**** Gem's PoV ****
Nagising ako sa isang mahinag tapik ni mama na nasa gilid ng aking higaan.. Ngumiti ako at bumati " Good morning po ma " bati ko kay mama..
.
Good morning din ako bati din nito at inalalayan ako sa pag bangon.. Mag bihis kana anak at nag aantay na ang mga kaibigan mo sa sala.. nakangiting ani ni mama .
.
Opo ma.. mga excited yung mga ngayon sa ultrasound paano po pinag pustahan ba naman ang gender ng mga babies ko at ang matatalo sila ang mag papa binyag sa mga bata.. naka ngiti kong kwento kay mama..
.
Nako anak napaka swerte mo talaga sa mga kaibigan mo.. pero nak! kailan mo ba sasabihin sa ama ng mga bata ang kalagayan mo?? kailangan niya rin yan malaman at karapatan niya yun bilang ama ng triplets.. tanong ni mama sa akin..
.
A-ahh.. Maa.. Pinag iisipan ko pa po mama eh hindi ko din po kasi alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko natatakot akong baka hindi siya maniwala na anak niya ang mga bata.. malungkot kong ani kay mama bago yumuko..
.
Anak mga kaibigan mo na ang nag sabi sa amin ng papa at kuya mo.. matagal ka ng hinahanap ni mac at isa pa marami siyang iniisip hanggang ngayon.. Iintayin mo pa bang maikasal siya sa iba bago mo sabihin?
.
Napa angat ako ng tingin kay mama.. Kasi ma.. gusto ko po sana na pag ka panganak ko na muna sasabihin sa kanya ang tungkol sa mga bata para kahit ano man pong sabihin niya ay hindi maapektuhan ang mga bata..
.
Natatakot po ako na baka ma stress ako at may mangyaring masama sa mga bata na nasa tiyan ko.. paliwanag ko pa kay mama..
.
Ikaw ang bahala anak basta ipapaalala ko lang sayo nasa huli lagi ang pagsisisi wag mong intayin na mahuli ang lahat bago mo sabihin sa kanya ang kalagayan mo.. Ohh siya mag asikaso kana at para maka alis na kayo ng mga kaibigan mo.. Pupunta na rin kami ng papa mo sa tindahan.. nakangiting ani ni mama bago ako iniwan sa kwarto..
.
Matapos maligo at mag asikaso nag suot lang ako ng maternity dress na hanggang lagpas tuhod at naka flat sandals nag ipit lang ako na pa braid hairstyle at agad din akong lumabas at tinungo ang sala..
.
Naabutan ko naman ang mga kaibigan ko sabay sabay silang tumayo..
Grabee gem buntis kaba talaga?? ang ganda mo walang kupas.. Umiiling iling na sabi ni Emy..
.
Mas lalo kamong gumanda simula nung nabuntis.. naka ngisi naman na sambit ni Mhads..
.
Naku nang bola pa kayo!! kakain lang ako sandali at aalis na rin tayo ha.. nag si kain na ba kayo?? sabayan niyo na ako.. tanong ko pa sa mga ito..
.
We're done gem thank you! ikaw nalang talaga ang kulang kanina pa kaya excited ang dalawang ito sabay turo ni Lucas kina emy at mhads.. E mas excited pa nga ata ang dalawa na ito kesa sa iyo e dugtong pa ni kade..
.
Syempre excited kaming malaman ang gender nila at mag kaalaman kung sino ang mag papabinyag sa tatlo puma lakpak na sabi ni mhads at nakipag apir pa kay emy habang malaki ang ngiti sa labi..
.
Matapos kumain ay bumalik ako sa kwarto upang uminom ng vitamins namin mag iina bago punta sa bayan..
kinuha ko na rin ang sling bag ko at wallet para pag ka labas ay deretso alis na kami..
.
Matapos ang mga kailangan gawin ay inaya ko na ang apat na umalis.. Napag pasyahan namin na kay Mhads at Lucas nalang ako sasabay nasa likuran naman ng aming sinasakyan ang sasakyan ni emy kasama si kade pero naka video call pa ang bruha para naririnig niya daw ang usapan namin..
.
Habang nasa biyahe ay nai open ko sa kanila ang tungkol sa panganganak ko.. Ah.. guys pukaw ko sa kanila.. after pala nitong ultrasound next month ay luluwas na ako pa maynila sabi ko rito..
.
W-wait what?? takang tanong ni Mhads.. Hindi kasi ako pwedeng dito manganak dito sa baguio ni recommend ni Dra. Clerisa na sa maynila ako manganak dahil maselan ang kalagayan ko.. Mas kumpleto raw ang mga kagamitan sa maynila at mas maraming propesyonal na doktor..
.
Para ano man mangyari ay maagapan sabi ni dra... Nakita kong nag ka tinginan si Mhads at Lucas na ngayon ay natahimik.. Bigla naman nag salita si Emy habang naka video call..
.
There is no Problem Gem you can stay with me sa condo unit ko for the meantime wala naman akong kasama dun at isa pa may vacant room don.. naka ngiting ani ni emy..
.
Yes pwede din sa unit ko sabad naman ni mhads and pwede ka mag pa check up sa hospital nila Lucas right babe? tanong pa nito kay lucas..
.
Yeah she's right and you don't need to worry about that I can handle you if you deliver you triplets in our hospital titiyakin ko na hindi ka mapapabayaan duon at ang mga kambal.. nakangiting sabi pa nito..
.
Thank you talaga sainyo apat paano nalang kung wala kayo.. isa kayo sa nagpapalakas ng loob ko.. Siguro kay Emy nalang ako tutuloy since mas malapit ang unit niya sa hospital sabi ko sa mga ito pero next month pa naman ako pupunta ng manila kasi nakakahiya naman kung sobrang aga ko pumunta dun.. nahihiyang ani ko sa mga ito..
.
Alam mo Gem parang mas ok na maaga ka umuwe para naman makasama ka namin at isa pa baka mas mahirapan ka sa byahe kapag next month ka pa bumyahe dahil panigirado malaki na ang tiyan mo.. Nag aalalang sabi ni Emy..
.
Kung sa bagay may punto si emy baka kung mapano pa ang kambal piping usal ko at napa hawak ako sa aking tiyan ng maglumikot ang tatlo parang sumang ayon.. S-sige ems papaalam ako kila mama at papa kasi mukang tama ka e.. ngayon pa lang nahihirapan na ako pano pa kaya next month beside ayoko may mangyaring masama sa kambal.. sagot ko rito na ikinangiti nila..
.
Pero pano kung mag kita kami ni mac dun?. anong gagawin ko?? pero hindi ko muna dapat siya iniisip mag focus muna ako sa triplets.. naputol ang pag iisip ko ng huminto ang sinasakyan namin.. Andito na pala kami sa clinic hindi ko namalayan..
.
Agad naman bumaba sila Mhads at inalalayan ako ni Lucas makababa nang makababa ay natanaw ko naman na wala masyadong tao sa clinic sabay sabay kaming nag tungo sa clinic.
.
Lumapit ako sa sekretarya ni Dra. Clerisa at naka ngiti kong iniabot ang aking Hand book record..
Upo po muna kayo ma'am antayin nyo nalang pong tawagin ang name nyo nakangiting sabi nito at tinuro ang upuan na may naka upo na iba pang buntis..
sa tantya ko ay pang apat pa ako kaya't naupo ako muna..
.
Tumabi naman sa akin si mhads at emy tatawagin nalang daw nila sina Lucas at Kade kapag ako na ang isasalang.. Sure kana ba Gem?? kay Emy ka tutuloy?? ayaw mo ba sa akin?? nag tatampong tanong ni mhads..
.
Ahh oo mhads medyo malayo ang unit mo sa hospital nila lucas pero pwede ka naman sumama samin sa unit ni emy diba?? dati naman natin ginagawa un e.. naka ngiti kong ani rito upang gumaan ang pag sambakol ng kanyang muka..
.
Sige na nga.. isa pa ayoko din mahirapan ka baka lumabas pa ng maaga ang mga inaanak ko dyan sa tiyan mo.. nakangusong sambit nito..
.
Mabilis lang ang naging pila at tinawag na rin ako ng assistant ni dra... agad naman sumunod ang apat at hindi naman ipinag bawal ang maraming kasama..
.
Pag ka pasok ko ay Nagulat pa ng bahagya si Dra. " Gem " Bakit dito ka pa nag pa ultrasound?? hindi ba sabi ko ay pag kadating ng anim na buwan ng iyong tiyan ay lumuwas kana pa maynila?? seryosong ani ni dra.
.
Nakita ko naman ang gulat sa muka ng mga kaibigan ko.. Ahh.. ehh.. doktora maaga pa naman po tyaka ok naman po ako pero after po nito sasabay na ako sa mga kaibigan ko bumalik sa maynila. nakangiti kong sagot..
.
Tumango tango naman si dra. at ipinahiga na ako sa kama inalalayan naman ako nina mhads at emy.. Nakita ko sa gilid ang isang screen sabi ni dok dun daw makikita ang ang imahe ng mga bata.. nasa bandang ulunan ko naman sina kade at lucas tapos si emy at mhads ay nasa gilid ko..
.
Nilagyan ni dra. ng liquid gel ang aking tiyan bago inilapat ang transducer sa aking tiyan at pinaikit ikot ito duon..
.
Ohhh! sambit ni dra.. Look at this turo niya sa screen..
This is your baby ito ang ari niya and its a boy.. nakita ko ang pag kislap ng mata ni Emy..
And this is the second baby and it's another baby boy sabay turo ni dra. sa monitor hindi ko na muna pinansin ang mga kaibigan ko na para bang tense na tense .
The last one is hiding tumatawang ani ni dra. at inikot muli ang transducer sa bandang itaas.. Mahiyain ang isang baby ayaw pakita ang kanyang gender.. sabi pa ni doktora . Ginalaw galaw ni dok ang aking tiyan at nag salita..
Here it is.. Congratulations Gem it's a two Boy and a Girl masayang bati ni dok.
.
Nagulat naman ako ng tumili si Mhads sa aking gilid at lumapit kay lucas sabay akap.. we won babe we won!! masayang ani nito na ikinatawa namin lahat.. akala ko kung ano na nakita ko naman si emy na naka nguso napatawa nalang din akong bahagya..
.
Matapos ang ultrasound at makinig sa mga habilin ni don ay agad din kaming umalis upang kumain sa isang fast food restaurant bago mag tungo sa aming farm.. Nang makarating sa restaurant ay agad kaming umorder dahil excited na mamitas ang mga kaibigan ko sa aming farm..
.
Ilang minuto lang ay dumating na ang aming order habang kumakain ay nag kukwentuhan kami.. nag aasaran pa nga sina mhads at emy..
.
Ahh.. Guys ok lang ba kung bukas na tayo umuwe pa maynila?? mag papa alam muna ako kila mama at ibibilin ko pa ang mga tindahan ko. nahihiyang ani ko sa kanila..
.
No problem Gem sabay na sagot nilang apat.. Napa ngiti naman ako..
pwede tayong bumyahe mamayang madaling araw para walang traffic at hindi masyadong hassle sabi naman ni Kade..
.
Tumango ako bilang pag sang ayon.. Alam naman na din nila mama na pupunta ako ng manila dahil nung banggitin un sakin ni dra. ay agad ko din sinabi kila mama at papa iyon.. napag planuhan din na susunod nalang sila mama kapag malapit na akong manganak dahil walang maiiwan sa mga tindahan..
.
Matapos kumain ay bumyahe na kami papunta sa farm.. Nang makarating sa farm ay si kuya ang sumalubong sa amin..
Kuya.. tawag ko rito sabay akap..
Ohh nariyan na pala kayo hali kayo rito .. dahan dahan gem ah.. madulas paalala pa nito..
.
Ngayon nga ay nakaupo ako rito sa loob ng kubo sa gilid ng farm habang pinag mamasdan ang dalawang pares na aking kaibigan na masayang namimitas sa ng sari saring pananim namin dadalhin daw nila ito sa manila bilang pasalubong ...
.
Kuya.. tawag ko sa aking kapatid..
bakit yun bunso?? tanong niya..
Ahh.. kasi kuya mamayang madaling araw luluwas na ako kasama ang mga kaibigan ko at dun muna ako tutuloy kay emy dahil malapit ang unit niya sa hospital nila lucas kung saan ako manganganak.. mahabang saad ko kay kuya..
.
Ikaw na muna ang bahala dito at sa mga tindahan ah.. sila mama at papa kuya lagi mong titignan.. paalala ko pa rito.. ikaw talaga sabay gulo niya sa aking buhok..
.
Syempre hindi ko pababayaan dito.. basta mag iingat ka lagi doon ah.. Ang bilin ko syo.. kung mag kita kayo ng ama ng mga pamangkin ko ay wag mong itatago at sabihin mo ang totoo.. kahit ano pang isagot niya ang mahalaga sinabi mo sa kanya dahil karapatan niya iyo..
.
Tumango ako at umakap sa kanya. Opo kuya hindi ko po makakalimutan ang mga bilin niyo...