hugo.
Umupo ako sa tapat ni Sir Hector. Nilapag niya ang binabasa niyang magazine at buong katawana kong hinarap. Ngumiti na naman siya kaya ngumiti na rin ako.
"Kumusta?"
"Ah, ayus lang po ako Sir-"
"Hector. Call me Hector." Ngumiti siya, ngumiti na rin ako dahil nakakahawa ang ngiti niya, parang may liwanag na nakapalibot sa kanya habang ang kapatid naman niya ay parang denedemonyo.
"Ah hehe okay po-"
"Lumapit ka, Lhorain." Tumingin ako kay Sir Hugo, ang malalim nitong mata ay nakatingin sa akin habang naka sandal siya sa swivel chair niya.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Tinitigan ko si Sir. Ngayon ko lang napansin na malalim ang mata niya at may nunal siya sa gilid ng ilong sa ibaba ang mata niya at may maliit na nunal malapit sa labi niya.
"Starting tomorrow you will be my secretary."
Napakurap kurap ako, totoo ba tong narinig ko?! Na promote ako?! Si Sir Hugo pa talaga ang nagpromote sa akin.
"Talaga Sir?! Gosh! Thank you Sir! Thank you!"
Muntik ko ng mayakap si Sir dahil sa tuwa pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.
"Congratulations Lhorain!" Lumingon ako kay Hector at nginitian siya.
"Salamat Hector."
Sa subrang saya ko nayakap ko si Hector. Nagulat ata siya sa ginawa ko kaya natigilan siya.
"S-sorry p-po."
"Haha ayus lang! Ang saya saya mo! Masaya rin ako sayo!"
Ngumiti na lang ako at hinarap ulit si Sir Hugo para magpasalamat sa kanya. Ang saya saya ko talaga hindi na ako makapaghintay na ibalita ito kina mama at papa. Paniguradong matutuwa sila sa ibabalita ko.
"Thank you Sir! Thank you! Gagawin ko po ang lahat at hindi ka po mabigo na ginawa niyo akong secretary niyo!"
Malaki ang ngiting pinakita ko sa kanya, nag-iwas siya ng tingin at tumaas ang kilay.
"Drop the Sir, you can call me by my name."
Natigilan ako at nawala ang ngiti. Tumitig ako kay Sir Hugo.
"Po? Hindi na po! Kawalan po 'yun ng respeto sayo! Boss kita! Ikaw ang CEO ng kompanya kaya dapat lang na tawagin kang Sir!"
Padabog siyang tumayo, nagsalubong na ang kilay niya at lumabas sa opisina niya.
Lumingon ako kay Hector, nagkibit lang siya ng balikat at umupo ulit sa sofa.
Galit ba 'yun? Nagalit ba siya dahil hindi ko sinunod ang sinabi niyang tatawagin ko na lang siya sa pangalan niya?
Bakit naman siya magagalit? Dapat naman talaga siyang irerespeto.
Lumabas ako sa opisina at hinanap si Sir pero wala siya sa floor na to kaya naisipan kong sumakay sa elevator.
Nasaan kaya si Sir? Kailangan ko bang ipaliwanag sa kanya kung bakit hindi ko dapat siya tawagin sa pangalan niya?
Kailangan ko siguro talagang magpaliwanag, nakita ko kasi kanina na galit na galit talaga siya. Si Hector tinawag ko lang sa pangalan niya tapos si Sir Hugo hindi.
Naisipan kong pumunta sa 14 floor para tignan kong nandoon ba siya. Pagbukas ng pintuan ay lumabas kaagad ako at siya kaagad ang hinanap ng mga mata ko.
"Hoy! Tapos ka na sa trabaho mo?" Lumapit si Jaime sa akin.
"Nakita mo ba si Sir Hugo?" Tanong ko sa kanya, bumuka ang bibig niya akmang magsasalita pero inunahan siya ng mga babae sa gilid namin.
"Plano mo pa ring landiin si Sir Hugo? Kawawa ka naman Miss, hindi ka ata ang tipo ni Sir Hugo, look," nakataas niyang kilay na sabi at may tinuro.
Lumingon ako sa tinuro niya at nakita ko si Sir Hugo doon na may kausap na babae. Nakangiti siya habang nag-uusap silang dalawa.
"Siya si Maria Lucia Bermudez isang sikat na model. Isang tingin pa lang alam mo ng wala ka ng pag-asa kay Sir. You're not his type, so tama na 'yang pagpapantasya mo. Mag mop ka na lang makatulong ka pa sa paglilinis."
Lumakad na siya palayo at hinawi ang buhok.
Bumigat ang paghinga ko habang nakatitig sa kanila. Tinignan ko ang babae mula ulo hanggang paa. Tumingin naman ako sa sarili ko.
At nasabi kong malayong malayo nga kami sa isa't isa. Subrang layo. Sa subrang layo ng agwat namin hindi ko na alam kong ano ang iisipin.
Sa ngiti pa lang ni Sir Hugo habang nag-uusap sila at sa mga minsang paghaplos ni Sir Hugo sa braso ng babae alam kong hindi nga kami ang para sa isa't isa.
Mayaman siya mahirap ako. Magandang babae ang gusto niya musmus naman ako.
Ang sakit magkagusto sa taong alam mong walang pagtingin sayo.
Ako ang tao siya naman ang buwan habang ang babae ay bituin. Pinagmamasdan sila mula sa malayo habang parehong kumikinang.
Huminga ako ng malalim at tumalikod.