THIRTEEN

2336 Words
"Hindi na kailangan 'yan," kinuha ko kay Hugo ang isang mamahaling bag at binalik ulit ito sa lalagyan. "Why? You need bag—" inirapan ko siya at agad nang hinila palayo doon. "Oo, need ko ng bag pero hindi naman ganun ka mahal! Subrang mahal nun! Talagang kina career mo ang pagiging sugar daddy mo! Boss kita ah, boss!" Kanina pagkatapos ng meeting niya ay agad kaming pumunta sa mall, ayaw ko sanang pumayag kaso nagpumilit siya, nagtaka na nga ako dahil biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Nagbago nga ba? Minsan masungit pa rin pero hindi na katulad noong una naming pagkikita. "But—" Inirapan ko siya, "hindi na lang ako mag-aaral kung magpupumilit kang bilhin 'yun, alam mo kasi marami ka ng nagawa sa akin, pinapaaral mo ako tapos ikaw pa ang gumasto sa mga gamit ko, nagtataka ako bakit mo ito ginagawa, hmm?" Tumitig siya sandali sa akin bago umiwas ng tingin at pinasok ang kamay sa dalawang bulsa niya. Sa huli napabuntong hininga na lang siya. "Fine," Pumunta ako sa counter para magbayad na sa mga binili ni Hugo. "I-Ito lang po ba lahat miss?" Nagtataka ako kung bakit nauutal ang cashier, tinignan ko siya pero ang tingin naman niya ay nasa likod ko. Gumalaw ata lahat ng ugat ko sa katawan, ito talaga ang pinakaiinis ko sa lahat! ako 'yung nandito sa harap pero sa iba nakatingin! Ang lalandi talaga ng mga cashier na to! "Ah miss, pakibilisan kasi may lakad pa ang boss ko eh." Bumaling naman siya sa akin, mukhang nasiyahan pa siya sa sinabi ko. "B-boss mo lang siya miss? As in boss?" Paninigurado niya, umirap ako sa kawalan. "Oo nga! Kaya bilisan mo na d'yan!" Inis kong sinulyapan si Hugo na may kinulikot sa cellphone niya. "Akala ko kayo! Mabuti na lang hindi kayo!" Masaya niyang tili, napabaling tuloy ang ibang cashier at ang mga namimili. "Hay! Bakit ba ako naniwala na kayo? Ang gwapo ng boss mo imposibleng maging kayo." Hindi na mahitsura ang mukha ko, inis na inis na ako sa babaeng to. "Bakit? Tingin mo ikaw may pag-asa sa boss ko ha?" Masungit kong sambit na ikinawala ng ngiti niya at ngumiwi. "I-Ito na po, miss." Binigay na niya sa akin ang mga pinamili namin. Tumalikod na ako at lumapit kay Hugo, hinila ko na siya palayo doon baka pagkaguluhan pa siya ng mga taong narito. Nakaka attract talaga siya ng mga tao kahit wala siyang ginagawa at lumakad lang na isa ring normal na tao, nililingon siya ng mga tao at namamangha na para bang isa siyang angel. "Uuwi na po ako, Sir. May pupuntahan ka pa mamaya at bukas na ang alis mo." Binaba niya ang cellphone niya at humarap sa akin. "Kakain muna tayo," Tinuro niya ang isang restaurant sa tapat mismo ng mall. Mukhang mamahalin hindi ko afford ang mga pagkain nila, pero bago pa ako makatanggi ay hinila na niya ako. "Ako na ang magbabayad." Napairap na lang ako sa kawalan. Sabi ko na nga ba na siya talaga ang gagasto sa lahat. Pagpasok namin sa loob ay iginiya kaagad kami ng isa sa mga staff ng restaurant sa mesa. "What's your order sir? Ma'am?" Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa menu dahil si Hugo na ang pumili sa kakainin namin, pagkatapos niyang mag-order ay umalis na ang waiter. Sumandal siya sa upuan, humalukipkip at tumingin sa akin. "Next week na ang start ng klase mo, dahil wala ako niyan, wala akong ibibigay na trabaho sayo—" pinigilan ko na siya. "Gusto ko pa ring magtrabaho no! Mag-iwan ka ng trabaho para sa akin para naman may pagkaabalahan pa ako." "Tutokan mo ang pag-aaral mo, you wan't to finish your study right?" Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Gusto kong matapos sa pag-aaral pero hindi naman ibig sabihin non na iiwan ko na rin ang trabaho ko. "Magtatrabaho pa rin ako bilang kabayaran sa tulong mo. Binilhan mo na ako ng gamit tapos ikaw pa ang nagbayad sa mga bayarin sa paaralan ko. Subra subra na ang tulong na binigay mo sa akin, kaya bilang gante sa ginawa mo magtatrabaho ako sayo. Ayus ba?" Hindi siya nagsalita, tumitig lang siya sa akin kahit nga noong dumating na ang order namin ay nakatitig pa rin siya sa akin. Naiilang na ako, hindi ko mapigilang mamula dahil sa mga titig niya. "Oh, Hugo! You're here..." Humina ang boses niya ng makita ako, hindi na natuloy ang sasabihin ni Lucia. Tumikhim siya at pinilig ang ulo saka bumaling kay Hugo. "What are you doing here, Hugo? Dapat natutulog ka ngayon ng maaga dahil maaga ang alis natin bukas." Hinila niya ang isang upuan sa kabilang lamesa at tinabi ito kay Hugo. "Magkakasama kayo bukas?" Pagsingit ko sa usapan nila. Hindi ko kasi nabasa sa schedule ni Hugo na kasama niyang umalis si Lucia sa lakad niya. Matamis na ngumiti si Lucia sa akin, "Yes, Dear. Sa Hawaii ay magkasama din kami doon, and marami na akong plano sa isip ko kung ano ang gagawin namin ni Hugo doon." Pagkatapos ay bumaling siya kay Hugo. "Sinabi pala ni tita sa akin na iisang kwarto lang ang kukunin natin—" Pinutol ni Hugo ang sasabihin niya, "kukuha ako ng isang kwarto." "Naka book na tayo, Hugo! At hindi naman to first time sa atin 'di ba? Nagsama pa nga tayo sa iisang kwarto noong nagbakasyon tayo sa Mexico! And sa bahay niyo, doon ako natutulog sa kwarto mo, so what's the problem?" Napainom ako ng tubig, hindi ko kinaya mga sinasabi ni Lucia. Nagsama sila sa iisang kwarto? Pinayagan naman sila ng mga magulang nila doon? Ibig sabihin lang non ay may namamagitan sa kanilang dalawa. "Lucia—" "Sasama ka ba miss secretary?" Bumaling siya sa akin, pinakita na naman niya ang napakatamis niyang ngiti. "A-ah h-hindi po ma'am may pasok kasi ako sa lunes." Nauutal kong sambit, mas lalong lumapad ang ngiti niya, nasiyahan sa sinabi ko. "Ow, sayang maganda sana ang Hawaii pero may pasok ka pala." "Kumain ka na, Lhorain." Nag-angat ako ng tingin kay Hugo, nasa akin ang tingin niya at tinaasan niya ako ng kilay. "A-ah...uhm—" "Kumain ka o gusto kong subuan pa kita?" Nabilaukan ako sa sinabi ni Hugo, sa harap pa talaga ni Lucia! Ang matamis ni Lucia ay unti unting nawala, lumingon siya sa akin gamit ang matatalim niyang tingin. "Bakit susubuan mo pa ang secretary mo, Hugo? Hindi siya lumpo, may kamay siya at higit sa lahat kaya niya ang sarili niya." Napayuko ako at kinuha ang kubyerto at nagsimula ng kumain. "By the way, uuwi si tita dito pagka alis natin, siya ang muna ang papalit sayo dito sa kompanya mo. You know, hindi 'yun nagtitiwala sa kakayahan ni kuya Hector." Nagpatuloy sa pagsalita si Lucia at ako naman ay hindi na nag-angat ng tingin pa sa kanila. "Kaya kong hawakan ang kompanya ko kahit nasa ibang bansa ako." Si Hugo sa isang malamig ng tinig. "Ayaw lang kasi ni tita na mabigatan ka pa sa mga problema mo, sasama rin naman si tito eh," ani Lucia. Tinignan ko sila sa gilid ng mata ko. Bumuntong hininga ako at tinapos na lang ang pagkain ko. Ewan ko pero, bigla akong nawalan ng gana sa pagkain. Hindi ko alam kong dahil ba to sa sinabi ni Lucia na magsasama sila sa iisang kwarto lang. It can't be jealousy. Bakit naman ako magseselos? In the first place wala namang kami. Bakit naman ako magseselos kong wala naman akong karapatan sa kanya. Baliw talaga ang puso, pipili pa ng taong magustuhan 'yun pa sa malabong mapa sa akin at malabong magustuhan ako pabalik. "Masungit si tita at hindi gusto ang mga taong palpak kong magtrabaho, ayaw niya sa makukupad kumilos at puro na lang dada sa trabaho, kaya Lhorain, mag-ingat ka sa mga kilos mo baka 'yan pa ang ikapahamak sayo." Nag-angat ako ng tingin kay Lucia, bumalik ulit ang ngiti niya, pero ngiting kakaiba. "Ayaw niya rin sa mga empleyadong puro landi ang iniisip. Naku! 'Yan ang pinaka hate ni tita! Noong nakaraang taon nga noong bumalik siya sa kompanya, sinesesante niya ang secretary ni Hugo dahil hindi na ito nagtatrabaho, nilalandi na niya ang CEO ng kompanya para kung magtagumpay siyang malandi si Hugo ay yayaman siya kaagad! Ayun! Nasesante, malandi kasi!" Napalunok ako sa haba ng sinabi niya, hindi naman ako natamaan sa sinabi niya eh dahil hindi ko naman nilalandi si Hugo. "H-hindi ko naman po n-nilalandi si Hu—S-sir Hugo, ma'am Lucia." Lumunok ulit ako ng laway ko at binasa ko ang pang-ibabang labi ko dahil natuyo na ito. Tumawa siya at tinapik ang balikat ko, ngumisi na naman siya 'yung ngising may ibang kahulugan. 'Yung ngising hindi na matamis kundi isang ngising nakakatakot. "I know, Lhorain, I know. Hindi ka lalandi sa CEO mo lalo na't may girlfriend na ito." Sumulyap siya kay Hugo, tumingin din ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin na hindi pala siya umiimik o sumasagot man lang sa mga sinasabi ni Lucia. Nakatitig siya sa akin. Ang titig niyang tagos sa aking kaluluwa. Kanina pa ba niya ako tinitigan? Umiwas ako ng tingin at uminom na lang ng tubig. "Gabi na Lhorain, hindi ka pa ba uuwi?" Bumaling ako kay Lucia. Tumingin ako sa labas at nakita kong madilim na nga talaga. Huminga ako ng malalim bago kinuha ang mga pinamili namin kanina pagkatapos ay tumayo na. Hindi ko na tinapunan ng tingin si Hugo, yumuko ako at ginawa ang lahat na hindi siya sulyapan. "Aalis na po ako, magandang gabi sa inyo." Tumalikod na ako at lumabas na sa restaurant. Sa isip ko ay paulit ulit kong sinasambit na sana ay susundan niya ako. Sumikip ang dibdib ko kanina habang nakikinig sa mga sinasabi ni Lucia, sumasakit ang puso ko sa mga kinuwento niyang plano nilang gagawin ni Hugo doon sa Hawaii. Para akong tinusok tusok ng matutulis na bagay, hindi ko dapat to maramdaman eh, hindi dapat ako masaktan sa mga sinasabi ni Lucia pero bakit subrang naapektuhan ako? Bakit subrang naapektuhan ang puso ko? Lalo na doon sa sinabi niyang hindi ko lalandiin si Hugo lalo na't may girlfriend ito. Sila ni Lucia? Tanong ko sa sarili ko. Sila kaya? Matagal na? Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Sa una pa lang talaga ay mali na ang ginawa kong pagpapansin kay Hugo. May girlfriend ito pero nagustuhan ko si Hugo. Bakit hindi matigil ang sakit na naramdaman ko? Ayus na sana kong gusto niya rin ako, may rason ako kung bakit ako masasaktan ng ganito. Pero wala eh. Ako lang ang may naramdaman sa aming dalawa, ako lang tong nasasaktan sa tuwing may kasama siyang iba. Wala akong karapatan sa kanya at bakit pa ako nagdadrama? Pinigilan ko na ang naramdaman ko eh, pinigilan ko pero nitong nakaraan bumalik! Hindi ko pinanindingan ang sinabi kong hindi ko na siya gusto dahil sa totoo, gustong gusto ko siya kaya ako nasasaktan ng ganito. May biglang humawak sa braso ko kaya napalingon ako sa likod at laking gulat ko ng makita si Hugo na seryosong nakatingin sa akin. Nilabanan ko ang titig niya, at doon ko nakitang unti unting nagbago ang emosyon niya, ang mata niyang seryoso kanina ngayon ay naging maamo na. "Ihahatid kita sa inyo," mahina niyang sambit. Bumaka ang bibig ko akmang magsasalita pero nakita ko si Lucia na salubong ang kilay na lumabas sa restaurant. Umiling ako at binawi ang braso ko kay Hugo. "Ayus lang kung hindi mo na ako maihahatid, kaya ko na ang sarili ko—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinawakan niya ang kamay ko at hinila na papunta sa kotse niya. Binuksan niya ang pintuan sa harap ng kotse niya, "Get in," parang may sariling isip ang katawan ko dahil sumunod ito sa sasabihin ni Hugo. Nakita kong humabol sa amin si Lucia at mula sa loob ng sasakyan ay nakita kong may sinabi siya kay Hugo pero hindi siya nito pinansin at pumasok na lang sa driver seat. Tumikhim ako at napalunok, umayos ako ng upo at diretso lang sa harap ang tingin. Pinaharorot na niya ang sasakyan, humabol si Lucia sa sasakyan at sumigaw siya pero hindi namin naririnig ang sinigaw niya dahil tuluyan na kaming nakalayo. Bumuntong hininga na lang ako at napayuko. Katahimikan ang bumalot sa amin. Walang nagtangkang magsalita ni isa. Nagulat ako ng makarating kami sa bahay na tinutuluyan ko, bakit alam niya kong nasaan ako nakatira? Nilingon ko siya, itatanong ko na sana 'yun pero iba ang lumabas na tanong sa bibig ko. "Kasama ba talaga kayo ni Lucia sa lakad mo?" Mahina kong tanong, bumaling ang maamo niyang mukha sa akin. "Yes," Ngumiti ako at tumango, tinanggal ko ang seat belt ko at akmang bubuksan ang pintuan pero bigla niya akong hinila. Nanlaki ang mata ko kasabay sa pagtibok ng puso ko. Ang lakas at ang bilis ng pintig ng puso ko, hindi siya mapakali kahit anong gawin ko. Subrang lapit ni Hugo sa akin, amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga at ang pabango niya. Sa subrang bilis at lakas ng pagtibok ng puso ko, pakiramdam ko ay naririnig niya rin ito. "Ayaw mo ba kaming magsamang dalawa sa iisang kwarto?" Namamaos niyang tanong. Umiwas ako ng tingin pero sinusundan niya ang mata ko hanggang sa nahuli niya ito. Hinawakan niya ang baba ko at inangat para matitigan ko siya. "I-ikaw a-ang magdesisyon niyan h-hindi a-ako..." Kinagat ko ang labi ko, umakyat ata lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa mukha ko ng bumaba ang tingin niya sa labi ko. "Kung ikaw ang tatanongin ko, ayaw mo bang magsama kami sa iisang kwarto?" Bumalik ang namumungay niyang mata sa akin. "H-hindi ko g-gusto, H-Hugo..." Sumilay ang ngiti sa labi niya at ang mata niya ay namungay. "Kung 'yan ang gusto mo, susundin ko..." Tumigil ang mundo ko nang lumapat ang malambot niyang labi sa noo ko. "Good night, Lhorain."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD