Matapos naming kumain ng umagahan ay nag asikaso na rin kami ni Kelly.
May duty ako sa HQ si Kelly naman ay kailangan ng umuwi dahil baka naman hanapin na sya.
Kasalakuyan akong nagbibihis ng aking
Uniforme, Samantalang si Kelly naman ay bihis na, Napakaganda talaga ng Nobya ko. Wala syang nilagay na make up ngayon nag pulbos at nag lagay lamang sya ng konting liptstick pero mukang fresh na fresh parin.
Napansin nya naman na tinititigan ko sya.
"Bakit nakatingin ka love? May dumi ba ako sa mukha?"
Tanong nya sakin saka sya tumayo at tinulungan ako sa pag bobotones ng aking uniform.
"Wala love, ang ganda ganda mo pa rin kasi kahit wala kang make up." Saad ko rito habang nakangiti sa kanya.
"Weh, talaga ba? Girlfriend mo lang ako kaya mo sinasabi yan hehe"
"Hindia ah, Maganda ka talaga Love, Feeling ko tuloy ako si Daniel Padilla, tapos kakanta ako ng "NASAYO NA ANG LAHAT, MINAMAHAL KITA PAGKAT, NASAYO NA angG LAHAT PATI ANG PISO KO" hehehe.
"Ahaha, aba at kumanta ka pa talaga love ha" saad ko sa kanya.
Natawa naman sya at Hinalikan akong muli sa Ulo saka kinuha ang kanyang Baril saka isinukbit sa kanyang bewang.
Nang matapos na kami ay sabay na kaming Nag paalam kay Mama Erlinda.
Sinakay nya muna ako sa Aking kotse saka sya sunakay sa Kotse nya saka kami umandar ng magkasunod, nasaay hulihan ko sya, bahagya pa kaming nakakalis ay Tumatawag agad ang loko, dahil naka connect naman ito sa blueetoth ay naka loudspeaker ito.
"Hello love, Mag iingat ka ha,
MAHAL NA MAHAL KITA TANDAAN mo Yan...Miss na agad kita, Anak ng Tinola." Saad nya sa kabilang linya.
"Hehe, Wala pa tayong 5 minutes magkahiwalay mis mo na ako agad, Hehe Ingat ka din My Loves, Palagi kang magdarasal bago sumabak sa trabaho" saad ko pa rito.
"Yes My Love, lagi ko naman yung ginagawa."
"Good, syempre delikado ang Trabaho nyo kaya palagi ko hinihiling ang kaligtasan mo.
"Salamat Love, na Touch naman ako, I love you Ms.Blanchet."
"And I love you More Pcpl: Ramirez, hehe
Pagdating sa dulo ay kailangan na naming maghiwalay ng daan, Pakaliwa sya at kanan naman ako.
Tatlong busina ang ginawa nya hudyat ng i love you, tinugon ko rin iyon ng Apat bilang I Love You Too.
Habang lumilipas ang araw mas nakikilala ko pa Si Keegan.
Mapagmalahal, Napakalambing,Maalaga, Given na yung pagiging Joker nya pero napaka soft nya pagdating sa usaping family lalo na kay Mama.
Mas lalo ko syang minamahal araw araw.
Deserved ni Keegan mahalin, at patuloy kong ibibigay at ipaparamdam ang pagmamahal na iyon sa kanya.
Hindi ko pa nasasabi sa mga magulang po, pero sasabihin ko na rin sa kanila ang tungkol sa amin ni Keegan, bahala na sa magiging reaction ni Daddy.
Pagdating ko sa bahay, ay naligo ulit ako at nagbabad ng ilang minuto sa bathtub.
Pag ahon ko ay nakita ko pa ang mga pulang marka na iniwan sa akin ni Keegan nang nagdaang gabi.
Mahal ko si Keegan at wala naman akong pinagsisisihan sa mga ginagawa namin.
Matapos kong maligo at gawin ang mga routine ko ay nagpahinga muna ako.
Nakatangap din pala ako ng Mensahe mula sa Segovia at pinag sisimula na ako sa isang araw.
Sa bagay tapos na rin ang isang buwang hiningi kong pahinga kaya ako naman ang tutupad sa usapan.
Tumugon ako na Payag na akong magsimula at labis naman ang tuwa ni Harem.
Bandang hapon na nang magising ako, Nakita ko ang reply ni Mom and Dad para sa ni request kong Videcall, tatawag sila after 30 mins. Medyo kinakabahan ako dahil sasabihin ko na rin ang tungkol sa amin ni Keegan.
Hangang sa sumapit nga ito.
"Hi Sweetie, Kumusta ka dyan anak" magiliw na tanomg ni Mama.
"I'm okay Mom, kayo po kumusta po kayo dyan?"
"Ok lang din naman anak, Malakas naman ang Business natin rito sa Aus."
Bigla naman nag Join si Dad sa VC.
"Sorry Girls nahuli ako, alam nyo na, Any way kumusta my Princess,? Nakangiting tanong ni Dad sa video.
"Ahm..Im fine Dad, Then i just wanna let you know na Mag i start na po ako sa Segovia sa isang araw, nag confirm na rin po ako kay Harem" wika ko na nakangiti rin.
"Wow, Good decision Hija, Mabuti naman at tinupad mo ang sabi mo. Kaibiganin mo si Harem anak, para mas makilala mo pa sya." Saad ni Daddt sa kabila.
"Yes dad, I think Harem is Good naman, nakikita kong magiging mabuti po syang kaibigan."
"Hindi lang kaibigan, Mas Higit pa sa Kaibigan Ang naghihintay sayo" saad ni Dad, bigla naman akong tumahimik at bumwelo ng sasabihin
"Ahm..Mom Dad, I have something to tell you po. Ahm..Mom...Dad..meron na ho akong Nobyo." Diretso kong sabi. Bahala na kung sesermonan nila ako, ganin din naman eh,. Pareho silang natahimik at nagulat, Unang nagsalita si Mommy.
"Ah..Talaga anak, Kilala ba namin ang nobyo mo? Isa ba sa mga ka klase mo? San mo nakilala." Tanong ni Mama at Sumingit naman si Dad sa usapan.
"Sino ang lalaking iyon, Saka anong estado nya sa buhay? Nababagay ba sya sayo? Oh baka ikaw lamang ang magpapakain sa kanya balang araw.!"
Ayan ang sinasabi ko sayo Kelsey! Pala desisyon ka nang wala man lang approval namin mg Mommy mo! Medyo galit na wika ni Dad.
"Sheng anak, San mo nakilala yung nobyo mo? Mahinahon naman na tanong
ni Mama.
"Malapit po kasi sa School namin yung Trabaho nya, pero sa Mall po kami nagkakilala, Saad ko kay Mama, syempre yung unang pagkikita namin ni Keegan ang sinabi ko.
"May Trabaho naman po sya Mom and Dad, Isa po syang Police at mabuting tao po si Keegan.
"Bullshit! Rinig kong pagmumura ni Daddy sa kabilang linya, at rinig ko rin naman ang pag awat ni Mommy. Bigla na lamang akong napayuko at di matingnan si Daddy sa Monitor dahil alam kong Magsisimula na itong manermon.
"Jusko Kelsey, Nag iisip ka ba? Isang Police ang Nobyo mo? Walang Yayaman sa Pag po Police Kelsey! Kaya nga yung ibang police gumagawa ng Hindi maganda dahil sa liit ng Sweldo!
Ultimo pang Kape Dudugasin pa at hihingi ng lagay."
"Dad, hindi po ganong tao si Keegan"
"At pano mo nasisigurado! Saka sigurado kabang ikaw lang ang Babae nyan!
Tandaan mo may mga Pulis na kaliwat kanan may Ibang inuuwian!
"Dad, hindi po ganon si Keegan, Bakit naman po ang bilis nyo syang husgahan agad."
"Yan Kelsey! Magpadala ka sa bugso ng damdamin mo! Pawang mga katotohanan lamang naman an mga sinasabi ko ah, na posibilidad na ganon ang nobyo mo.
Sarado yang isip mo kasi mahal mo.!
"Pero kasi po Daddy jinudge nyo po agad sya, wala naman po syang ginagawang masama"
"Bahala ka na Kelsey! Mag usap tayo next month! Ilabas mo yang pinagmamalaki mong nobyo at kikilatisin ko pag uwi namin ng Mommy mo! Yan ang nakakainis sayo eh minsan Hindi ka nag iisip ng maayos, malapit kana sa taas, Mas pinili mo pa yung nasa Baba!
Matalino ka naman sa ibang bagay pero ang BOBO MO SA PAG IBIG!" Wika ni Daddy kaya di ko na napigilang umiyak.
Kapag kasabi noon ni Dad ay bigla na lang din ito nag leave sa Videocall, kami na lamang ni Mommy ang natira.
"Sheng anak tahan na, Pag pasensyahan mo na ang Daddy mo."
"Bat ganon si Dad mom, ang sakit nya naman po mag salita. Hindi nya pa naman po na me meet si Keegan para i judge ng ganon. Mas tatangapin ko na po na Bobo ako, kesa manggamit ng ibang tao para lang sa yaman.
"Shhh .tahan na anak, Mag usap tayo next month ha, gusto ko rin makilala si Keegan, naniniwala ako na mabuting tao sya dahil hindi mo naman sya magugustuhan kung hindi, kaya tahan na anak, Hwag kana umiyak." Saad ni mommy sa akin, Tumango naman ako saka nag paalam na rin sya dahil marami pang trabaho.
Hindi ko naman napigilan na di umiyak matapos namin mag usap nila Mommy, Di parin mabura sa isip ko ang mga sinabi ni Dad, at ang Salitang BOBo ni daddy sa akin sapagkat si Keegan ang pinili ko.
Umiiyak ako, pero hindi pwedeng ganto, Ayoko maging negatibo.
Ang mahalaga napaalam ko na sa kanila ang relasyon namin ni Keegan,
Wala na akong magagawa kung tangap man nila o hindi.
Nag decide akong gumawa ng Crinkles Cookies para maaliw naman ako kahit papano. Ipag gagawa ko si Keegan at si Mama Erlinda pero this time ay Crinkles naman.
Matapos ang ilang oras na pag gawa ay tagumpay naman ang resulta pinalamig ko muna ito saka inilagay sa Box.
Bandang Ala Sais ay nakatangap ako ng tawag mula kay Keegan, Di ko na pala nahawakan ang phone ko simula kanina, Sa Laptop kasi kami ng usap nila mommy kanina, Ngayon ko lamang napansin na marami na palang text si Keegan, Kaya dali dali ko sinagot ang Tawag nyang videocal via sa insta.
"Hi love, Kumusta ka, Mis na kita, Anong ginagawa mo love? Nakatulog kaba kanina?" Tanong nya sa akin habang nakangiti, Napakaganda ng ngiti nyang iyon dahil pati ang kanyang mga Mata ay tumatawa rin,.
"Oo love, I'm sorry nakatulog kasi ako kanina after ko mag shower, tapos ngayon naman kakatapos ko lang gumawa ng Crinkles para kay Tita saka para sa inyo nila major at ng ibang mga kabaro mo." Saad ko saka pinilit na ngumiti.
"Wow, Thank you very much love, nag abala ka na naman para sa akin., I love you love, napaka sweet mo talaga mahal ko, kaya mas lalo kitang minamahal eh," saad nito saka nakangiting nakatingin sa screen.
"Mahal na Mahal din kita" saad ko sabay pag Crack ng boses ko at di na napigil ang luha na kanina pa gustong kumawala at tila gulat si Keegan ng makita iyon.
"Love, What happened, bakit ka umiiyak may problema ba ha? Tanong nya sa akin, ibinaba ko naman ang CP sa lamesa at pinunasan ang aking luha.
"Wala love, I'm okay..Masaya lang ako." Saad ko rito, pero alam kong di sya kombinsido.
Hindi na sya namilit ngunit nag paalam sya na gusto nya akong makita at puntahan kaya sinabi ko sa kanya na magkita na lamang kami sa bagong tayong coffee shop na medyo malapit lamang sa aming subdivision.
Samantala
KEEGAN
Masaya ang araw ko dahil sa nangyari sa amin ni Kelly nang nagdaang gabi. Ipinagkatiwala nyang muli ang kanyang sarili sa akin, Pangalwang beses na may nangyari sa amin, ngunit iyon ang unang Beses na may namagitan sa amin bilang mag nobyo't nobya.
Panay ang text ko sa kanya kanina ngunit hindi na sya nah reply marahil busy or baka tulog at tama naman ang aking hula. Nang tinawagan ko sya ng hapon ay sumagot sya, kasalukuyan daw syang nag aayos ng crinkles na gawa nya para amin, napaka sweet nya talaga. Ngunit pansin ko na tila galing sa iyak ang kanyang mga mata hindi ko na lamang inusisa nong una hangang sa biglang nag crack ang boses nya at doon koo na sya nakitang umiyak kaya nag decide akong ayain syang mag tagpo kami at yun nga ang nangyari.
"Love,"saad ko sa kanya saka sya niyakap.
"Kanina ka pa love, I'm sorry ako yung malapit ako pa yung late, saad nito sa amin habang pinipilit ngumiti.
Konti lamang ang tao sa shop na yun kaya sa rooftop kami pumwesto ni Kelly at umorder ng kape namin.
Niyakap ko sya mula likod at pinatong ang aking baba sa kanyang balikat
"Love, bakit ka umiyak kanina, pwede mo sabihin sakin, handa akong makinig" wika ko pa sa kanya. Hinawakan nya naman ang kamay ko na nakayakap sa kanya at dooy sunimulan nya mag kwento.
"Love, pinaalam ko na kay mom and dad yung relasyon natin."
"Oh, talaga, so anong sabi? Nagalit ba?
Imbes na Sumagot ay tumango lamang ito saka, muling nagsalita.
"Pero don't worry love, Mahal na Mahal kita, Ikaw ang pinili ko. Handa akong mawala kung anong mawawala sa akin basta sigurado akong ikaw ang mahal ko." Saad nito sa akin saka ito yumakap.
"Mahal na mahal rin kita love. Hmm mukang alam ko na kaya napagalitan ka ng daddy mo kasi isang hamak na pulis lamang ako."
"Hindi love, I'm so proud of you, na isang police ang Boyfriend ko, isang mapagmahal na anak at nobyo at mapagmahal sa bayan. Saad pa nito habang nakayakap pa rin.
" Gusto ka nilang ma meet nila mama next month.
"No problem love, gusto ko ring personal na ma meet sila at sabihin at ipaalam sa kanila na mahal na mahal ko ang anak nila." Wika ko p sa kanya
"Thank you love, kahit na sinabihan ako ni Dad nang Bobo dahil sa pagpili ko sayo eh mas Pipiliin ko parin maging Bobo.
"Sinabi yon ng dad mo sayo? Tanong ko sa kanya at tango ang sinagot nya. Niyakap at hinagkan ko sya.
"Love, Salamat, Pangako ko na di din kita isusuko. Salamat sa love mo sa akin, ramdam ko na ayaw sa akin ng Daddy mo. Pero pangako kong mamahalin kita at ibibigay ang aking makakaya,.
"Hindi naman sa akin importante ang marangyang buhay love, Mahalaga sa akin kasama ang mga mahal ko, kasama kita.
"I love you Kelly"
"I love you too Keegan, sya nga pala mag start na ko ng work sa isang araw sa Segovia love.
"Ganon ba love basta ingatan mo ang sarili mo ha, kumain sa tamang oras at wag magpapalipas ng gutom" saad na bilin ko pa rito.
"Thank you love, ikaw din po"
Ilang minuto pa kami nag usap saka nagpaalam sa isa isa.
Sobra kong mahal si Kelly, Mahal na mahal ko sya kaya nalungkot ako sa nalaman ko na Sinabihan sya nang di maganda ng daddy nya dahil lang sa pagpili nya sa akin.
Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin sa akin hwag lang nila sasaktan si kelly.
Ang babaeng Mahal ko at unti unting bumubuo sa pagkatao ko.