Napantig ang kanyang tainga sa salitang binitiwan pero hindi na lang niya sinagot pa. Sumunod na lang siya sa parking area kung saan patungo ang lalaki. Panay pa ang lingon nito sa kanya habang naunang lumalakad.
“Hindi ito ibang bansa na liberated ang mga tao, so dress appropriately at pabagsak na binuksan ang compartment ng SUV na dala nito at inilagay ang maleta.
“Get in! sabay bukas ng pintuan sa front seat.
“Salamat! At walang pakialam na pumasok. Doon niya sinuot ang kanyang jacket dahil ang lakas ng aircon sa loob.
“Saan kita ihatid? Lingon nito.
“Almendros Hotel, doon ako naka-book!” ayaw niya munang umuwi dahil usapan nila ni Marianne pagkatapos ng kasal na siya diretso ng bahay nila. Bukas rin naman ganapin ang kasal so okey lang naman.
“Bakit hindi na lang kita ideretso sa bahay nyo”. Lingon nito.
“Mind your own business Mr.! Hindi ko kinukuha ang opinion mo!” Inis na sagot.
Namumula ang pisngi nito at panay pasulyap-sulyap sa side mirror ng sasakyan. Minsan nahuhuli pa niyang napapahilamos ito sa mukha.
Nasa labas ng bintana ang kanyang tingin kahit masakit ang kaanyang leeg sa kakalingon dito pero pinanatili nito ang kanyang posisyon. Baka sabihin ng lalaki okay lang sa kanya ang lahat na nagyayari from the past.
Minsan nagkahulihaan sila ng titig pero saglit lang iyon at napapayuko siya. Hindi niya kayang makipagtitigan sa mga mata nitong parang nangungusap.
He is not deserving same treatment, not just like before na super clingy siya pag ganitong silang dalawa lang ang magkasama sa loob ng sasakyan.
After leaving the Philippines mas pinilit niyang hindi makibalita kay Brian para lubusang makalimot. Minsan naibanggit rin ito ni Marianne sa kanya pero umiiwas siya pag-usapan at iniiba ang topic para maiwasan man lang.
‘So, you better like foreign countries than staying her in Philippines!” sabi nito habang nagmamaneho.
“Maybe doon ang kapalaran ko!
“Leaving your friends and love ones? Dugtong nito na nagpasikdo sa kaniyang dibdib. Maybe it’s a split of the tongue pero kakaiba ang dating sa kanya.
Umiling siya at tumingin dito ng diretsuhan.
“Wala ka nang pakialam doon, sarili ko to at ako ang nakakaalam at kung anuman ang plano ko sa buhay ko!” at ibinaling sa bintana ang titig.
Pagdating sa hotel hindi niya hinintay pa ang lalaki na pagbuksan siya ng pintuan kaagad na siyang bumaba.
“I’m okey now, pwede mo na ako iwan rito! Lingon sa sumusunod na lalaki. “Salamat sa pagsundo at paghatid!” sabay talikod at pumunta sa check-in area.
Nanatili pa rin itong nakatayo at ang lagkit ng titig nito sa tumalikod na dalaga.
“Bakit Marianne si Brian ang sumundo sa akin ha! Akala ko ba nagkaintindihan tayo! Inis niyang boses sa kaibigan habang kausap sa telepono.
“What? I don’t know! Si Samuel kasi nagsabi sa akin na ipasundo ka niya sa kaibigan niya but promise I don’t know all of this! Sabi nito.
“Kung minamalas ka nga naman oh!
Napatawa ang kaibigan. “Just better take a rest and be ready yourself for tomorrow. Take note ayaw ko sa bridesmaid kung haggard at nasobrahan ng iyak ang mukha! Be ready early tomorrow ipapasundo kita riyan para makapag-ayos ka na rin dito.!
“Siguraduhin mo lang na hindi siya ang susundo sa aking dahil walang Lorraine Shane Galindo na dadalo dyan sa kasal mo bukas!”
Isang malakas na halakhak ang kanyang narinig. Marianne knows everything happen in her life. Lalo na sa love story nila ni Brian noon.
‘Hoy! Bruha huwag mo masyadong pagandahin yung kaibigan ko baka siya pa mamaya ang maunang ikasal sa akin! Biro ni Marianne sa beautician na nag-aayos sa kanila.
“Tanga paano ikakasal eh, wala namang boyfriend! Sagot rin dito.
“Someday friend mahahanap mo rin ang forever mo, nariyan lang yan sa tabi tabi hindi mo lang napansin!
“Yes, I think! Kaya bilisan mo na ang nababagot na ang groom to be sa kakahintay sa’yo sa simbahan!
“Eh di maghintay siya, ganyang ang pagmamahal marunong maghintay, ang totoong nagmamahalan mauunawaan ka!
“Nagpaparinig ka ba! Siguraduhin mo lang BFF dahil pag ako mapikon iiwan talaga kita rito!
Napahakhak ang kaibigan.
Magkasunod sila ng sasakyan papuntang simbahan ng bride.
Pagbaba pa lang niya kaagad siyang tumalima para alalayan ang pagbaba ng kaibigan. Na amaze siya sa labas pa lamang ng simbahan punong puno na ito ng bulaklak.
‘Iba talaga pag businessman ang mapapaangasawa natin, galante! Bulong sa kaibigan.
“Wala lang magawa ika mo dahil kahilingan ito ng magiging asawa niya!” hagikhik ni Marianne.
Nasa pintuan na sila ng simbahan at sinalubong sila ng wedding planner para maghanda na. Alam niyang she’s elegant in her dress. Nakita niya sa harapan na nakatayo na doon si Samuel para maghintay sa kanyang bride.
“Can we! Na nagpalakas ng t***k ng kanyang puso. Kung malasin ka ba naman. Its Brian wearing a perfect suit. “I’m a groomsman! Halika na! at inakay siya sa bisig para alalayan.
Kay lamig ng mga kamay nitong dumantay sa kanyang bisig. Halos masuffocate siya sa male scent nito.
“We can walk in aisle without holding me! Komento niya sa lalaki pero mas lalo pa itong naging bingi dahil hinawakan pa siya nito sa kanang kamay habang sila’y naglalakad.
Halos lumilipad ang kanyang isip habang idinaraos ang kasalan. Bakit ba sobrang mapaglaro sa kanya ang tadhana. Nandito rin sa kasalan si Brian at batay sa napag-alaman niya matalik na magkaibigan sila ni Samuel ang mapapangasawa ng kaibigan.
“Halika na magpictorials na! linapitan siya ng lalaki. Kanina pa kasi siya nakayuko habang hawak ang kanyang panga.
Hindi niya nilingon ang lalaki at diretso sa hanay ng mga sponsors.
“Congratulations & best wishes! Salubong sa kaibigan sabay yakap.
“Thank you so much friendship! Hon! Alam ko hindi man kayo nagkakakilala personal but online nagkakausap din kayo di ba! Pakilala nito sa asawa.
“Of course! Bestfriend mo yan eh dapat ako magpalakas diyan, mahirap na! biruan pa nila.
Sa reception nakaagapay pa rin sa kanya si Brian. Parang butiki itong sunod ng sunod.
“Pwede ba lubayan mo ako, i hate it! Pabalang na salita na nagpatigil sa lalaki.
“I’m just concern with you Shane!
‘Well thank you! Pero hindi ko na kailangan pa ang concern mo! I don’t deserve it! At saka hindi kita binibigyan ng permiso na lapitan ako or bantayan sa bawat kilos ko! Seryosong boses at linabanan ang kanyang totoong nararamdaman.
Napatiim bagang ito at halatang namumula ang makikinis nitong mukha at tilang hindi gusto ang narinig.
“Halika na kayong lahat! Boses ng emcee at ang tinutukoy nito ang mga abay sa kasal.
Nakita niyang medyo dumistansya si Brian sa kanya. Pumunta ito sa umpukan ng mga lalaki sa kabilang side. Pero minsan nahuhuli nitong nakatingin sa side nila.
“Hi! I’m Rommel Chen!” isang lalaki ang lumapit sa kanyang kinatatayuan. “Samuel business partner! Pakilala nito.
Dahil medyo maingay ang musika sa loob ng reception area napalapit siya sa mukha ng lalaki para mas marinig nito ang kanyang sassabihin.
“I’m Lorraine Shane Galindo!” bestfriend ng ikinasal na bride.’Glad to meet you! At napangiti
Nang tumunog ang malamyos na musika nnapatitig ang lalaking katabi.
“Can you be my partner,” sabay lahad ng kamay nito. Nag-uumpisa na kasing sumasayaw sa sweet music ang mag-asawa kasabay ng pagtugtog ng kanilang theme song.
Umikot muna ang kanyang tingin sa paligid Nakita niyang may isinayaw na si Brian at nasa gitna na ang dalawa.
‘Sure!” at hinila ang lalaki.”Siya pa mismo ang kumuha ng kamay ni Rommel at ipinatong ito sa kanyang beywang.
Panandalian lang naman at tinapos na agad nagsibalikan na rin ang magkapareha sa kaanilang mga upuan.
‘Sana hindi pa ito ang huling araw ng ating pagkikita Miss Galindo! Si Rommel
‘Sure! ‘I’m just around! At nagpaalam dito para pumunta muna ng comfort room.
Nakalabas lang siya ng powder room para ayusin ang lipstick nito ng may humawak sa kanyang beywang.
“Kakarating mo pa lang dito, you started to play boys in your hands!” boses ni Brian na galit.
Itinulak niya ito.
“Teka nga! And how dare you na sabihan ako ng ganyan ha!” inis ang boses nito.
“Parang ahas ka kung makisayaw sa lalaking iyon, bakit kilala mo na siya?
Ano ba ang nangyayari sa lalaking ito. Tilang girlfriend siya kung bakuran nito. At parang nag-aalburuto sag alit ang mukha nito dahil namumula ang maamo nitong mukha.
“As I said leave me alone Brian Rex! Hindi ko kailangan ang opinion mo! At tinalikuran ito
“Don’t dare to leave me, hindi pa tayo tapos Lorraine Shane! Pag kinakausap kita, kausapin mo ako ng tama! Galit ang boses.
“At bakit kailan ka pa nakinig ha! Sabihin mo nga? At kung tinalikuran man kita ibig sabihin ayaw na kitang makausap! Dumalo ako sa kasal, hindi ikaw ang pinuntahan ko rito!
Galit ang mukha nito at mabilis siya nitong ibinuhat.
“Don’t dare to escape dahil magsisisi ka sa gagawin ko sa’yo, tandan mo yan! Habang buhat siya nito palabas ng reception venue.
‘Saan mo ako dadalhin ha! Ibaba mo na ako! Nagpumiglas ito para ibaba siya.
Pero sa halip mas lalo pang humigpit ang pagkahawak nito at dahil pa bridal carry ito mas lalo niya naamoy ng malapitan ang hininga nga lalaki.
“Inuubos mo ang pasensya ko, young lady! Kahapon mo pa ako sinusubok hanggang sa venue ng kasalan ni Marianne nasasayahan ka sa ginawa mo!
Natameme siya sa sinabi ng lalaki. Its just like na pinapangaralan siya ng nobyo sa mali na nagawa niya.
Ipinasok siya nito sa isang sasakyan.
‘Saan mo ako dadalhin ha!” pahablot niya ang damit nito sa sobrang inis dito.
“In HEAVEN Babe!