Chapter 7 - Asarang wagas

1500 Words
“Anak hindi na kailangang tumulong ka pa rito sa amin ng Tatay mo!” saway ng ina nang sumama siya sa inaaning mga mangga. “Nay nasasayahan po ako sa ginagawa ko kaya hayaan nyo na po ako!” suot ang kupasing pantalon at longsleeve tumulong siya sa paghihiwalay ng mga hinog sa loob ng kaing. “Mang Doming tatandang dalaga po si Marianne pag ganyan kahit sa bakanteng oras narito pa sa bukid para magtulong!” “Hmmm…nag-eenjoy pa sa pagiging dalaga kaya hindi naman minamadali ang pag-aasawa!” Sa di kalayuan may paparating sasakyan. Bumaba doon si Ram na hindi maipinta ang mukha. “Sir Ram nadayo po kayo? Sabi ng Tatay nito. Sa halip na sumagot diretso ito sa kinauupuan ni Marianne at sa magkabilaang beywang nito ang mga kamay. “Kay tagal kitang hinanap, wala namang tao sa bahay ninyo! Ipinasundo ka ni Daddy tungkol doon sa building na ipinapatayo sa bayan!” Napatayo naman at nagpagpag ng mga alikabok sa pantalon. “Nandiyan ka naman bakit pa ako hahanapin at saka pagmamay-ari ninyo iyon! “Anak sumama ka na lang kay Senyorito baka mas importante ang lalakarin ninyo!” ang ama nito ang sumagot. Kinuha nito ang kinalalagyan ng kanyang bag. Kampanteng nakasandal sa pintuan ng sasakyan ang lalaki sa kanyang paglapit. Ang tikas ng pangangatawan at alaga sa ehersisyo. Namumula ang mga labi at maging ang mukha dala ng maiinit na panahon. Nakatanaw ito sa malayo at tilang malalim ang iniisip. Ibang-ibang na talaga sa panlabas na anyo si Ram kumpara noong kabataan pa nila. He is a total hunk and huggable. Tumapon ang titig nito sa labi ng lalaki na namamasa habang malayo ang tingin. “Are you done inspecting me? Akyat ka na sa sasakyan doon mo na lang ipagpatuloy ang pagnanasa mo sa akin!” ang sabi nito na may kahulugang ngiti. Naiirita naman ito sa tinuran ni Ram at nadadabog na umupo sa passengers’ seat pagkatapos pagbuksan siya ng pintuan. “Hmmm...hindi ka naman nakapasa sa qualifications ko!” ‘Talaga lang ha! Bakit sobrang lagkit ng tingin mo sa akin na parang kakainin mo na ako sa sarap!” at napahagikhik ito. “Lets go! Bago pa magbago ang isip ko at layasan kita rito! “Thats your order senyora! E di aalis na!” at pakanta kanta pa itong nagmamaneho. Pagdating sa mansion naunang bumaba si Ram at ikinabigla niya nang idinukwang siya nito sa loob ng sasakyan at ibinuhat pababa ng sasakyan. “Haysst..ang bigat mo rin pala akala ko hindi na nadagdagan ang timbang mo!” nang-aasar nitong sabi. “Hindi mo na ako kayang buhatin pa, akala mo ha! ‘Dare me?” sabay saklit sa babae at ipinangko ito papasok sa loob ng mansion na parang sako ng bigas. “Kahit dalawa pa sa katawan mo kayang kaya ko buhatin! Nagpumiglas si Marianne para ibaba siya nito pero ano ba naman ang magagawa mo sa makisig na binata. Amoy na amoy nito ang male scent nang binata na nagpaalala sa kanya ng kanilang kabataan. Hanggang ngayon ito pa rin ang amoy na hinahanap niya. Napasinghap siya habang nakapatong ang kanyang panga sa balikat ng lalaki. “Iho ano ang ginagawa ninyong dalawa! May nangyari ba kay Marianne?” salubong ni Don Raul. “Dad, wala po! Sinusubukan ko lang buhatin ang dating payatot na iskolar ninyo!” at napahagikhik at ibinaba ang babae sa malabot na sofa. Namumula ang mukha ni Marianne sa inis. “Kung wala kang sasabihin mas magandang manahimik ka na lang! Nakakasakit ka na ng tainga! Napahalakhak na rin ang matanda sa kanilang harapan. “Iho mag-ayos ka hindi na kayo mga bata para umaktong ganyan! Kung makikita ka ng boyfriend niyan tiyak bugbog sarado ka!” ang ama nito. Natigilan ang lalaki at matalim na tumitig sa nakaupong dalaga. “Subukan niya akong kalabanin, tingnan natin kung saan aabot ang lakas niya!” Napakamot na lamang si Marianne sa kanyang batok sa takbo ng usapan nilang tatlo. NASA harapan na sila ng building ngayon. Nagmamadali si Ram na makaalis kanina kahit sa pagbibihis niya minamadali siya nito habang naghihintay sa loob ng sasakyan. “Ang ganda ng location Dad! At super nice ang design!” habang iniikot nila ang dalawang palapag na commercial building!” “May mga room diyan sa taas kung sakaling gusto ninyo dito matulog kung minsan!” Umikot ang paningin nito sa buong paligid. Maganda nga ang pagkagawa at halos tapos na ang interior design nito maging ang mga furnitures nakalatag na rin. “Do you like it? Lingon ni Ram na seryoso ang boses. “Maganda sana! “And? “Kaya lang hindi maganda ang ambiance pag ikaw ang makakasama ko araw-araw dito! Napahagikhik ang lalaki at tilang naaliw pa. “I’ll be behave naman! At saka you have you’re own clinic at hindi kita papakialaman sa iyong rules na nais ipapatupad dito!” Natahimik na lamang si Marianne habang sumusunod sa dalawa na papunta sa second floor. “Be careful!” sabay alalay sa beywang nito paakyat sa itaas. Nakaramdam ng init sa paglapat ng kamay ng lalaki sa kanyang beywang kaya napakislot ito. “You still the same!” May kiliti ka pa rin dito!” pabiro nitong sabi sabay pindot ng tagiliran ng babae an siya ikinaintad nito. Napakagat labi si Marianne na hinarap si Ram at nagtama ang kanilang titig sa isa’t isa. Ang lamlam ng mga mata nito napinasadahan ng titig ang labi ng babae. “Don’t dare me dahil walang epekto sa akin ang mga titig mo! A lot of women ganyan ang ginagawa hindi ako kayang dalhin ng kilos mo na iyan!” pabulong nitong sabi sa tainga ng babae. Napapikit saglit si Marianne at napakagat sa labi. “This is my magic spell kung gusto ko akitin ang mga lalaki na gusto ko, salamat at hindi ka naapektuhan! Dahil iba ang kamandag ko kung maaakit ko na!” painsultong sabi dito sabay hamon dito. “D_ammit Marianne!” galit ang boses at tinalikuran ang babae. Napangiti na sumunod siya sa mag-ama habang binubuksan ang mga rooms na naroroon. “Pwede din ninyong iopen ito for rental pero kung gusto ninyo ng privacy you can use this upper portion as a private place for both of you!” ang ama ni Ram habang iniikot ang buong building. “Malawak naman ang space Dad, we can offer some space sa mga parlor para hindi masyadong problema !” “Kayo ang bahala dahil kayo naman ang mamalagi sa lugar na ito! LULAN na sil ng sasakyan pabalik ng hacienda pero nanatili pa ring tahimik si Marianne. Ramdam pa rin niya hanggang ngayon ang init ng hininga ni Ram at maging ang lambot ng mga kamay nito kanina. “Iniisip mo pa rin ba ako? Mahirap mag imagination, narito nan ga sa harap mo bakit hindi mo na lang titigan ng maigi!” ang binata. “You better shut up! Hindi ka talaga titigil sa kakaasar sa akin noh? Or baka gusto mo mag-isa kang umuwi ngayon at bababa ako dito sa sasakyan mo!” inis nitong turan Natahimik na ang lalaki at pasulyap sulyap na lamang ito sa banda niya. “Bakit ayaw moa ko papasukin sa bahay ninyo!” nakatayo ito sa harapan ng bakod nila Marianne. “Wala ka namang gagawin dito sa loob at saka mamahinga na po ako Senyorito! “Wala man lang anyaya ng kape diyan, sumasakit na ang tiyan ko sa hangin kanina hindi ka man lang nagsasalita sa biyahe natin!” “Sa susunod na araw na lang walang kape kaming nabili sa palengke! “Halika bili muna tayo!” Grrr..Ram bumili ka na lang kaya doon at umuwi tapos ubusin mo ang isang pack ng 25 grams para tumigil ka sa kakatalak diyan!” “Ito naman nagpapa-alaga lang naman sa’yo eh! Maraming taon ko nang hinahanap ang lasa ng kape mo!” bakit hindi natin itry ngayon? Napatingin siya dito ng diretsahan. Tama ba ang narinig niya na-miss ni Ram ang kape na timpla niya. “Basta ikaw ang mapapainit ng tubig!” nahimok na rin siya ng lalaki. Magkasabay silang pumasok ng bahay. Iniwan niya ang lalaki sa kusina at tinuruan ito kung ano ang dapat gagawin. Pumanhik muna siya sa loob ng silid niya para magbihis. Kanina pa siya nangangati sa biyahe at dahil na rin sa dala ng mainit na panahon. Isang maikling short at maluwang na oversized ahirt ang kanyang isinuot. May gumagalaw na sa kusina na at tiyak ginagampanan na ni Ram ang tungkulin nito. “Kumukulo na ba?” bungad na dito sa kusina. Napalingon na rin ang lalaki pero bigla itong umasim ang kanyang mukha. “Are you seducing me?” ang malakas nitong sabi. Kaagad naman sinipat ng dalaga ang kanyang suot bago lumipat ang tingin niya sa nakatunghay na binata. Gumalaw pa ang adams apple nito. “Go back to your room and change!” ang seryosong utos nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD