Isabella's POV
Andito nako sa school hinihintay ang kambal. Napaaga ako ng dating dahil nagising ako ng napaka aga, iniisip ko yung mga transferees kahapon. Hindi nila ako pinatulog ha!
Pumunta akong cafeteria para bumili ng Ice cream, buti nalang meron. Habang kumakain ako may biglang nagsalita sa may gilid ko, pagtingin ko yung Rianna bayun?
"excuse me miss, can we join you?" tanong niya, kasama niya yung mga kaibigan niya. Yung mga transferees, silang lahat.
"yeah sure"
"Thank you"
Tumango nalang ako at kumain na ulit.
"What's your name?" tanong nung Ann ba or Anna.
"Isabella, Isabella Gonzales" sabi ko at inilihad ang kamay ko.
"Anna Williams" sabi niya at tinanggap ang kamay ko.
"yeah. I already know your name." Pero hindi ako sure kanina kung Ann or Anna atleast diba may tama.
"ohh so we're classmates?" tanong ni Trix
"Uhmmm yeah" alanganin kong tango.
"kaya pala familiar ka" sabi ni Liam.
Nag smile nalang ako sakanya at tumingin sa orasan, 7:30 am na so andun na yung kambal sa room.
"Ahm cge una nako sa room baka andun na yung mga kaibigan ko"
"ahh cge, see you" Anna
Lumabas na ko ng cafeteria at pumunta na ng room at tama ako nandun na nga ang kambal
"san ka galing?" janella
"cafeteria, ang tagal niyo kase nainip tuloy ako"
"Maaga ka lang talagang bruha ka" jane
"oo nalang" Hindi naman ako mananalo sa dalawang to pagdating sa barahan ehh.
Dumating na si Ma'am at nag start na siyang mag discuss.
After tumunog nung bell nagsilabasan nakami at pumuntang cafeteria para mag lunch
"jane kayo na mag order. Pizza and Fries akin ha" tumango naman sila at pumila na.
Umalis na sila para mag order. Kinuha ko ang phone ko at nag earphone habang hinihintay sila.
Nag patugtog ako ng Blood, sweat and tears ng Bts. Fan kaming tatlo nung kambal lalo na si Janella.
Pag dating nila kumain nakami at after naming kumain bumalik nakami sa room.
After ng discussion pumunta nakong parking lot at nakita si manong. As usual, lagi siyang maaga.
Pagdating ko sa bahay nagbihis nako at humiga sa kama.
Unti unti akong nilalamon ng antok kaya pumikit nako.
*dream*
May isang babaeng kakapanganak palang at parang pang royalty noong mga sinaunang panahon ang kanyang suot.
"Queen Sapphire sinusugod po tayo ng mga Dark Users!"
Sabi ng biglang pumasok na kawal.
Dahil sa biglaang balita agad na napabangon ang reyna sa pagkakahiga, kahit na pagod na pagod kinalong nya ang kanyang bagong silang na sanggol.
"Queen hindi na po kayo ligtas dito."
"alam ko. Pupunta kaming mortal world ng anak ko"
Nagbigkas ang reyna ng spell at may unti unting nabubuong portal papunta sa mundo ng mga tao. Ang mortal world.
"protektahan niyo ang kaharian. Ililigtas ko ang aking anak"
"Cge po Queen mag iingat po kayo kami ng bahala dito" sabi ni Mia ang kanang kamay ng reyna.
Pumasok ng portal ang reyna kahit masakit ang kaniyang katawan para iligtas ang pinakamamahal nilang anak ng kanyang asawa.
Napunta sila sa harap ng isang malaking bahay. Nagtago ang reyna dahil may dumating na mag asawang lumuluha.
"Hindi ako pweding mag buntis paano tayo mag kakaanak?" umiiyak na sabi ng babae.
"May ibang choice pa naman tayo, tulad ng pag aampon. Kung gusto mo bukas na bukas aasikasuhin natin" sagot ng lalaki
Hindi na narinig ng reyna dahil nakapasok na ang mag asawa sa loob ng bahay.
"Princess, kailangan na kitang iwan dito kahit masakit. Aalagaan ka nila ng mabuti. Mamahalin ng parang tunay na anak." sabi ng reyna sa sanggol habang umiiyak. Isinoot ng reyna ang kwintas na may nakaukit na 'Smith' sa sanggol at kumatok sa pintuan.
Lumabas ang mag asawa at nabigla sa kanilang nakita. Isang babaeng may daladalang sanggol.
"ano pong maipaglilingkod namin sainyo?" tanong ng babae
"alagaan niyo ang anak ko pakiusap, pag patak niya ng 18 na taon ay kailangan niyo siyang ipasok sa Magical Academy hindi siya ordinaryong sanggol lamang, meron siyang kapangyarihan,malakas na kapangyarihan, ingatan niyo siya at wag papabayaan na makuha ng mga Dark Users"
"Opo hindi po namin siya pababayaan. Ano pong Kapangyarihan?" tanong ng lalaki.
"alam kong naiintindihan niyo ang aking sinasabi dahil isa din kayong mga White users"
"paano niyo po nalaman?"
" ako si Queen Sapphire. Nararamdaman ko ang enerhiya ng mahika ninyo"
"Queen!?" sabay na sabi ng mag asawa at yumuko tanda ng paggalang sa reyna.
"alagaan niyo siyang mabuti"
"Masusunod po queen"
"salamat, wag niyong hahayaang mawala ang kwintas"
"opo masusunud po"
"ibahin niyo ang pangalan niya, ang kaniyang tunay na pangalan ay Sophia Isabella Smith"
"masusunud po"
Ngumiti ang reyna at tinignan ang kanyang anak at hindi nya mapigilang maluha. Ngunit wala siyang magagawa. Sumulyap ito sa huling pagkakataon at naglaho.
*end of the dream*
Napa gising ako bigla dahil sa aking panaginip, bakit andun sina Mom at Dad?
Sino yung babaeng napakaganda?
Bakit ganun nalang ang napanaginipan ko?
Or baka hindi totoong nangyari yun?
Hay bahala na itatanong ko nalang kina Mom at Dad bukas. Tulog nalang uli ako.