Chapter 07 Third Person POV MAINIT pa rin sa labas kahit papalubog na ang araw. Tahimik si Sab habang nakaupo sa loob ng presinto, mga mata'y nanlalabo, hindi dahil sa antok, kundi dahil sa pinipigilang luha. Sa tabi niya si Ace, palakad–lakad, nakakuyom ang kamao, ni hindi alam kung saan ibubuhos ang galit. "Miss, ilang beses na naming sinasabi. Mahirap nang habulin 'yan. Sira ang CCTV sa lugar. Masasabi lang natin ay... snatching na karaniwang nangyayari sa kalsada," sabi ng isang pulis, pasimpleng sinundan ng hilamos ng mukha gamit ang kamay, para bang pagod na pagod na sa paulit–ulit na ganitong kaso. Parang sinampal si Sab sa mga salitang 'yon. Hindi lang basta bag ang nawala. Hindi lang basta pera. Buong pagkatao niya ang tila tinangay at inihagis sa kung saan. "Wala bang kahit

