TEN

1776 Words
"Good afternoon Sir, 1:00 pm po ay may lakad kayo papuntang Laguna." Paalala ko sa kanya pero sa intercom ko pa rin sinabi dahil kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon. Kanina habang naiwan akong kumakain sa kusina, tulala lang ako hindi makapaniwala sa lahat. Sabay kaming kumain! Siya pa 'yung humila sa akin doon para kumain kami, saka pinaghila niya ako ng upuan. Hindi ko na siya crush pero bakit ganito pa rin? Palagi ko na lang sinabi sa sarili ko na, hindi siya pwedeng magustuhan, hindi siya pwedeng pagpantasyahan dahil mahirap lang ako, mayaman siya. Alam kong nag aarrange marriage ang mga mayayaman para lumawaknpa lalo ang negosyo at kayamanan nila. What if si Hugo may pinangako na ring papakasalan? "Let's go," napakurap kurap ako ng bigla siyang nagsalita sa harap ko, natigil ang pag-iisip ko sa bigla niyang pagsulpot. "S-Sir? K-Kasama po ako sa lakad niyo?" Gulantang kong tanong. Tinaasan lang niya ako ng kilay, napakamot naman ako sa ulo ko. "Sabi ko nga po Sir sasama ako." Taga sulat lang naman kasi ang alam kong secretary eh, tama talaga 'yung iniisip ko kanina na talagang isasama niya ako sa mga lakad niya. Sa likod pa rin ako pumwesto sa elevator, pagkadating sa basement ay binuksan ko na ang pintuan sa likod ng sasakyan niya. "What are you doing, Lhorain?" Hindi pa ako nakapasok nagsalita siya, nilingon ko naman siya, "ano sa tingin mo ang ginagawa ko Sir? Sasakay na po ako." Tinaas naman niya ang kilay niya, humalukipkip siya at sumandal siya sa koste niya. "Dito ka sa harap umupo, anong tingin mo sa akin? Driver mo?" Masungit niyang sambit. Umirap ako ag sinarado ulit ang pintuan sa likod at binuksan ang pintuan sa harap. Nakita ko rin siyang pumasok sa driver seat at pinaandar na ang makina. "Malayo po ba ang proyekto niyong to Sir?" Tanong ko ng hindi siya nilingon. "Kind of," maikli niyang sagot at hindi man lang lumingon sa akin. Katahimikan ang pumagitan sa amin. Walang nagsasalita ni isa. Nakatingin lang ako sa labas, tinatanaw ang mga bahay na nadadaanan namin. Dumaan ang ilang oras ay tumigil ang sasakyan niya sa drive thru. nilingon ko siya, "Bibili ka?" "Hindi, titignan ko lang ko lang ang pagkain dito sakaling mabusog ako." Sinamaan ko siya ng tingin. Kung hindi ko lang siya boss baka nasapak ko na siya. Ba't ang hilig niyang mambara? Bumara ba siya sa pempem ng ina niya noong pinanganak siya? "Burger, fries and coke." Sabi niya doon sa babaeng nasa bintana. Ngayon pa talaga ako nakapuna dito, sosyla sila ah. Bumalik ulit ang babae na may dala ng supot, kinuha ko ito at nagpasalamat. "Thank you, Miss." "You're welcome Sir, balik ka po. At sana sa pagbabalik mo ako na ang isasakay mo. Hindi ka magsasawa sa akin Sir panghabang buhay ako." Kumunot ang noo ko, letche! Ako 'yung nagthank you tapos sa iba nag you're welcome?! Tapos may dinugtong pa talaga siya?! "Sorry miss pero hindi na siya available. Landi mo, ayusin mo muna 'yang kilay mo bago landi ah! Hindi pantay!" Napangiwi siya sa sinabi ko at mabilis na nagdukot ng salamin at tinignan ang sarili. May sasabihin pa sana ako pero pinaandar na ni Sir ang sasakyan. Inis ko siyang nilingon at padabog na nilapag ang mga binili namin. "Ganun ang gusto mo?!" Lumingon siya sa akin na may multong ngiti sa labi niya. "Oo, ganun ang gusto kung babae kapag lumalandi." Nakangiti niyang sabi at tumingin ulit sa daan. Napanganga naman ako at humalukipkip sa harapan niya. Lumingon ulit siya sa akin at kinagat ang labi niya. And I found it hot! "Kaya sa susunod kapag balak mo akong landiin gayahin mo 'yun." Nalaglag na ang panga ko. Paano niya nalamang lalandiin ko siya?! Kumalat kaya 'yun?! mga tsismosa ang mga empleyado sa 14th floor baka narinig niya. "Bakit naman kita lalandiin ah? Oo crush kita pero dati 'yun! Dati! Past! Wala na! Saka hindi naman kita lalandiin at kapag lalandi naman ako hindi ako tutulad sa babaeng 'yun! Ang cheap! Waley ang banat niya!" Sigaw ko. Ngumuso siya na para bang nagpipigil siya sa ngiti niya, sinandal niya ang isa niyang brado sa bintana ng kotse habang isang kamay lang ang ginamit sa pagdadrive. "Hindi mo na ako crush ngayon?" Tanong niya. Interesado ah? Sumandal ako sa upuan at tumingin na lang sa daan. "Eh kasi sinabi ko! Hindi na kita crush dati lang 'yun!" Hindi ko na siya nilingon pero nakikita ko sa gilid ng mata ko ang pagtaas ng kilay niya. "Pakikuha ng burger," sabi niya, tumingin naman ako sa burger na nasa dashboard pagkatapos ay sa kanya. "Wala ka bang kamay? Pwede mo naman 'yang kunin Sir gamit ang kamay niyo." Lumingon siya sa akin, "wala ka bang mata? Kita mong nagdadrive ako tingin mo nakakawak pa kaya ako sa burger?" Giit niya. May puno naman siya, ngumuso ako at wala ng nagawa kundi ang kunin ang burger. "Ayan na po Sir." Tinaasan ko siya ng kilay ng hindi man lang niya kinuha ang burger sa akin. "Subuan mo ako." Ngumiwi ako at sinamaan siya ng tingin. Sumulyap siya sandali sa akin pero agad ring binalik ang tingin sa daan. Wala na akong magagawa pa, padabog kong binuksan ang cellophane ng burger. Nilapit ko ang burger sa kanya, ngumanga naman siya at kinagatan ang burger. Pagkatapos niyang lunukin ang burger kumagat siya ulit at bumaling sa akin. "Kumain ka na rin." Sumulyap ako sa mga pagkain na nasa dashboard. Nagugutom na rin ako kaya kinuha ko ang isang burger at kumain na rin. Hindi ko na napansin na sunod sunod na pala ang pagsubo ko kay Sir Hugo ng fries kahit hindi niya ako sinabihan, nag enjoy ako sa pagsubo sa kanya at hindi naman siya nagreklamo. Kinuha ko ang coke at pinainom siya, "busog na ba Sir?" Nakataas kong tanong sa kanya. "Yeah...thank you." Nakahinga ako ng maluwag doon at nag-inat ng braso. "Nandito na po ba tayo?" Tanong ko at tinignan ang labas. May mga niyog sa paligid at hindi na nagtagal ay pumasok kami sa isang napaka laking gate. "Anong itatayo po dito Sir?" Tanong ko ng hindi siya binabalingan. Busy ako sa pagtingin tingin sa buong lugar. "Hospital." Maikli niyang sagot pero namangha ako. "Talaga? Wow naman! Sino ba ang nagpapatayo ng hospital?" Nilingon ko na siya ngayon, nakatitig pala siya sa akin pero nag-iwas lang ng tingin at lumabas sa kostse. Lumabas din ako at dinala ang ipad. "Ako, matagal ko ng gustong magtayo ng hospital." Tumitig ako sa kanya at napangiti. Hindi naman pala talaga siya masamang tao, may mabuti rin pala siyang puso. "Ang bait mo naman pala." Nakangiti kong sabi, bumaling siya sa akin. "Hindi naman." Sagot niya. Sumunod ako sa kanya ng lumapit siya sa mga trabahador. May lumapit na lalaki sa amin at binigyan si Sir hugo ng hardhat, binigay niya sa akin ang isa for safety, baka mabagsakan tayo ng hollow-blocks 'yun pa ang ikakamatay natin ng maaga. "Good afternoon Engineer," bati ng mga karpentero na dinadaanan namin. "Ah, Sir dito na lang po ako, wala naman akong gagawin doon." Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. tumingin siya sa paligid pagkatapos ay sa akin. "Are you sure?" Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Ayus lang ako dito Sir saka wala rin akong ambag doon." Tinignan niya ako ng ilang saglit bago tumango sa lalaking kasama niya at pumasok sa loob ng hindi pa tapos na hospital. Luminga naman ako sa paligid, at naglakad ng ilan pang metro ag medyo malayo na sa building, may nakita akong malaking puno at may bermudagrass sa paligid nito, pumunta ako doon at umupo sa ilalim ng puno. "Hay! Peaceful!" Wala sa sarili kong sabi at pinikit ang mga mata. Naalala ko ang pag-amin ko kay Sir kanina na gusto ko siya, ngumiwi ako at nasampal ko ang sarili ko dahil hindi ako nag-isip kanina! Napaamin ako bigla! Ano na lang kaya ang sasabihin ni Sir? Ano kaya ang iisipin niya?! May naramdaman akong kamay na humaplos sa binti ko, kinalibutan ako at mabilis na binuka ang mga mata. "S-sino ka po?!" Gulat kong sigaw ng makita ang isang lalaki sa paanan ko. "Ang ganda mo hija, secretary ka ba ni Sir Hugo o shuta?" Nakakakilabot ng ngiti niya. Tumayo ako pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at tumawa, kinabahan na ako, hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko. "Saan ka pupunta? Ha? Dito ka lang magpakasaya tayo." Nanindig ang balahibo ko sa katawan ng dilaan niya ang labi niya at humakbang palapit sa akin. Bumilis ang pintig ng puso ko sa takot at nanginig na rin ako. Nangilid na ang luha ko, gusto ko ng umalis dito! Natatakot na ako! "Bitawan mo ako! Bastos! r****t!" Sigaw ko at buong lakas siyang tinulak, napaatras siya kaya nakatakbo ako palayo sa kanya pero mabilis niya akong nahila pabalik. Tumawa siya at binalik ako sa pagkasandal sa puno. Naiiyak na ako, tanging si Sir Hugo lang ang nasa isip ko. "Manong! Wag! Bastos! r****t! Tulong!" Sigaw ko at pinagsisipa siya, dahil nakikita ko ito minsan sa mga teleserye, inangat ko ang tuhod ko at tinuhod ang alaga niya. "Ahh!" Napasigaw siya sa sakit at namimilipit pa siya. Sinipa ko siya kaya napahiga siya sa lupa habang hawak ang alaga niya. Hindi na ako nagtagal doon, tumakbo na ako pabalik sa building, nagsisisi ako kung bakit lumayo pa ako. Si Sir Hugo ang una kong nakikita, may sinasabi siya sa mga tauhan niya at parang may pinapagawa siya dahil may tinuturo siyang direksyon. Tumulo na ang luha ko at nanginig ang labi ko, mabilis akong tumakbo palapit sa kanya. Lumaki ang mata niya ng makita ako at mabilis ring tumakbo palapit sa akin. Ang mata niya ay puno ng pag-alala at galit, halo halo hindi ko na maipaliwanag. Niyakap ko siya ng mahigpit at humagulgul sa dibdib niya. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at ang paghaplos niya sa buhok ko. "What happen to you, Lhorain?" Nag-aalala niyang tanong pero hindi ako makapagsalita dahil sa takot, tinignan ko siya sandali pero hindi ko siya nakikita ng maayos dahil malabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang bumabara sa mata ko. Niyakap ko na lang siya ulit at sinubsub ang mukha ko sa dibdib niya at patuloy parin ako sa pag-iiyak. "Shh...tahan na Lhorain, I'm here..." Naramdaman niya ata ang takot at panginginig ko dahil hinigpitan pa niya lalo ang pagkayakap sa akin. Sa pagkakataong ito, kaligtasan ang naramdaman ko sa mga yakap niya, pakiramdam ko ay safe na safe ako sa kanya. "Shhh, nandito lang ako, wag kang matakot..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD