Prologue
Prologue
Zhiya Sabriya Smith
BASANG–BASA na kami habang pilit kong binabaybay ang putikan na daan, tangan ang apat na taong gulang kong anak na walang kamalay–malay sa kung anong uri ng impiyerno ang sinusubukan naming takasan.
"Mama, are we playing tag?" inosente niyang tanong habang hinihingal ako sa pagtakbo. Hindi ko siya sinagot dahil walang oras. Kailangan naming makalayong mag–ina.
Ang tunog ng mga gulong ng sasakyan sa likod namin, palakas nang palakas. Ang ulan, parang kasabwat, pinapalabo ang paligid, pinapalakas ang kaba ko sa dibdib. Tumigil kami sa gilid ng kalsada para tumawid, pero bago pa ako makagalaw, isang nakakasilaw na ilaw ang tumama sa amin.
Napahinto ako. Napakapit si Audric Severio sa leeg ko.
Bigla kaming pinaikutan ng apat na itim na sasakyan. Bumukas ang mga pinto. Isa–isang bumaba ang mga lalaking nakaitim, mga pamilyar na anyo ng panganib.
"Wag na po kayong magtangkang tumakas, Madam. Kung ayaw ninyong masaktan," malamig ang boses, parang bala sa tainga.
Napaatras ako. Mahigpit kong kinarga si Sevi pilit hinahanap ang daan kung saan ako pwede makakasingit. Pero wala. Sarado ang daan. Wala kaming malulusutan.
"Please..." I begged. "Please, let us go. He' s just a child. Wala siyang alam, wala siyang kasalanan. Ako na lang...ako na lang—"
Pero parang bato ang mga mukha nila. Hindi sila tao sa mga oras na ito.
"Mama..." sambit ng anak ko, nanginginig na ang katawan sa lamig. "Who are these bad guys?"
Halos mapaluhod ako sa inosenteng tanong niya. Gusto kong sabihing wala siyang dapat ikatakot. Gusto kong magsinungaling para lang hindi niya maramdaman ang takot na kanina ko pa kinikimkim. Pero wala na akong boses. Wala na akong lakas. Tanging yakap lang ang naitugon ko kay Seb.
Ilang saglit may dumating na sasakyan. Sa likod ng tinted na bintana, alam ko kung sino ang nasa loob.
Si Amari Chance Hayes
Apo ng lalaking pinatay ng ama ko.
Hindi pa man siya bumababa,mnanginginig na ang tuhod ko. Ramdam ng buong sistema ko ang parating na kaparusahan.
Pero hindi ko pwedeng ipakitang natatakot ako.
Hinugot ko ang huling lakas na natira sa dibdib ko, niyakap ko pa lalo si Sev nang mahigpit, at idinikit ko ang labi ko sa tenga niya at bumulong.
"Don't let go, anak. Kahit anong mangyari...don't let go."
Bumukas ang pinto ng sasakyan.
Dahan–dahang bumaba ang lalaking kinatatakutan ko. Kahit hindi pa siya nagsasalita, ramdam ko na ang poot na dala niya. Binuksan ng isa sa mga bodyguard ang payong at pinayungan siya. Hindi ko siya inalisan ng tingin kahit nanginginig na ang tuhod ko sa takot.
His gaze was sharp, hindi lang matalim, kundi punung—puno ng galit na kayang sunugin ang buong kaluluwa mo. Para akong naka–hubo't hubad sa harap ng mga mata niya. Walang awa. Walang bakas ng damdaming dati kong pinaniwalaang totoo.
Tumaas ang isang kamay niya. Isang senyas lang sa mga tauhan niya, at agad siyang sinunod.
Dalawang tauhan niya ang lumapit. Hindi na ako nakaisip, niyakap ko si Sev nang mas mahigpit. "No! No, please! Don't take him!"
"Ayoko Mama! Ayoko!" Pagmamakaawang sigaw ni Sevi habang kumakapit siya sa leeg ko, halos hindi ako makahinga.
"Don't touch him!" palahaw ko, umiiyak habang pilit kong inilalaban ang katawan ko sa mga braso ng mga lalaki. Pero mas malakas sila. Hindi ko na napigilan.
Nabitawan ko si Sevi.
"Mamaaaa!" sigaw ng anak ko habang pilit pa ring kumakapit, umiiyak, pilit umaabot sa akin.
"Please!" halos mapasigaw ako. "Mr. Hayes, wag! Huwag mo siyang idamay. Ako ang gusto mo, di ba? Ako ang may kasalanan, huwag siya." Pakiusap ko habang tumutulo ang mga luha ko.
Pero hindi niya ako pinakinggan.
Bigla niya akong hinablot sa braso, madiin. Bumaon ang mga kuko niya sa balat ko. Napasinghap ako sa sakit, pero tiniis ko. Wala nang sakit na mas hihigit pa sa takot kong baka may gawin siya kay Sevi.
"Kung hindi ka sana matigas ang ulo," mariin niyang sabi, halos nakadikit ang mukha niya sa akin, "hindi tayo aabot dito. Kung pumayag ka na lang sa gusto ko noon...hindi sana kayo tumatakbo ngayon na parang mga basang daga sa gitna ng ulan."
Marahas niya akong binitiwan, walang pakialam kung saan ako babagsak. Napaupo ako sa putik. Basang–basa.
Akmang lalapit siya kay Sevi, nahawak pa rin ng mga tauhan niya. Mabilis akong gumapang. Hindi ko na alam kung saan ako humuhugot ng lakas. Basta't marating ko lang siya. H'wag niya lang idamay ang Sevi ko.
Niyakap ko ang mga binti niya. "Please," bulong ko, humihikbi, halos hindi na ako makapagsalita. "Wag ang anak ko. Ako na lang. Ako na lang...Wala siyang kinalaman dito. He's just a child...he doesn't deserve this...ako na lang, Mr. Hayes," humahagulhol na pagmamakaawa ko.
Tumigil siya. Lumingon pababa sa akin. Walang awa sa mata niya, kahit na katiting. Ganoon ang tindi ng galit niya sa akin.
"May kinalaman ang bastardo mo," malamig niyang sabi. "Bunga siya ng kasalanan mo. Binihisan kita, ginawa kitang tao. At ganito ang igaganti mo sa akin?" Halos maglabasan ang mga ugat niya sa leeg sa galit.
Hindi ako makahinga, tanging pagiling ang naisagot ko sa kanya.
"Katulad ka rin ng ama mo. Pinakain sa palad ng lolo ko, pero tinuklaw nuya. Sinayang n'ya ang tiwala ni Lolo."
Muli akomg umiling. "Hindi siya... hindi ang papa ko ang pumatay sa lolo mo," pabulong kong tanggi, kahit alam kong hindi niya ako paniniwalaan.
"Liar!" sigaw niya. At mabilis na tumaas ang kamay niya.
Akmang sasampalin niya ako pero napigil ito sa ere.
"Mister!"
Isang maliit na boses ang sumigaw.
Napalingon kami.
"Don't hurt my Mama. My mama is kind," halos pabulong pero buo ang loob ni Sevi. "She takes care of me. She makes my milk warm. She sings to me at night...Don't hurt my mama, please...Please, mister..." pakiusap ng aking anak.
Para akong nabasag sa tunog ng boses niya na mas lalong nagpabigat sa dibdib ko.
Tumingin ako sa anak ko, basang–basa ang mukha, nanginginig sa lamig, at may takot sa mga mata. Pero buo ang loob. Nakatingin kay Amari, parang umaasa na may puso pa ang taong 'yon.
Mas lalo akong napahagulhol. Hindi ko na kayang nakikita ang takot, ang sakit, ang awa sa mukha ng anak ko.
Napaluhod ako sa harap ni Amari, basa, sugatan, nagmamakaawa at humihikbi.
"Gawin mo na lahat sa akin. Saktan mo ako kung 'yon ang gusto mo. Alipinin mo ako, pero wag si Sevi ko. Oo, anak ko siya sa pagkakamali, pero minahal ko siya ng buo. Kung kailangan kong mawalan ng kalayaan, ng pangalan, ng dignidad, kunin mo na lahat. Pero wag siya. Please, Mr. Hayes... I'm begging you..."
Ipagpapatuloy....