Chapter 10

2536 Words
Binilisan ko ang pasusuklay ay p*******i ng aking buhok habang nakaharap sa malaking salamin na nasa taas ng lababo. Samantalang si Lucy naman ay abala sa pagre-retouch ng ka ha! Na-stress tuloy ang beauty ko. Next time talaga na mang-aaway pa 'yon, hindi na ako magpipigil na kalbuhin ang pugitang 'yon,” dada ni Lucy habang naglalagay ng pulbo sa kaniyang mukha. Napabuntong hininga na lamang ako. “Sorry, beshie. Alam ko namang hindi ko na dapat siya pinatulan kanina pero nakakainis kasi. Salamat din pala dahil nasalo mo 'yong sampal no'ng babaeng 'yon na tatama sana sa beautiful face ko. Na-touch din ang aking puso sa sinabi mo. Ang suwerte ko talaga sa iyo,” pagpapatuloy niya. Tumingin ako sa kaniya. “What are friends for? Siyempre, kahit mukha kang bruha, hindi ko pa rin maaatim na saktan nila ang pinakamamahal kong kaibigan,” saad ko sa kaniya ngunit imbes na magdiwang sa tuwa, ngumuso siya sa akin. “Bruha talaga, beshie? Sa ganda kong ito?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Napatawa naman ako. Matapos naming mag-ayos sa loob ng comfort room, pumasok na kami sa aming silid-aralan. Hindi pa naman nagsisimula ang klase. Good thing, maaga kaming pumasok ng paaralan. Hindi naman maingay ang klase na nadatnan namin. Marahil ay dahil kay Rave na nakaupo na ngayon sa kaniyang puwesto sa likuran. Napatingin lamang ang iba sa amin habang naglalakad patungo sa aming upuan pero saglit lang at bumabalik sila sa dati nilang ginagawa. Mukhang abala ang karamihan sa pagsagot ng aming takdang-aralin sa General Math na subject. The art of rushing. Ilang minuto na lamang, magsisimula na ang klase sa namin sa first period. Gaya nga ng inaasahan ko, tumunog na ang buzzer. Kasunod nito ay ang pagpasok ni Miss Jamaica sa loob ng room. Nagulat naman ako at nanibago nang ang lahat ng aming mga kaklase ay halos kasabayan lang namin ni Lucy sa pagtayo para batiin si Ma’am ng magandang umaga. “Good morning, Ma’am!” We all said in chorus then waited for her to greet before sitting. “Good . morning, my Lavenders. Have your seat,” she greeted back with enthusiasm in her sweet voice. Tumalima naman kaming lahat at umupo. Anong mayro'n? Napatingin ako kay Rave. Kumindat siya sa akin at sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Sandali akong nagitla sa kaniyang pagngiti sa akin. Ngunit agad ko namang binawi ang aking pagkagulat at saka umiwas ng tingin. Marahil ay kagagawan niya ang biglaang pakikitungo at pagbabago ng ugali ng mga kaklase namin ngayon. Ano na naman kayang ginawa niya? Well, he’s the Campus King after all. Kaya niyang pasunurin ang mga estudyante dito gamit lamang ang kaniyang salita at awtoridad sa kaniyang boses. “Okay, class, before we are going to start the discussion, let’s have an activity first. How many are you again here?” ani ni Ma’am. Sumagot naman si Rave sa kaniyang katanungan. “We are all 31 here, Ma’am,” buong galang na pagtugon ni Rave. Napalingon kaming lahat sa kaniya. Ang ilan ay nakakunot ang noo at isa na ako sa kanila. “May pasobrang isa dahil special kayo, haha! Sige, divide the class into five. Four groups with six members and one group with seven members. Go on, count off from one to five until the last person at the back,” wika ni Ma’am Jamaica sa amin. Nagsimula namang magbilang ang mga kaklase namin sa harapan. Pinagmasdan ko lang at isinaulo kung sinu-sino ang bawat miyembro ng bawat grupo. Mukhang alam ko na kung anong grupo ako matatapat. “Four!” sambit ni Lucy sa aking tabi. That only means na ako na ang susunod. “Five!” hayag ko naman. Napatingin naman sa akin ang aking mga kaklase na may kapareho kong numero. Ngumiti ang ilan sa akin habang ang iba naman ay parang wala lang. Mukha namang mababait sila. Nagitla ako at napaiktad sa pag-iisip nang marinig ang sinabing numero ni Rave. “Five!” Ngumiti siyang muli sa akin at kinindatan. Teka, lumipat siya ng upuan at nakipagpalit sa katabi niya para maging group five din siya. That’s unfair. Gustuhin ko mang sabihin kay Ma’am Jamaica ngunit hinayaan ko na lamang. Mukhang ang saya-saya ng mga kagrupo ko dahil nakasali siya sa amin. Natapos na ang pagbibilang at sinabihan na kami ni Ma’am na pumunta sa aming mga grupo. “Okay, go to your groups and form a circle. Group one here in front, group two will be at the back of group one, group three will be here followed by group four and group five will be at the back,” Ma’am instructed while moving her hand to point where we are going to stay with our group. Naging maingay naman ang iba nang tumayo na sa kanilang upuan para hanapin ang kanilang mga kagrupo. Pumirmi naman kaming miyembro ng group five sa likod ng classroom at ibinilog ang aming mga upuan. Umupo naman ako nang tahimik sa napili kong silya at hinarap ang aking mga kagrupo. May isa pang wala. May bakante pa kasing upuan sa kanan ko. Ilang sandali pa ay napunan na rin ito at guess who, it’s Rave who seated beside me. Binigyan ko siya ng tingin na tila nagsasabing,“ Remember the three-meter rule. Don’t sit beside me. Find another spot.” Hindi naman siya nagpatinag sa aking tingin at tinapatan pa ako. He gave me a look telling me, “It’s an exemption to the rule. We have an activity so let’s disregard the rules first.” I don’t know if I get it right but why do it feels like we understand each other just by our stares? Whatever! “And now, for your activity, you are going to present a tableau. I’m bet you know what it means. It’s like a mannequin challenge. So, I’m giving you scenarios that have something to do with our discussion later. Then, you are going to present that scenario through a tableau for two minutes. You can use available things inside the room as props if you think they can help you to clearly convey your ideas. After the tableau, choose one representative and explain what you have presented. Please choose your leader and pick a rolled paper inside my mystery box,” Ma’am explained. Napatingin naman kaming lahat sa direksiyon ni Rave. That means, we are choosing him as the leader of our group. Maybe, he’s disgusting sometimes or always rather but I know that he is capable of handling our group. Pumunta naman ang bawat leader ng limang grupo sa harapan at isa-isang bumunot ng nakarolyong papel sa loob ng maliit na kahon ni Ma’am. Matapos makabunot ang aming leader, bumalik na siya sa aming grupo habang nakabusangot ang mukha. Inilapag niya ang ang nabunot niyang papel sa aking armchair kaya naman dinumog ako ng aking mga groupmate. “Present the roles of each member in the family through a tableau,” pagbabasa ng isa naming kagrupo. Matapos no'n ay bumalik na sila sa kani-kanilang upuan at sinimulan na ni Rave ang pagbibigay ng kaniyang ideya. “So it goes like this. Let’s portray a nuclear or extended type of family since it’s the most common type of family in our country. There is a father, mother and their three children, with their grandparents in the house. The father is the breadwinner of the family so puwede sigurong galing siya sa trabaho. Then the mother is cooking for a dinner. The elder child of the family should be studying, maybe, while the other one is helping the mother to cook and the youngest child may play with the grandparents. Who’s up for it? You can also suggest if you have better ideas than mine,” mahabang litaniya niya sa amin saka iginala ang tingin sa lahat ng kagrupo. “I’m for it. I’ll do the youngest child's role,” pagsang-ayon ng babaeng nasa harapan ko. Novilyn yata ang pangalan niya kung hindi ako nagkakamali. Tumango naman si Rave sa kaniya. “I’ll be the grandma in the house. I can change my voice and imitate my grandma in our house but too bad, we don’t need voice here. Still, I can mimic my grandma’s countenance like this,” masiglang saad naman ng babaeng nasa tabi ni Karen at binago pa talaga ang ekspresyon sa mukha para gayahin ang sinasabi niyang lola niya. Napatawa naman kami sa kaniyang ginawa ngunit mahina lamang dahil baka masita kami ni ma’am sa aming kaingayan. “Ako na ang magsisilbing lolo. Kahit pangmatanda 'yong role, at least gwapo 'yong gaganap,” wika naman ng lalaking katabi ni Rave saka nagpapogi points pa. Mahina naman siyang binatukan ng katabi niya. “Ulol, mas guwapo kaya ako kaysa sa iyo, Josh,” pagbibiro naman ni Rave. “Hahaha, edi guwapo tayo pareho. Pero walang tayo,” saad naman ng lalaki kanina at nagsitawanan na naman kami dahil sa kaniyang biro. “Haha siraulo!” medyo natatawang tugon naman ni Rave sa lalaki. “Hmmm… I was thinking if I can be the second child who will help the mother in cooking.” “Sure, you can. You can have the role,” sagot ni Rave sa babaeng medyo mahinhin kung magsalita at tila nahihiya sa amin kanina pa. “I’ll be the kuya, then.” The guy beside Josh volunteered. Bigla namang natuon ang atensiyon sa aming dalawa ni Rave. Tae, kami na lang palang dalawa ang wala pang role. So that means… “Rave and Yumi will be the parents in the family,” halos sabay-sabay naman nilang sambit sa aming dalawa. I gulped. We are going to be the parents in the family? I slowly turn my head to Rave. He is also staring at me. Why do I feel awkward? Wait, don’t get the wrong idea. Nahihiya lang akong i-portray ang pagiging nanay. First time ko kasing makuha ang role na ito. We’ve done many role plays before in my former school but never did I get the role. “Go, Yumi. I know you are fit for the role.” “You can do it, girl!” They cheered to me. Mukhang nahalata nilang medyo stiff ako sa aking kinauupuan. Tumango ako sa kanila saka matipid silang binigyan ng ngiti. Para sa grades, kaya ko ito. At saka wala namang malisya doon. Activity lang naman ito. “Since it’s all Rave's ideas, he’ll be the one to explain what we have done in the tableau,” Karen suggested and gave a looked at Rave to ask for his approval. The guy nodded. “No problem,” he gushed. Binigyan naman kami ni Ma’am ng dalawang minuto para magpraktis at mag-rehearse. Pinayagan niya kaming lumabas at gawin ang praktis sa corridor dahil hindi kasya ang limang grupo sa loob para makagalaw nang maayos. Wala kaming sinayang na oras. At gaya no'ng una, pinangunahan ni Rave ang grupo. Siya ang nagsabi kung saan banda kami pupuwesto at kung anong posisyon ang aming gagawin. Ang lahat ay naaayon sa kaniyang plano since wala namang gustong kumontra sa idea at lahat kami ay pabor dito. Nang matapos na ang aming rehearsal, pumasok na kami sa loob ng classroom. Ilang segundo pa ay nagsimula na ang presentation. Naunang nagprisinta ang unang grupo matapos naming ibigay ang aming mga one-fourth sheet of paper na naglalaman ng aming mga pangalan. Ewan ko pero kinakabahan ako. Simpleng presentation lang naman ito. Mas kabahan ako kapag skit na ito dahil baka mabulol ako kapag nagkataon. Napabuga ako ng hangin mula sa aking ilong. Natapos naman ang unang grupo at classroom setting ang kanilang naging tableau. At mas lalo kong naintindihan ang kanilang ginawa nang mag-explain ang kanilang group representative. Nagbigay naman ng komento si ma’am tungkol sa kanilang ginawa. Ang kanilang naging presentation ay kung ano ang roles ng isang student at isang guro sa loob ng classroom. Politics and Governance in the Philippines ang aming subject kay Ma’am kaya naiintindihan ko kung bakit ito ang aming activity. Binigyan naman namin ng tatlong bagsak ng palakpak ang unang grupo bago dumako si Ma’am sa presentation ng ikalawang grupo. Nagsimula nang pumwesto ang ilan sa kanila habang ang iba ay inaayos pa lamang ang kanilang sarili, kung saang banda nga ba sila pipirmi para sa kanilang magiging tableau. May nakahanda pa silang props para dito. Nang maayos na ang lahat, saka na sila nag-umpisang huwag gumalaw. Sinubukan kong alamin kung ano ang senaryong kanilang ipinapakita sa pamamagitan ng kanilang mga ayos at posisyon. May umaktong nagpupulot ng plastic bottle. May nakahawak naman ng aklat at nagbabasa kuno. May kunwaring nagdidilig ng halaman at ang iba naman ay nagtuturo raw ng mga bata. Ano kayang senaryo ito? Tungkol ba ito sa tungkulin ng bawat kabataan ngayon? “Very good, group two. You can now have your seat and let us hear out the explanation through your group representative,” hayag ni Ma’am Jamaica. Tumayo sa harap ang isang babae at sinimulan niyang ipaliwanag ang kanilang naging presentasyon. Matamang nakinig lamang ako at tumama nga ako sa aking hula. Tungkol nga ito sa mga role ng kabataan ngayon. Pumalakpak naman kami matapos magpaliwanag ang babae bago siya pinaupo ni Ma’am at nagbigay ng kaniyang saloobin. Marami akong hindi pa kilala sa aking mga kaklase. Hindi naman kasi uso yata dito ang ‘introduce yourself’ sa unang araw ng pasukan kasi hindi naman kami nagpakilala sa isa’t-isa noong Monday. Well, it’s none of my business. Hindi rin naman kasi ako palakaibigan na tulad ni Lucy. At ano bang pakialam ko sa mga pangalan nila? It won’t make me a lesser person for not knowing their names anyways. Hindi ko naman namamalayang kanina pa pala nagsimula ang group three. At ilang sandali lamang ay natapos na sila. Ang daldal ko sa aking isipan kaya nakakaligtaan ko ang mga bagay-bagay. Mabilis na lumipas ang minuto at natapos na rin ang group four. Kami na ang susunod. Bigla tuloy akong kinabahan. Hinintay lang namin na tawagin ni Ma’am ang aming grupo bago tumayo. “Let us witness the group five's presentation,” Ma’am Jamaica signaled. We went at the center and positioned ourselves. Hinihintay lang namin si Karen na sabihin ang magic words bago namin simulan ang tableau. Yes, may nalalaman pang magic words ang mga kagrupo ko para dito. “Abra Cadabra mekeni mekeni dug dug doremi fa so la ti do and start!” Those were the magic words I am talking about earlier. Muntik pa akong matawa pero mabuti na lamang at napigilan ko ngunit ang mga kaklase namin ay tawang-tawa dahil sa ginawa ni Karen. But, that makes our presentation unique. Nagsimula na kaming huwag gumalaw habang umaktong may hawak ako kunwareng sandok. Ngunit, tumigas naman ang buo kong katawan at nabato sa aking kinatatayuan nang maramdaman kong may mga bisig na kumulong sa akin at yinakap ang aking baywang mula sa likuran. Napuno ng hiyawan at tampulan ng tukso ang buong klase. Halatang-halata rin ang pagkagulat sa mukha ng aking mga kagrupo. Wala ito sa rehearsal namin. Tila may nakuryenteng dumaloy sa aking katawan. Pakiramdam ko ay napakaraming nagliliparang mga bagay sa aking tiyan at labis-labis sa pagkabog ang aking dibdib. Nararamdaman ko rin ang biglaang pag-init ng aking mukha. Dahil nakatali ang aking buhok, ang kaniyang hininga ay dumadampi sa aking batok at kinikiliti ako nito. Nanunuot sa aking ilong ang kaniyang pabango at hindi ko maiwasang hindi masinghot ito. Ngunit, hindi pa rin ako makagalaw dahil nasa kalagitnaan pa lamang kami ng aming presentation. Rave, you p*****t jerk! You really have the guts to do this to me. You don’t know how much embarrassing it is. I’ll severely punish you later. You are driving me nuts in my head.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD