bc

Tame the Wildest Love

book_age18+
494
FOLLOW
5.2K
READ
HE
powerful
doctor
bxg
serious
mystery
small town
secrets
like
intro-logo
Blurb

Iskolar ng Hacienda de Villasis si Marianne May. Bilang anak ng katiwala ng hacienda wala siyang maipagmalaki maliban sa makapagtapos sa kanyang pag-aaral.

Sa murang gulang walang ginawa si Dr. Ram Villasis kundi punain at kantiyawan siya sa kanyang kilos, katawan at balat na kayumanggi. Harap-harapan nitong ipinamukha na hindi siya magugustuhan nito kahit siya pa ang natirang babae sa bayan ng San Dionisio. Sapilitan siyang hinalikan ng lalaki sa araw ng birthday nito at biniro na hindi siya nakapag “mouth wash” at nagbantang maari pa nitong ulitin muli. Sapilitan siyang umiwas kahit labag sa kanyang kalooban hanggang sa tuluyang umalis ang binata para mag-aral sa lungsod.

Ten years after, muli bumalik si Ram sa Hacienda at isa na itong dalubhasang doctor at muling ang krus ang landas nila ng dentistang si Marianne.

Paano nila pakikitunguhan ang isa’t isa na sa bawat pag-uusap at pagtama ng kanilang mga titig bumabalik ang sugat ng kahapon na dala ng kanilang kabataan. Paano kung may lihim pa lang pagmamahal ang isa sa kanila na matagal ng kinikimkim sa puso? Magawa pa kayang bigyan katuparan at maagapan kung lumalayo na ang loob nito ng tuluyan!

chap-preview
Free preview
Chapter-First Kiss
“Anak darating na ngayong gabi si Ram at hinabilin ni Donya Clara na dapat nandoon tayo sa welcome party niya” ang nanay Marta nito. “Nay pwede ikaw na lang wala ho akong gana eh! At saka pagod ho ako sa buong araw na trabaho sa bukid. “Naku naman anak, di ba sinabi na namin na pag dito ka sa hacienda huwag ka ng tumulong dahil hindi ka naman namin inoobliga, sayang din ang tinapos mo kung nagbabanat ka pa ng buto. “Nay nasanay na po ako kaya hobby ko na po yan, at saka ayaw mo yun mas mabilis matapos ang trabaho pag nandiyan ako..may driver pa kayo. “Oo nga anak, proud talaga ako sayo anak at hindi mo sinayang ang pagapapaaral sayo ni Clara. Oh! Ano hindi na ba magbabago ang isip mo para mamaya? “Kayo na lang “Nay matutulog na lang po ako dito sa bahay..Alam ko lalaitin lang ako ng Ram na yun pag makita ang pagmumukha ko. “Aba! At sino naman nagsabi na lalaitin ka pa niya eh pang Miss Universe na ngayon ang anak ko baka siya ang hahabol sa anak ko! Pagmamalaki ng ina. Napatawa siya sa sarili. Alam niya isa ito sa naging inspirasyon niya para lumakas ang loob niya at alagaan ang sarili dahil dati pa siya nilalait ni Ram sa kanyang timbang at balat. FLASHBACK… “Payatot halika na nga kanina pa kita hinahanap sa buong school bakit saan ka pa ba nagsusuot ha, sobrang tagal mo akong pinahintay dito…”si Ram “Di ba sabi ko huwag mo akong hintayin dahil may project kami, at saka hindi naman tayo magsabay pauwi maglalakad lang ako..okey ka lang… “Who told you na maglakad ka, ipinasundo tayo ni Mommy dito at simula ngayon magkasama na tayo uuwi. Ako ang magbabantay sayo sabi ni Tita..baka masayang yung pinaaral sayo ni Mommy at maaga ka pang makapag-asawa..at tumatawa. Mas lalo siyang naiinis sa lalaki..Alam mo kahit ano pang bantay sarado mo pag ginusto ko wala kang magagawa…malay mo may kinakatagpo pala ako sa batis! “Okey lang pag ako ang katagpuan mo doon eh di maganda! Pero sorry ka hindi kasi kita type no! Never! At pahalakhak pa ito. Humaba ang nguso nito sa murang gulang nila wala nang ginawa si Ram e di kantiyawan at punain siya palagi. “Tandaan mo din ito ha..anak ng Bombay pag lumaki ako at manligaw ka sa akin sisiguraduhin ko wala kang mapala sa akin..Kung ayaw mo sa akin e di Salamat! “Opps..maas lalong lumalalim ang usapan na ito ha..JOKE lang! Heto naman hindi na mabiro humahaba na agad ang nguso mo sa inis…sinaklit siya ng lalaki at inakay palabas ng school “Nay, pakisabi naman kay Donya Clara na huwag na niya ako isabay kay Ram sa sundo sa school, please Nay! “At bakit naman sobrang naiinis ang pagmumukha mo, ano binibully ka na naman niya? Anak, pasalamat tayo at ginawa ka nilang scholar, pagtiisan mo na lang si Ram…alam ko mabait na bata yan! Ito lagi ang kanilang pinag-aawayan na umabot sa isang linggo na hindi sila nag-uusap. Pero hindi din nila maiwasan ang isa’t isa lalo na pag ipapatawag sila ng Mommy ni Ram at may ipag-uutos ito. Mas lalo lang lumala ang away nila ng pinagalitan siya ni Ram sa harap ng kakalase niyang lalaki. Alam niyang dalawang taon ang agwat ng edad nila at ipinagmamalaki nito na siya dapat ang masunod dahil ito ang nakakatanda. “Di ba ayaw kong super PDA sa mga boys. Alam mo hindi maganda sa babae ang siya pa ang lalapit sa mga lalaki at magpapansin.’ Namula siya sa hiya. “Hayaan mo nga ako, di ba sinabihan na kitang huwag mo akong pakialaman, at saka pwede ba hindi naman kita pinupuna sa ginagawa mo ah. Let me do what I want Ram Miguel Aguirre. Tumawa ito ng buong lakas. “Matapang ka na ngayon ha, baka hindi mo alam na pera namin ang pinapaaral sayo, kaya magtino ka! Seryoso ang boses nito “E di isumbong mo sa Mommy mo…sabay tulak dito at nagmadaling tumalikod “Hintayin mo ako… malakas na sigaw nito. Ngunit hindi nito nilingon at patuloy sa labas ng gate ng school. Second year high school siya samantala si Ram ay graduating student na. Kaagad siyang sumakay ng tricycle at hindi man lang liningon ang inis na boses ng lalaki. Nang umalis ang kanyang sinakyan saka siya napalingon sa side mirror at kitang kita nito ang paghagis nito ng kanyang bag sa damuhan. “Anak lumabas ka muna diyan sa kwarto mo, Si Ram nandito gusto ka niya makausap..boses ng kanyang ina mga ilang oras na nakaraan ng umuwi siya galing school. Inis pa rin siya sa lalaki pero dahil sa respeto lumabas siya. Suot ang may kaikliang short at tshirt hinarap niya ito. “Pwede bang magpalit ka muna ng damit mo, sobrang daring ang dating mo..mahirap makapanglimot ako at mapahiya ako kay tita..hindi pa naman kita type…nakangising pagkasabi. Namula na naman ang kanyang mukha kasabay ng paghaba ng kanyang nguso. “Kung ayaw eh di umuwi ka na lang, ano ba ang pinunta mo dito sa amin? “Magpalit ka doon at aalis tayo punta tayo sa mansion, hinahanap ka ni Mom sa akin… Habang lulan sila ng motorsiklo mas pinili niyang idistansya ang sarili sa kaangkas nito. Ayaw niyang kantiyawan na naman siya ng lalaki at sabihin na naglalandi na naman siya. “s**t, Marianne May humawak ka sa beywang ko, ano pa ang inarte mo dyan pag mahulog ka kasalanan ko pa…seryoso ang boses nito. Kahit inis sinunod nito ang utos ng lalaki, yumakap siya sa beywang ni Ram. “Keep it tight, nagmamadali tayo! Utos pa nito. Mas lalo pa niya hinigpitan ang yakap dito, ang narinig na lamang niya ang buntong hininga nga lalaki kasabay ng pagpaharurot ng sasakyan. “Iho, mabuti nandito na kayong dalawa kanina pa naghihintay ang pagkain” si Donya Clara kaharap si Don Raul sa mesa at si Mara ang nakakabatang kapatid ni Ram. “Sit down iha, sinabihan ko si Ram kanina na sabay kayong umuwi para dito na ang diretso nyo sa bahay, ewan ko sa binata namin..nabanggit niya nag-away daw kayong dalawa… Napahiya siya sa sinabi ng Donya..masama ang titig niya sa lalaki na ipinahihiwatig na naiinis siya. “Pagpasensyahan mo na Marianne si Ram ganyan lang yan naging over protective lang siya sayo. All he want is the best for you! “Mom, pwede ba huwag mo akong pangunahan! Let me…please! “Okey anak…ikaw ang masunod dahil kaarawan mo ngayon, I’ll give you the table for this night! At ngumiti ito. Natahimik si Marianne sa narinig tilang nakalimutan niya ang araw at petsa ngayon, kaarawan pala ni Ram at nakalimutan niyang batiin man lang, simula kaninang umaga hindi man lang sumagi sa isip niya ang petsa ngayon. Magkatabi silang umupo sa hapag kainan. Kahit may hindi sila pagkakaunawaan pero gentleman pa rin ito, alagang alaga pa rin siya ng lalaki. Nilagyan pa nito ng pagkain at ulam ang kanyang pinggan at panay ang tanong nito kung ano ang gusto niya kainin. “Ate masuwerte ka kay kuya sobrang maalaga yan! Si Mara “Siyempre may pinagmanahan ang kuya mo, saan ba yan magmamana e di sa akin! Si Don Raul “Dad, inaalagaan ko lang Mabuti si Marianne para tumaba din ng kaunti, tingnan mu ang payat niya! Nag-diet na wala sa lugar! Napanguso siya at kinindatan na may warning ang titig. Narinig pa niya ang tawa ng lalaki na tilang nang-iinis. Pagkatapos ng kainan inanyayahan siya ni Ram na umakyat sa study room nito. “Pwede mo na akong ihatid pauwi para makapagpahinga ka na rin..sabi dito nang nakaupo na siya sa loob ng room. “Sa akala mo makakauwi ka na hindi mo man lang ako nabati sa kaarawan ko ngayon…halos bawat taon may regalo ka sa akin sa kaarawan ko tapos ngayon nakalimutan mo na! Napangisi siya sa nabanggit nito, tilang nagtatampo. “Iba noon, iba din ngayon..dati peace tayo at mabait ka sa akin pero ngayon sobrang yabang mo na, lagi mo ako iniinis…masisi mo ba ako na makalimutan ko ang araw na ito! “Yun nga eh mas inuuna mo pa ang ang ibang boys kay sa akin! Nandito naman ako na kasama mo araw araw, binabantayan ka ! “Sinasakal mo ako…wala ka nang ibang nakikita ang mali ko, ang mukha ko, ang ayos ko, ang kilos ko! “So ano ang gusto mo hahayaan kita na mapariwara sa nga manlolokong lalaki sa campus, yun ba ang gusto mo? Galit ang boses “E di hayaan mo wala ka namang pakialam sa akin di ba? Ayaw mo noon may manligaw din at mapagtuunan ng pansin ng mga boys! “You’re non-sense Marianne…ano ba ang gusto mo, ginawa ko lang yun kanina sa school dahil alam ko iyon ang tama..nagmamadali ka na ba para magboyfriend? “Ewan ko sayo! Tumayo ang lalaki at lumapit sa kanya. Napaatras si Marianne sa ginawa ni Ram tilang ngayon lang ito nangyari na sobrang lapit ng mukha nila. Umigting ang panga nito na halatang inis. “Kung gusto mo maranasan ang ginagawa ng mag boyfriend, I can do it for you “Honey”. Baka yun ang hinahanap mo na maranasan… “I hate you Ram…sabay tulak dito. “Bukas sasagutin ko na ang isa kong manliligaw, tandaan mo yan! “Let me do this para mahinto na yang imagination mo….mahigpit siyang niyakap ng lalaki at siniil ng halik sa labi. Padampi dampi noong una pero ng maramdaman niyang hindi umalma mas lalo pang lumalim ang halik nito na kapwa sila kinapusan ng hininga sa pagbitiw ng kapwa labi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.6K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.6K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.1K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.1K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook