CHAPTER 1
“You’re disgusting! You destroyed my trust, Shane! Sabay tulak sa kanya with blushing and angry face.
Brian hates her without any enough and valid reason. Saan ba nagsimula ang umusbong na galit sa puso nito.
“Brian, can you explain naman oh! Ano ba ang mali ko, please ipaliwanag mo naman sa akin bago mo ako buntunan ng galit mo, let’s be fair with this!” pagmamakaawa nito.
“You’re unfair, huwag na tayong maglokohan pa, I don’t need any explanation from you, Shane! Sabay hubad ng singsing sa kanyang kamay at itinapon ito sa damuhan.
“Brian, ano ang ibig sabihin nito?” namumula ang mukha at pinipigilan ang nagbabadyang mga luha na papatak.
Parang binagsakan siya ng langit at lupa sa kanyang narinig. Gusto niya malaman ang puno’t dulo ng galit ni Brian pero paano niya mapagtanggol ang sarili dahil siya mismo hindi alam ang ugat nito. Mas lalo na ngayon na pinuputol na nito kung anumang namagitan sa kanila.
“Hindi ka man lang ba makinig sa akin or we can talk it privately just to settle this mess!” Pagmamakaawa dito.
“I already make my decision! Pag nasira na ang tiwala ko sa isang tao, mahirap na iyon maibalik pa!
Gulong-gulo siya sa mga pangyayari, kahapon lang ang super sweet pa nila umuwi galing sa kanilang date tapos heto ngayon hahantong sa ganito ang lahat.
“I love you so much Brian! We can work it out! Please! Pumatak na nag luha na kanina pa niya pinipigilan.
“I already decided, ayaw ko sa taong sinunggaling!
“So ganoon na lang! Kung ayaw mo man sabihin ang pinupunto mo, so be it! Kahit hindi ko man alam ang dahilan ng ikinagagalit mo! Sige desisyon mo yan eh! It’s a quit! Kung yan ang desisyon mo sa relasyong ito!” masama ang loob at matalim na tinitigan ang lalaki.
Nakayuko ito pero nakakuyom ang kamao nito.
“Yes, maybe it’s a quit! At ito lang ang tandan mo Mr. Brian Rex Castillo pag pinakawalan ko na hindi ko na binabalikan pa.” Sayang lang ang pagmamahal ko sa’yo, you’re not deserving at salamat naman ipinamulat mo yan sa akin ng mas maaga.” Kasabay noon ang paghubad ng kanyang singsing at itinapon ito sa lugar kung saan itinapon din ng lalaki ang kanyang singsing. “Goodbye, Mr. Castillo!” at iniwan ang nakatayong lalaki.
Umaasa siya na habulin siya ng lalaki katulad ng dating eksena nila pag naiinis ito pero heto ngayon malaya siyang pinakawalan nito.
Gusto niya sumigaw sa mga oras na iyon. Sabihin kung gaano siya nasasaktan at pinipiga ang puso nito sa ginawa sa kanya ni Brian.
Matanda si Brian sa kanya ng apat na taon. There relationships are like a roller coaster pero nalalampasan nila ito sa loob ng tatlong taon. She felt too much inlove at siya lagi ang gumagawa ng paraan para sila magkakaayos ng kasintahan. May pagka seloso ito na kahit maliit na bagay ginagawa nitong issue pero super sweet ito sa kanya at over protective kaya lang minsan nasosobrahan na rin at kailangan niya suyuin pag ito ay nag-aalburuto.
Isang school lang silang pinasukan at hindi lingid sa nakararami ang kanilang affections. Dumating pa sila sa puntong binansagan pa silang campus sweetheart. Sometimes jealousy strikes that tested their emotions, boundaries & desires but they try to manage it.
Yes, sa kabila noon they manage to make their relationship surpass. Naging close na siya sa pamilya ni Brian dahil mag-partners din sa isang Negosyo ang kanilang parents. Pero sino ang mag-aakala na humantong sa hiwalayan ang kanilang pag-iibigan dahil karamihan umaasa na they ended forever.
She can’t forget ang una nilang pagkikita ni Brian. Nasa Senior High School pa lang siya noon. Dinala siya ng Papa nito sa birthday party ng pamilya Castillo at doon niya nakilala si Brian. Sobrang torpe at seryoso hindi man lang nakikipag-usap kahit siya pa ang unang nagpakilala dito. Super huggable at doon pa lang napa-starstruck na siya dito.
Lagi niyang nirequest sa ama na sa tuwing may meeting ang mga ito sasama siya para makapunta na rin siya sa sa magarang na mansion ng mga Castillo. At nasasanay na rin siyang makasama ang lalaki at tuluyan silang naging malapit kahit apat na taon ang agwat ni Brian sa kanya,. Ayaw niya itong tawaging kuya dahil para sa kanya ito ang perfect match niya.
“Hoy! Mr. Torpe kausapin mo naman ako rito! Tayo lang kaya magkasama hindi mo parin ako pinapansin! Habang abala ang binata sa kakalaro ng games sa cellphone nito.
“Maglibang ka, I’m busy my little spoiled Brat! Sabay lingon tingin rito at napa ngisi.
“Kay ganda ko naman para hayaan mo na lang dito! Sabay martsa lumabas ng lawn.
“Hep, where are you going! Dito ka lang distorbo ka lang sa usapang Negosyo nila Daddy! Stay here!” sabay turo sa tabing upuan.
Napapangiti siya at tumabi sa upuan. Ngayon lang siya lubusang makalapit sa lalaki at super kinis pala ng balat nito at namumula pa. Kay sarap halikan ito sa labi. Sa murang edad niya nagpapantasya siya at tilang tumutibok na ang kanyang batang puso.
Napalingon bigla ang lalaki at siya naman dahil pilit inilalalapit ang mukha para makita ang nilalaro ng katabi nagkasagi ang kanilang mga labi.
Her angelic face was shock! Namumula at hindi alam ang ikilos sa nangyari.
“Hm.m.m. its so sweet Babe! Patikim nga!” sabay dinampian siya nga masuyong halik sa labi kasabay ng paghaplos nito sa kanyang mukha. It’s a first kiss niya. “From now on girlfriend na kita!
Iyon ang simula ng kanilang pag-iibigan. It was sealed with a kiss.
“Babe, I love you so much! Habang magkahawak kamay na naglalakad sa park.
“I love you too, Babe! Promise sa’yo lang ako!
Minsang naabutan siya nito may mga kausap na mga kaibigaang lalaki lalo na’t nahuli nitong nakaakbay pa yung isa sa kanya. Halos doon niya nakita kung gaano ka galit ang mukha nito. Yes, he is jealous! Iyon ang laging nangyayari na kanila na ring mapag-uusapan at magkakaunawaan na rin kaagad.
Pero ang hindi pala napapanindigan at nakayanan ang anumang tukso o balakid dahil maagkakahiwalay rin pala sila. Ang saklap hindi niya alam ang totoong dahilan ng katipan.
“I hate you, Brian! Kailanma’y hindi mawawala sa kanyang alaala ang mga eksenan ng nakaraan na pilit bumabalik.
NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT
Pababa pa lang siya ng eroplano , naaamoy na niya ang karaniwang simoy ng hangin..Pilipinas na nga ito. Ito ang araw ng kanyang pagbabalik sa lupang nagbigay sa kanya ng sobrang sama ng loob. But sometimes, you need to comeback home for your family and friends.
Pagkatapos ng kursong Hotel and Restaurant Management kaagad siyang nagsipagsapalaran sa Dubai at pinalad na makapasok sa isang kompanya doon. Kahit anumang pigil ng mga magulang nito pero pinaninindigan niya ang kanyang desisyon na lumayo sa mga alaala na nagbigay sa kanya ng malaking sugat sa puso. Na ang katotohanan pwede din siya maging katuwang ng pamilya sa pagpapalago ng kanilang negosyo.
Pinalad din siya at naging maganda naman ang kanyang trabaho. Ibinuhos niya ang oras sa trabaho para makalimot. Kung hindi pa tumawag ang kanyang matalik na kaibigan na si Marianne hindi pa siya nakapa desisyon na umuwi. Ikakasal na kasi ito at siya ang kinuhang bridesmaid nito. Tamang-tama din dahil ilang beses na rin nagmamakaawa ang kanyang Mama na umuwi siya. Heto ngayon ang oras na i-susurprise niya ang mga magulang kaya si Marianne lang ang kinausap nito na matuloy siya sa pag-uwi sa Pilipinas.
“Sa airport ka na ba? Boses ng tumawag na kaibigan.
“Kanina pa ako naghihintay dito! Inis na boses.
“Hoy! Lorraine Shane Galindo huwag ako ang lokohin mo alam ko ang oras ng flight mo! Alam ko kakarating mo lang!” biro ng kaibigan. “Nariyan na ang sundo mo hindi kasi si Samuel makapunta riyan nagka emergency may inutusan na siyang kaibigan na magsundo sa’yo diyan!
Tulak ang dalang maleta sa waiting area na siya naghintay. Napapalingon ang mga kalahi ni Adan sa kanyang nadaanan siguro naninibago lang sa outfit niya. Isang black bandage dress ang suot nito na na-expose ang kanyang cleavage para hindi naman masyadong lantad sumuot siya ng jacket as topper. Pero dahil sa init ng panahon hindi niya napansin na nahubad na pala niya ang kanyang jacket pagbaba ng eroplano at isinampay lang ito sa ibabaw ng maleta na dala-dala. Naninibago siya sa klima dito dahil sa summer mas lalo pang uminit ang paligid.
Napadantay siya ng kanyang ulo habang ginagawang unan ang jacket nito sa ibabaw ng maleta dahil nakaramdam siya ng hilo dala ng init ng panahon at napapikit siya saglit.
“Can we!” isang buong boses lalaki ang kanyang narinig. Napamulat siya at kasabay napatutok ang tingin niya sa isang black shoes, wearing a faded jean at napakahalimuyak ng amoy ng male scent nito.
Halos nawalan siya ng balanse sa pag-angat niya ng paningin. Sometimes mapaglaro ang tadhana ang taong huli mo gustong makita heto ito ngayon sa inyong harapan.
Kay lakas ng t***k ng kanyang dibdib. Hindi siya tanga at makalimutan ang mukha ng taong ito. Its Brian Rex Castillo standing in front of her wearing an autumn Korean Casual men’s longsleeve shirts na hapit sa katawan na mas lalo pang nagpatikas at nagpadagdag sa s*x appeal nito. Ito ba ang sundo niya. Paano naman mangyari ito. Alam ni Marianne kung gaano ang struggle niya in past 4 years para makakalimot. Tapos sa paglapag pa lang sa Pilipinas itong iniiwasan niyang nilalang ang siya pang susundo sa kanya.
She knows Brian will be turning 28 pero kung tingnan mo mas lalo itong bumata sa kanyang edad. Ang ikinaiba lang ang bigote nitong nagpadagdag sa kakisigan nito ngayon.
Seryoso at larawan pa rin ito ng total hunk and arrogant look. Hindi pa rin nawawala sa mukha nito kahit lumipas man ang panahon na siyang hinahabol ng students noon. Nadagdagan lang ang pagiging matikas at well built nitong pangangatawan.
Namumula siya at hindi nakapagsalita kaagad. Pero pinilit niyang maging pormal ang bawat kilos sa harap ng lalaking ito. Hindi niya hahayaan na talunin siya ng bugso ng kanyang damdamin.
“Let’s go! Seryoso ang mukha habang nakatitig. Sabay kuha ng maleta at hinila ito. Hawakan sana siya sa siko para alalayan pero umiwas siya dito. Hindi niya hahayaan na dumantay kahit balat man lang niya rito. She can’t still resist the feelings. Wala siyang tiwala sa kanyang sarili pagdating kay Brian. Simula’t sapol ito na talaga ang weakness niya.
‘Next time wear something descent, hindi ganyanag halos lalabas na ang kaluluwa mo! Inis ang boses ito