Nagkakaintindihan "Bring out your manuals," Everyone in the laboratory opened their bags to do as the teacher said. Including me. Chemistry period ngayon. Isa sana ito sa mga paborito kong bahagi ng araw dahil kanya-kanya ang galaw. Individual ang experiments kaya't hindi ako mamomroblema sa pakikisalamuha. Ngunit dahil pa rin sa nangyari kahapon ay tila wala akong kaene-enerhiya sa katawan. Sariwa pa rin ang kirot at pighating dala ng nagdaang araw. Walang kagana-gana ang bawat galaw ko. Hindi pa naman ito ang huling klase pero tila pagod na pagod na ako. Maaaring hindi sa pisikal pero sigurado ako sa emosyonal na aspeto. "Those who are done securing their lab attires can follow me on the weighing room right away," he instructed before leaving the laboratory. I sighed heavily befor

