KELLY
Sinulit namin ni Keegan ang ginawa naming camping. Kinabukasan ay umuwi na rin kami, Nagkape lamang kami at nag almusal bandang 8am ay umuwi na rin kami.
Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa namin ni Keegan, Isa ito sa Pinaka kakaibang experience a buhay ko.
Hinatid nya muna ako sa bahay namin saka sya umuwi sa kanila.
Pagod na pagod ang aking pakiramdam pero sa isang banda ay masaya parin. Agad akong dumiretso sa shower att naligo. Sariwa pa ang mapupulang marka na iniwan sa samin ni Keegan.
Pansin ko rin na medyo maga ang aking p********e dahil sa ginawa namin, mabuti na lamang at hindi naman ganon kasakit. Matapos kong maligo ay nagsuot lamang ako ng undies saka ngsuot ng isang mahabang tshirt. Dito lang naman kasi ako sa loob ng Bahay.
Patulog na sana ako ng mapansin ko ang CP na gamit ko bilang Sheng, dinampot ko ito at binasa ang mensahe.
Mensahe ito ni Keegan nangungumusta.
May mga text din dito na nagkwekwento si Keegan ng nararamdaman nya dahil di sya tangap ng daddy ko.
May mga text din dito na masaya sya dahil nagkita kaming dalawa.
Dahil wala na naman si Mom and dad pwede na ulit ako magpangap bilang Sheng. Agad akong nag reply at sinabing pauwi pa lamang ako mamayang hapon at pwede kami magkita
At nagkasundo naman kami sa oras.
Bandang Ala singko ay nagising ako, 6pm ang usapan namin ni Keegan.
Nag shower lamang ako saglit at saka nag apply ng make up na prosthetic at ilang minuto lamang ay Nakuha ko na agad ang Itsura ko bilang sheng.
Nagtungo na ako sa lugar na pagkikitaan namin ni Keegan.
Ilang minuto lamang ay dumating na rin sya.
"Uyy Sheng kumusta ka na? Long time no see ah? " Saad ni Keegan sa akin.
"Ok lang naman ani Keegan,
Ikaw kumusta na? Saad ko naman.
"Ok lang din naman, ang daming nangyari Sheng, hindi ko na sayo na text yung iba, I kwe kwento ko na lang para dama." Saad nya pa saka ngumiti.
Dahil kasama nya ako as sheng Ay pumunta muna kami sa paborito naming Tusok Tusok.
Kwek kwek at Lumpiang toge ang kinuha ko.
Nang makabili na kami ay humanap kami nang pwesto na pwede namin tambayan hangang sa nakahanap kami malapit sa isang puno.
At dooy nagsimula kaming kumain habang nag kwe kwentuhan.
Kinuwento nya kung gaano sya kasaya dahil naging kami, at kung gaano rin sya kalungkot dahil ayaw sa kanya ni Daddy, inopen nya lahat ng nararamdaman nya sa akin bilang sheng, yung sakit ng panlalait sa kanya ni Daddy. Nakaramdam naman ako ng hiya at sakit para sa kanya.
Pinipigilan kong tumulo ang luha ko sa pagsiwalat nya ng kanyang nararamdaman.
"Malay mo naman one day matangap ka rin ng daddy ni Kelly" wika ko sa kanya.
"Hmm..ewan lang Sheng, Hindi ko alam..
Sobrang nasaktan ako talaga, pinaka masakit sakin yung inalipusta nila ako, tapos pinag isipan pa na pera lang ang habol ko kay Kelly.
Pero naaawa ako kay kelly dahil naiipit sya sa gitna.
Nasaktan pa sya ng Daddy nya dahil sa akin." Dagdag pa ni Keegan,
kahit na ganon ang nangyari ay ako parin nag iniisip nya.
"Mahal na mahal mo talaga si Kelly no, Sana ol Mahal hehe" saad ko para namna mapatawa ko sya.
"Haha, Oo sheng mahal na mahal ko si kelly, Sya yung babae na gusto kong makasama habang buhay."
"Wow, talaga ba, swerte naman ni Kelly"
"Hehe, basta balang araw pag kinasal kami abay ka, at ninang ka din ng magiging baby namin hehe."
"Hehe ganon ba, Salamat Keegan"
"Ahm keegan, Pwede ko bang matanong ano nagustuhan mo kay kelly? Nakangiting tanong ko kay Keegan.
"Hmm..Napaka Caring, sweet, mahal nya rin ako, gusto ko ang ugali nya, bonus na lang yung appearance ng gf ko hehe."
"Ah..I see, hehe parang halos lahat yan ang hanap sa girl, Ahm..Ano naman yung ayaw mo sa ugali ng isang tao keegan?
"Ayoko syempre yung mayabang, mapang maliit, Manloloko like cheater ganon, at isa pa ayoko ng SINUNGALING."
Sa sinabing iyon ni Keegan ay parang natahimik ako, bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Hmm..Oi sheng natahimik ka."
"Ha? Ahm wala Keegan may naisip lang ako hehe."
"Ah, hehe akala ko may nililihim ka sa akin eh, haha sabihin mo na hanggat maaga." Saad pa nito.
"Ha? Ah eh wala, Ano namang ililihim ko sayo" saad ko
"E di Goods hehe"
Matapos namin kumain at mag kwentuhan ay nag paalaman na rin kami sa isat isa ngunit after ng aming pag uusap ay dala dala ko parin sa isip ang napag usapan namin.
Nakahiga na ako ngunit hindi ako dalawin ng antok, nagulat pa ako ng tumawag sya sa insta.
"Hi love, gising pa ikaw?
"Oo love nag papaantok, ikaw ba?
"Nakahiga na rin love, tinawagan lang kita, ikaw kasi ang gusto kong makita bago ko ipikit ang aking mata, hehe"
"Haha, ayy, may hugot si Mister Ramirez"
"Hehe...hmm..wala lang I miss you, mis na kaagad kita love."
"I miss you too love, May pasok ka bukas love?
"Wala love off ko bakit?
"Ahm, wala dadalawin ko si Mama Erlinda eh"
"Ah, hehe ganon ba, Wala ako pasok bukas nasa bahay lang rin ako kaya makikita mo ang pogi mong boyfriend bukas, hehe" saad pa nito sa akin.
"Nyahaha, Ang lakas ah, Okay love see you tomorrow.
"See you love, oh sya magpahinga na tayo, I love you love."
"I love you too my love, Good night"
Pagkatapos noon ay inend ko na ang call.
Ginabi man dalawin mg antok ay medyo maaga parin akong nagising.
Gusto kong magluto para sa kanila kaya kumilos rin ako agad.
Nag gawa ako ng pang lunch at ng dessert. Mabilis ko nmaan itong natapos kaya 11am ay nakagayak na ako at patungo na sa bahay nila 11:45 ako nakarating. Naabutan ko pa si Tita na naghahanda, samantala si Keegan naman daw ay nasa kwarto.
Pinuntahan ko si Keegan sa kwarto, nakaidlip ito nakita ko pa ang phone nya na picture namin ang wallpaper.
Nakita ko rin ang painting na ipininta nya na nakasabit na agad sa tapat ng kama nya. Nakatitig ako rion ng bigla nya ako hilahin palapit sa kanya.
"Hi love, andito kana pala hmmm..tinititigan mo ang portrait mo hehe"
"Oo love nagulat ako dyan mo sinabit love kitang kita."
"Okay lang yan love, ako at ikaw lang naman ang napunta dito sa room ko saka Okay nga dyan kaharap nitong Bed para pag wala ka at nag init ako, titingin lang ako dyan, tapos ayon, Hawak Sausage himas himas" saad nito kaya kinurot ko naman ito sa tagiliran.
"Haha bakit love, wala naman masama don ah, syempre pag wala ka at nag init ako, syempre nasa kamay ko ang sarap ng buhay.
"Haha..hmm..dami mo alam love, halika na kakain na tayo.
"Ok tara na, Baka ikaw pa ang makain ko, hehe"
Nasa harap na kami ng hapagkainan at magsisimula nang kumain.
Ako ang naglagay ng pagkain nya sa pingan nilagyan ko ng mga pagkaing niluto ko.
Inunahan ko lang sya, sya rin kasi naglalagay sa pinggan ko.
"Thank you love, ang sweet mo talaga"
Saad nya pa sa akin saka ko sya nginitian
Sa mga ganitong bagay Lang naman ako makakabawi sa kanya kaya sinusulit ko.
After kumain ay nag movie marathon lamang kami.
Nakahiga sya sa kandungan ko at hinahaplos ko ang kanyang ulo hangang sa napansin kong nakatulog na sya. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, Mukha syang suplado kapag seryoso ang mukha, pero once na ngumiti sya ay muka naman syang makulet. Pero mahal na mahal ko ang lalaking ito kahit na ano pa sya.
Matapos ang maghapong iyon ay hinatid nya naman ako pauwi sa bahay.
Nang makarating kami ay pinapasok ko muna sya, ilang minuto pa syang nagtagal. Bago sya umalis ay yumakap muna ako sa kanya, Matagal ang yakap na iyon. Hangang sa haplusin nya ang ulo ko, doon ko lamang din napansin na umiiyak na pala ako.
"Love, bakit ka umiiyak ha? May problema ba?" Tanong sa akin ni Keegan.
Nanatili lamang akong tahimik at nakayakap sa kanya. Gusto ko lang syang yakapin.
"Love, I'm sorry ha, Wala akong nagawa nung andito sila Daddy, Sorry sa nagawa ni Dad.
Napabuntong hininga naman sya at Niyakap pa ako ng mas mahigpit.
"Love, wala kang kasalanan, It's not your fault, hindi mo kailangang ma guilty love.
"Basta as long as Ok tayong dalawa at open tayo sa isat isa, walang magiging problema sa atin love okay,? Kaya don't worry." Saad nya kaya mas lalo na lamang ako napaluha, Paano pa kaya lag nalaman nya na?
Nag paalam kami sa isat isa ng gabing iyon.
Kinabukasan ay maaga akong kumilos dahil nga may pasok.
Naging busy ako sa Trabaho dahil ayokong petiks lang at baka sabihin naman na kesyo kilala mo nag boss ay easy easy na lang ang trabaho ko kaya nag focus ako sa work.
Si Keegan naman ay naging Busy rin dahil sa training nya sa pag swa SWAT.
Pero kahit na ganon ay hindi namin nakakalimutan kumustahin ang isa't isa.
Samantala sa Opisina naman hindi ko alam ngunit pansin ko ang madalas na Paglapit sa akin ni Harem.
Madalas rin akong makatangap ng kung ano anong bagay na galing sa kanya, minsam may breakfast, minsan may lunch.
One time may pabaon daw si Tita Hera na lunch para sa akin, noong time na iyon ay magkikita kami ni keegan kaya dala ko ang lunch na yon sakto naman may dala rin na lunch si Keegan na luto naman ni Mama Erlinda.
"May baon ka love?
"Wala love, Bigay ni Harem padala daw ni Tita Hera.
"Ah ganon ba? Sige okay lang ako na lang ang kakaim ng padala ni Mama."
"Nope, I will...Kakainin ko ang padala ni Mama Erlinda, Mis ko na ang luto nya."
Saad ko at bahagyang ngumiti.
Lumipas pa ang mga araw ay mas lalo pa kami naging busy sa isat isa, Sa gabi na lamang kami nakakapag usap pero dahil sa pagod minsan ay nakakatulugan ko na rin ang pag uusap namin. Pero bumabawi naman kami sa isat isa kapag weekend sinusulit namin ang oras.
Samantala
KEEGAN
Patuloy lamang kami ni Kelly sa routine namin. Naging busy kami pareho pero kahit ganon ay may time pa naman kami sa isat isa pero sa gabi na nga lang kami madalas makapag usap, Busy sya sa opisina na pinag tra trabahuhan nya ako naman ay busy sa training.
Gusto ko kasing mag seryoso sa buhay, gusto kong patunayan sa Daddt ni Kelly na karapat dapat ako sa anak nila.
Seryoso naman ako sa buhay pero mas gusto ko pang maging better person ika nga.
Napansin naman ni Major ang pag seseryoso ko kaya ako naman ang kinukulit nya.
"Aba, talagang Pursigido ka dyan sa oag swa swat mo ah, hahaha '
Napaka busy mo na ah" nakangiting puna ni Major sa akin.
"Haha, syempre Major, gusto kong palitan yang pwesto mo, Hahaha I'm sure sa mga susunod na taon tataas na ranggo mo hahah Chareeng..., Hahhaa hindi major alam mo naman gusto ko makapasok sa SWAT.
"Hahhaa, Sa bagay ayos yan Ramirez, ipagpatuloy mo lang. So kaya pala tahimik ka ngayon, Wala ka munang 'YAHH TIGIDIG TIGIDIG' hahaha"
Natatawang Saad ni Major, Bigla akong napaisip. Paano nya nalamang ang bagay na iyon? Eh kami lang naman ni Kelly ang Tao dun sa hacienda.
"Woi, Major...Gagi...Hwag mo sabihin may CCTV ka sa Farm, sa mga puno at Falls? Loko ka Major, Hala baka Nakita mo mga Ginawa namin sheshh"
"Hahhaa Relax Ramirez, Di naman ako ganon no, Di ko nakita narinig ko lang naman" saad pa ni Major.
"Hala? Paano major? Nakikinig ka? Nagtago ka sa Puno para makinig sa mga ungol namin?
"Haha Nagsumbong sa akin si ROWAN. natatawang wika ni Major.
"Hindi nga Major? Sabi na nga ba iba ang Kutob ko dyan kay ROWAN, Sumbungero sa amo, Naiinggit sa ginawa namin, hehehe."
"Haha, Don't worry, Di naman lalabas yung mga pinag sasasabi mo habang nakikipagtalik sa GF mo, mahusay naman akong mag keep ng secrets haha , YAHH, TIGIDIG TIGIDIG."
"Hahaha, pero major, Bat mo nga alam."
"Haha, Kay Rowan nga, Lahat ng kabayo ko ay may Device, para ma detect ko sila hindi mo mapapansin dahil nakadikit sa may Cord, personalize ang mga iyon para pag nawala ma dedetect sila kung saan sila napadpad." Paliwanag pa ni Major
"Ah, Ang galing...Haha..pero Major ah, Audio lang ah, walang video
"Haha, Wala no...Palagay mo sa akin?
"Goods, haha syempre, Baka pag Video kumalat tapos pag fiestahan at Pag nasahan nila yung Pang MODELO kong katawan, syempre ayoko non, the body of mine is exclusively for my Love only, hahaha" saad ko pa.
"Hahaha, Oo na, Oh sya sige na, Pasalamat ka di ako mangingikil na tulad mo Ramirez"
"Hahaha Aba Dapat lang, Sa Yaman mong yan mangingikil ka pa, Sobra ka na Major, Magpalit na tayo ng Pagkatao hahaha"
"Hahaha...O sya sige na mag aral kana ulit." Saad pa ni Major sa akin
Makalipasa ang ilang araw pansin ko ang tila malalim na iniisip ni Kelly,
Magkasama kami ngunit pansin ko na minsan parang natutulala sya at tahimik.
"Love, May problema ba? Para kasing wala ka sa mood.
"Ha? Ah eh hindi love, may iniisip lang ako, I'm sorry
"It's okay love, basta kung may problema sabihin mo lang sa akin ha, para mapag usapan natin"
"O...Okay love, Thank you." Saad nya sa akin.
Kasalukuyan kaming nasa bahay nila, at as usual patuloy na may nangyayari sa amin, Wala man kaming time sa umaga pero once na dinadalaw ko sya ay may nagaganap at nagaganap sa amin. Minsan nga naghihintay na lang ako ng announcement na Buntis na sya dahil talagang walang mintis ang pag pupunla ko sa loob nya.
Makalipas pa ang mga araw ay ganon parin ang routine namin, Kapag minsan sya ang napunta sa bahay, minsan naman ako ang napunta sa kanila.
Isang araw habang magkasama kami, pansin ko na may gusto syang sabihin sa akin.
"Love, Can We talk?
"Yes love, ano yon?
"Ahm love, Kasi ano, may...may gusto sana akong sabihin sayo..."
"Sige love,..sabihin mo? Makikinig ako"
Saad ko sa kanya
"Ahm..love kasi....
Nasa ganong Eksena kami ng biglang tumunog ang Cellphone ko, nag excuse muna ako saglit dahil nakita kong si Ate vivian ang tumatawag.
"Hello Ate Vivian, ....ANO? bakit kaya ate? Parang bigla naman yata, Oo nga eh lagi naman nya iniinom yon, Sige ate papunta na kami dyan."
"Love, anong nangyari? Tanong ni Kelly sa akin na bahid ang pag aalala sa Mukha.
"Love Si Mama Sinugod sa Hospital, Kailangan ko puntahan"
"Ha? Love sasama ako, gusto ko makita si Mama Erlinda"
"Sige love tara na.."
Mabilis kaming nagtungo sa Hospital, Dahil sa Pag aalala sa Kalagayan ni Mama ay Hindi ko na natanong ang gisto nyang sabihin, Sa susunod ko na lamang tatangungin dahil mas nag aalala ako sa kalagayan ni Mama.
Pagdating namin sa Hospital at Nakita ko si Mama na Walang malay, May mga Aparato na naman na nakakabit rito. Para na namang winawasak ang puso ko pag nakikitang ganito si Mama.
Hindi ko na naman Maiwasang hindi maiyak sa sitwasyon nyang ganito.
Niyakap naman ako ni Kelly at Hinaplos sa likod para kahit papano ay na comfort ako.
Nasa ganon kami ng lumabas ang doctor.
"Doc, ano pong nangyari kay Mama, parang bigla po ata, ang lakas nya pa po eh."
"Mr.Ramirez, Oo malakas ang Mama mo sa labas, pero sabi ko sayo Noon sa puso ang kalaban ng Mama mo ano mang oras ay pwede umatake, mukang ganin nga ang nangyari, Kaya mukang kailangan nya na talagang maoperahan. Dahil sa susunod na atake nya di na natin matitiyak kung maka libre pa sya. Pero inuulit ko Hijo, Kailangang maoperahan ng Mama mo sa lalot madaling panahon.
"Salamat Doc..Doc..Estimated po mga magkano nga po ba ang aabutin ng operasyon?
"3-5 million Mr.Ramirez dahil hindi lang sa puso ang kailanganng operahan, Nakitaan din namin sya ng ibang Komplikasyon.
Dahil sa sinabi mg Doctor ay tila gusto kong mabuwal. Saang kamay naman agad ako kukuha ng 3-5 million?
"Salamat po Doc ."
"Sige, mauuna na ako Mr.Ramirez." paalam ng doctor saka tuluyang umalis.
"Love, laban lang...malalampasan yan ni Mama, hwag tayo mawalan ng pag asa okay" Pagpapalakas ni Kelly ng loob sa akin.
"Salamat love" saad ko saka yumakap kay kelly.
Tahimik lamang ako habang naghihintay magising si Mama, nasa tabi ko parin si Kelly. Bigla ko naalala yung sasabihin nya dapat kanina kaya tinanong ko sya.
"Love, ano nga pala yung sasabihin mo kanina na di natuloy? Tanong ko sa kanya, napansin ko na natahimik sya.
"Ah, Eh wala love kalimutan mo na muna yon love, tungkol lang naman sa work."
Saad nya naman sa akin, at tumango na lamang ako. Tahimik lamang kami pareho ng bigla syang magsalita.
"Love, kelangan na maoperahan ni Mama love kung gusto mo may pera akong naipon nasa 1.5 din yon, hihingi na lamang ako ng tulong kay Ma....
"Love, Hindi ko uutangin ang pera mo, at mas lalong hindi tayo lalapit sa mga magulang mo" maotoridad kong saad tila nagulat naman si Kelly sa sinabi ko.
"Pero love, kailangan na maoperahan ni Mama, Pride parin ba ang paiiralin mo love?
"Bakit love, Ikaw ba ako? Ikaw ba ang nilait lait at minaliit,? Niyurakan ang pagkatao? Hindi diba kundi ako, Kinsehodang mabaon ako sa utang sa ibang tao pero Im Sorry di ko gagamitin ang perang inaalok mo at lalo na ang tulong na hihingin mo sa magulang mo. I'm sorry love." Saad ko rito.
"Kahit yung Perang ipon ko love? Hindi mo parin ba tatangapin?
"Yes love, kahit ipon mo yan, pera parin yan nang magulang mo kaya I'm sorry.
Sapat nang nariyan ka sa tabi ko at dinadamayan ako." Saad ko sa kanya saka ko sya niyakap
"Sige love, Kung ayaw mo ikaw ang bahala" saad nya naman sa akin saka yumakap rin.
"Hayyy...bakit di na nagsawa yung problema sa akin, Ako nalang lagi, Sana malampasan ko ang problemang ito, Sana malusutan ko" saad ko na lamang sa aking isip.