Chapter 1 "Mabuting Anak"
"Panibagong araw, Panibagong Pag-asa," Ayan ang salitang Pinanghahawakan ng 30 taong Gulang na Si Police Corporal Fortune Keegan Ramirez. Nasa ikatlong taon na nito sa serbisyo bilang isang pulis. Silang dalawa na lamang ng kanyang ina ang magkasama sa buhay dahil iniwan na sila ng namayapa nyang ama limang taon na ang nakalilipas. Maayos naman sana ang Buhay nilang mag ina ngunit isang araw nalaman nya na lamang na halos nakasanla na pala ang ilan nilang mga ari arian at malapit na itong mawala sa kanila. Sinubukan nya pa sanang maisalba ang iba ngunit di na talaga kaya hangang sa Ang bahay na kinatitirikan na lamang nila at natitira sa kanila ang pinagsumikapan nyang hindi mawala. Maraming ala-ala sa bahay na ito, Masasayang ala-ala kasama ang nabubuhay nyang ama, maging ang mga kamag anak nila na nakikisama nung panahon na sila ay sagana na unti unti nalang din naglaho nung wala ng halos matira sa kanila. May natira man ay mangilan ngilan na lamang.
Kinabukasan ay maaga syang kumilos upang mag handa patungo sa stasyon na kanyang pinagsisilbihan. Pag gising nya ay handa na ang pagkain sa hapag na hinain ng kanyang mahal na ina.
“Good morning, Ma, Mukang ang sarap po ng hinanda nyong baon ko ngayong araw ah” saad ng Binatang Pulis sa kanyang Ina.
“Syempre naman anak, para sa pinaka gwapo at pinaka mabuting anak sa mundo sinarapan ko talaga yan para sayo. Idamay mo na rin yung mga katrabaho mo anak, lalo na yung Major mo na nagpapahiram sa atin ng Pera nung Panahong kailangan natin para hindi ma ilit ng banko itong bahay natin.” Saad ng ina nito na si Ginang Erlinda.
“Opo ma, palagi ko naman po binibigyan ng ulam si Major Escobar pati na rin ang ibang mga kasama ko.” Usal pa ng binata.
“Dapat lamang anak, dahil habang nabubuhay tayo, mas piliin nating maging Mabuti dahil libre yon.” Saad pa ng Ginang. Nilapitan naman ito ng Binatang Pulis at niyakap.
“Hmmm... Yan ang Mama ko, Alam mo ma, kapag pinanganak ulit ako sa Mundo, Ikaw parin ang Mama na pipiliin ko.”
“Hmm... Bolero, Anak oo nga pala 30 years old kana, wala pa ba sa isip mo ang mag asawa? Nasa tamang edad ka na anak, para naman kapag Nawala ako ay alam kong nasa tamang babae ka na..Na may bagong Mag aasikaso at Mag aalaga sayo, syempre ganon Karin dapat sa kanya Vice versa kayong dalawa, ayun ang sekreto roon anak.” Nakangiting wika ng ginang habang nakahawak sa pisngi ng anak.
“Ma, ano po bang sinasabi nyo, malakas pa po kayo at hindi pa po mawawala. Sabi nyo nga makikita nyo pa akong ikasal, pati mga magiging apo nyo sa akin maabutan nyo pa.” saad ng binata.
“Anak sinasabi ko lamang ang realidad, Alam mo naman, patanda na ako, Hindi rin natin masasabi ang buhay, OO ngayon malakas ako pero paano kung isang araw hindi na? Anak ayokong maging pabigat sa iyo, Kung pwede nga lang dalhin mo ako sa Home for the aged para hindi na ikaw ang mag aasikaso sa akin.”
“Ma, Magulang ko kayo kayo ang nagluwal sa akin, Oo ngat palagi nyong sinasabi sa akin na hindi responsibilidad ng anak ang magulang pero para sa akin willing akong ibalik ang pagmamahal at pagpapalaki nyo sa akin ma,
“Alam ko anak, na kahit sabihin ko sayo na hindi mo naman ako responsibilidad ay hindi ka papayag, Napakabuti lang talaga ng puso mo anak, Pero balang araw anak kapag dumating sa point na pagod kana sa akin may pahintulot kanang ilagay ako sa Home for the Aged, Dalawin mo na lamang ako pag may libreng oras ka anak ko.” Dagdag pa ng ginang.
“No Ma, Hindi ko yun gagawin walang dadalhin sa Home for the Aged, kapag nagpumilit kayo May anak din kayong Dadalhin sa MENTAL sige kayo hehe” wika ng binata na dinaan na lamang sa pagpapatawa dahil alam nyang di naman patatalo ang kanyang ina.
FORTUNE KEEGAN
Matapos naming mag usap at Mag paalaman ni Mama ay umalis na ako sakay ng aking Sasakyan na Si HirWIGO, isang taon ko na itong sasakyan, eto lang kasi ang kaya ng budget, hehe syempre kailangan maghigpit ng Sinturon, ayoko nang maulit muli sa amin ni mama yung time na halos walang wala kami dahil nga kailangan kong unahin yung bayarin para di mawala sa amin ang bahay, dumating sa point na talagang nag tipid kami, Naranasan naming maputulan ng kuryente dahil wala agad kaming ibayad on time mas pinili namin na wag maputol ang tubig dahil mas mahalaga iyon. Minsan pumapasok ako ng headquarters na kumakalam ang sikmura dahil mas iniiwanan ko nang pagkain at pangangailangan si mama kesa sa akin, Mabuti na lamang at may mabubuti akong mga kasamahan na inaalok akong kumain, pero syempre nakakahiya rin naman kung madalas akong makikikain, Lalo na kay Major Escobar, napakalaki ng naitulong nya sa kin nang malaman nya na ganon ang sitwasyon ko, hindi sya nagdalawang isip na paharamin ako ng pera kahit na hindi pa ako nagsasabi ay inalok nya na agad ako ng malaking halaga, halos 300,000 ang nagging utang ko sa kanya na paunti unti kong binabayaran, dahil kahit papano naman ay may nakuha rin kami sa pension ni papa na ang tagal naming nilakad ay nabayaran ko sa kanya ang 150,000 at kalahati na lamang ang aking binabayaran kada sahod at awa ng dyos ay matatapos na ito nasa 30k na lamang ito kahit papano.
Pagdating ko sa Station ay naroon na sila Major, speaking of Major ilang buwan na itong Good mood magmula ng makilala nya ang Isa sa mga estudyante na nakilala naming sa Unibersidad na malapit dito sa aming Presinto, Palagi kasi kaming naiimbitahan kapag may mga event doon at heto nga ng mga nakaraan ay pansin kong nahuhumaling ata itong si major dun sa estudyante iyon,Maganda at panalo naman kasi don sa estunyanteng iyon na tinatawag nyang BATA kaka Bata nito di na ako magtataka na isang araw MAGIGING BATA nya talaga yon kaya madalas ko syang tuksuhin, Nakakaaliw lang kasing patawanin si major, masyado kasing seryoso, kaya kahit gano pa sya kaseryoso di ako papayag na hindi sya matatawa sa mga banat ko. Lahat ng banat ko ay bumebenta, ahahaha.
“Good morning, everyone, syempre sa pinaka matinik na Major ng kamaynilaan” wika ko sa aking mga kasamahan saka naman tumingin sa akin si Major.
“Oh, mas nauna ako sayo ngayon Ramirez, anong nangyari” tanong ni Major escobar sa kanya.
“Wala naman po Major, hinintay ko pa po kasi ang pabaon ni Mama para sa ating lahat, at eto major, para Sayo yan bilin ni Mama, gusto ko na ngang magselos minsan eh, mas marami pa ata yung baon na bigay sayo kesa sakin hahaha, Charr lang.” saad ko rito.
“Haha, ganon ba? Pakisabi kay Tita Erlinda salamat” wika naman ni major,
“Oo ng apala may aatenand ako na Training ng 3 araw kaya kayo na muna nag bahala rito ha.”
“Yes Major., Kami pa ba no problem samin yan,”saad ko rito may training pala kasi sya at bukas na nga pala ang alis.
Kinabukasan nga ay maaga akong pumasok, meron kasing isasagawang charity ang Unibersidad na malapit rito kung Saan nag aaral ang Babaeng Iniirog ni Major, at syempre ka klase din noon yung babaeng nakilala ko rin noon nung nag train naman kami sa self-defense nila, sa pagkakaalam ko ay Sheng ang pangalan, natawa nga rin ako ng niloloko naman ang babeng iyon para sa akin. Cute naman sya, Simple mukang Nerd lang sya tingnan ngunit palaban, nakikipag bardagulan sya dun sa isang gay nila na kaibigan, Nakakatuwa lang naman sila panoorin, hahay Iba talaga kapag gwapo LALAPITIN NG MGA KOLEHIYALA pano ba yan SINILANG lamang ako na Gwapo at hindi mayaman haha yun lang ang meron ako eh.
Samantala…
KELSEY "SHENG"
“Ate Yana, Ano po nagawa mo ba yung pinakisusuyo ko sayo yung tungkol sa Donations? “ wika ko kay Ate Yana habang binubura ang aking Make Up na nilagay ko sa aking Mukha, tinangal ko rin ang medyo makapal na kilay na aking inapply, maging ang extension na nilagay ko sa aking Buhok, Sa harap ng Salamin ay ito ang tunay na ako. Ako nga Pala Si Kelsey Guevara Blanchet, SHENG ang tawag nila sa akin, Pinay ang Mama ko at ang Daddy ko naman ay Half French at Half Filipino dahil pinay naman ang lola ko Mama nila daddy, nag aral ako sa Australia dahil doon naka base si Mama ngunit nakiusap ako sa kanila na baka pwedeng dito na ako sa pilipinas magpatuloy ng pag aaral dito na ako nag third year at ngayon nga ay nasa 4th year na ako at graduating na rin, Madali kong napapayag si Mama ngunit si dad ang may pagka against na dito ako mag aral, pero buti na lamang din at napapayag ko pero sa isang Condition kaylangan kong bumalik doon at tulungan sya sa Business namin. Umuo na lamang ako kahit na diko naman naiitindihan ang mga paligoy ligoy ng business nya.
“Heto ang listahan ng mga Ipinabili mo Sheng, Kompleto yan mula sa mga delata, noodles, bigas at mga personal hygiene,” Wika ni Ate Yana sa akin.
“Thanks, Ate Yana, maaasahan ka talaga, kanino mo pinangalan pala? Tanong ko rito habang inaayos ang aking bagong palit na damit.
“Kay Ms.Lizan, yung kaibigan ko na may owner ng hardware saka nag donate din sya nakausap ko kasi nung nakaraan kaya sa kanya ko na lamang pinapangalan lahat pati yung Donation mo, bakit ba kasi ayaw mo pa na malaman nila ang totoong ikaw, na maganda naman talaga ang Buhay mo, na hindi ka isang ordinaryong estudyante lamang, na nag iisang tagapag mana ka Both side ng Family mo.” Tanong ni ate yana sa akin.
“Ate Yana, una, ayokong mag iba ang tingin nila sa akin, sa palagay mo ba kakaibiganin nila ako kapag nalaman nila ang totoo? Malamang matutulad na naman yan before na nilayuan nila ako, Pangalawa, hindi lahat mag I stay sayo kung ano ka, baka yung iba mag stay lang kasi ganito ka.
“Pero ang tanong nga hangang kelan ka magtatago sa ganyan Sheng, Sa tingin ko naman Ok naman yung mga kaibigan mo ngayon” matatangap naman nila siguro kung ano ka talaga.
“Sana nga ate, pero sa ngayon ayoko muna problemahin yan ate” saad ko rito.
“Sabagay, Oh sya maiwan na kita, Bumaba ka nalang dyan kapag Okay ka na. Kailangan ko na rin muna bumalik sa bahay namin alam mo naman yung mga pamangkin mo mawala lang ako pagbalik ko akala mo kung sang bansa na ako galing.
“Okay Ate Yana, thank you very much talaga” wika ko rito saka ito niyakap, Pinsan ko si ate yana sa mother side at sya ang pinaka close ko. Kaya sa kanya ako madalas na makisuyo kapag kailangan ko ng tulong.
Sa isang araw na ang charity, Sa isang remote area iyon gaganapin, Makikita at makakasama ko ng 3 days si Officer Ramirez, Ang Cute nya kaya lalo na kapag ngumingiti sya..Kaso magustuhan nya kaya ako, yung itsura kong medyo nerd? mukang playboy pa naman sya baka gusto nya iyong mga babaeng palaban at maganda, sa bagay yun din naman yung totoong ako, pero saka na ..ayoko muna ilabas mas ok na ako sa simpleng Sheng na kilala nila bilang ordinaryong estudyante. Sana lang maunawaan at maintindihan ako ng mga kaibigan ko kapag nalaman na nila ang Totoong ako.