Nakakahiya! Gusto ko na lamang maglaho ngayon sa aking kinaroroonan o 'di kaya ay lamunin ako ng lupa nang buo. Natapos na ang aming presentation at ngayon ay nagpapaliwanag na si Rave sa harapan. That jerk! I want to skin him alive, right now!
“As you can see in our tableau, we are portraying the common roles of each member in the family. Well, we presented the nuclear type of family we have here in our country, wherein, there are parents, their children, and grandparents,” Rave conveyed to everyone, standing straight and looking directly to his audience. Then, he averted his gaze to me. I shot him with a death glare. But he just chuckled softly as if we are the only people here in our classroom.
“Well, I see. But, how can you explain the hugging session earlier, Rave? Is it for a show or for real?” Ma’am Jamaica teased to that p*****t jerk and it’s me who got burns on my cheeks. Like what’s the deal with that hug? It’s not included in the script.
Muli namang napuno ng hiyawan at tili ang buong klase na tila ba tinutukso kaming dalawa ni Rave. Ngunit, hindi pa rin maiwasan ang masasakit na titig sa akin ng aking mga kaklaseng babae. Oh no! Don’t get the wrong idea.
“Haha!” Rave laughed. Is he making fun of me? Screw that guy. I curse him to hell. Oh please! God take me. I couldn’t help it anymore. I’m very embarrassed.
“I just portrayed what a husband need after a long day of working to earn money for his family,” Rave calmly answered. Oh, how can you be so calm at this moment while I am erupting with anger right here because of what you’ve done. Hindi naman sa masiyado akong overacting dito pero parang ganoon na nga. Sobrang nakakahiya talaga!
“Oh, is that so! Sorry, I got the wrong idea. Okay, have your seat and let’s conclude the activity here,” paghingi ni Ma’am ng paumanhin kay Rave. Tumalima naman si Rave at bumalikna sa kaniyang upuan. Nangingiti-ngiti pa siya habang maangas na naglalakad sa aisle. Ang sarap lang tuklapin ang kaniyang mga labi nang hindi na siya makangiti pa. Darn him!
“I wanna ask Miss Yumi right now on how does it feel being hugged by a Campus King but I guess we have no enough time for that so let us deviate it. Let’s move on and proceed to the discussion.”
Hinidi pa nga humuhupa ang ang pag-iinit ng aking mukha ngunit ginatungan na naman ito ni Ma’am. Hiyang-hiya na talaga ako dito. Feeling ko, napakapula na ng mukha ko ngayon kaya wala akong nagawa kundi yumuko na lamang at takpan ng aking mahabang buhok ang aking mukha.
Napayakap ako sa aking bag na inilagay ko kanina sa aking harapan at tahimik lamang na nakikinig kay Ma’am habang nagtuturo sa harapan. Kinukulit naman ako ni Lucy sa aking tabi ngunit wala ako sa tamang huwisyo para pansinin siya. Nagsulat na lamang ako sa aking kuwaderno ngunit hindi ko magawang makapagpokus sa pakikinig. Tae, nakakaasar! Hindi pa rin ako maka-get over sa ginawa ng kupal na 'yon.
Lumipas ang mga oras at hanggang ngayon ay nilalamon pa rin ako ng hiya. Mabuti na lamang at hindi ako pinapansin ng ibang mga guro namin kanina. Hindi ko rin magawang ipasa kanina ang notebook ko kung saan ko sinagutan ang aking takdang-aralin dahil nangangatog pa rin ang aking tuhod, kaya si Lucy na ang nagpasa nito sa aming guro sa General Math. Laking pasasalamat ko dahil hindi nagtanong si Sir kung bakit hindi ako mismo ang nagpasa ng aking assignment.
It’s our vacant time. Lucy is busy doing her assignment in MIL subject. I just let her took my notebook because my mind was pre-occupied. I feel thirsty but too bad for me, I don’t have my tumbler of water with me. Tapos na ang recess ngunit natutuyot pa rin ang aking lalamunan kahit na uminom ako ng chuckie kanina. Umiwas kami sa grupo nila Rave no'ng nasa canteen kami at piniling kainin na lamang ang binili naming pagkain sa may school ground. Hanggang ngayon ay hindi ko siya pinapansin at hindi ko talaga siya papansinin dahil naiinis pa rin ako sa kaniya.
Well, ano pa bang magagawa ko? Napahiya na ako at wala na akong magagawa do'n. Isipin ko na lamang na ginawa niya 'yon para sa presentation. Pero naiinis pa rin ako sa kaniya. Napabuga na lamang ako ng hangin.
“Lucy, punta lang ako ng canteen. Bibili lang ako ng maiinom,” paalam ko sa kaniya. Tumigil siya sa pagsusulat at tumingala sa akin dahil nakatayo na ako ngayon.
“Beshie, pabili naman ng kahit anong pagkain at inumin na rin. Nagugutom kasi ako sa mga pinagsusulat ko. Bayaran ko na lang mamaya o 'di kaya, sagot ko na lang ang lunch natin,” pasuyo niya. Tumango naman ako at umalis na sa room na naging dahilan upang mabaling na naman ang atensiyon ng aking mga kaklase sa akin. Whatever! Wala na akong pakialaman. Sanay na ako. Gano'n ba ako kaganda para lagi na lang maging sentro ng atraksiyon dito? I guess so.
Nakayuko ako habang naglalakad lamang sa hallway. Nasagi kasi sa isipan ko ang katanungan kanina ni Ma’am Jamaica sa kupal na 'yon.
“Well, I see. But, how can you explain the hugging session earlier, Rave? Is it for a show or for real?”
I still don’t get it and I can’t move on about that scene. That jerk! He really has the guts. He is driving me nuts in my head. The way he smirk at me, the intent in his stares. Is he making fun of me? Is he toying me. Did he include me in his playlist? Well, I will not fall to that trap. If he’s playing a game with me, I'm in and I will not let him win.
Dahil sa sobrang pag-iisip, hindi ko namamalayang may makakasalubong pala ako at aksidente ko siyang nabunggo sa dibdib. What the fudge! This smells good. Why am I always barging to someone’s scent? I hate myself for doing it.
“Ehem! Miss, are you okay?” pagtikhim ng taong nabunggo ko kaya agad akong nagbalik sa aking huwisyo at napaatras nang ilang hakbang mula sa kaniya.
“Ah… ehh… sorry po. Hindi ko sinasadya,” medyo pautal-utal kong wika. He just giggled. Wait, I knew him. He’s Ran of the Royal Ten.
“It’s okay. Next time, don’t think too much of someone so you can walk straight and look into your direction.” He patted my head then just passed beside me, leaving me dumbfounded. What did he just say? Don’t think too much of someone? Is he joking? And of course not. I am not thinking anyone. I’m not thinking about that jerk. I am not thinking about Rave, okay! Period.
One more thing, did that guy pat my head? Close ba kami? Ewan ko. Bakit nagtuloy-tuloy na yata ngayon ang pagkainis ko? Nadadamay lahat dahil sa kagaguhang ginawa ng lalaking 'yon sa akin kanina. Sumasakit ang ulo ko kakaisip sa kaniya. What the hell! I am not thinking about him. Like I care.
I shook my head and head directly to the canteen. Ayaw ko nang mag-isip. Maiinis lang ako. Baka mamaya, puputok lang ang ugat sa sentido ko. Napatigil naman ako sa paglalakad nang mapansing may nakasunod sa akin.
Napalingon ako sa aking likuran ngunit pinagsisihan kong ginawa ko iyon. Sabi na kasing huwag isipin 'yong nangyari kanina pero paano ko iyon makakalimutan kung nandiyan na naman siya at nakasunod sa akin. Darn it! Bakit ba ako nagkaroon ng alipin na katulad niya? Teka mali ang tanong ko. Bakit ba kasi naisipan kong pumayag sa buwisit na deal na iyon. Hindi sana siya palaging nakabuntot sa akin at hindi sana nasisira ang araw ko ngayon. Kaasar!
“Why you didn’t tell me that you wanted to drink? Ako na sana ang bibili ng inumin mo para sa iyo,” hayag niya sa akin. Why he’s acting weirder and weirder? I hate it. I hate him, a lot!
“It’s none of your business,” matigas kong saad sa kaniya at saka inirapan siya. Tumalikod na ako sa kaniya at iniwan siya doon. Ngunit ang kupal, nakabuntot pa rin sa akin. Paano ba ipagtabuyan ang lalaking ito? Mas malala pa siya sa asong ayaw iwanan ang kaniyang amo.
“It’s my business. I’m your slave, remember?” he uttered but I didn’t take time to give him a glance. Nanggigigil ako sa kaniya to the point na naikuyom ko ang aking mga kamao habang diretso lang ang tingin sa nilalakaran.
“The hell I care! Get lost of my sight!” angil ko sa kaniya ngunit hindi pa rin siya pinupukulan ng tingin. Mas lalo lamang akong maiinis.
“Not a chance. We have a deal and you signed the contract. I’ll stay here right next to you even you push me over and over,” tugon niya sa akin ngunit humina ang tono ng kaniyang boses sa huli niyang mga salita. Tila ba may kasamang lungkot sa kaniyang tinuran. Natigilan ako at nagitla sa paglalakad. He nearly whispered those lines but I clearly heard them. What does he mean?
Huminto rin ang kaniyang mga yabag at narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga. Ano ba talagang gustong palabasin ng lalaking 'to? Naguguluhan ako sa kaniya. Tila ba sa bawat bigkas niya ng mga salita ay may nakakubling mensahe. Bahala siya diyan.
Pumasok ako sa canteen nang diretso lamang ang tingin at hindi na tumugon pa sa kaniya. I’m done arguing with him. Mas lalong sasakit lamang ang ulo ko. Nang makabili na ako, nilisan ko na ang lugar at nilampasan lamang siya habang nakatayo sa b****a ng canteen. Hindi ko na inabala pa ang sarili kong pukulan siya ng tingin.
Ininom ko ang soft drink na binili ko sa canteen. Malamig ito at saktong pampawala ng init ng ulo. Gusto kong kumalma pero hindi ko magawa. Ano bang mayroon sa akin ngayon at hindi mawala-wala ang inis ko? Mahinang inalog ko ang aking ulo at saka nagpatuloy na lamang sa pagbagtas ng hallway patungo sa classroom.
Pagkarating ko do'n, bumungad naman sa akin ang mga magulong upuan at ang mga maiingay kong kaklase. Ano pa nga bang bago sa klaseng ito? I can say that this section is one of the worst. Mukhang nagpi-piyesta na naman sila dahil wala ang kanilang Prime Master. Rats will play if the cat is away.
Dire-diretso akong pumasok sa loob. Pero napaiktad ako nang malamang sinusundan ako ng tingin ng mga babaeng kaklase ko at ang iba ay nagbulungan pa. Ano na naman bang problema ng mga bruhang ito sa akin? Kapag ako ay hindi nakapagpigil, pag-uuntugin ko ang mga ulo nila.
Nagulat naman ako nang hilahin ni Lucy ang aking braso dahilan para mapaupo ako sa aking silya. Inirapan ko siya.
“What?” I muttered.
“May tagos ka. Hindi mo ba alam na may dalaw ka ngayon?” tugon niya sa akin at bakas ang concern sa kaniyang mukha. What the hell!
“Seryoso?” hindi makapaniwalang wika ko saka ilang beses na napakurap ang mata ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin. Hindi ko maiwasang hindi ma-conscious sa sarili ko. Kaya pala kanina pa mainit ang ulo ko dahil may dalaw ako ngayon. Wala pa naman ito no'ng umaga kaya hindi ako nakapagdala ng napkin ko.
“Samahan mo naman ako, beshie. Bili tayo ng napkin sa labas,” pakiusap ko sa kaniya.
“Sige sige. Mauna ka at tatakpan ko 'yong likod mo para 'di na makita pa ng iba,” tugon niya sa akin. Napangiti naman ako. Napakasuwerte ko talaga sa kaniya. She’s a blessing to me.
Iniligpit niya ang kaniyang notebook at ballpen sa loob ng kaniyang bag at saka pinauna sa paglalakad. Sumunod siya sa akin at halos dikit na dikit lang siya sa akin. Naghagikhikan naman ang ibang mga babae sa klasrum ngunit hindi ko sila pinansin.
Mukha wala naman yata silang tinda sa canteen at lalong nahihiya naman akong pumunta ng school clinic para magtanong kung mayroon silang napkin do'n. That’s embarrassing. Kaya sinabi kong dumiretso na lamang kami ni Lucy sa gate para makiusap sa guard na palabasin kami.
“Kuya, puwede po bang lumabas muna saglit?” panimula ni Lucy sa lalaking nakatambay sa labas ng guardhouse. Pinakatitigan niya muna kami bago nagsalita.
“Bakit, mga iha? Anong problema?” usisa niya sa amin habang nakakunot ang noo. Pinasadahan niya kami ng tingin mula ulo hanggang baba. Mukha bang may gagawin kaming masama sa labas? Mukha bang tatakas kami? At saka, kung makatingin siya sa amin ni Lucy ay tila may binabalak na masama. Ang lagkit ng mga titig niya lalo na sa akin. Ang sarap niyang kalbuhin sa totoo lang.
“Kasi po, kuya, may--” Kinurot ko si Lucy sa kaniyang braso ngunit alam kong hindi naman iyon masakit. Tumingin siya sa akin na may kunot sa kaniyang noo.
“Huwag kong sabihing may dalaw ako at natagusan. Sabihin mo na lang na may bibilhin tayong art material sa labas,” bulong ko sa aking kaibigan. Napatango naman siya.
“May bibilhin lamang po kaming art material sa labas. Hindi po kasi namin nadala 'yong mga gamit namin. May activity pala kami mamaya sa Contemporary Arts,” pagdadahilan ni Lucy sa guwardiya at nag-puppy eyes pa ang babae sa lalaki. The art of reasoning- Lucy is way too good for it.
“Wala ba silang tinda sa canteen?” muling tanong ni Kuyang Guard. Tae, mukha ayaw pa yata kaming palabasin. Ang daming tanong. Mukhang isasalang pa yata kami sa on-the-spot question and answer.
“Kuya naman ehh! Mga pagkain lang po 'yong tinitinda sa loob ng canteen. Kung gusto niyo po, magpatayo kayo ng store para sa mga school supplies dito sa loob ng University,” pilyong sabat naman ni Lucy kaya walang nagawa ang guwardiya kundi kamutin ang kaniyang batok.
“Naku! Sorry, mga iha. Pero bawal kaming magpalabas ng mga estudyante kapag class hours. Hintayin niyo na lamang ang lunch time. Isang oras na lang naman, lunch na,” saad niya sa amin. Nakakainis siya, ah! Hindi rin naman kami palalabasin, ang dami-dami pang tanong.
“Sige na, kuya. Gusto mo bang ma-zero kami mamaya sa activity namin? After nito, Contemporary Arts na namin,” patuloy na pagdadahilan ni Lucy at kulang na lang ay magmakaawa sa guwardiya.
“Sorry pero bawal talaga. Pero kung talagang desidido kayo, ganito na lang. Maiwan ang isa sa inyo dito sa guardhouse at isa lang ang papayagan kong lumabas. Maghintay na lang ang isa sa inyo dito at makipag-usap muna sa akin. Bagot na bagot na kasi--”
“Huwag na kuya! Hintayin na lang namin ang lunch time para makalabas. Tara na, beshie,” pagsabat ko sa lalaki na may halong pagsusungit at saka hinila ko ang braso ni Lucy.
“Pero—”
“Hayaan mo na. Tara na,” saad ko sa aking kaibigan. Napabuga siya ng hangin at halatang nadismaya. Nakakainis ang guwardiyang 'yon. Sa paraan pa lang kung paano siya tumingin sa amin, alam ko nang may pagkamanyak ang lalaking 'yon. Ang sarap niya talagang kalbuhin tapos hilahin 'yong ulo niya sa baba. Kainis!
“Subukan nating tanungin kung may tinda sila sa canteen, beshie,” saad sa akin ni Lucy. Kitang-kita ko ang pag-aalala niya para sa akin. Napabuga ako ng hangin mula sa aking ilong bago tumango sa kaniya. Desidido siyang tulungan ako kaya bakit ko sasayangin ang concern na ibinibigay niya sa akin.
Niyakap ko siya at nagpasalamat sa kaniya. Ang suwerte ko talaga at biniyayaan ng kaibigang tulad niya.
“Ano ka ba, beshie! Siyempre, we’re sisters. Sino pa bang magtutulungan kundi tayong mga magaganda, 'di ba?” pagpapagaan niya ng aking kalooban ngunit may pagkapilyo ang kaniyang pagkakasabi. Napahagikhik na lamang kaming dalawa sa isa’t-isa at saka nag-apiran.
Medyo natagalan bago kami nakarating sa canteen dahil tinatakpan ni Lucy ang aking likuran habang naglalakad. Mabuti na lamang at wala ng katao-tao sa canteen. Iginala ko naman ang aking tingin ngunit hindi ko siya nakita. Akala ko tumambay siya rito dahil hindi siya sumunod sa akin kanina. Nasaan na kaya iyon? Teka, bakit ko ba siya iniisip? Wala akong pakialaman kung saan man siya nagsusuot ngayon.
Mabuti naman kung ganoon. Sirang-sira na ang araw ko at ayaw kong sirain niya pa lalo ito. Tinungo namin ang counter at tumikhim ako para kunin ang atensiyon ng tindera. This time, ako na ang magtatanong. Nanatili lamang si Lucy sa kaniyang puwesto para takpan ako.
“Ano iyon?” taas-kilay na tanong sa amin ng babaeng nasa counter habang ngumunguya ng bubble gum. Ang taray lang ng ekspresiyon ng mukha niya na ipinupukol niya sa akin. Kailangan mong pigilan ang kasungitan mo, Yumi. Huwag mong tapatan ang kasungitan niya.
“May napkin po ba kayong tinda dito, Ate?” Sana naman ay mayroon. Hindi na kasi ako komportable dito. Napakalagkit na ng pakiramdam ko. Kailangan ko nang magpalit. Feeling ko ang tuloy-tuloy 'yong paglabas ng dugo sa akin. Tae, bakit kasi ngayon pa.
“Girl, canteen ito. Kitang-kita mo naman sigurong mga pagkain lang ang nandirito, 'di ba? Napakawalang kwenta mo namang babae at hindi mo alam kung kailan ka magkakaroon,” tudyo niya sa akin na nakataas pa rin ang kilay niya sa akin.
Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Umigting ang aking panga at nagngi-ngitngitan ang aking mga ngipin. Ang ayos-ayos at napakagalang ng tanong ko sa kaniya pero sasagutin ba naman niya ako nang pabalang. Tapos idadamay pa ang p********e ko. Huwag gano'n. Mali 'yon!
“Aba, Ate! Customer—” Iniharang ko ang aking braso kay Lucy para pigilan siya. Alam kong makikipag-away na naman kasi siya kaya bago pa siya makipagtalo sa babae, mas mabuti pang umiwas na lamang kami. Ayaw ko na ng gulo. Tama na ang nagyari kaninang umaga sa hallway at kaninang first period kay Ma’am Jamaica.
“Maraming salamat na lamang po. Sana maubos lahat ng napkin sa lahat ng store kapag magkaroon kayo ng dalaw,” mapang-uyam kong sambit sa babae saka binigyan siya ng pekeng ngiti. Natigang naman siya sa sinabi ko at hindi nakapagsalita. Nang makalabas na kami sa canteen, hindi naman mapigilan ni Lucy ang hindi matawa dahil sa sinabi ko kanina.
Kahit na kating-kati na ako dito dahil sa aking sitwasyon, pinili ko na lamang na.mging kalmado at tiisin hanggang sa puwede nang lumabas. Malapit lang naman ang boarding kaya puwede ko lang itong takbuhin at bumalik agad pagkatapos kong magpalit mamaya.
“Vacant naman natin hanggang lunch. Why not stay here in the school ground for a while, beshie? Naiinis kasi ako sa atmosphere ng room natin,” suhestiyon ni Lucy sa akin na may bahid ng pagkainis sa huling mga salita ng kaniyang sinabi.
“Yeah! Hindi ko rin gusto ang mga tinginan at bulungan nila sa tuwing papasok tayo ng classroom. Gusto mo bang bumalik na lang tayo ulit sa dati nating paaralan. Unang linggo pa lang naman ng klase. Maaari kong kausapin si mama tungkol dito,” sambit ko saka umupo kami sa isa sa mga bench na nasa lilim ng puno. Inalog niya naman ang kaniyang ulo bilag hindi pagsang-ayon sa akin.
“Hindi na, beshie. Isang taon na lang, magtatapos na rin tayo at pupunta ng college. Tiisin na lang natin. Masasanay din tayo sa paraan ng pagtrato nila sa atin. At isa pa, nandiyan naman si Rave para ipagtanggol tayo palagi. Remember, your slave is the Campus King,” hayag ni Lucy at saka sinusundot-sundot pa ang aking tagiliran para kilitiin. Nagsimula na naman siyang mang-asar. Baka nakakalimutan niyang may dalaw ako ngayon.
“Gaga! Bakit na naman nasali ang lalaking 'yon sa usapan?”
“Hahaha! Sorry na agad. Pero aminin mo, kinilig ka kanina no'ng presentation niyo kay Ma’am Jamaica, noh? Huwag kang mag-deny. Kitang-kita ko kung paano ka mag-blush kanina. Sobrang pulang-pula ang mukha mo kanina no'ng kasalukuyan ang tableau niyo,” panunukso niya sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil hindi ako komportable sa binuksan niyang topic.
Hindi ko alam ngunit bigla na namang nag-init ang aking mukha. Gosh! Ano bang nangyayari sa akin?
“Asus! Aminin mo na kasi, beshie. Anong pakiramdam? Mainit ba ang mga yakap niya? Dinala ka ba nito sa alapaap? May naramdaman ka ba kaninang tila mga paru-parong nagliliparan sa iyong tiyan?” pagpapatuloy ni Lucy sa pang-aasar sa akin. Ang lakas din ng trip ng bruhang ito. Kahit alam niyang naiinis na ako, sige lang siya ng sige sa pang-aasar sa akin. Minsan talaga, ang sarap pasakan ng tissue ang kaniyang bibig para manahimik.
“Che! Tigilan mo ako, beshie. Hindi na ako natutuwa,” pagtataray ko sa kaniya ngunit hindi niya ako tinantanan. Tinatawanan niya lamang ako at mukhang enjoy na enjoy sa pantri-trip sa akin.
Nagitla naman kaming dalawa nang may biglang dumating sa kinaroroonan namin ngunit nasa tatlong metro siguro ang layo sa akin. It was him. I just intently gave him a sharp stare. Ano na naman kayang katarantaduhan ang ipapamalas niya sa amin? I’m sick of his stubbornness.
Inunat niya ang kaniyang kamay saka iginaya niya ang kaniyang ito sa aking direksiyon. May dala siyang isang bagong skirt at isang pack ng napkin. Kinunutan ko lamang siya ng noo.
“Accept these as my peace offering. I’m sorry!” maamong wika niya at ramdam ko ang sincerity sa kaniyang boses. Alam ko kung bakit siya nag-sorry sa akin. Maybe, na-realize niyang hindi ko gusto ang ginawa niya kanina sa presentation namin at ngayon ay gusto niyang makipagbati sa akin. Ewan ko pero bigla na lamang humupa ang inis ko sa kaniya. Marunong din palang mag-sorry ang lalaking 'to. Pero teka, bumili siya ng napkin? Seryoso? Nagawa niya 'yon? O baka nag-utos siya ng bibili para sa kaniya?
Hinila ni Lucy ang aking kamay at saka inabot ang hawak ni Rave. “Maraming salamat dito, Rave. Sasamahan ko lang itong kaibigan ko na magpalit,” magiliw na saad ni Lucy at tila ba nabunutan ng tinik sa lalamunan. Mas mukhang siya pa yata ang na-stress sa aming dalawa dahil sa aking menstruation period.
Kinaladkad lamang ako ni Lucy ngunit hinila ko pabalik ang aking kamay para mapatigil siya sa pagtakbo. Lumingon naman ako kay Rave. Well, he asked for forgiveness. I think I have to do something.
Hinarap ko siya bago sabihin ang nais kong sabihin sa kaniya. “Rave, thank you for this one! I’ll make sure to return the favor. And one more thing, apology accepted,” sigaw ko sa kaniya. Hindi ko alam pero nakangiti ako habang sinasabi sa kaniya ang mga salitang iyon.
I saw a glimpse of smile suddenly curved in his lips. He is genuinely smiling at me. I can’t see playfulness or wickedness on it. It’s the real thing. Tumalikod na ako sa kaniya at tinungo namin pareho ni Lucy ang girl's comfort room. I just found myself smiling throughout our way to the girl's restroom.