Nasa kalagitnaan na ng diskusiyon si Ma’am Liyana, guro namin sa Reading and Writing Skills, nang biglang may isang estudyante ang kumatok sa pinto. Siya si Miss Shakira na presidente ng SSG dito sa University at kasama rin sa Royal Ten.
Halatang galing sa pagtakbo ang babae dahil naghahabol siya ng hininga. Ano kayang sasabihin niya? Napansin ko rin na hindi pumasok si Rave sa aming first and second period. Ano kayang mayro'n?
“Hello, Ma’am Liyana, good morning! Sorry for disturbing your class,” panimula niya habang hinihingal nang bahagya. Saan ba siya galing? Tila kasi napakalayo nang kaniyang tinakbo.
“Yes, hija? Ano 'yon?” tanong ni Ma’am sa dalaga. Napatigil siya sa pagsusulat sa pisara at ipinukol ang kaniyang atensiyon sa babae.
“May I excuse Miss Yumi Perez and Miss Lucy Madrigal, Ma’am? There is an urgent royal hearing to be held at the guidance office and the two ladies are included in the said activity,” Miss Shakira answered, looking straight to Ma’am Liyana's direction, then, she averted her gaze to us. A sudden nervousness crawls in my body. My heart skips a beat. Hearing? For what? And why? Napakapit si Lucy sa isa kong braso. Napatingin ako sa kaniya at ramdam ko ang kaniyang pagkataranta. There’s something off. I smell something bad going to happen.
“Miss Perez and Miss Madrigal, you can go. They are waiting there. But, please make sure to remain calm no matter what the situation is,” mahinahong saad sa amin ni Ma’am. Mukhang may alam na si Ma’am kung para saan ang urgent royal hearing na sinabi ni Miss Shakira kanina at kung bakit kami napasama.
“Yes, maam,” mahinang wika ko sa aming guro at saka yumuko sa kaniya bilang paggalang. Tahimik kaming naglakad ni Lucy at lumabas ng room nang nakayuko. Pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin at nagsimula na namang umingay ang buong silid dahil sa bulungan. May nagawa ba kaming kasalanan? May nalabag ba kaming rules ng paaralang ito?
Habang naglalakad, naglakas loob akong basagin ang namumuong katahimikan sa pagitan naming tatlo. “Hmmm… Miss Shakira, ano po ang royal hearing at bakit kami kasama sa gagawing activity?” usisa ko sa babae na naging dahilan para mapatigil siya sa paglalakad at ganoon din kami ni Lucy.
Mukha kasing sasabak kami ng aking kaibigan sa isang giyera na walang mga dalang armas. Wala kaming kamalay-malay sa royal hearing na iyan.
“Ang Royal hearing ay katulad lang din sa nangyayari sa korte. Lulutasin ang mga sigalot sa pagitan ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagdinig sa mga testimony ng mga witness at mga taong involved sa isang kaso. Kaya Royal hearing ang tawag dito dahil ang mga Royal Ten ang nakaisip nito para mapakinggan ang boses ng mga estudyante at ang kanilang mga hinaing,” paliwanag ni Miss Shakira sa amin at saka napabuga ng hangin.
Lumukot ang kaniyang mukha at tila ba may bahid ng pagkadismaya sa isang bagay.
“Ibig bang sabihin nito ay may kinasasangkutan kaming kaso na nangyari dito sa loob ng University?” pagsingit ni Lucy sa usapan. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang sinasagot ni Miss Shakira ang katanungan ni Lucy.
“Basically, yes! Aware naman kayo sa ginawa ni Campus Queen Angeline sa inyo kahapon, 'di ba? She was suspended by our Prime Master without seeking for consultation to the administration. Though, the Campus King has the right to do it because his family owned this University. Ang tanging kasalanan lamang ni Master Rave ay naging bias siya sa kaniyang desisyon. Hindi niya pinakinggan ang side ng dalawang panig bago ibinigay ang kaniyang hatol. At dahil do'n, nakahanap ng kakampi si Queen Angeline. Nabalitaan niyang may na-suspend ding dalawang estudyante noong isang araw ng ating Prime Master. Unfortunately, involved kayo sa dalawang cases na nabanggit ko. Angeline brought her mom here early this morning and they both filed a case against the three of you, Yumi , Lucy and the Campus King,” mahabang litaniya ni Miss Shakira sa amin.
Natutop ang aking bibig dahil sa kaniyang mga sinabi. Wala naman kaming kasalanan sa nangyari, 'di ba? Sila naman ang nagsimula ng gulo at ipinagtanggol lang kami ni Rave. Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito sa amin? Unang linggo pa lamang ng klase ngunit nasangkot na kami ni Lucy sa mga gulo. Mukhang hindi na yata magiging maganda ang reputasiyon namin sa paaralang ito kahit ano pang gawin namin. We’re dealing with the Campus Queen, after all. And I can tell that she’s wicked base from the attitude she had shown to us yesterday.
“If things won’t go well today, there will be a second hearing. Then, a Royal Trial if still unsuccessful to resolve the issue. But, don’t worry, Rave can handle this situation. Huwag kayong mag-aalala. Kakampi niyo kaming mga Royal Ten maliban na lamang ang Campus Queen. We know how spoiled and tyrant she is, that’s why, she didn’t have the chance to earn our trust. Basta sabihin niyo lamang ang totoo mamaya sa interrogation. Kaya niyo 'yan. Naniniwala kaming wala kayong kasalanan,” pagpapalakas ng babae sa aming loob.
Kahit papaano ay nabawasan ang aking kaba nang malaman kong may tiwala sa amin ang ibang mga Royal Ten. Tumingin ako kay Lucy at tumango kami sa isa’t-isa. Pinihit ni Miss Shakira ang doorknob ng isang wooden door na may nakasulat sa itaas nito na “Guidance Office”. Kahit kinakabahan, sinubukan kong huwag mangatog ang aking mga tuhod at umakto nang normal.
“Ohh, the VIPs are here! Please to have you, my dear!” bungad sa amin ng isang babae. Nagitla naman ako at nabato sa aking kinatatayuan nang makilala ang babae. Siya 'yong nasa parking lot kanina na bumaba sa itim na van. Nanunudyo ang tono ng kaniyang boses kahit pa nakangiti siya sa amin. Ramdam na ramdam ko rin ang bigat ng kaniyang presensiya dito sa loob ng guidance office.
“Hindi ba't siya 'yong babae kanina, beshie?” bulong sa akin ni Lucy. Napatango na lamang ako sa kaniya.
“Please, take your seat, young ladies. We are about to begin,” hayag sa amin ni Miss Velvet, ang principal ng University. Nakita ko si Rave at ang ibang mga Royal Ten na nakaupo sa isang malaking sofa habang kaharap nila ang panig ng Campus Queen. Katabi ni Angeline ang babae kanina, na nasa mid-30 hanggang 40 na ang edad. Mukhang siya ang ina ng aming Campus Queen dahil may pagkakahawig silang dalawa.
Nagsimula namang magsalita ang guidance counselor ng University para ipakilala ang kaniyang sarili. “Hello, good morning, everyone. I am Mrs. Vanessa Corazon, the current guidance counselor of this institution. We are gathered here today because of a sudden complaint from three students of this University, regarding their suspension imposed by the Prime Master to them without following the due process and giving judgement fairly,” she mentioned with utmost authority.
I gasped for an air. The atmosphere is getting denser here. Nakakatakot ang presensiya ng mga taong nandirito ngayon. Makapangyarihan. Their stares are intimidating, especially, Angeline's mom. Her looks are screaming danger. Kinakabahan tuloy ako.
“I’m giving the floor to the complainant's side. Let’s hear the other side later. State your testimonies,” hayag ni Ma’am Vanessa at saka inilahad ang kaniyang kamay sa panig ni Angeline.
“Let us hear out these two students first. They were also victims of the Campus King's bias judgement,” sabat ni Angeline at umaktong nagmamalasakit sa dalawang estudyanteng naunang napatawan ni Rave ng suspension. She’s playing the victim role. She knows how to turn the table. Pinapakulo niya ang aking dugo. Ang kabang nararamdaman ko kanina ay napalitan ng nagpupuyos na galit sa impaktang Campus Queen ng paaralang ito.
Napatingin ako sa gawi ni Rave. Kalmado lamang siya at blangko lamang ang kaniyang ekspresyon sa mukha. Hindi mo rin mababakas ang kaba sa kaniya. Pakiramdam ko ay kasalanan lahat namin ito kaya siya nalagay sa ganitong sitwasyon. Napakuyom ako ng aking mga kamao dahil sa inis. Bakit ba kasi palagi niya na lamang akong pinagtatanggol? Dahil ba alipin ko siya? I guess I need to end our “master-and-slave” relationship after this hearing. Magiging lapitin lamang siya sa gulo kapag ipinagpatuloy ko pa ang ganoong uri ng ugnayan sa kaniya.
“Okay, please state your testimonies, Miss Tuazon and Miss Padilla,” ani Ma’am Vanessa sa dalawa.
“It was our vacant period that time. Nag-uusap lamang kami ng aking kaibigan sa gilid ng corridor ngunit bigla na lang sumabat sa usapan ang sa kanila.” Napatigil siya sa pagsasalaysay at itinuro si Lucy. Halata naman ang pagkagulat sa mukha ng aking kaibigan. Hinawakan ko ang kaniyang braso para pakalmahin siya.
Gamit ang aking mga tingin, ipinahiwatig ko sa kaniyang huwag munang sumabat at hayaan lamang magsalita ang babae.
“Tapos pinaratangan nila kaming nagkakalat daw po ng fake news. Nakipagsagutan sila sa amin hanggang sa hindi nakapagtimpi ang isa sa kanila at bigla na lamang sinampal nang mlakas sa pisngi,” inosenteng sambit ng babae.
“Is she the girl that the Campus King chose over Queen Angeline?”
“Yeah, she’s the reason why Prime Master Rave dumped our Campus Queen yesterday.”
Ito ang mga naaalala kong pinagbubulungan nila noon. Kahit bulungan lang iyon, malinaw sa pandinig ko na ako ako ang pinag-uusapan nila. Pinili ko lamang na manahimik noon pero hindi napigilan ni Lucy ang kaniyang sarili at ipinagtanggol ako.
“Then, what happened next?” usisa ni Ma’am Vanessa at ang kaibigan naman ng babae ang sumagot.
“Inawat ko ang aking kaibigan na huwag nang pumatol pa pero hayuk na hayuk sa away ang isa. Ayaw niyang magpapigil at gusto niya kaming suguring muli--”
“That’s not true. You’re lying. You’re the one who started the fight,” Lucy interrupted, clenching her jaw and her teeth are gritting with anger. Maging ako rin ay sobrang nagpipigil na ng inis dito. My cheeks are burning because of anger.
“Miss Madrigal, we'll give you time to speak. Let us hear them out first,” pagsaway naman ni Miss Velvet sa aking kaibigan. Napabuga ng hangin si Lucy at napairap na lamang sa ere. Lucy is full of attitude. You can’t easily break down her wall.
“Continue, Miss Tuazon,” utos naman ni Ma’am Vanessa sa babae at nagpatuloy sa kaniyang sasabihin.
“Tapos, biglang dumating ang Prime Master at pinagalitan niya kami kahit hindi niya pa alam ang buong kuwento. Halata namang papanigan niya pa rin ang babaeng iyan kahit pa malaman niyang sila ang nagsimula ng gulo.” Itinuro ako ni Miss Tuazon bilang pagtukoy sa babaeng nasa kaniyang salaysay.
“Ipinagtanggol ng Prime Master ang dalawa at saka pinarusahan kami ng suspension kahit hindi dumadaan sa tamang proseso. Isa lang po ang masasabi ko, hindi karapat-dapat na maging Prime Master ang Campus King dahil hindi makatarungan ang kaniyang mga pagpapasiya. Mayroon siyang kinikilingan at--”
“As if I care, b***h! Being the Prime Master of this school won’t matter to me,” Rave butted in, looking straight to the girl's eyes. His stares are threatening. Biglang napayuko ang babae at tila natutop ang kaniyang bibig dahil sa mga malalamig na tingin ng lalaki sa kaniya.
“I said, let us hear them out first. Do not butt in between their testimonies!” Miss Velvet exclaimed firmly. The atmosphere become heavier to breath. Lahat ay napatahimik at walang sinuman ang naglakas loob na muling magsalita. Namayani ang katahimikan. Ramdam ko ang matinding tension sa loob ng silid.
“I guess, it’s time for my daughter to speak up,” pambabasag ng ina ni Angeline sa katahimikan at saka mapanudyong ngumiti sa aming gawi ni Lucy.
“Miss Collins, it’s your turn,” Ma’am Vanessa permitted, extending her arm to the Campus Queen to stand and start to testify.
Nginitian niya muna ako bago mag-umpisang ibuka ang kaniyang mga bibig. Tinapatan ko ang intensity ng mga pinupukol niyang tingin sa akin. Hindi ako magpapatinag sa isang kagaya niya. Ano naman kayang kasinungalingan ang ipapamalas sa amin ng babaeng ito?