Chapter 17 Zhiya Sabriya HUMINTO ako sa ginagawa ko. Bitbit pa ang mop, lakas–loob akong humarap ako kay Amari. Buo ang loob, kahit ramdam ko pa ang hapdi ng paso sa kamay ko at bigat ng mga salitang binitawan niya kanina. "Nasaan si Seve?" I asked directly. Hindi na ako makapaghintay. Gusto ko siyang makita. Makasama. Mahawakan at mayakap. Marinig man lang ulit ang salitang "Mama." Tinitigan ako ni Amari. His eyes dark, steady. And when he spoke, his voice was soft...too soft. But beneath that calm was vibrant with rage. "After the wedding," aniya, cold ang boses. "You'll see him. Don't rush me." "H'wag kitang madaliin?" napataas ang boses ko. "Hindi lang siya basta bata, Amari. Anak ko siya. Ako ang ina niya. I deserve to see him. Now. I want my Son." Tumigas ang panga niya. Hala

