ELEVEN

2245 Words
"Anak kumusta ka na d'yan?" Nag-alalang tanong ni mama. "Ayus naman po ako dito ma, saka na promote ako bilang secretary ng CEO namin." Narinig ko ang pagpalakpak at ang pag hiyaw ni mama at papa. Napangiti na lang ako, miss ko na sila. "Masaya kami para sayo anak!" Si papa naman ang nagsalita. "Tasio, wag kang mang-agaw ng selpon!" "Eto naman mahal ko, galit agad? Gusto ko lang kausapin ang anak natin eh." Nag-away pa si mama at papa sa kabilang linya. Nakikinig lang ako sa kanila hindi ko pinatay ang tawag dahil miss na miss ko na ang marinig ang bangayan nilang dalawa. "Hay naku Tasio! Mag luto ka na doon at ibaba ko na ang tawag para maka balik na sa trabaho si Lhorain." "Ikaw naman kasi mahal, ginambala mo pa." Ngumiti ako, "sige po ma, pa, ibaba ko na ang tawag dahil may meeting pa ang boss ko" "O siya, sige na ibaba ko na rin to kasi maglalaba pa ako sa mga damit namin dito." "Bye po, ingat kayo." Pagkatapos non ay binaba ko na ang tawag at sumandal sa upuan ko. Huminga ako ng malalim, kahapin lang 'yun nangyari sa akin na muntik na akong magahasa sa isa sa mga trabahador ni Sir Hugo. Sa isip ko non parang wala na akong pag-asang makatakas pa sa kanya, dahil sa ingay ng mga makina na nandoon malabong marinig pa ako ni Sir Hugo saka malayo ang narating ko mula sa hospital na 'yun. Takot na takot ako at tanging si Sir Hugo ang pumasok sa isipan ko, buti na lang ay nakatakas ako sa bastos na 'yun. Hindi ko na talaga alam kong ano ang gagawin ko. "Are you okay?" Binuka ko ang mga mata ko at diretsong tumama ang paningin ko kay Sir Hugo na nakatayo sa harap ng mesa ko. "Sir! Aalis na po ba tayo?" Tumayo ako at kinolekta na ang mga gamit na kailangan kong dalhin. "Maiwan ka na dito kung pagod ka at hindi mo kaya." Umiling ako at nagpatuloy sa pagliligpit. "Ayos na po ako saka sabi mo sa akin na senesesante mo na ang bastos na na 'yun kaya ayos lang." Humarap ako sa kanya at ngumiti para ipakitang ayus lang ako. Titig na titig siya sa akin na para bang tinitimbang ang reaksyon ko. Mas lalo akong ngumiti sa kanya. Kahapon kasi pagkauwi namin galing sa Laguna ay agad niyang sinabi sa akin na wag na raw akong sumama sa kanya sa susunod dahil hindi daw niya alam kong anong magagawa niya kapag nangyari ulit 'yun. Hindi na rin ako sumama sa party na sinasabi ni Sir Hugo sa akin. "You stay here, ako na ang pupunta doon." Ma awtoridad niyang sambit pero hindi ako natinag. "Ano ka ba naman Sir Hugo, hindi pa nga 'yun nawawala sa isipan ko pero hindi naman pwedeng iwan kita hindi ba?" Nagkatitigan kami ng ilang segundo pero una siyang nag-iwas. Malapad akong ngumiti at nauna nang sumakay sa elevator. Umiling na lang siya ag sumunod sa akin. "Siya nga pala anong ginawa mo sa trabahador na 'yun?" Kuryuso kong tanong. Lumingon siya sa akin sandali pero agad ring binalik ang tingin sa harap. "Hindi mo na kailangang malaman pa 'yun." Ngumuso ako at sumandal sa pader. Pinapapasok niya kasi ako kahapon sa kotse niya habang siya naman ay may pinuntahan pa, ilang minuto rin siyang nawala bago bumalik. "Bakit naman hindi? Ano bang ginawa mo sa kanya? Ha?" Buong katawan ko siyang hinarap ag humalukipkip. Sumulyap siya sa akin, "wag mo ng alamin." Magsasalit pa sana ako pero lumabas na siya sa elevator. Mas lalong humaba ang nguso ko at pinili na lang na manahimik at sumakay na sa harap baka kasi sasabihan na naman niya ako na "bakit ka d'yan sa likod uupo? Driver mo ba ako?" Nakakainis talaga siya, umupo nga lang ako sa likod driver na ang tingin niya sa sarili niya? Tahimik ulit kami sa mga nakaraang minuto pero napasimangot ako ng matanaw ang fast food na binilhan namin kahapon. "Wag ka na lang bumili ng pagkain! Paglulutuan kita basta wag kang bumili d'yan!" Nakasimangot kong sabi, lumingon siya sa akin na may amusement na ngiti sa labi. Tumaas ang kilay niya at sumulyap siya sa fast food. "Why? Mas madali kong bibili na lang tayo—" Inis ko siyang nilingon, talagang gusto niya na makita ulit ang babaeng 'yun na waley kong bumanat. "Paglulutuan na nga kita eh, wag lang tayo bumili d'yan." Giit ko. Ngayon nakikita ko na ang ngisi niya na ngayon ko lang din nasilayan. "Okay, sabi mo eh, pero mas mabilis kong bibili na lang—" "Gusto mo lang ata makita ang babaeng 'yun eh! Aminin mo! Crush mo 'yun? Sus, mas maganda pa ako non eh." Inis na inis na talaga ako, pwede namang lutuan ko syia 'di ba? Bakit kailangan niya pang bumili doon aa fast food na 'yun? Nakasimangot lang ako hanggang sa makarating kami sa pinagtayuan ng hospital. Lumabas ako sa kotse, "saan ba dito ang kusina ah? Para maipagluto na kita." Humarap siya sa akin, "ihahatid na kita doon." Sabi niya, umiwas siyang ng tingin pero nakanguso siya na para bang pinipilit na wag ngumiti. "Good morning, engineer!" Bati ng mga trabahador niya. Lumapit ako kay Hugo at kinalma ang sarili. Kinakabahan pa rin ako at natatakot na baka mangyari ulit 'yun sa akin. Hinatid ako ni Hugo sa isang bahay na malapit lang sa hospital. "Sigurado ka bang gusto mo dito? Pwede kitang isama sa loob, Lhorain." Hinarap ko siya pagkatapos kong ilapag sa mesa ang mga gamit ko. "Ipag luluto nga kita 'di ba? Kaya maiwan na ako dito." Lumapit kaagad ako sa kusina at hinanda na ang kailangang sangkap para sa lulutuin ko. "Okay, babalik kaagad ako." Sabi niya. Tumango ako at hindi na siya nilingon pa. Tinuon ko na ang atensyon ko sa pagluluto. Alam kong matatagalan pa siya bago makabalik dito kaya dalawang putahe ang niluto ko. Nagsaing na rin ako na kasya lang sa aming dalawa. Pagkatapos kong magluto ay nilapag ko na ang mga bowl sa mesa na pabilog, naglagay na rin ako ng dalawang plato at kubyertos. Handa na ang lahat, eksakto namang bumukas ang pintuan at pumasok siya. Pawisan siya, tinanggal niya ang hardhat niya at nilapag niya ito sa upuan. "Ayan na po Sir! Kumain ka na, sinarapan ko talaga 'yan para hindi ka na bumili sa pangit na fast food na 'yun." Pagbungad ko sa kanya. Tumingin siya sa mga pagkain na nasa mesa at nagtaas ng kilay, kumuha siya at tinikman ang isang ulam na niluto ko. "Not bad," sinimangotan ko siya, naupo na lang ako at naglagay ng kanin sa plato ko. "Masarap naman talaga 'yan mas masarap pa sa fast food na 'yun." Bulong bulong ko pero narinig niya ata dahil tumawa siya. Ang tawa na nagpatulala sa akin ng ilang sandali. Napaka manly ng tawa niya at talagang nanatili ito sa tenga ko. Kumurap kurap ako at pinilig ang ulo. Umupo rin siya sa tapat ko at nilagyan na rin niya ang sa kanya. "Siya nga pala Sir—" "Did I tell you to call me by my name? Didn't I?" Umiwas ako ng tingin at tumikhim. Umayos ako ng upo at hinarap siya ulit. "Nakakahiya naman na tawagin kita sa pangalan mo pero ikaw na ang nagsabi nun kaya okay." Nagkibit balikat ako at sumubo ng kanin. "Ilang taon ka na pala Sir—i mean Hugo?" Napatingin ako sa labi niya ng punasan niya ito. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. "I'm 25 years old." Napanganga ako sa sinabi niya at muntik pang mabilaukan sa sarili kong laway. "Totoo?! 25 ka na? As in bente singko?" Siga ko. Hindi ako makapaniwala na 25 na siya kasi sa paningin ko parang 20 pa lang siya, matangkad nga siya pero mukha pa siyang bata. "Yes, why?" Kunot noo niyang tanong at nagpatuloy sa pagkain. Tumingala ako at nagbilang sa kamay ko. "What are you doing?" Lumingon ako sa kanya, pinapanood pala niya ang ginagawa ko. "Ang tanda mo na pala no?" Tumaas ang kilay niya at sumandal sa upuan niya. "Hindi pa matanda ang 25." Giit niya. "Aminim mo na na matanda ka na talaga." Napangisi ako ng makitang nagsalubong ang kilay niya. "Ano ang binibilang mo?" Tanong naman niya. "Kung ilan ang gap natin," sabi ko, tumitig siya sa akin, nag-iwas naman ako dahil ang titig niya ay tagos sa kaluluwa ko. "Grabe 6 years pala ang tanda mo sa akin no?" Siya naman ngayon ang nagulat sa sinabi ko. "19 pa ako Sir—este Hugo. 19 pa ako no!" "You're just 19 years old?! Nagtatrabaho ka na? What about your study?" Napait akong ngumiti sa kanya. "Hindi ako nagcollege dahil mahirap lang kami at wala akong pambayad sa tuition ng eskwelahan kaya tumigil ako at tumulong na lang sa magulang ko." Nakangiti kong sabi. Titig na titig naman siya sa akin. Nginitian ko siya at nagpatuloy sa pagkain. Nanghugas ako ng plato pagkatapos naming kumain, habang si Hugo naman ay nakaupo lang doon sa sofa, gusto sana niyang siya na ang manghugas ng mga pinggan pero pinilit ko siya na ako na lang kaya wala na rin siyang nagawa. "Babalik ka ba ulit doon sa hospital?" Tanong ko sa kanya pagkatapos kong manghugas at nagpunas ng kamay. Lumingon siya sa akin, "Gusto mong sumama?" Tanong niya. "Oo, pwede ba?" Tumayo siya at kinuha ang hardhat at siya mismo ang naglaga non sa ulo ko. Napatitig ako sa kanya ng ilang sandali, kumalabog ang puso ko na parang baliw na baliw, kinalma ko ang puso ko dahil baka marinig niya ang puso kong maingay. Nagkatitigan kami sandali, umayo siya ng tayo at nilagay ang kamay niya sa bulsa ng itim niyang slacks. "Paano ang sayo?" Sabi ko sabay turo sa hardhat. "Kukuha na lang ako doon at wag mo 'yang tanggalin." Paalala niya sa akin bago kami lumabas sa bahay na 'yun at sabay na pumunta sa hospital. Malapit na siguro tong matapos dahil sa second floor na sila, ewan ko lang kong hanggang third floor ba ang hospital na to o mas malaki pa sa iniisip ko. "Kailan to matatapos?" Tanong ko sa kanya habang nagsusuot siya ng hardhat. "Matagal pa." Sagot niya at sabay ulit kaming pumasok. "Good afternoon, engineer!" Bati sa kanya ng iilan. Talagang respetado siya ng mga trabahador dito. "Good afternoon mang Ernesto." Bati pabalik ni Hugo, napangiti na lang ako at tumingin doon kay manong Ernesto. "Magandang hapon po!" Bati ko sa kanila, ngumiti sila pabalik sa akin. "Dito ka lang muna," lumingon ako kay Hugo at tumango sa kanya. "Okay." Sagot ko at lumingon sa paligid. "Manong may tanong po ako." Sabi ko at lumapit kay Manong Ernesto. "Ikaw pala 'yung dinala ni Engineer dito kahapon." Nakangiti niyang sabi, tumango ako at ngumiti. Kahit kinakabahan at natatakot pa rin ako pinilit ko ang sarili ko na wa matakot. "Oo po, ako nga po 'yun." "Siya nga pala hija, kumusta ka na? Pasensya na sa ginawa ng katrabaho ko sayo kahapon, walang hiya talaga si Jun puro libog ang iniisip." Umiiling si manong na parang desmayado sa ginawa ng kasamahan niya. "'Yan nga po ang tanon ko sa inyo manong, ano pala ang nangyari doon sa lalaki?" Tanong ko. "Naku! Sinuntok lang naman siya ni Engineer! Galit nga galit nga si Engineer eh! Buti nga 'yun sa kanya kung hindi lang napigilan si Engineer kahapon baka napatay na si Jun!" Nasapo ko ang bibig ko dahil sa sinabi ni Manong, hindi ako makapaniwal na nagawa 'yun ni Hugo kahapon. "Talaga ginawa niya 'yun?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Tumango-tango siya. "Yes ma'am! Ginawa talaga 'yun ni Sir para sayo! Galit na galit siya sa ginawa ni Jun sayo ma'am!" Natulala na lang ako habang hinihintay si Hugo na bumalik. Hindi pa rin ako makapaniwala na sinuntok niya ang lalaking 'yun dahil sa akin. Napahawak ako sa puso ko dahil kumalabog ito ng malakas, pumikit ako ng mariin at kinalma ang puso ko. "Are you okay?" Nagmulat kaagad ako at tumingin kay Hugo. Tinignan niya ako gamit ang nag-alala niyang mga mata. Napangiti na lang ako, parang gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. "Aalis na ba tayo?" Tanong ko sa kanya, tinitigan niya lang ako na para bang tinitimbang ang reaksyon ko. Ngumiti pa lalo ako, "ayus lang ako." Sa simpleng ginagawa mo Hugo, mas lalo akong nagkakagusto sayo. Sinabi ko na na hindi na kita pwedeng magustuhan dahil sa estado natin pero ito ako bumabalik sayo. Kinuha ko muna ang mga gamit namin sa bahay na pinaglutuan ko kanina bago kami umalis doon at umuwi na. Habang bumabyahe kami may nakikita akong mga college student na masayang naglalakad sa gilid ng daan. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanila. Siguro masarap kapag talaga natapos mo ang pag-aaral mo no? Kasi may maipagmamalaki ka at mararating mo ang pangarap mo. "Gusto mong bumalik sa pag-aaral?" Tanong ni Hugo. Bumaling ako sa kanya at ngumiti. "Oo gusto ko pero kailangan kong tumigil dahil mahirap lang at walang pera." Umiwas siya ng tingin sa akin at tinuon ang atensyon sa daan. "Masaya kaya mag-aral! Mas lalong dadami ang natutunan mo! May ipagmamalaki ka sa mga tao!" Malapad akong ngumiti at tumingin sa kanya. Tumingin din siya sa akin at ngumiti pabalik. Isang ngiti na nagpatibok sa puso kong baliw na baliw na sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD