Chapter 61 Zhiya Sabriya Smith DAHAN–DAHAN kong hinawakan ang doorknob. Hindi na naka–lock sa loob. Kumakabog ang dibdib ko habang marahan kong binuksan ang pinto, sapat lang para makasingit ang katawan ko. Pagpasok ko, bumungad sa akin ang anyo ni Louie—nakatayo siya sa harap ng kama ni Don Henry. Napako ako sa kinatatayuan ko. Ang daming tubo. May mga monitor sa gilid, mga wiring na nakakabit sa ilong at bibig ng Don. May oxygen tank. Mukhang nasa critical care pa rin siya. Halos hindi na gumagalaw ang matanda. Narinig ko si Louie. Hindi ko alam kung sarili lang niya ang kinakausap niya o talagang gusto niyang marinig siya ng Don. "You're lucky to still be alive, old man." Nang makita kong tumaas ang kamay ni Louie papunta sa control ng oxygen ng Don—na para bang plano niyang pat

