NINE

1758 Words
Malapit ng mag alas diyes at may meeting na dapat puntahan si Sir Hugo pero nahihiya akong pumasok sa opisina niya. Dahil sa nangyari kanina at sa paglapit niya sa akin hindi ko na alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kanya. Huminga ako ng malalim, papasok na sana ako sa opisina pero ng makita ko ang intercom nakahinga ako ng maluwag, pwede ko itong gamitin para paalalahanan si Sir. Tumikhim ako bago pinindot ang intercom, "Good morning Sir, paalala lang po na may meeting ka mamayang alas diyes with Monet Fermentera owner po ng Fermentera Cuisine." Binigay ko talaga lahat ng makakaya ko na hindi ako mautal buti na lang ay nagawa ko. Pagkatapos nun ay pinatay ko na ang intercom at nakahinga ng maluwag. Umupo ulit ako sa mesa ko at tinignan ang schedule ni Sir. Hmm, hindi ko to inasahan na sunod sunod pala ang meeting niya. Mamaya kasing alas dose ay may meeting ulit siya with Mr. Valdez isa sa mga investors ng kompanya tapos pagka ala una ay pupunta siya sa Laguna para bisitahin ang proyekto nila doon. Akala ko madali lang ang maging secretary niya pero mahirap pala, ang dami niyang lakad at kailangang kasama ako sa kanya palagi. Depende naman siguro kong isasama niya ako 'di ba? Pwede naman siguro akong maiwan dito sa opisina niya para gawin ang ibang trabahong hindi niya natapos. Hindi ko kasi maimagine na kasama ko siya araw araw kung saan man ang meeting niya. Bumukas ang pintuan ng opisina niya at lumabas siya kaya napatayo ako at kinuha ko kaagad ang mga gamit. "Let's go," nauna siyang maglakad at sumunod naman ako sa kanya. Pagpasok namin sa elevator ay sa likod ako pumwesto at nagpanggap na may binabasa sa schedule niya. Hinihiling ko na sana na mabilis kaming makapunta sa conference room, hindi ko kinayang makasama siya sa isang lugar na kami lang dalawa. Nagwawala ang puso ko. Hindi pa rin kami nag-uusap ng makarating kami sa conference room, pagbubuksan ko na sana siya ng pintuan pero pinigilan niya ako at siya na mismo ang nagbukas non. "Pumasok ka." Tumingin ako sa kanya ng bigla niya iyong sabihin. Sumilip ako sa loob ng room, andon na ang sinasabing si Monet Fermentera naka tayo sa harap habang malaki ang ngiti. Tinaasan niya ako ng kilay ng makitang hindi ako pumasok, wala na akong magawa kundi ang pumasok din sa loob. "Good morning Mr. Hugo Lardizabal! Nice to meet you." Bati ni Miss Monet at nakipagkamayan kay Sir pero napansin ko ang malalagkit na titig nito. Sumamingot ako at pumwesto sa likod ni sir Hugo na nasa kabesera ng mesa. "So, gaya ng sinabi ko sa iyo Mr. Hugo na dagdagan ko ang floor ng cuisine ko at gusto kong ikaw ang kukunin kong engineer." Pinakatitigan ko ang babae, napansin kong halos maghubad na siya, ang ikli ng palda niya at ang talagang sinasadya niyang ipalantad ang cleavage niya. Kumunot ang noo ko ng lumapit siya kay Sir at yumuko. Nanlaki naman ang mata ko dahil sinadya niya talaga 'yun para kita ang boobs niya. Jusko! Wala akong ganyan! "Isa itong napaka laking proyekto, ang cuisine ko ay sikat sa pilipinas actually hindi lang dito pati na rin sa buong asia, kaya I want you Mr. Hugo ang kukunin kong engineer. Ang galing mo sa larangan na to, maraming nagkakainteres na kunin kang engineer nila." Hindi na mahitsura ang mukha ko, hindi na rin ata mapinta ang mukha ko ngayon. Sa wakas umalis na sa harap ni Sir Hugo si Miss Monet, hindi ko na talaga kaya,kasi naman kahit anong yuko ko wala talagang makikita, kahit anong talon ko ay wala talagang tatalbog na boobs. Meron naman ako kaso maliit lang hindi katulad nun na parang watermelon na. "What's with your face, Lhorain?" Nagbaba ako ng tingin kay Sir ng bigla siyang magsalita, mahina lang 'yun pero naririnig ko. Nakita niya pala ang pagngiwi at pagsimangot ko. "Meeting po ba tong pinuntahan natin Sir? Bakit parang bar ata? Nakakainis si Miss Monet talagang sinasadyang ipakita ang cleavage niya!" Sabi ko naman sinisigurong si Sir lang ang makarinig. Nakita ko ang pagsulyap ni Sir sa bandang dibdib ko, dahil sa gulat mabilis ko naman itong tinabunan. Nabingi ata ako o ano pero parang narinig kong tumawa si Sir. "Seriously? Hindi mo na kailangang takpan 'yan wala namang makikita." Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano naman ngayon? Ganun ba ang gusto mo Sir? Malalaki?" "Yes," simpleng sagot niya pero medyo nasaktan ako, sumimangot ako at nag-iwas na lang ng tingin. "Edi wow!" Bumaba ang tingin ko sa dibdib ni Miss Monet at napairap ako. "Edi wala talaga akong pag-asa sayo. Gusto mo pala malaki eh ang liit nang akin." Bulong ko sa kawalan. "And also Mr. Lardizabal may mga designs na akong nagawa. Check it out." Sabi ng isang lalaki saka binigay kay Sir, kinuha naman ito ni Sir at tinignan. Dahil nasa likod lang naman ako ni Sir nakikita ko rin ang mga designs na naroon. "Wow...ang galing," wala sa sarili kong sambit. "Oh! You already have a secretary now, Mr. Lardizabal!" Ngumiti ako sa lalaking nagbigay kay Sir ng designs. Napansin na ako na kasama ako ni Sir "You're so beautiful Miss, what's your name?" Napakamut na lang ako sa ulo ko dahil sa hiya. "Uhm, Lhorain po Sir..." "Lhorain! Kay gandang pangalan kasing ganda mo Lhorain!" Nahihiya at medyo namumula na ako sa mga papuri niya. "Hindi naman po Sir, pero thank you po." Ngumiti ako at ganun din siya, napatingin naman kami kay Miss Monet ng tumawa ito. "I didn't know na ganito pala ang type mo architect, napaka cheap mo naman pumili." Tumawa siya habang sinasabayan naman siya ng ibang naroon. Napayuko na lang ako at nahiya. "I don't like your design Mr. Torres, ulitin mo." Matitigas na sambit ni Sir Hugo. Hindi ko na matignan ngayon ang lalaki kanina, nahiya ako bigla. Dapat hindi ko na lang 'yun pinansin at pinatulan ang mga papuri niya. "And don't flirt with my secretary." Malamig na sambit ni Sir at tumayo na. Nakayuko naman akong sumunod kay Sir. Huminga ako ng malalim at taas noong sumunod kay Sir. "Next time don't entertain them," umimik si Sir pagkapasok namin sa elevator. Tumango ako, "yes, Sir." Napahiya ako doon kanina, paano kong iniisip nila na malandi ako dahil pati architect nila ay kinakausap ko? Alam kong paglalandi na ang tingin nila doon. "Magluto ka at ihatid mo sa opisina ko." Nag-angat ako ng tingin kay Sir, diretso lang ang tingin niya sa pintuan ng elevator. "Yes, Sir." 'Yun ang ginawa ko, paglabas namin sa elavator ay dumiretso kaagad ako sa kusina para magluto. Dahil may karne naman sa ref dito ay adobo na ang niluto ko. Nagsaing na rin ako ng kanin. Pagkatapos kung magluto ay hinatid ko na ang pagkain sa opisina ni Sir, pero pagbukas ko ng pintuan ay nandoon sa loob si Maria Lucia Bermudez isang kilalang model. "May secretary ka na nga gaya ng sinabi nila." Nakangiting sabi ni Lucia. Ang boses niya ay napaka hinhin na para kang henehele. "By the way, ano 'yang dala mo?" Tinuro niya ang dala kong bowl. "Ah, adobo po para sa tanghalian ni Sir Hugo." Pagkasabi ko nun ay bumaling siya sa lamesa, napabaling din ako doon at nakita kong may mga lalagyan doon ng pagkain at ubos na. "Tapos ng kaumain ang boss mo eh, dinalhan ko na siya ng pagkain kanina." Huminga ako ng malalim at bumaba ang tingin sa dala kong bowl at ngumiti sa kanila. "Sige po—" "Kainin mo na lang 'yan o kaya naman ay ipakain mo sa mga batang nasa tapat ng kompanyang to, wala kasi silang kinakain alam kong gutom na ang mga 'yun." Ngumiti ulit siya, isang ngiting palakaibigan. Lumunok ako at ngumiti ulit. "Y-yes ma'am." Hindi na ako nagtagal doon. Tumalikod ulit ako at lumabas sa opisina na may bigat sa dibdib at parang may nakadagang mabigat na bagay. Ang hirap huminga. Tapos na pala siyang kumain hindi man lang siya nagsabing wag na lang akong magluto. Bakit ganun? Pakiramdam ko kahit anong gawin ko wala pa rin talaga akong pag-asa sa kanya. Kinuha ko ang bag ko, dala ang niluto kong kainin at adobo ay humakbang na ako palayo doon. Pakiramdam ko kasi habang tumatagal ako doon mas nadagdagan ang pagkabigat sa puso ko. Hindi ko maunawaan kong bakit ganito ang naramdaman ko, ano naman ngayon kong tapos na siyang kumain? Ano naman ngayon kong hindi na niya makain ang niluto ko? Gaya ng sinabi ni Maria Lucia na ipakian ko na lang to sa mga batang hindi nakakain. "And where are you going?" Hindi tuluyang sumirado ang pintuan ng elevator dahil humarang si Sir Hugo doon. "Sir...uhm, ipapakain sa mga bata ang niluto kong adobo...t-tapos ka nang kumain 'di ba?" Nagkatitigan kaming dalawa, hinila na lang niya ako pero hindi kami sa opisina niya pumunta kundi doon sa kusinang pinaglutuan ko. "Tapos na nga akong kumain—" Binawi ko ang kamay kong hawak niya, "tapos ka naman palang kumain bakit mo pa ako pinigilan? Busog ka na kaya ibibigay ko na lang ito sa mga bata sa baba." Masungit kong giit pero hinila niya ako ulit. "Sinabi ko bang hindi ko to kakainin?" Napatitig ulit ako sa kanya, ang puso ko na naman ay nabaliw sa simple niyang sinabi. "Sit," hinila niya ang isang silya at pinaupo ako doon. Umalis siya para kumuha ng dalawang plato at mga kubyertos. "'Di ba kumain na kayo ni Ma'am Lucia? Bakit kakain ka pa ulit? Alam kong busog ka na kaya wag mo nang pilitin pang kumain." Nagpatuloy pa rin siya sa ginagawa niya, parang wala siyang narinig sa akin. "Kakain ka o gusto mong subuan pa kita?" Seryoso niyang sabi na para talagang totohanan niya, syempre dahil nga marupok ako ay nagsandok na ako ng kanin at sabay kaming kumain. "Hindi ka ba busog? Baka sasakit ang tyan mo—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa titig niyang tagus hanggang sa kaluluwa ko. "Hinintay ko ang luto mo, Lhorain." Napayuko sa dahil sa sinabi niya, parang may confetti na sumabog sa puso ko. "Akala ko kasi kumain ka sa dala ni Ma'am Lucia at saka baka busog ka na at hindi mo na kailangan ang niluto ko." Tumigil siya sa pagkain at sumandal sa silya niya at tinitigan ako. "I like this, ipagluto mo ulit ako." Tumayo siya at umalis na, naiwan akong hindi na magkamayaw ang puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD