Office "Any question?" Nilibot ng guro namin sa Philosophy na si Mrs. Cruz ang mga mata niya sa klase upang makita kung may magtataas ba ng kamay para magtanong. Nang walang matagpuan ay tumango siya. "Alright, kung wala nang tanong tungkol sa lesson, I'll proceed in giving you the instructions for your output." Inayos niya ang salamin niya. "This is going to be a group performance so I have to divide you equally first," Hindi ko maiwasang mapahinga nang maluwag sa narinig dahil siguradong magkakaroon ako ng kagrupo. Tuwing may guro kasi na hinahayaang ang mga estudyante na mismo ang bumuo ng grupo at mamili ng miyembro ay lagi akong dehado. Wala kasing nais tumanggap sa akin. "Okay, as your name gets called, please form a circle with your groupmates." She opened the folder from the

