MY SPARKLING BULLETUpdated at Nov 22, 2023, 03:17
“I hate them!
“I shouldn’t trust boys anymore! Pareho lang sila lahat!”
Ang salitang tumatak sa isipan ni Jasmine Nicole Magbati. Ang kabiguan niya kay Michael sa unang pag-ibig ay isinumpa niya na hindi na iibig pang muli.
Paano kung sa kanyang paglayo doon siya hahantong sa probinsya na muling magpagulo ang kanyang puso’t isipan.
Meeting Mayor Lucas Dominic Santillan had made a constant change in her life, the bachelor mayor of the town at tagapagmana ng ari-arain ng yumaong mga magulang. Certified bachelor, gwapo, malakas ang sex appeal, may paninindigan, hinahangaan ng kanyang constituents at lahat na gusto ay ginagawan ng paraan. Maraming napapabalitang naging kasintahan ito na nagbigay pag-aalinlangan para maniwala siya ng tuluyan.
Paano niya iwasan ang binatang mayor kung sa unang paglapat ng malambot nitong labi ay may kakaiba na siyang nararamdaman para dito. The magic of the “first kiss” turns into a magical spell, every time there’s eyes meet, kakaibang kilos at pananalita at super seloso nitong mukha at nagpapakilig sa kanyang sugatang puso.
Kaya ba ni Jasmine na umibig muli sa kabila ng kabiguan na kahit siya mismo ay nahirapan ding magtiwala?
At paano kung napagod si Mayor sa panunuyo?
Paano kung ang dating katipan na gustong bumalik at nangangakong paiibigin siya muli ay pinsan pala ng kanyang kasalukuyang mahal? Sino ba sa dalawa ang kaya niyang pagkatiwalaan habang buhay at pipiliin ng kanyang pihikang puso?