I woke up with a heavy feeling today. I don’t feel like going to school but I need to. Sana naging lalaki na lamang ako para hindi ko maranasan ang ganitong klase ng dalaw kada buwan. Ang unfair naman kasi.
Walang-wala ang mga paghihirap naming mga babae kumpara sa mga lalaki. Kapag tapos na silang matuli, wala na silang problema pa. Samantalang ang mga babae, kailangan nilang indahin ang sakit sa tuwing hindi nagiging normal ang dalaw nila. Tapos, hindi lang do'n nagtatapos ang paghihirap namin dahil kami ang magluluwal ng mga sanggol. Sabi nga ng iba, kapag daw buntis ka at manganganak na, parang nakabaon daw sa lupa ang isa mong paa. Delikado at minsan ay puwedeng may maisakripisiyong buhay.
Habang ang problema lang naman ng mga lalaki ay kung paano gumaling sa kama. Alam niyo naman na siguro ang ibig kong sabihin. At may mga iba pa nga na hindi kayang panindigan ang nagawang pagkakamali kapag nandiyan na 'yong bata. Ang mga lalaki talaga! Sakit sila sa ulo para sa aming mga babae. Mabuti na lamang at wala akong planong magkapamilya pagdating ng araw. Ayaw kong mag-asawa ngunit gusto kong magkaroon ng sarili kong anak. Paano kaya 'yon?
Napangiwi naman ako nang maramdaman ang biglaang pagkirot ng aking puson. Nagbalik naman ako sa aking huwisyo nang biglang tumikhim si Lucy. Napadako ang tingin ko sa kaniya.
“Beshie, kumusta na ang pakiramdam mo? Mas mabuti pa sigurong huwag ka na munang pumasok kapag may dysmenorrhea ka pa. Gumawa ka na lang ng excuse letter at ako na ang magpapaliwanag sa mga guro natin kung bakit ka lumiban sa kanilang klase,” suhestiyon ni Lucy sa akin na may kahalong pag-aalala.
Itong kaibigan kong 'to talaga. Kahit ilang ulit kong sabihin sa kaniya at ipakitang ayos lang ako, patuloy pa rin siya pag-aalala sa akin. Kaya mahal na mahal ko 'to kahit na bruha minsan sa akin kapag nang-aasar.
“Ano ka ba, Lucy. Ayos lang ako, besh! Kayang-kaya pa naman ng power ko. Aja!” malakas kong wika para magmukhang wala akong iniindang sakit ng ulo at puson. Sanay naman na ako sa mga sakit. I have created resistance to all kinds of pain. Hahaha, just kidding.
I can tolerate physical pain sometimes, but, if it’s too excruciating for me to handle, it takes me days to be bedridden on my bed. Kaya ayaw kong magkasakit hangga't maaari.
Ayaw ko rin namang magpa-check up o pumunta sa hospital kapag nagkakasakit ako dahil hindi ko gusto ang amoy ng clinic o hospital. I feel cringey. It sounds weird and absurd, but, it’s what I really feel every time I heard the word clinic or hospital. Kaya nga kahapon, no'ng sinabihan ako ni Ma’am Olive na pumunta sa clinic o humingi ng medical consultation sa doctor, tumango lamang ako ngunit hindi ako umaayon sa sinabi ng aking guro. Normal pa naman ako, 'di ba?
“Kung sabagay, wala naman palang dapat ipag-aalala dahil parating nariyan naman si Fafa Rave na iyong slave s***h knight in shining shimmering splendid armor. May magbubuhat at mag-uuwi naman sa iyo kapag nahimatay ka ulit,” pagsisimula na naman niya ng pang-aasar sa akin. Napatigil ako sa pag-inom ng tubig at saka siya inirapan.
“Paanong naisingit naman ang kupal na 'yon sa usapan?” asik ko sa kaniya. Napahagalpak naman siya ng tawa dahil sa aking reaksiyon. Napangiwi na lamang ako. Malala na ang babaeng 'to. Mukhang siya ang dapat nang magpatingin sa doktor.
“Ang suwerte mo kaya dahil bukod sa may alipin ka nang guwapo, may tagaluto pa ng sopas mo kapag may sakit ka. At saka, napaka-gentleman din ni Fafa Rave. Sana hindi lang ‘master-and-slave’ relationship ang mamagitan sa inyo. Ang cute niyo kasing--”
“Subukan mong tapusin 'yang sinasabi mo, Lucy. Titinidorin ko na talaga 'yang dila mo,” angil ko sa kaniya at itinuro ang tinidor sa tapat ng kaniyang bibig. Agad naman siyang umakto na isasara ang kaniyang bibig na tila isang zipper saka nag-peace sign. Napaikot na lamang ako ng mata sa kaniya. Alam niya namang may red days ako ngayon tapos mang-aasar pa.
Kinuha ko ang aming pinagkainan at inilagay sa lababo para hugasan. Malapit nang mag-alas singko ng umaga. Pumasok na si Lucy sa loob ng banyo dala ang kaniyang towel. Mabuti naman at naisipan na niyang maligo. Ang tagal kasi niyan sa banyo kapag iyan ay naligo. Akalain mo na lang na nilamon ng inidoro sa tagal.
“Let it go! Let it go! Ang lamig ng tubiiig! Grrrr,” sigaw ng aking kaibigan sa loob ng banyo habang nakikipag-moment sa mga timba at tabo. Feel na feel pa niyang kumanta kahit wala naman sa tono. Napakakalog niya talaga. Kaya kung anu-anong naiisip ko minsan dahil nahahawa na rin ako sa kabaliwan niya. Hanggang sa isipan ko lang nagagawa ang mga kabaliwan ko, ngunit, si Lucy, ewan ko na lang. Kahit saang lugar kasi 'yan, naghahasik ng kagagahan.
Matapos kong magpunas ng basa kong kamay, pumasok ako sa aking kuwarto para ihanda ang aking uniporme at mga gamit. Napasandal naman ang aking isang kamay sa pader nang muli na naman akong nakaramdam ng pagkahilo. Umiikot ang aking paligid. Kung wala sana akong nasasandalan ngayon, kanina pa ako bumagsak sa semento. Darn this condition. Napakagat ako sa aking labi bago magpatuloy sa paghahanda ng aking gamit.
Ilang minuto pa, kumatok si Lucy sa aking pinto para sabihing tapos na siyang maligo. Tumango naman ako sa kaniya at tinungo ang banyo. Hindi ko pinansin ang aking nararamdaman. May nakikita na rin akong parang mga spots sa aking paningin kaya ilang beses na lamang akong napapakurap ng mga mata. Wala ito.
Isinabit ko ang aking tuwalya sa sampayan na nasa loob ng banyo at nagsimula nang ibuhos sa aking katawan ang tubig mula sa timba. Tae, malamig nga. Ipinagsawalang bahala ko ito at tinapos ang paglilinis ng aking katawan. Nagbihis na ako at nagsuot ng uniporme at sapatos matapos magsuklay ng basang buhok. Nagpulbo lang ako nang kaunti sa mukha at leeg bago magpabango.
Kinuha ko ang susi ng aking kotse, bag at mga libro. I don’t feel like walking today, so I’m going to take my four wheels with us. Nauna akong lumabas sa bahay kaysa kay Lucy at saka pinuntahan ang maliit na garahe na nasa kaliwang bahagi ng boarding house.
Inilabas ko ang aking sasakyan rito at hinintay ang aking kaibigan sa labas ng gate. Bumusina ako para bigyang paabiso ang bruha. Ang tagal naman ng babaeng 'yon. Mukhang natatagalan na naman siya sa paglalagay ng kolorete sa kaniyang mukha. Mahina na lamang akong napabuntong hininga.
Muli akong bumusina at sa pangalawang pagkakataon ay lumabas na rin siya sa wakas.
“Coming!” she gushed, locking the door.
“Ba’t ba ang tagal mo?” iritadong tanong ko sa kaniya. Napahagikhik lamang siya at hindi nagpatinag sa aking pagsusungit.
“Puso mo. Baka mamaya ma-high blood ka. Hindi ka pa ba nasanay sa akin. Siyempre, nagpaganda pa ako. Malay mo at baka i-crushback na ako mamaya ni crush. Kaunting akit pa sa kaniya at siguradong mapapasagot ko na siya,” natatawang saad niya. I just rolled my eyes. She’s getting into my nerve. Ang landi niya talaga.
“First week pa lang ng klase tapos may crush ka na agad? And why do you even need to groom yourself so hard just to impress other people. Wake up, girl! You are born goddess. You don’t need make up to make someone likes you. Just be yourself,” I said, giving her pieces of advice. I saw her expression in my peripheral view. Her mouth went agape then became hysterical as she entered the car. She hugged me tightly that almost choke me.
“Kaya love na love kita, ehh! How to be you, beshie? Salamat sa pagpapalakas ng loob ko. I’ll bear that in mind,” she happily uttered. For the nth times, I rolled my eyes again. People nowadays, looks are important than attitude. They are making physical appearance as the basis of beauty. Tumingin ako kay Lucy matapos siyang humiwalay sa akin.
“You know, girl, there are two ways to impress other people if you’re interested. It’s either you walk like you’re the queen or you walk like you don’t care who is the queen,” I mentioned. Napatawa naman siya sa aking sinabi na naging dahilan nang pagkunot ng aking noo.
“What?”
“Ikaw na talaga, Yumi. Ikaw na ang bitter princess of the year at queen of words of wisdom. Sa iyo na ang korona,” pambobola niya sa akin saka umaktong tila may ipinuputong na korona sa aking ulo.
“Whatever!” pagtataray ko saka pinaandar ang makina ng aking kotse. Male-late pa kami nito dahil kung anu-anong bagay ang naiisip naming dalawa, ehh. Ilang minuto rin ang nasayang dahil sa walang kuwenta naming pag-uusap. Puro naman siya biro at sigurado namang hindi siya makikinig sa mga pangaral ko.
Nasa may kanto na kami nang bigla-bigla na lang umikot muli ang paningin ko. Agad ko namang tinapakan ang preno nang may itim na van ang nang-overtake sa amin at inagawan kami ng linya. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes ko kahit medyo tipsy ngayon ang aking pakiramdam.
“Buwisit! Akala mo kung sinong mga hari ng daan. Hoy, bumalik kayo rito, mga hinayupak kayo!” paghihimutok ni Lucy at inilabas ang ulo sa bintana ng sasakyan. Hindi naman tumigil ang van at nagpatuloy lamang sa pagpapatakbo ang driver nito.
“Hayaan mo na, beshie. Ang mahalaga ay walang nangyaring hindi maganda sa atin,” awat ko sa kaniya. Mahilig talagang makipag-away ang babaeng 'to. Nang makapasok na kami sa loob ng University, dumiretso kami sa parking lot ng school. Matapos naming maiparke ang sasakyan, bumaba na kami ni Lucy rito.
“Bilisan natin. Fifteen minutes na lang, magsisimula na ang klase,” hayag ko sa aking kaibigan at tanging tango lamang ang kaniyang itinugon. Ngunit, napatigil kami sa paglalakad nang napansin ni Lucy ang itim na van na naka-park sa tabi ng aking kotse.
“Teka, 'di ba, ito 'yong van kanina na nang-overtake sa atin at hindi man lang napansin ng drayber na muntik nang may ma-disgrasiya dahil sa pang-aagaw niya ng linya?” litaniya niya sa akin habang napapakunot ang noo. Pati ako ay napakunot din ng noo dahil tama nga naman siya. Ito nga 'yong van kanina.
Bumukas naman ang pinto ng sasakyan at lumabas ang driver nito. Pinagbuksan niya ng pinto ang iba pang mga sakay ng van at unang bumaba ang isang babaeng pormal ang pananamit at napaka-sopistikado kung gumalaw. She is wearing mittens on her hands and a furry gray scarf covering her neck. If my deduction is right, her age is from 35 to 40 years old basing upon her physical appearance.
Napahinto ako sa paglalarawan sa babae nang masagi sa isipan kong malapit nang magsimula ang klase. Hinila ko ang kamay ni Lucy at kinaladkad siya palabas ng parking lot sa ayaw at gusto niya. Hindi ko na hihintayin pang komprontahin niya ang babae tungkol sa nangyaring insidente kanina dahil baka magkagulo pa kapag nagkataon. Sa hitsura pa lamang ng babae, halatang hindi siya ordinaryong tao. Masasabi kong nabibilang siya sa elite class o sa mga taong may marangyang pamumuhay.
Napakagat ako sa aking ibabang labi nang maramdaman kong kumirot na naman ang aking puson at naramdaman ko ang pagbulwak ng dugo sa aking butas. Alam niyo na kung anong uring butas 'yon. Hindi ko na kailangan pang sabihin.
“Beshie, bitiwan mo ako. Naaalog utak ko sa ginagawa mong pagkakaladkad sa akin,” reklamo ng aking kaibigan sa aking likuran.
“Gaga, wala kang utak! Huwag kang mag-aalala,” tudyo ko sa kaniya habang hawak-hawak pa rin ang kaniyang kamay. Kakaunti na lamang ang mga estudyanteng nasa corridor ng SHS building. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa tapat ng aming classroom. Hinahabol ko ang aking hininga at napatigil saglit. Umiikot na naman kasi ang aking paligid.
“Iyan kasi, dahan-dahan lang. Hindi lahat ng bagay ay puwedeng madaliin,” pangaral sa akin ng bruha kong kaibigan. Tae, nagawa pa niya akong pangaralan. Pasalamat nga dapat siya dahil kung hindi ko siya kinaladkad patakbo, baka mahuli kami sa first period namin.
Hindi ako sumabat sa kaniya dahil nakararamdam pa rin ako ng pagkahilo. Kailan ba ako lulubayan ng sakit na 'to. Sawang-sawa na kasi akong palagi na lang pinapaikot. Teka, anong koneksiyon ang mga pinagsasabi ko? Marahan kong ipinikit ang aking mata. Sa sandaling tumunog ang buzzer, si Lucy naman ang humigit sa aking kamay at iginaya niya ako sa loob ng classroom.