Isabella's POV
It's saturday, walang pasok, iniisip ko pano ko itatanong sa parents ko yung mga napanaginipan ko. 18 na ako kaya kinakabahan ako baka totoo nga yung panaginip ko na sobrang imposible.
Nabigla ako dahil sa biglaang pagkatok sa pinto ng kwarto ko.
"Princess Bella kain na daw po kayo" sabi ng isa sa mga yaya namin.
"Cge po baba na ko!" nag ayos nako at dumeretsong dining table. Kumakain na sina Mom at Dad. Medyo kinakabahan ako kase hindi ko pa alam pano itatanong yung panaginip ko.
"Good Morning Princess kain ka na" Sabi ni Mom
"Good morning Mom, Dad"
Halata sigurong hindi ako mapakali kaya napansin ni Dad.
"What is it Princess? Parang may bumabagabag sayo? Ano yun?" sunod sunod na tanong ni daddy.
"Ahm M-Mom, D-Dad" kinakabahan kong sabi
"M-May na-napanaginipan p-po k-kasi ako"
"ano yun?"
"M-may isang reyna po tapos baby a-at kayo"
Mukhang nagulat naman sila sa sinabi ko.
"h-how?" sabi ni Mom
"Nakatulog lang po ako tapos napanaginipan ko lang yun, may nag lalaban po tapos pumasok po yung reyna sa parang bilog kasama ang isang baby at nakita ko kayo, binigay nya po yung baby sainyo, sino po yun Mom?"
Nagka tinginan sina mommy at bigla tumango sa isa't isa para bang nag kakaintindihan sila.
"Princess tara sa kwarto namin ng Mommy mo may ipapaliwanag kami"
Tumango ako at sumunod sakanila. Ewan ko pero kinakabahan ako para bang meron silang sasabihin na nakaka kaba.
Umupo ako sa kama nila at nagsalita.
"ano po yun?"
"Promise mo na hindi ka magagalit Princess ha?" nag aalalang tanong ni Mom
"Yes Mom, promise" nakangiting sagot ko
"H-Hindi ka namin tunay na anak" umiiyak na sabi ni Mom.
What!? All this time hindi pala nila ako tunay na anak. Bakit hindi nila sinabi sakin!? B-Bakit!?
"W-what!?" tanging naiusal ko habang pinipigilang umiyak.
"Y-yung panaginip mo. Totoo lahat yun, hindi ka ordinaryong tao lang, katulad ka namin. May mahika tayo anak. Ngunit kayong dalawa nang tunay mong Ina asa sainyo ang lahat ng kapangyarihan" sabi ni dad na maluha luha.
"18 ka na princess kaya kailangan mong maghanda. Malapit ng matibag ang spell na ginamit sayo." Spell? What the hell is going on?
Pumunta si Mom sa may kabinet nila at may kinuhang kwintas. Yung kwintas namay naka ukit na 'Smith' na kulay gold. Ito yung nasa panaginip ko!
"ito yung binigay ng Tunay mong mommy nung ibinigay ka niya samin, pangako mo samin na wag na wag mo itong ipapakita kahit kanino"
Tumango ako at kinuha yung kwintas. Ang ganda, totoong ginto ito.
"Mom ano po yung magic niyo ni Dad?"
"Fire yung sa Dad mo yung akin naman Water" sagot ni Mom
Nag eexist ba talaga ang magic!? Baka nag biniruan lang kami dito ha.
"Totoo po ang magic!?"
"oo princess" sagot ni dad
Pagkatapos gumawa siya ng maliit na fire ball at pinaglaruan sa kamay niya pati si mommy water ball naman ang kaniya. Nakakamangha ang ganda, totoo pala ang magic.
"Sweetie, Promise mo din na hindi mo pag sasabi kahit kanino ang mga nalaman mo. Kahit sa kambal pa, lalo na ang kay Queen Sapphire at sayo"
"Promise po"
"Kayanin mo ang mga pagsubok na mangyayari princess, wag na wag kang susuko, lalong wag na wag kang padala sa galit at maging masama"
"Yes po Dad"
"tandaan mo na kahit hindi ka namin tunay na anak ay mahal na mahal kanamin na parang saamin ka talaga"
"Salamat po dahil kahit hindi niyo ko anak inalagaan at minahal niyo ko na parang totoong anak niyo, thank you po dahil binigay niyo ang lahat ng pangangailangan ko"
Ngumiti silang dalawa at nag yakapan kami. Kahit hindi nila ako tunay na anak, tunay na magulang padin ang turing ko sa kanila, simula sanggol palang ako asakanila nako.
I wish to meet you soon, Mom. Sana buhay kapa, sana mag kasama tayo, hintayin mo ko Mom hahanapin kita.
Pumunta nakong kwarto ko at nagbihis. Humiga ako Habang iniisip ang lahat ng pangyayari kanina, hindi ko namalayan na nakatulog ako.
Sana walang mangyaring masama. Sana..