First Mission
"I want you to kill that guy in the picture, becareful not to be exposed" wika ng nasa kabilang linya.
"Dont worry Boss, wait for my call after an hour." wika ng lalaking nakaitim sa kausap niya sa cellphone nito.
Nakaduty siya bilang waiter sa isang Bar habang binabantayan nito ang amo niyang matanda. Isa siyang private agent na naninilbihan kay Mr. Danny Javier. Kilala bilang sikat na businessman at pinakamayamang tao sa bansa. Malaki ang utang na loob niya dito dahil ito ang tumulong sa kanyang ama para maipagamot ito at ito ang kumupkop sa kanya nung namatay ang ama niya.
Dahil sa narinig, ay pasimple siyang napatingin sa larawan na kakukuha lamang ng lalaki sa folder. Hindi ito ang binabantayan niyang matanda kaya naisip niya na wala sigurong masama kung hindi siya makikialam dito. Maya maya nakita niya na may lalaking papalapit sa matandang amo niya. Isang gwapong binata kaya dali dali siyang lumapit sa kinaroroonan nito at baka may ibang balak ito. Nang makita niya ang lalaki sa malapitan ay napansin niyang kamukha ito ng larawang nakita niya sa kabilang mesa kung nasan ang nakaitim na lalaki. Napaisip siya kung kaano ano ito ng amo nya.
"Lolo bakit niyo ako pinatawag dito?" wika ng binata
"Alam mo Ken, gusto ko lng naman na makasama ka ulit sa ganitong bagay. Simula kasi nang hawakan mo ang kumpanya ay nawalan ka na ng oras sa ibang bagay."
"Si lolo talaga oh, akala ko ba naman kung anong emergency ang sinasabi mo." wika ng binata.
"Ken iho, wag mu sanang pababayaan ang sarili mo, simula kasi nang mawala ang tatay mo, at ikaw na ang humawak sa kompanya ay tila ba nawalan ka na ng oras para sa sarili mo"
"Lolo, wag mo akong alalahanin, kaya ko ang sarili ko at hindi ko naman po ito pinapabayaan. Siguro nawalan lang ako ng oras sa mga hindi importanteng bagay, ayokong sayangin ang oras ko para sa mga walang kwenta kaya wag na kayong mag alala sakin lolo"
Ito pala ang apo ng amo niya, kung gayon ay kailangan niya itong bantayan alang alang sa matanda. Muli siyang napalingon sa lalaking nakaitim na kanina lamang ay nagmamatyag sa dalawa. Wala na ito sa kinauupuan niya. Tumingin siya sa paligid at nakita niya itong lumapit sa isang waiter na kunwari nagtatanong pero pasimple palang may nilalagay sa isang basong inumin. Pagkatapos ay bumalik yung lalaki sa inuupuan nito at papunta naman sa direksyon ng amo niya ang waiter na kinausap ng lalaki. Agad niya itong sinalubong.
"Cora, para kanino yan,?" wika niya
"Ito pala yung inorder ng gwapong binata" wika ni Cora habang iningunguso ang bibig sa lalaki.
" Sige akin na, ako na ang bahala" wika niya habang kinukuha ang baso.
Ibibigay na sana niya dito ang baso nang sinadya niyang mawalan ng balanse kaya naitapon niya ang alak sa mismong damit ng binata.
"Tanga ka ba, magdahan dahan ka naman minsan" wika nito habang napatayo sa galit.
"Sorry po sir, hindi ko po sinasadya"
Sa halip na sumagot ay nagpaalam muna siya sa lolo niya.
"Lolo sasaglit lng muna ako sa CR" wika nito
Habang paalis ang binata, kinausap siya ng amo.
"Alam kong sinadya mo ang nangyari Xia."
"Sir, may mali po sa inumin, may lalaking nag......"
"sshhh...alam ko at naniniwala ako sayo, sa ngayon gusto ko sundan mo muna si Ken sa CR." singit nito sa kanya.
"Pero sir," angal niya
"Sige na Xia, sinundan siya ng isang lalaki kanina."
Napatingin siya sa kinauupuan ng lalaki kanina, wala na nga ito.
"Wag mu akong alalahanin, puntahan mo na ang apo ko" singit nito sa kanya
"Sige po Sir" wika nito at umalis.
Sa CR ng kalalakihan, ay tahimik pa ang loob nito. Maya maya ay nakarinig na si Xia ng tila ba nag susuntukan sa loob. Papasok na sana siya ngunit nakalock ang pinto. Naghanap siya ng matigas na bagay, nakita niya yung fire extinguisher na maaari niyang gamitin para sa doornob. Nang masira na ang lock ng pinto, sinipa sipa niya ito ng ilang beses hanggang sa mabuksan. Agad siyang pumasok at nakita niyang duguan na ang apo ng matanda at sasaksakin na sana ito ng lalaking nakaitim ngunit agad niya itong sinipa kaya nawalan ito ng balanse at nabitawan yung kutsilyo. Tatangkain pa sana niyang kunin ang kutsilyo ngunit pinigilan niya ito. Susuntukin na sana siya ng lalaki ngunit natigilan ito ng marinig na may paparating kaya dali dali siyang tumakas bago pa abutan ng mga paparating.
Agad niyang nilapitan yung lalaki na duguan na nawalan na rin ng malay. Tamang tama naman ang pagdating ng mga kasamahan nila pati narin ang amo niyang matanda. Dinala nila sa hospital ang binata at kinausap naman siya ng amo niya.
"Meet me tomorrow at 10am in my office. I'll wait for you." wika nito sa kanya
"Ok no problem sir" aniya
Sa hospital, nag aalala ang pamilya Javier sa anak nilang si Ken. Hindi nila akalain na may nagtatangka sa buhay nito. Nagsimula nang matakot si Victoria Javier para sa kanyang anak. Hindi niya lubos akalain na madadamay ito sa mainit na hidwaan ng pamilya nila sa pamilya Valencia. Ito ang numero unung kaaway ng kanilang pamilya. Kung dati rati ay magkaibigan ang Javier at Valencia, ngayon ay mortal ng magkaaway dahil sa pagtataksil ng Valencia sa Javier. Hindi matanggap ng Valencia na mas mayaman at makapangyarihan ang Javier kumpara sa kanila, kaya tinangka nilang suhulan ang isa sa pinagkakatiwalaang opisyal ng Diamond Jewelry Shop na pagmamay ari ng Javier ngunit hindi sila nagtagumpay. Labis ang galit ng Valencia dahil sa nangyari kaya siniraan nila ang anak ni Danny Javier na si Daryll. Inakusahang nagmolestiya ng bata kaya pinaniwalaan naman agad ng sangkatauhan dahil sa mga larawang wala namang katotohanan. Mapagmahal sa mga bata si Daryll kaya nasisiyahan siya sa mga bata. Ang masaklap, may batang lumitaw kaya nahirapan si Danny na iligtas ang anak. Lahat ng paraan ginawa nila pero talagang napatunayan na minolestiya ang bata pero tumakas ang totoong suspek at hindi namukhaan ng bata kaya sinamantala ito ng Valencia para akusahan si Daryll lalo na at anak ng isang empleyado ng kompanya nila. Dahil doon ay labis na nasaktan at nadepress si Daryll, apektado na ring ang buong pamilya niya lalo na ang anak niya. Hindi matanggap na1i Daryll ang nangyari kaya napabayaan nito ang kumpanya at sarili nito hanggang sa humantong na sa pagpapakatiwakal nito.
Sa hospital.
"Ma what's happen" wika ni Ken
"Oh my son, how do you feel? May masakit ba sayo? Ano ang nararamdaman mo, just tell me ill call the doctor for you." saad ng nanay nito.
"Ma its okay,. Masakit lng buong katawan ko. By the way what happen to that guy?"
"He's gone iho. Nakatakas siya bago pa makarating ang mga kasama ni lolo mo." wika ng ama nito
"What about the girl."
"She's okay, thanks for her she save your life" wika ng nanay niya
Pero sa isip niya, hindi niya naman kailangan ito dahil malaki ang tiwala niya sa sarili niya na kaya niyang iligtas ang sarili niya.