"Palagi na kayong nagkakasama ni Sir Hugo ah! Ano? Hindi ka pa rin ba lumalandi?" Si Jaime at siniko ako, nandito kami sa labas ng Lardizabal Engineering & Achitect.
Sa isang karenderya kami kumain para layo sa mga tsismosa doon sa building. Kahit saan ka kasi pumunta doon at kahit mahina ang boses mo naririnig pa rin nila kasi nga mga tsismosa.
"Hindi ko na nga siya lalandiin 'di ba?" Giit ko at inirapan siya.
"At bakit naman aber?" Aniya.
"Eh kasi sabi mo nga na mahirap 'yun abutin saka girlfriend niya at 'yung si Maria Lucia na sikat raw na model."
Tinitigan niya ako at siniko ulit. "Sus! Hindi pa naman kasal kaya ayus pa! Landiin mo na habang hindi pa tali!"
Huminga ako ng malalim az hinarap na siya. "Alam mo demonyo ka talaga eh, ikaw 'yung ahas na gustong gusto akong pakainin ng prutas na pinagbabawal! Naku! Ikaw bakla ka ha, sinasabi ko sayo na hindi ko talaga 'yun lalandiin dahil sa pera o ano man hindi ko rin 'yun gusto!"
Siya naman ngayon ang napangiwi sa haba ng sinabi ko, sinapo niya ang puso niya na parang nasasaktan.
"Grabe, demonyo agad? Hindi pwedeng chini-cheer lang kita?"
Ewan ko sa baklang to, mas inuna pa ang love life ko kesa sa love life niyang hindi pa talaga nagagalaw. Ewan ko nga kong nilalandi ba nito si James o hindi.
"Wag mo ng alalahanin ang love life ko ha? Asikasuhin mo 'yang sayo, hindi mo pa ginagalaw ang baso. Anong balita kay James?"
Humalukipkip siya at siminsim sa coke niya. Itong bakla tong talaga siya pa tong nagsasabing lalandi na pero siya naman pala ang hindi pa nilandi ang crush niya.
"Ikaw naman ang crush non!"
Ngumuso ako at sinapak siya. "Kaya nga landiin mo 'di ba?"
"Ewan ko na lang, Lhorain sa tuwing lumalapit ako sa kanya palaging ikaw ang hinahanap! 'Nasaan si Lhorain?' 'Kasama mo ba si Lhorain, Jaime?' 'Kumain na ba si Lhorain?' 'Sinong crush ni Lhorain? Si Sir Hugo pa rin ba?' 'Kumusta si Lhorain?'." Umirap siya at tinalikoran ako.
Nagseselos talaga ang baklang to, ngumisi ako at lumapit sa kanya pero sa tuwing hinahanap ko ang mata niya ay umiiwas lang siya lalo.
"Hindi na ako magtataka kong gusto ako ni James, maganda ako, sexy, may utak, ako 'yung tipo ng babae na agad agad na magugustuhan ng isang lalaki sa unang tingin lang at higit sa lahat babae ako kaya magugustuhan niya ako." Sabi ko.
Nabatukan niya ako at mas lalo siyang napasimangot.
"Bakit si Sir Hugo isang tingin sayo bakit hindi siya nagkagusto sayo ha?"
At talagang baklang to may sagot sa lahat.
"Eh kasi siya 'yung taong maiinlove sa akin ng dahan dahan." Nakangiti kong sabi na ikinairap niya.
Tinawanan ko na lang ang reaksyon niya. Pagkatapos naming kumain ay pumasok ulit kami sa building. Unang lumabas si Jaime sa elevator dahil nasa 14th floor lang siya.
Bumukas naman ang elevator pagdating sa 15floor. Laking gulat ko ng makita si Hector, halatang nagulat din siya ng makita ako pero agad ding ngumiti at pumasok.
"Finally, makikita na rin kitang magtatrabaho bilang secretary ng kapatid ko." Nakangiti niyang sambit.
Ngumiti rin ako pabalik sa kanya. Ilang sandali pa ay nagsalita siya ulit.
"Siya nga pala, kumusta ang maging sekretarya ng kapatid ko? Pinapahirapan ka ba niya?" Tanong niya.
Hindi ko na kailangang pag-isipan pa ang sasabihin ko, lumingon ako sa kanya at ngumiti. "Hindi naman mahirap, sa totoo lang mas magaan pa nga ang trabaho ko ngayon eh kesa sa janitress saka hindi naman niya ako pinahirapan."
Tumango tango siya at napangiti na rin. "Good, mukhang mabait naman ang kapatid ko sayo."
Ngumiti na lang ulit ako at hindi na sumagot. Tumunog ang elevator at sabay kaming lumabas ni Hector.
"Sa baba ka rin ba kakain next time?" Tanong niya, bumaling naman ako sa kanya at kinuha ang ipad sa mesa ko.
"Depende eh, bakit?"
Ngumiti lang siya at umiling, "wala lang, gusto ko sanang sumabay sayo sa pagkain...ayus lang ba?"
Nagkibit lang ako ng balikat at ngumiti. "Syempre naman! Bakit hindi?" Tumawa ako at ganun rin siya, sabay naman kaming pumunta sa opisina ni Hugo.
Hindi na siya kumatok, diretso na niya g binuksan ang pintuan at pumasok, binuksan ng malaki ni Hector ang pintuan at imenulesya sa akin ang loob.
"Salamat, Hector." Ngumiti lang siya at yumuko ng bahagya na para bang isang prensepe at kaharap niya ay isang prensesa.
Lumapit ako kay Sir at pagtingin ko sa kanya nakatitig pala siya sa akin habang nakataas ang kilay niya. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.
"Uh, Sir personal ko na pong sasabihin sa inyo na may lakad kayo papunta sa France bukas para sa isang Gala event na dadaluhan niyo at pagkatapos po ng Gala ay may meeting po kayo sa Hawaii with the CEO and president of Thunberg interprice. Hindi pa po d'yan nagtatapos ang schedule niyo dahil sa susunod na araw ay may party ka pong dadaluhan sa Thailand para sa itatayong tower doon at isa ka po sa mga engineer na imbitado at panghuli po ay may trabaho po kayo sa Guam at kailangan niyo po 'yung tutukan dahil isa po 'yung napakalaking proyekto."
Pagkatapos kong sabihin lahat 'yun ay nag-angat ako ng tingin kay Hugo, nakatitig lang siya sa akin at hindi pa rin nagbago ang reaksyon sa mukha niya.
Lumapit si Hector at tinukod ang kamay niya sa mesa ni Hugo.
"Napaka busy mo pala simula bukas Hugo." Bumaling si Hugo sa kuya niya, "Yes, kuya and I can handle it." Ani Hugo.
Ngumiti ng napakalaki si Hector at tinapik ang balikat ng kapatid. "I know you can to it brother. Our family trusted you so don't dissapoint them."
Tinitigan lang ni Hugo ang kapatid niya ng ilang sandali sa huli ay nagkibit lang ito ng balikat at lumingon muli sa akin.
"May pag-uusapan tayo, Lhorain," malamig niyang sabi. Napakurap kurap ako, "A-ah okay, ano ang pag—"
"Let's talk privately," pagkatapos ay bumaling siya sa kuya niya. "Kuya, iwan niyo muna kami dahil may mahalaga lang akong sasabihin sa secretary ko." Sabi niya sa kuya niya na ikinibit balikat lang ni Hector.
Ngumiti si Hector at pumunta na sa pintuan. "Okay, aalis din na naman ako, bye Lhorain, sabay tayong kumain sa susunod ha? Gaya ng sinabi mo."
Ngumiti lang ako at tumango, hindi ko na siya sinagot at hinintay ko na lang na makalabas siya ng tuluyan bago humarap kay Hugo na nagtiim bagang.
"So, may gusto ka sa kuya ko?" Masungit niyang tanong, inirapan ko siya at umupo sa upuang nasa tapat lang ng mesa niya.
"Hindi no! Kaibigan ko lang ang tingin ko sa kuya mo." Giit ko naman.
Tumaas pa lalo at kilay niya at lumiit ang mata niya parang tinitimbang ang sinabi ko.
"Really huh? Bakit ang laki ng ngiti mo sa kanya? Tapos sabay pa kayong kumain? Kailan bukas?" Sunod sunod niyang tanong.
Kumunot naman ang noo ko at ngumiwi. Kailan pa naging tsismoso ang isang Hugo Lardizabal?
"Hindi nga! Saka hindi ko rin alam kong kaylan kami kakain, bakit gusto mong sumabay?" Tanong ko sa kanya pero ngumiwi lang siya.
"Nah, date niyo 'yan ng kapatid ko kaya kayo na lang."
Ako naman ngayon ang napangiwi. Bakit naisip niyang magdedate kami ni Hecto? Sabay lang na kumain nagdate kaagad?
"Date kaagad? Magsasabay lang kumain date agad?"
Tumingin ang malalim niyang mata sa akin. "Yes, hindi ba date ang tawag don?" Nagtaas siya ng kilay.
"Edi date na rin ang tawag doon sa pagsabay nating kumain noong pumunta tayo sa Laguna? Ha?" Paghamon ko sa kanya.
Tumitig siya sa akin, ngayon pinagsisihan ko kung bakit ko pa sinabi sa kanya 'yun.
Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim. "S-Syempre hindi 'yun date! Date ba 'yung nasa loob lang ng bahay ba 'yun o ipisina? Ang date kasi sa ibang lugar! Sa magagandang lugar! Hindi sa canteen at sa karenderya!" Mabilis akong agap, pinaypayan ko ang sarili ko kahit may aircon naman dito sa opisina niya.
"Ano nga pala ang sasabihin mo sa akin?" Pag-iiba ko ng tanong.
Tumikhin siya at pinagsalikop ang mga daliri at tinukod ang siko sa mesa. "Inenrolled kita sa isang university."
"Ano?!" Napatayo ako dahil sa gulat.
"You heard it right? Hindi ka naman siguro binge."
"Hugo! Hindi ako nagbibiro! Inenrolled mo talaga ako sa isang unibersidad?! Wala akong pera pambayad sa tuition nila! Wala pa akong sapat na pera! Oo! Gusto kong magtapos sa pag-aaral pero hindi pa ngayon, magtatrabaho muna ako para kumita ng pera!" Sigaw ko.
Hiningal ako pagkatapos kong sabihin lahat 'yun pero siya nakatitig lang sa akin.
"Ako ang magbabayad ng tuition mo at lahat ng kailangan mo sa paaralan. Ako na bibili sayo ng gamit mo at mga kailanganin mo." Dire-diretso niyang sabi.
Literal na napanganga ako sa sinabi niya at natulala sa kanya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko lang ang sarili ko.
"Alam mo ba? Gawain 'yan ng mga sugar daddy!" Nakangisi kong sambit, kumunot naman ang noo niya.
"Pwede na rin dahil anim na taon ang tanda mo sa akin, saka matanda ka na kaya pasado ka sa sugar daddy. Ayus ka rin maging sugar daddy no? Pinapaaral mo ang sugar baby mo." Pagkatapos kong sabihin 'yun ay tumawa ako ng malakas. Hindi ko na kaya, hindi ko na mapigilan ang tawa ko. Naluluha na nga rin ako eh kakatawa.
"I'm too young to be your sugar daddy," sambit niya at umayos ng pagkasandal.
"Anong young? Matanda ka na oi!" Giit ko, tumaas lang ang kilay niya.
"Hi, my sugar daddy! I'm your sugar baby rawr!" Tumawa ako ng malakas at napahawak sa tyan ko dahil sumakit na ito kakatawa.
"I'm serious, Lhorain." Ma awtoridad niyang sambit na nagpatigil sa akin sa pagtawa.
"I want you to continue your study while you're working at my company as my secretary," tumayo siya at naglakad palapit sa akin, hindi naman ako makatayo sa kinauupuan ko, sumandal ako ng maayos sa upuan ko ng mas lalo siyang lumapit sa akin.
Yumuko siya at pinantay ang mukha sa mukha kong pinagpawisan na kahit malakas ang aircon.
"I can be your sugar daddy if that what you want, my sugar baby." Tumaas ang sulok sa labi niya habang titig na titig sa mga mata ko.
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Ang puso! Ang puso ko, nababaliw na! Hindi na siya matigil sa pagtibok ng malakas! Naririnig ko na ang sarili kong puso, sinasambit palagi ang pangalan ni Hugo!
Hu-go! Hu-go! Hu-go!
Baliw na ako! Baliw na ako at ang puso ko! Ang lapit niya kaya amoy na amoy ko ang hininga niya sa tuwing humihinga siya at ang panbango niyang sumakop sa ilong ko.
"J-joke lang eh! J-joke lang 'yun!" Nauutal kong sabi, mas lalo pa niyang nilapit ang mukha sa akin, tudo iwas naman ako ng tingin kahit sinusundan niya ang mata ko.
"Hmm, do you want to continue your study, my sugar baby?" Namamaos niyang tanong. Pumikit ako ng mariin at napalunok ulit ng lawag.
"Y-Yes, sugar daddy—este Hugo!"
Gusto kong iuntog ang ulo ko sa mesa dahil sa kahihiyan. Napapikit na lang ako at kinagat ang labi ko.
Narinig ko ang manly niyang tawa kaya binuka ko ang mata ko, nakalayo na pala siya sa akin at nakatayo sa harapan ko habang nasa loob ng bulsa ang dalawa niyang kamay.
Kinagat niya ang labi niya at dinilaan ito. Nag-iwas naman ako ng tingin at napalunok ulit.
"Pupunta tayong mall ngayon para bilhan ka ng mga gamit, ako na lahat ang gagasto, ipadala mo na lang 'yang pera mo sa mga magulang mo at wag mo na ring isipin ang mga babayarin mo sa unibersidad dahil nabayaran ko na lahat 'yun." Mahaba niyang sabi.
Bumuntong hininga na lang ako at pinilit ang sarili ko na wag ng magsalita baka kung ano na naman ang lumabas sa bibig ko na ikakahiya ko lang.
Sugar daddy talaga ang dating niya.