Thank you Nang makaalis si Sky ay halos magdalawang isip na 'ko kung susunod pa ba para manuod. Gusto ko sana. Gustong-gusto. Kaya lang ay parang hindi ko kasi kayang iwan si Felo sa ganitong kalagayan niya ngayon. I stayed with her for a while. Tahimik lang siyang nakadapa sa sofa at ako ay pinapanood siya habang nakapatong naman ang kanang pisngi ko sa braso kong nakalapat sa couch. She doesn't seem as low-spirited as earlier though. Dumidila-dila na ulit siya pagkatapos uminom ng gamot. Seeing her gradually obtain back her energy somehow makes me feel relieved. Sa patuloy na paghimas-himas ko nga lang sa likod niya ay mukhang hinihila na siya ng antok. Kaya't bago pa siya tuluyang makatulog ay marahan ko na siyang nilipat sa mat niya sa sahig. Mas ligtas kasi rito at siguradong hi

