At least "Yara!" I was brought back from daze when I heard my seatmate called my named. Dahan-dahan kong binaling ang ulo kay Andy. Bahagya pa akong nag-aalangan dahil ngayon ko lang siya narinig na tawagin ako. There was no humor on her face though. "Sabi ko, pakitabi nung paa mo. Gumulong kasi yung ballpen ko, hindi ko maabot dahil nakaharang ka." paasik na sabi niya. Nagparte ang labi ko habang pinoproseso ang sinabi niya atsaka lumingon sa sahig para makita ang tinutukoy niya. Bago pa man ako makagalaw ay nagsalita na ulit siya. "Pulutin mo na nga lang!" utos niya. Napalunok ako bago tumango. Mabilis kong dinampot iyon atsaka inabot sa kanya. Marahas niyang tinanggap iyon atsaka umirap. "Ano ba 'yan, lagi kasing tulala eh." bulong niya pa ngunit sapat lang para marinig ko. Na

