* AFTER 3MONTHS *
**** Gea Merielle Soriano ' s PoV ****
Lumipas ang tatlong buwan ay ang laki ng sobra ng aking tiyan mag pipitong buwan na ang aking tiyan bukas.. Hindi ko na matanaw ang aking mga paa.. Hindi ko rin napigilan ang pag kain dahil maya't maya akong nagugutom dahil sa tatlong nasa tiyan ko.. Madalas hirap na rin akong bumangon galing sa pag ka higa at napapa ngiwi ako lagi kapag sabay sabay silang gumagalaw sa loob ng aking tiyan..
.
Ngayon naka upo ako sa sala dahil iniintay ko ang pag dating ng aking mga kaibigan.. Nalaman ko rin na Kasintahan na pala nina Mhads at Emy ang dalawang kaibigan ni Mac na sina Lucas at kade naintindihan ko naman ang paliwanag nila ng hindi agad nila sinabi sa akin..
.
Pinakiusapan ko rin sina Lucas at Kade na wag babanggitin kay Mac ang tungkol sa akin at sa triplets .. nuong una ay hindi sila pumayag pero ng marinig nila ang kwento ko tungkol sa pag ka muhi niya sa akin ng malaman ang dati kong naging trabaho ay pumayag din sila..
.
Bukas ang Ultrasound ko para malaman ang gender ng triplets kaya't gaya ng dati ay excited ang dalawa kong kaibigan kaya't maaga sila pupumunta.. sinabi na rin nila sa akin na isasama nila ang kanilang mga kasintahan.. Pumayag naman ako dahil nangako naman sa akin ang dalawa..
.
Habang nag iintay ako sa pag dating nila ay nag luto na ako ng pananghalian para kapag dating nila ay may makakain sila isasama ko din sila sa taniman namin ng strawberry at ibat ibang klase ng gulay sa aming taniman gusto raw nilang maranasan ang mamitas..
.
Matapos mag handa ng pananghalian ay bumalik na ako sa pag kakaupo sa sala.. maingat ang aking mga kilos dahil kabilin bilinan sa akin ng OB ko na bawal akong mapagod kaya't palagi nalang ako rito sa aming bahay kasama ang kapatid ni maria na si Dars upang makatulong ko sa bahay..
.
Lumaki na rina ng aking tindahan sa bayan dumami na rin ang mga produkto kasama ang gawa kong strawberry jam at strawberry ice cream, strawberry cakes and breads, pili nuts, at ibat iba pang klase ng mga pang pasalubong lahat iyan ay home made.. naisip at ginawa ko yan nuong panahon na nag isip ako ng dagdag kita pumatok naman sa mga turista rito sa baguio..
.
Ngayon ay may isang branch na rin ako ng "3plets Pang pasalubong House" sa kabilang bayan at may taga gawa na rin ako ng mga produkto na itinitinda ko sa aking mga tindahan..
.
Narinig ko ang pag hinto ng sasakyan sa tapat ng aming bahay.. mukang andyan na sila.. kaya't dahan dahan akong tumayo at nag tungo sa pinto..
pag ka bukas ko ng pinto bumungad sa akin ang dalawang sasakyan tinungo ko naman ang gate at binuksan iyo.
.
Sabay na bumaba ang dalawa kong kaibigan sa mag kahiwalay na sasakyan.. sa Itim na sasakyan ay si Emy at sa pula naman ay si Mhads agad akong sinalubong ng dalawa at umakap..
.
W-wait maiipit ang tiyan ko awat ko sa dalawa..
.
Ay sorry naman sabay nilang usal ng nakangiti.. Napa ngiti rin ako.
.
Sabay sabay kaming napa lingon ng tumikhim ang dalawa na nasa likod na pala namin..
.
Kamusta?? nahihiyang bati ko sa dalawa..
.
We're both okay.. how about you.? Ang laki na ng tiyan mo Gem.. tanong naman ni kade.
.
Ahh okay lang din.. kaya nga e napaka bigat nila at masakit lagi ang tiyan ko kapag nag lilikot sila.. natatawang sagot ko..
Oo nga pala tara na pasok na kayo nag luto ako ng pananghalian kain na tayo gutom na din ata ang mga kambal ang lilikot na e.. naka ngiwi kong ani bago pumasok ng bahay..
.
Nag umpisa na nga kaming kumain si Dars naman pinapasok ko na sa kanya ang mga gamit ng mga kaibigan ko.. gaya ng dating gawi may kwarto silang dalawa dito sa bahay..mag share nalang sila ng mga jowa nila..
.
Habang kumakain ay nag salita si Emy.. Gem alam mo bang may pustahan kami nila mhads, Lucas at Kade tungol sa gender ng Triplets ang matatalo ay sasagot ng binyag ng triplets naka ngising ani ni emy.. na ikinagulat ko..
.
Sobra naman ata iyon ok na ang pag pustahan nyo ang gender nila kahit iba nalang ang prize masyado naman ang premyo niyo.. nahihiyang ani ko sa kanila..
.
No! we insist sagot naman ni Kade at isa pa pareho naman kami ng hula ni Emy at same din sina Lucas at Mhads.. Samin ni Emy ay 3 boys tapos kila mhads naman ay 2boys and 1 girl.. pero kapag walang tumama samin kaming apat ang mag papa binyag sa triplets..
.
Kayo ang bahala pero siguro ang binyag nila ay isasabay ko nalang sa kanilang first birthday kung sakali kasi para makapag ipon pa ako.. iniisip ko pa ang panganganak ko eh.. sagot ko sa kanila na tumango tango nalang..
.
Matapos namin kumain ay nag si punta na sila sa kanilang mga kwarto para maka pag pahinga at mahaba haba rin ang kanilang binyahe at ako naman ay pumunta na sa aking silid dito sa baba ako panandaliang nag kwarto dahil hirap na nga akong umakyat panaog sa taas..si Dars na ang nag hugas ng pinag kainan..
.
Diko namalayan ang oras dahil naka tulog ako kanina matapos ang pananghalian.. Agad akong nag hilamos at nag suklay bago lumabas ng kwarto dahil mag aalas singko na ng hapon.. kailangan ko pang mag asikaso ng uulamin sigurado akong pauwe na mama o si papa galing sa tindahan..
.
Nang makalabas ako ay dumeretso na ako sa kusina naabutan ko si Dars na abala sa pag luluto sa kusina..
.
Ay ate gising kana pala.. hindi kana ginising ng mga kaibigan mo dahil mukang masarap daw ang tulog mo pero nag bilin sila sa akin na sabihin sayo pupunta lang daw sila sa night market sa bayan at maglilibot libot.. Mahabang ani ni Dars..
.
Ahh ganoon ba.. sige salamat..
ano palang niluluto mo? tanong ko pa rito..
.
Ahh ate sinigang po at eskabetseng tilapya na paborito mo.. nakangiting sagot ni dars..
.
Ang bango bango dars mukang masarap yan ngayon gabi malamig ang panahon..
.
Kaya nga ate e ito ang niluto ko para din sa mga bisita mo at siya nga pala ate may kailangan ka po ba?? tanong pa nito..
.
Ahh pwede mo bang hugasan itong dalawang mansanas at maiabot ang kutsilyo?? kasalukuyan kasi akong nakaupo sa dining area hirap na ako sa pag kilos dahil sa laki ng aking tiyan..
.
Ahh opo ate sandali.. matapos kong mabalatan ang mansanas ay kinain ko na ito sabay sabay naman nag datingan sina Emy at mhads kasama ang mga kasintahan nito..
.
Ohhh nariyan na pala kayo.. kamusta ang pamamasyal masayang tanong ko sa mga ito..
.
Ok naman gem naaliw ang mga bebe namin sa labas at siya nga pala bukas maaga tayo sa farm ah?? gusto namin makapitas ng strawberry naka ngiting sabi ni mhads..
.
Oo naman walang problema gusto nyo pati ubas at mga gulay marami doon pwede kayong mag uwe sa manila.. naka ngiti kong sagot sa mga ito..
.
Ahh ok lang ba sayo gem?? putol ni emy.. I mean baka mahirapan ka ang laki na ng tiyan mo e.. nag aalala niyang ani..
.
Ano kaba!! ok lang yun ems kailangan ko din mag kikilos minsan para hindi sobrang lumaki ang mga bata sa tiyan ko napaka likot pa nila madalas kapag nakaka kain ako ng matatamis.. naka ngiti kong sabi sa kanya..
.
Ok aalalayan ka nalang namin diba kade and lucas nakangiting ani ni Emy at tumingin pa si kade kay Lucas bago sabay na tumango..
.
Ohh siya umupo na kayo at kumain na tayo masarap ang niluto ni Dars sinigang at eskabetseng tilapya.. masayang ani ko sa kanila.. Matapos ang hapunan ay nag tipon muna kami sa sala upang magka kwentuhan..
.
Gem.. pukaw ni Kade sa akin at napatingin naman lahat sa akin..
Kelan mo balak ipaalam kay Mac ang sitwasyon mo?? kailangan mo siya at alam kong kailangan niya rin malaman to.. mahabang sabi ni kade..
.
At isa pa matagal kana niyang hinahanap natigil lang ang pag hahanap niya sayo ng mag ka problema sa company nila at siya ang umayos non..
.
Yumuko akong bahagya bago nag salita.. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko siya haharapin at sasabihin na magkaka anak na kami at natatakot ako na baka itanggi niya kami ng mga anak ko at maka tanggap pa ng masasakit na salita lalo at malapit na siyang ikasal.. nakayuko kong sagot sa mga ito..
.
Siguro hindi muna sa ngayon masyadong komplikado ang kalagayan ko baka hindi ko makayanan kung ano man ang magiging reaksyyon niya.. kailangan ko muna iluwal ang triplets ko bago ko harapin si Mac.. dugtong ko pa..
.
Ayun na nga ang gusto namin maiwasan Gem ang maikasal si Mac ng hindi ka nakikita at nalalaman ang sitwasyon niyo.. pwede pang mag bago ang lahat gem.. sagot naman ni lucas..
.
At isa pa imposibleng gawin ni Mac ang lahat ng sinasabi mo gem mahal ka niya hindi niya sinasadya ang mga nabitawan niyang salita sa iyo nuon nai kwento niya yun samin..
.
Nang mawala ka ilang buwan siyang nawala sa sarili.. napabayaan niya ang kanyang kumpanya ang sarili niya puro alak ang tinakbuhan niya gabi gabi namin siyang pinupuntahan sa condo niya at naabutan siyang lasing na lasing at naka kalat ang mga basyo ng bote ng alak..
.
Pag isipan mong mabuti gem.. Tatagan mo ang loob mo maayos din ang lahat wag mong hintayin na maikasal si mac bago mo pa sabihin sa kanya ang lahat.. mahabang lintanya ni Lucas..
.
Napa tigil ako ng marinig ko ang mga sinabi ni Lucas at kade.. totoo ba?? hinanap niya ako?? nag ka ganun siya dahil sa akin?? pero paano ang engagement niya?? biglang tanong ko sa mga ito..
.
Your wrong gem.. Isang arrange marriage ang nangyari sa kanya.. hindi niya gustong maikasal sinabi niya samin na pinipilit siya ng kanyang daddy na maikasal dahil gusto na nitong mag ka roon ng apo bago sila mawala sa mundo..
.
Napa tulala akong bigla.. Yumuko ako pwede bang hayaan nyo muna akong mag isip?? tanong sa mga ito.. nalilito kasi ako at diko pa alam ang gagawin ko.. Mauna na muna ako sa inyo ah?? mag papahinga na ako paalam ko sa mga ito..
.
Agad naman akong inalalayan ni Mhads at Emy hatid kana namin sabay nilang sabi tumango nalang ako at ngumiti..
Are you sure okay ka lang gem?? tanong ni emy..
Ngumiti naman ako sa mga ito at nag salita.. wag kayo mag alala nakaramdam lang ako ng antok sa dami ng nakain ko okey lang ako at isa pa kailangan na natin mag pahinga dahil maaga pa tayo bukas para mag pa ultrasound nakangiti kong sabi sa dalawa..
.
Yesss Gem malalaman na natin ang gender nila baby at makaka pamili na tayo ng mga damit nila masayang nag apir pa ang dalawa halatang excited pa kesa sa akin..
.
Nang maihatid ako nila Mhads at Emy ay nag tagal pa sila sandali sa aking kwarto at nag kwentuhan kaming tatlo tungkol sa pag punta namin sa farm.. nais pa sana nila na wag na akong isama pero di ako pumayag gusto ko silang makasama at maka pag bonding namiss ko na rin kasi sila..
.
Nakahiga na ako ngayon sa aking higaan napatulala ako sa kisame iniisip ko ang mga napag usapan namin kanina sa sala.. Ano nga ba ang dapat kong gawin?? paano kung maikasal nga si mac sa iba dahil sa kabagalan ko..
.
Hindi ko na malayan na nahila na pala ako ng antok at nakatulog na pala ako sa sobrang pag iisip sa mga bagay bagay..