"Totoo?! Na promote ka?!" Gulat na gulat na sabi ni Jaime.
Tumango ako at hindi na lang nagsalita. Ang saya saya nila ng sinabi kong na promote ako bilang secretary ni Sir Hugo pero imbis na matuwa at makisaya dahil sa promotion ko malungkot pa ako ngayon, hindi ko sila masabayan, wala akong gana.
"Secretary?! Grabe ka Lhorain! Anong pinakain mo kay Sir? Bakit bigla ka na lang na promote?" Sunod naman na tanong ni tita Cynthia.
Nandito kasi kami sa isang convenience store, gusto pa nila na sa club kami mag party sa promotion ko peo tumanggi ako dahil wala na naman akong gana imbis na magsaya.
"Nagpaluto lang siya sa akin kanina tapos niluto ko ay sinigang." Walang ganang sagot ko at nagpangalumbaba.
"Oh? Ba't parang hindi ka masaya? Na promote ka bakla! Bakit hindi ka masaya? Parang may namatay ata?"
Bumuntong hininga ako at tinignan ko sila isa isa.
"Wala nagdadrama lang ako saka masaya ako no." Pilit akong ngsmile para ipakitang masaya ako pero nag-irapan lang sila.
"Ewan ko sayo kanina ka pa ah, pagbaba mo galing sa opisina ni sir malungkot ka rin pero sumaya ka ng sabihin kong tinawag ka niya pero noong bumalik ka ulit sa 14floor bigla ka na lang umalis, anong nangyari teh?"
Naalala ko ang nangyari kanina, nakita ko si Sir Hugo na may kausap na babae tapos masayang masaya sila habang nag-uusap sila na para bang may maganda silang topic saka maganda ang babae, matangkad at sabi nong babae sa akin na model daw 'yung kausap ni Sir Hugo, isang sikat na model.
Bakit ba ako nagdadrama ng ganito? Ano naman ngayon kong nakita ko siyang may kausap na iba? Hindi naman kami bakit magdadrama ako?
"Si Sir Hugo na naman ba to ha?" Napatingin ulit ako kay Jaime.
Naningkit ang mata niya, "kanina nandoon si Sir Hugo sa 14floor, may kausap na babae tapos noong nakita mo sila bigla ka na lang tumalikod."
"Naku! Naunahan ka ata, Lhorain!" Giit naman ni Tita Cynthia, tinaas pa niya ang binili naking yacult.
"Tama ka Tita Cynthia, naunahan na nga ang manok natin, ang bagal kasi eh!" Inirapan ko silang dalawa.
"Anong naunahan? Hindi naman ako nakipagkarerahan!" Natahimik silang dalawa at kanya kanyang inom ng yacult.
"Palagi ka na ngang kasama ni Sir Hugo pero hindi mo pa nilandi? Akala ko ba operation landiin ang CEO? Anong nangyari? Bakit walang nangyari sa panlalandi mo teh?" Si Jaime.
"Hindi ko na 'yun lalandiin, pipigilan ko na rin ang naramdaman kong to." Bumuntong hininga ako na parang problemadong problemado talaga, parang pasan ko ang mundo.
"Ayun! 'Yan na lang ang gawin mo Lhorain, tanggapin mo na lang na mababa ka lang at 'yang nagustuhan mo subrang taas! Hindi mo maaabot kahit anong pilit mo!"
May punto si Tita Cynthia doon. Sa lahat pa ng lalaki bakit sa isang mayaman pa ako nagkagusto? Ang hirap niya tuloy abutin. Nakatingala ako sa kanya habang siya ay taas noong nilalampasan kaming mababa lang.
Pagkatapos naming kumain sa convenience store ay umuwi na rin kami. Mabuti na lang hindi na naglock si Manang Tarsing.
Pagpasok ko sa bahay gising pa ang isa kong kabed space sa pagkakatanda ko Yssa ang pangalan niya, may ginagawa siya sa laptop niya sa subrang busy hindi na niya ako napansin.
Nilapag ko ang bag ko at umupo sa tapat niya, tumikhim ako, "Ah, hi, anong ginagawa mo?" Tanong ko.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at nagulat sa bigla kong pagsalita, nakabawi siya kalaunan.
Ngumiti siya at sinarado ang laptop niya. "May hinahanap lang sa internet." Sagot niya.
"Anong hinahanap mo?"
Nag-iwas siya ng tingin at hindi nasagot ang tinanong ko. May mali ba sa tanong ko? Para kasi siyang naiilang sa tinanong ko.
"Ah, kalimutan mo na ang tanong ko. Pero may isa pa akong tanong." Umayo ako ng upo, bumaling naman siya pabalik sa akin.
"Nasaktan ka na ba sa taong hindi ka naman gusto?" Titig na titig kami sa isa't isa, bumungong hininga siya at nag-iwas ulit ng tingin.
"Uhm, nasaktan na ako pero sa taong mahal din ako." Mahina niyang sagot.
Nagulat ako doon. Like, hindi ako makapaniwalang nasaktan siya ng taong mahal niya. Hindi ko ata makere ang masaktan sa taong mahal mo.
"Ganun? Pwede mo bang ikwento kong bakit ka nasaktan sa taong mahal ka?" Kuryoso talaga ako sa love life sa pagiging tsismosa ko talagang itatapon na niya ako sa mars.
"Uhm...mahabang kwento pero...s-siya ang hinahanap ko sa internet."
Nagulat ulit ako doon. Sa ganda niyang 'yan iniiwan pa? Mabait siya saka mahinhin, bakit siya sinaktan ng lalaking 'yun? Why?
"Ikaw? Nasaktan ka ba? Pakiramdam ko oo dahil hindi ka naman siguro magtatanong kong hindi ka nasaktan hindi ba?"
"Oo, nasaktan ako sa crush ko. Pero wala na 'yun! Hindi ko na siya crush noh! Wala na! Ex-crush ko na lang siya."
Medyo natawa siya sa sinabi ko, nakita ko rin ang ngiti niya kahit sandali lang.
"O siya, matutulog na ako kasi may pasok pa ako bukas. Ipagpatuloy mo na lang 'yung paghahanap kung sino man ang hinahanap mo."
Ngumiti siya kaya sinuklian ko ang ngiti niya at tumayo na. Iniwan ko siya doon at pumasok na sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama at pumikit na, gusto kong tawagan sila mama para kumustahin sila doon sa Surigao pero alas diyes na baka tulog na ang dalawang 'yun.
Nag-iwan na lang ako ng text sa kanila.
Me: Ma, kamusta kayo dyan? 2morrow na po ako tatawag kasi gabi na po. Ingat kayo bye! Muah!
Pagkatapos ko 'yung ma send ay natulog na ako kahit hindi pa ako nagpalit ng damit ko.
Kinaumagahan ay maaga akong pumasok, hindi ko alam kong ano bang oras pumapasok ang mga secretar pero inagahan ko na lang baka nadoon na si Sir ag matanong ko kung ano ang mga gagawin ko.
Actually, this is my first time as a secretary. Syempre na try ko ng maging secretary sa school 'yung nagsusulat sa pesara pero hindi ko pa na try na maging secretary sa isang malaking kompanya.
Pagdating ko sa opisina ni Sir ay wala pa siya doon kaya naupo na lang ako doon sa mesa na nasa labas. Ilang minuto ko pang paghihintay ay sa wakas dumating na rin si Sir!
Mabilis akong tumayo at yumuko para galangin ang CEO ng kompanyang pinagtatrabahuan ko.
"Good morning Sir Hugo, ah ano po pala ang trabaho ko?" Tumingin siya sa akin sandali pero mabilis ding nag-iwas at pumasok sa opisina niya, sumunod naman ako.
"Here, ikaw na ang hahawak sa schedule ko. Ikaw na rin ang makikipag-usap sa mga gustong magpa appointment." Binigay sa akin ni Sir ang isang ipad.
Literal na napanganga ako dahil sa laki nun! Kailangan talagang dalawang kamay ang ipanghawak ko dahil sa laki nito!
"Nand'yan na ang mga schedule ko, kausapin mo na rin ang mga investors na nagpaappointment. And also you kailangan mo akong dalhan ng kape dito."
Tumango ako sa lahat ng mga sinabi niya, lahat 'yun pinasok ko sa utak ko. Minsan pa naman hindi to gumagana.
"May iba pa ba akong gagawin bukod doon sa pag-eentertain sa mga may appointement at sa mga investor, Sir?" Tanong ko, hindi naman siguro ako oras oras na may kausap no?
"Kausapin mo ako,"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Sir, nagulat ako doon.
"P-po?" Hindi ko ata narinig ng maayos 'yun.
Masungit siyang nag-iwas ng tingin at nagtipa sa laptop niya, hindi na sinagot nag tanong ko.
Sumimangot ako. "Ano nga po ang sinabi niyo, Sir? Hindi ko kasi narinig ng mabuti eh."
Hindi siya sumagot pero binalingan niya ako. Nagpatuloy siya sa pagtitipa sa laptop niya na parang walang narinig sa akin.
Tumikhim ako, "ah Sir, nasaan po pala si Hector?"
His bloodshot eyes narrowed at me. Napalunok ako doon. Ang titig niya ay nagpapalambot sa tuhod ko.
"Bakit sa akin mo hinahanap ang taong nawawala? Lost and found ba ako?" Masungit niyang sabi.
Napalunok ulit ako doon. Ang titigas ng mga salitang binibitawan niya.
"Sabi ko nga po, sige po labas na po ako magsisimula na po ako sa trabaho ko."
Dahil sa kaba hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Nakahinga lang ako ng maluwag ng nakalabas na, grabe ang sinabi niya kanina may punto naman siya eh, hindi siya lost and found kaya bakit sa kanya ako naghahanap sa taong nawawala?
Naupo ako sa mesa ko at pumikit ng mariin at huminga ng malalim. Binuka ko ang mga mata ko at pinatunog ang mga daliri. Magsisimula na ako sa trabaho ko bilang isang secretary.
Tinignan ko ang schedule ni Sir Hugo.
May meeting pala siya mamayang alas diyes with Monet Fermentera owner sa Fermentera Cuisine.
Tumango tango ako at magtitingin pa sana sa schedule pero biglang tumunog ang intercom.
Mabilis ko itong sinagot, "Hello this is Lhorain Mariano, Mr. Hugo Lardizabal secretary."
"Oh! Hindi ko alam na may secretary na pala si Hugo." Sabi ng lalaki sa kabilang linya.
"Uhm, Sir?"
"By the way, I'm Evan, pakisabi kay Hugo na may party mamaya si Lucia invited siya kaya dapat pumunta siya. "
Tumango tango ulit ako at inalala lahat ng sinabi niya, pinasok ko talaga lahat sa utak ko.
"Okay po, Sir I will tell Mr. Hugo."
"Okay! Thank you Miss Secretary!" Hinayaan kong siya ang magbabasa tawag.
Tumunog ulit ang intercom kaya sinagot ko ulit ito.
"Good morning this is Lhorian Mariano, Mr. Hugo Lardizabal secretary."
"Lhorain! Wow! Secretay talaga ang dating ah!" Inisip ko kung sino ang tumawag, para kasing kilala ako at napaka familiar ng boses niya.
"Kumusta ang first day bilang secretary?" Ngumuso ako dahil hindi ko maalala ang boses niya.
Unting unting kumunot ang noo ko at may naalalang kapareha niya ng boses.
"Hector?"
"Ako nga! I guess hindi mo ako nabosesan?" Tumawa siya, nahiya naman ako doon.
"Sorry ha, nag-iba kasi boses mo sa intercom eh."
"No, it's fine. By the way, pakisabi kay Hugo na hindi ako makakadalo sa meeting mamaya dahil may lakad ako sa france."
"Noted."
Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. "Tunong secretary ka na talaga ah! Next time pupunta ako d'yan pag hindi na busy gusto kong makita kang nagtatrabaho as my brother secretary."
"Naku! Hindi naman mahirap eh!"
Pagkatapos ng tawag na 'yun tumayo ako at santong bumukas ang pintuan at lumabas si Sir Hugo.
"Dito ka sa loob, kausapin mo ako." Pagkasabi niya nun ay sinarado niya ulit ang pintuan.
Napakurap kurap ako bago gumalaw sa kinatatayuan ko at sumunod sa loob.
"Ah, tumawag po si Sir Evan kanina at sinabi pong imbitado ka sa party ni Lucia."
Sumandal siya sa swevil chair at tinitigan ako.
"Kailangan niyo raw pong pumunta sa party na 'yun." Dagdag ko, nanatili siyang tahimik at nakatitig lang sa akin.
"And tumawag si Hector at ang sabi niya ay hindi daw siya makaka attend sa meeting mamayang alas diyes dahil may pupuntahan daw siya sa France at sabi pa niya na next time daw pupunta siya dito para makita akong nagtatrabaho—"
"Hindi pinapunta dito para pag-usapan ang kapatid ko." Bigla siyang sumeryoso. Patay. Isang pagkakamali ata na sinali ko pa ang pagpunta dito ni Hector para makita akong magtatrabaho.
"Sumama ka sa party mamaya, samahan mo ako."
Nagulat ako sa sinabi niya at hindi kaagad nakapag salita.
"Bakit kasama pa ako Sir? Hindi po ako imbitado."
"Dahil gusto ko," simple niyang sagot at tumayo.
Napaatras ako ng bigla siyang lumapit sa akin. Kinakabahan at hindi na magkamayaw ang puso ko.
"At wag mo ring babanggitin ang pangalan ng kapatid ko." Matitigas niyang sabi na dahilan nang paglunok ko ng paulit ulit.
aa subrang lapit niya naririnig ko na ang bawat t***k ng puso ko t parang lumiit bigla ang opisina.
"B-bakit p-po Sir?" Kinagat ko ang labi ko dahil nauutal ako.
"Dahil naiinis ako." Pagkasabi niyang non ay nilagpasan niya ako at lumabas na sa opisina.
Habang ako naman ay naiwan sa loob, tulala sa lahat ng nangyari. Sinabi ko ng hindi ko na siya crush at tigilan ko na ang kahibangang to pero ito na naman ako ngayon, nababaliw na naman sa kanya.