Chapter 102 Zhiya Sabriya Smith AGAD kaming pumunta sa kubo na pinagmulan ng sigaw. Sa papag, nakahiga ang isang babae—mukhang halos mawalan na ng lakas, hingal na hingal, pawis na pawis. Kita sa mukha niya ang takot at pananabik na magkasabay na sumisigaw. Focus, Sabriya. Kahit mabilis ang t***k ng puso ko, sanay na sanay na gumana ang instincts ko bilang OB-Gyne. Lumuhod ako sa gilid niya, hinawakan ang kamay niya. "Okay, listen to me. Kaya natin ito, just breathe... in, out. Sundan mo lang ako," sabi ko, steady ang boses kahit nagmamadali ang kilos ko. May dalawang babae na agad nag–abot ng malinis na kumot at palanggana. Ramdam ko ang bigat ng tingin nila sa akin—parang umaasa sila na iligtas ko hindi lang ang ina, kundi pati ang sanggol. "Push kapag sabi ko ha...hindi kung kai

