bc

The Abducted Bride

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Venice tries herself to live in a quiet and peaceful place despite being a party goer, rich spoiled girl and born with a silver spoon.

That intruder abducted her and made her to be his bride and when the truth dig in. She was torn between her brother and that man she used to be called husband .

chap-preview
Free preview
The Abducted Bride
"Ma'am Venice?" Nakataas ang isang kilay na inangat ni Venice ang gamit na rayban sa mata at tiningnan ang lalaking naka pula sa kanyang harapan. Mahigit dalawampung minuto na simula nang lumapag ang sinasakyang eroplano nito sa NAIA terminal pero kakarating lang ng taong susundo sa kanya. Buntong hiningang binalik ko sa mga mata ang rayban at nagsimulang lumakad. Siguro alam naman na nang driver ng kuya Vince ang ibig sabihin non hindi ko na kailangang sabihin dito na buhatin nito ang mga bagahe ko dahil understood na iyon. Mukhang na alarma naman ang lalaki dahil ramdam kong nakasunod ito sa akin habang nagpatiuna akong naglakad dito. Medyo tumaas ang isang kilay ko nang makitang itim na pick up ang binuksan ng lalaki para ipasok ang buhat nitong bagahe ko, ang sabi kasi ni kuya puting toyota altis iyon. Ah siguro nagbago ng kotseng susundo si kuya naisip ko habang inaayos ang pagkakaupo ko sa backseat. Antok na antok na ako kaya tinanggal ko ang rayban sa mata ko at pinalitan iyon ng smooth eye protection handkerchief gusto kong matulog sa byahe kaya ginagawa ko iyon kapag may byahe ako sa malayo. "Ah kuya, kahit na anong mangyari huwag na huwag mo akong gigisingin ha? Tsaka mo na ako gisingin kapag nasa bahay na tayo." medyo mataray na sabi ko sa driver. "Sige ma'am." Pagkarinig sa sagot ng driver ni kuya ay mabilis kong sinalpak sa tainga ang hawak na earphone at nagsimulang makinig sa paboritong musika. Hay! I feel the jet lag all over my body! Kung hindi lang ikakasal bukas si kuya Vince never akong uuwi ng pilipinas! Sa sobrang init ng maynila ay kaagad akong iginupo ni antok! Kahit na gusto pang matulog ng isipan ko ay pikit matang tinanggal ko ang panyong nakapiring sa mga mata ko nakita kong madilim na sa labas pero patuloy pa rin kami sa byahe nagising lang ako dahil ilang ulit ding parang dumaan kami sa isang malubak na daanan. "Kuya pwede bang dahan dahan naman sa pagdridrive? Nakita mo naman sigurong natutulog ako dba?" mataray na sabi ko ulit sa driver. Hindi ko na hinintay pang sumagot ang driver binalik ko ang panyo sa mga mata ko at nagsimulang hulihin muli ang antok ko. "Hindi na yan makakatakas pa at tsaka isang oras na lang nasa bayan na tayo panigurado matutuwa si boss sa atin niyan." Biglang sumikdo ang kaba sa dibdib ko sa narinig ko, mabilis kong ginalaw ang kamay ko pero hindi ko iyon maangat lalong nawindang ang isipan ko nang mapagtanto kong nakagapos ang mga kamay ko! Wala akong makita dahil nakapiring ang mga mata ko at kahit na anong gawin ko mahigpit ang pagkakagapos ng mga kamay ko. Hindi ko mapigilang mag hysterical sa naisip ko, is this kidnap for ransom? Nagsisigaw at tumili ako ng malakas. Hindi pwedeng ma kidnap ako paano na lang ako, paano kung patayin nila ako? "Ano ba Bert. Patigilin mo nga iyang babae, nakakasakit na siya masyado ng tainga!" Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko obviously may kasama ang driver dahil may kausap ito! Isang malakas na tili at sigaw ang pinakawalan ko bago ako mawalan ng malay. "What have you done? Didn't i told you not to touch her pinky finger?" Unti-unting nagkamalay ako at narinig ko ang isang baritonong tinig na iyon ito ba ang kidnapper ko? Matatas mag english? "Sorry boss. Nag ingay po kasi siya kanina sa daan habang pauwi kami dito." "Eventhough! You don't have the right to touch her, understand!" galit na sagot ng lalaki. Nakagat ko ang paibabang labi ko, bakit kailangang mapagdaanan ko ang ganito? At sino ang mga taong ito? Kakarating ko lang ng pilipinas pero bakit kinuha nila ako? Tahimik akong mangiyak ngiyak habang impit ang pagdasal ko. Lord tulungan mo ako! Muli akong naalimpungatan nang maramdaman kong may mainit na bagay na dumantay sa pisngi ko napaupo ako mula sa pagkakahiga sa malambot na kama ng masilayan ko ang isang babaeng may katandaan na. May hawak itong bimpo at iyon siguro ang naramdaman kong dumantay sa pisngi ko. "Sorry ma'am. Nagising kita, lalabaran lang po sana kita." tila nahihiyang paalam ng babae. Matamang tiningnan ko ito habang kipkip ang puting kumot sa dibdib ko. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag ng makitang naka damit ako. "Sino po kayo? At nasaan ako?" may nginig sa boses na tanong ko. Hindi ko na nahintay pang sumagot ang babae dahil kapwa kami napatingin sa lalaking bagong pasok sa kwarto. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko ng masilayan ko ito, ito na siguro ang nagmamay ari sa isa sa mga gwapong mukhang nakita ko. Mas hawig ito kay Jacob Elordi dahil sa kapal ng kilay nito. Matangos ang ilong nito at sadyang mapula ang magandang korteng labi nito. "Nana puwede na po kayong magpahinga maaga pa tayo bukas sa munusipyo, ako nang bahala sa girlfriend ko." Automatikong napaangat ang isang kilay ko sa narinig sa lalaki hindi naman siguro ako stupido para hindi ma gets na ako ang tinutukoy nito. At anong girlfriend ang sinasabi nito? Matapos magpaalam ng matandang babae ay mabining umalis ito kaya naiwan kami ng lalaki. Mabilis man ang pintig ng puso ko ay pikit kong pinatatag ang sarili ko, ito ba ang kidnapper? At anong kailangan nito? "You can take a rest. Tell me if you need something, I can --- "Who are you?" mabilis na tanong ko dito. "Where I am? Why are you doing these? Did --- "Bukas na kita kakausapin Venice. For now, take a rest I am -- "Do I know you?" pamumutol kong muli sa ibang sasabihin nito. Sayang gwapo nito kung kidnapper lang pala ito. "Bakit dinala mo ako dito? Sino ka? Sagutin mo ako?" sunod sunod na tanong ko dito. "Hindi mo ako kilala pero kilala kita. At kaya ka nandito para maging asawa ko -- I gasped for responsed. What is he trying to say? Asawa? Ni hindi ko ito kilala! "Hindi mo rin maiintindihan. Bukas na ako magpapaliwanag. Matulog ka na." saad nito at mabilis itong umalis. Naiwan akong litong-lito, ano bang asawa'ng sinasabi ng lalaking iyon? And in the first place Who the hell is that guy? Mabilis akong tumayo mula sa kama at lumapit sa bintana naka safe locked ito dahil hindi ko mabuksan iyon kita ko naman ang labas nito dahil salamin iyon pero ang creepy sa labas dahil bukod na sa madilim iyon matatayog na mga puno ang nakikita ko! Laylay ang balikat na bumalik ako sa kama iginala ko ang paningin sa kwartong pinagdalhan sa akin mukhang may kaya naman ang may ari ng kwarto na ito dahil maski na kobre kama ay yayamanin ito. Mabilis kong nilapitan ang bagaheng dala ko at binuksan iyon halatang nabuksan na ito dahil wala sa ayos ang mga naka tuping mga gamit ko. Naalala ko nakapantulog na pala ako! Meaning pinakeelaman nila ang gamit ko! Mabilis kong hinanap ang cellphone ko. Tiningnan ko ito sa ilalalim ng kama maging sa cabinet sa shelves pero wala iyon. Nanlulumong napaupo ako sa malambot na kama at nagsimulang maglandas ang mga luha ko, Lord! paano na ako? Naalimpungatan ako sa masarap na amoy ng pagkain na tila malapit lang sa akin pagmulat ko sa mga mata ko ay nakita ko ang isang dalagitang babae na naglalaro ang edad mula disinuebe o di kaya ay bente, may hawak ito ng tray na punong puno ng pagkain bigla ay napahawak ako sa impis kong tiyan kagabi pa pala ako walang kain kaya pala kumakalam na iyon! Nang mapansin ako ng dalagita ay tipid itong ngumiti sa akin nilapag nito ang hawak na tray sa mesa malapit sa akin nakamasid lang ako dito habang hawak naman nito ang isang puting dress na naka hanger, simpleng dress lang iyon pero ang ganda ng hatak ng fabric non sakin. I studied fashion designing kaya alam kong mamahalin iyon. "Kumain ka na ma'am Venice. Mamaya ay darating na si kuya Alex." tila nahihiyang paalam nito. Kunot noong tiningnan ko ito, bakit ba pakiwari ko kilala ako lahat ng tao sa paligid ko they keep on calling me by my second name kahit na hindi ko kilala ang mga ito. Dahil na rin siguro sa pangangalam ng sikmura kaya mabilis kong nilantakan ang pagkaing nakahain sa mesa malapit sa akin, masarap iyon at ito ang unang tikim ko ulit ng pagkain pinoy after 15 years. Kumakain ako ng hinog na mangga ng mapansing kong nakatitig sa akin ang dalagitang babae. Tipid ko itong nginitian kahit na nangangapa ako. "You want?" offer ko sa kalahating mangga na hawak ko. "Ay hindi na po ma'am. Nauumay na po kami dito niyan." nakangiting saad nito. "Ang sarap niyo lang po kasi tingnan habang kumakain ma'am ang gana niyo po kumain." maginoong sagot nito. Matagal ko itong tinitigan habang inuubos ang manggang kinakain. Maganda ito at ito ang isang simpleng halimbawa ng bersyong morena, morena ito pero ito ang nagpapaganda dito idagdag pa ang malalim na dalawang biloy nito. "Uhm. Pwedeng magtanong? Anong pangalan mo? At bakit kilala mo ako?" nahihiyang tanong ko dito, nakita kong kumibot ang labi nito pero nanatili itong tahimik. Nagkibit balikat na lang ako at hindi na hinintay itong sumagot, naging abala na kasi ito sa pamamalantsa ng isang blusang kulay asul. Tinabi ko ang pinagkainan ko at lumapit dito tila nahihiyang lumayo pa ito na animo'y may sakit akong nakakahawa. "I'm sorry ma'am Venice nagulat lang ako." nahihiyang sabi nito na tinutukoy siguro nito ang biglang paglayo. "Tapos na po pala kayong kumain pagkatapos maligo ay suotin mo na po itong puting dress na naka hanger iyon po ang bilin ni kuya Alex." "Wait. Why I am going to wear this?" naalarmang tanong ko. Buhat na kasi nito ang tray ng pinagkain ko at halatang aalis na ito. "Hindi ko po alam ma'am Venice basta ang bilin ni kuya Alex ay isuot niyo daw po iyan pagkatapos niyo pong maligo. Sige po, aalis na ako." Hindi ko na napigilang umalis ang dalagita dahil mabilis itong nakalabas ng kwarto buntong hingang sinulyapan ko ang naka hanger na puting dress. What the hell is going on? tanong ko sa isipan ko bago kinuha ang tuwalyang naka sabit sa rack tila nanlalagkit ang katawang pumasok ako sa washroom at tinapat ang sarili sa shower. Habang nagsasabon ay ginala ko ang paningin ko sa loob ng washroom malawak iyon at may mga ornaments bawat lavatory, malaki at halatang hindi pa nagagamit ang bath tub doon mint green ang kulay ng washroom na halatang bagong pintura siguro ay bagong gawa lang iyon. Madaming tanong sa isipan ko na pilit kong winaksi nakakawala ng stress ang lamig ng tubig sa shower kaya nagtagal ako doon. Nagulat lang ako pagpasok ko ng kwarto ng madatnan ang lalaking nakaupo sa gilid ng kama na halatang kanina pa naghihintay. Kipkip ang tuwalya ay nilingon ako ng lalaki sandaling nagtama ang mga mata namin bago ito muling tumalikod at nagkamot ng ulo. Dali-dali akong naghanap ng damit na maisusuot at mabilis ko iyong sinuot. "Hindi ba sinabi ni Angie sayo ang damit na isusuot mo ngayon?" Unti-unti kong nilingon ang lalaki. Ito ba si Alex? At iyong dalagita kanina ay si Angie? "Isuot mo ito at may pupuntahan tayo." maawtoridad ang boses na sabi ng lalaki matapos tinapon sa kama ang puting dress na naka hanger. Tiningan ko ito. Actually nakipaglaban ako ng titigan dito, Sino ba ito? "Okay sorry. Siguro ay nagtataka ka pa rin kung sino ako, Ako si Alex at ako ang magiging asawa mo." "Huh!" Pagak kong nginisian ito. Asawa? "I don't have time to explain kaya kung gusto mo para matapos na ito suotin mo na ang damit na iyan at sumama sa akin." "Stupid!" mahinang sabi ko. Sino ba itong mayabang na lalaking ito? And why he's claiming himself to be my husband? "Isusuot mo ba ito o gusto mo ako ang magsusuot nito sayo." Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko ito mukhang hindi naman ito nagbibiro bagkus ay napaka seryoso nito habang nakahawak sa laylayan ng puting dress na naka hanger. "Are you nuts? Bakit mo ba ginigiit na asawa kita though in the first place hindi kita kilala? Mind you mister hindi kita kilala!" mataray na singhal ko dito. "Hindi mo ako kilala pero kilalang kilala kita. At sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal tayo sa araw na ito! Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa lalaki. Magpapakasal? Tinapunan ko ng tingin ang puting dress na hawak nito, iyon ba ang gagamitin ko sa kasal na sinasabi nito? Wait this is humiliating! I even don't know this man! "Isang mabilis lang na 'I do' sa judge promise hindi na kita guguluhin." Lalong nanlaki ang mga mata ko sa lalaki. Is he serious? "Anong akala mo sa akin bride for rent? Bakit hindi ka maghanap ng ibang babaeng willing maikasal sayo?!" "Venice wala akong oras makipaglokohan sayo kaya please let's stop this nonsense -- "You're right! This is absolutely nonsense talking! Let's -- Nagulat ako ng biglang hilain ako sa braso ng lalaki dahilan para masubsob ako sa dibdib nito galit ang mga matang tiningnan ko ito. "Huwag mong antaying mga tauhan ko pa ang magpalit sayo habang nakapiring ang mga mata mo." Dumagundong ang kaba sa dibdib ko sa sinabi nito pero parang hindi ako natakot sa sindak nito bakit parang mas natakot ako sa mga mata nitong parang dragon idagdag pang naaamoy ko ang mabangong hininga nito na lalong nakapag bilis ng pintig ng puso ko. "Gamitin mo yang damit. I'll wait for you outside, huwag mo akong gagalitin alam mo naman siguro kung anong kaya kong gawin kung gusto mo ng puwersahang pagpapalit puwede ko iyong gawin." Muntik pa akong matumba ng bigla na lang ako nitong tinulak palayo dito. Matagal pa itong nakatitig sa akin bago lumabas ng kwarto nanghihina ang mga tuhod na napaupo ako sa kama habang nakatingin sa puting dress. Totoo ba? Sa araw na ito ikakasal ako? Hilam ang mga matang pinasadahan ko ang hitsura habang suot ang puting dress na iyon bakit tila niliklok iyon sa katawan ko sa sobrang hapit non. Ikakasal na ba talaga ako? Ganon na lang iyon? Ikakasal ako sa lalaking hindi ko kilala? Mabilis kong pinahid ang luhang naglandas sa aking pisngi ng magbukas ang pinto sumilip doon ang isang lalaki kanina pa ito manaka nakang sumisilip at aaminin ko natatakot ako. "Ma'am kung okay na daw po kayo ay bumaba na tayo kanina pa naghihintay si Boss Alex at ayaw na ayaw niya ang pinaghihintay siya." Kinakabang tumango ako sa lalaki habang sinusuot ang three inches sandal, katerno iyon ng puting dress na suot ko na para bang sadyang pinagawa para sa mga paa ko. Kagat labing tumayo ako ng maisuot iyon at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Sakay sa isang puting high-ace closed van ay tahimik naming binaybay ang kalsadang napaka tahimik at pawang mga puno ang makikita sa daan. Diosko! Nasaang lugar ako? Impit na dalangin ko habang sa isip ko ang pagtakas. Pero paano ako makakatakas, sa loob ng van walo kami at nag iisa lang akong babae. Hindi ko kilala ang mga lalaking kasama ko na mukhang mga goons ang hitsura pare-pareho ang mga ito ng kulay na damit na tila uniporme nila. Nakilala ko ang driver kanina iyon iyong sumundo sa akin sa airport at kahit na madami akong mga tanong sa mga ito wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. So paano ako makakatakas sa mga ito? Nakakatakot ang mga ito lalo na ang katabi kong kanina ay nakita ko ang isang maliit na baril na nakasuksok sa baywang nito. Kidnap for ransom po ba ito? Pikit matang sumandal ako sa backrest ng sasakyan at tahimik na umiyak, mukhang wala namang pakialam ang mga ito sa akin kahit na umiyak ako nakita ko lang ang paglingon ng isang lalaki sa akin pero hindi ito nagsalita ganon sila ka demonyo! Tumigil ang sinasakyan naming closed van sa isang puting convenient hall mukhang munusipyo iyon ng nasabing lugar kaagad pinagbuksan ako ng pintuan ng mga kasama kong lalaki na animo'y parang sa mga pelikula lang. Yung tipong may bantay ka at ikaw ang pinaka iingatang pain. Iginala ko ang paningin ko sa loob ng hall saglit akong nalungkot nang wala man lang akong makitang ibang tao doon maliban sa amin, sa aming walo na bumaba sa van. Pigil ang hiningang napahawak ako sa dibdib ng may humila sa akin dahilan para mauntog ako sa isang matigas at matipunong dibdib. Nadismaya lang ako ng mapagsino ko ito, ito iyong aroganteng lalaking walamg pakialam sa nararamdaman niya ito iyong lalaking ni hindi ko kilala mula kalingkingan niya pero papakasalan niya. "Lady, i hope you're not thinking to escape, it won't work either." aniya na palingon lingon sa pasilyo hindi ko alam kung paanong kami na laang ang nandoon at wala na ang mga kanina pa'y nakasunod sa akin na mga lalaki. "How could I escape when me myself don't know where is the place I am." mahina ngunit madiing sagot ko dito. Lumayo ako ng bahagya dito para ayusin ang nagusot na buhok ko nang hilain ako nito. Nakita ko ang pagtangis ng mga panga nito pero hindi ko ito pinansin sa sarili ko ay pilit kong nilalabanan ang mabangong amoy nito. "Come, I'll show you the way." anito matapos ilahad ang kaliwang kamay nito napatingin ako doon . "Tell me what are you planning at." mariing tanong ko ulit dito. "I don't know you but why are you pushing me to marry you." Narinig ko ang pagbuntong hininga nito bago sumandal sa puting pader at malamlam ang mga matang nakatingin sa akin na lalong nakapag bilis ng pintig ng puso ko. "Hindi mo na kailangang malaman pa kung bakit ko ito ginagawa." mahina at mariin nitong sagot at parang nahihirapang sinabunutan ang sariling buhok. "I just want your cooperation miss, trust me this will be the last -- "Cooperation by marrying a stranger?" hindi maiwasang magtaas na boses na tanong ko dito."I've been kidnapped by you then you're telling me to cooperate with you? Are you stupid?" Nagulat ako ng saklitin nito ang kaliwang braso ko, ramdam ko ang pagdiin ng mga kuko nito doon kaya napangiwi ako. Nanlilisik ang mga matang tiningnan ako nito habang nagtatangis ang mga panga. "Don't hell throw your words on me. Hindi mo ako kilala!" aniya at minsan pa akong muntik matumba nang bigla na lang nitong pakawalan ang braso kong hawak nito. "Fix yourself, the judge is waiting." anito at inayos ang nagusot na tuxedo nito. "I'm not marrying a jerk like you." Maski ako ay nabigla ako ng biglang lumabas iyon sa bibig ko pero sa kabila non ay nagtapang tapangan akong harapin ang nakakasindak na titig nito. As usual nabanaag ko ang galit sa mga mata nito bago inisang hakbang ang pagitan namin at saklitin muli ang braso ko this time mas masakit iyon. "You don't know me miss that's why i am asking for your cooperation. But if you keep on nagging and hard headed like these, I'm sorry but you're forcing me to do so." anito at hinatak ako sa braso. Gulantang akong nakasunod dito habang kinaladkad ako banaag ang galit sa mga mata nito na pakiwari ko parang dragon ngayon. Pilit kong pinapatatag ang sarili ko kahit na sobrang takot na takot na ako, tumigil kami sa isang nakapinid na silid habang hawak pa rin ako sa kamay. "I'm warning you miss Herrera hindi mo ako kilala. Ngayon kung gusto mong matapos na ito sumunod ka sa gusto ko." anito at hinarap ako. "Fix yourself." Pigil hiningang napahawak ako sa pisngi ko pakiramdam ko ay nag akyatan lahat ng dugo sa ulo ko. Kakaiba ang hitsura ng lalaking kaharap ko ngayon kumpara sa nakita kong dragon kagabi sa kwarto. Sinaway ko ang sarili at inayos ang sarili kahit kinakabahan ay pilit kong pinapatatag ang sarili. "Just say Yes miss Herrera tandaan mo hawak kita, hawak ko ang buhay mo. Ngayon kung gusto mo pang makita ang mga mahal mo sa buhay mo, please cooperate." Kinabahan ako sa huling sinabi nito. No! This is nothing to do with my parents! impit na dasal ko habang hilam ng luha ang pisngi ko. Nakita ako ng lalaki habang nagpupunas ng luha pero tumalikod ito, eksakto naman nang bumukas ang pinto at ngumiti ang may katandaan ng lalaki. He must be the judge, naisip ko. "Miss Herrera?" Napakislot ako ng kabigin ako ng lalaki at naramdaman ko ang pagpisil nito sa baywang ko. Napadako ang tingin ko sa matandang lalaking nakatingin sa akin kanina pa ako tinatanong nito kung tinatanggap ko si Alex bilang legally husband ko. "Y..yes judge." mahinang sagot ko. Saka ko pa lang naramdaman ang paghupa ng tensiyon sa pagitan namin sa loob ng opisinang iyon. Paano ako tatanggi dito kung napapaligiran ako ng mga lalaking mukhang goons na may mga baril na nakasukbit sa tagiliran ng mga ito. Habang sa tabi ko ay ang mga matang nakasunod sa akin nang lalaking ngayon ay asawa ko na. Buntong hingang humarap ako sa lalaki ng ilagay nito sa palasingsingan ko ang wedding ring namin. Fuck wedding ring naisip ko ng makitang Ruby stone iyon. "Mr and Mrs Guevara, Congratulations to the both of you." "Thank you ninong. Don't forget to bring ninang Felicity home." Narinig kong sabi ng "asawa" ko sa judge. To my dismay ninong pala nito ito kaya siguro hindi na ito nahirapang maka kuntyaba ito. "Why not sealed a kiss then? Alex?" nakangiting sabi ng judge sa katabi kong lalaki. Kinabahan ako ng humarap ang lalaki sa akin at hinapit ako sa baywang. Unti-unti ding inilapit nito ang mukha sa akin na lalong nakapag bilis ng pintig ng puso ko. This stranger gonna kiss her! Napapikit ako sa naisip ko pero ilang minuto na akong nakapikit ng wala akong maramdamang lumapat sa labi ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang hitsura ng lakaking nakangisi habang nakatingin sa akin. Nakagat ko ang labi ko at ginantihan ko ng irap ito. Nakakahiya! Ano bang hinihintay ko? Kiss? Bakit ako naghihintay ng kiss dito samantalang stranger husband ito? Pinasadahan ko ang bagong bago Ford Expedition na pumarada sa harapan ng munusipyo lulan non ang isa sa mga lalaking kasama ko sa closed van na sinakyan ko kanina. Sandaling nag usap ang mga ito at ng "asawa" ko, maya-maya ay binigay ng lalaki ang susi sa asawa ko at tsaka umalis din kaagad. "Hop in." Sandaling tinitigan ko ang lalaki. Nakangiti na ito at halatang nasa mood ito tinirik ko ang mga mata ko dito. Of course sinong kidnapper ang hindi sasaya matapos magtagumpay sa pagpapapakasal sa kanya? "Maybe you should wear a little bit smile when I'm with you. Ayoko kasi iyong tao na pasan ang mundo kapag kasama ako." Narinig kong sabi nito matapos maupo sa driver's seat. He is indeed a gentleman, giniya nito ako sa kotse at pinagbuksan ng pintuan, isn't it ironic? Playing like a good husband? Hindi ko ito sinagot. My heart is pounding everytime he's near. Idagdag pang in just one blink of an eye asawa ko na ito. Buong byaheng hindi kami nag imikan nito. Duh! In the first place paano ko ba ito kakausapin? Buong byaheng nakatingin lang ako sa labas ng kalsada at masasabi kong nasa isang liblib na probinsya kami. Even the house structure ay pang province ito idagdag pang malalago ang mga punong nadadaanan namin. Tahimik ang lugar kahit na mag aalas dose na nang tanghali, may nadaanan kaming mga kalalakihan na nagbibilad ng mais sa kalsada. Poor, nasa province nga kami naisip ko. "Aling Iska, sa bahay ha? Huwag na niyong kakalimutan. Yayain mo na din po iyong mga kapitbahay natin dyaan." Tumingin ako sa labas ng kotse ng tumigil iyon sadyang nakabukas pa ang bintana nito sa driver's seat habang kinakausap ang babaeng nagngangalang Aling Iska. Maitim ito at kagaya ng nadaanan nila nagbibilad ito ng mais. "Salamat boss Alex. Huwag po kayong mag alala, pupunta po kami." nakangiting sagot ng babae. Binalik ko na muli ang tingin ko sa daan ng umusad iyon. Why they keep on calling him boss or Sir? Kanina narinig ko boss ang tawag nung isang lalaki dito and even the driver who drove the car Sir ang tawag dito. Hindi ko tuloy mapigilang mag isip kung sino ito. Kanina tinawag siya nito sa surname niya, pati pangalan niya alam nito meaning kilala siya ng lalaki. Too bad, hindi niya ito kilala. "We're here." Sandali akong napatingin sa harap ng malaking bahay nang tumigil ang sinasakyan namin. Kung kanina ay pawang yari sa kahoy at antique stone ang nadaanan nilang structure ng bahay iba itong nasa harapan niya larawan iyon ng napaka gandang bahay at siyang kaisa-isang mansion sa lugar na iyon. Maraming tao sa labas ng bahay, may mga nagtatakbuhang mga bata at parang nagkakasayahan ang mga ito. Bumaba ako sa kotse ng pagbuksan ako ulit ng lalaki ng pinto nakaalalay ito sa siko ko na kahit ilang beses kong piniksi iyon mas naging matigas ito sa pagpisil doon. "Here comes the newlyweds! Congratulations Mr and Mrs Guevarra!" Nagulat ako ng pumutok ang isang fireworks at naglikha ng napaka lakas na ingay iyon sa tahimik na lugar. Obviously they are welcoming them with a great day! "Maraming salamat mga kapitbahay at dumating kayo. Nais kong kunin ang oras na ito para ipakilala ang asawa ko sainyo. Ito si Venice Herrera, ang butihing may bahay ng -- "Alexander!" Hindi pa natatapos sa pagpapakilala ang "asawa" ko ng may humahangos na dumating na babae. Actually hindi lang basta babae kundi magandang babae, ito ang unang babaeng nakita kong maputi maliban sa mga babaeng nakita kong maitim sa lugar na iyon. "Hi Elisse. I'm glad you're back." nakangiting salubong dito ng asawa ko at iniwan ako. Buntong hingang nakamasid lang ako sa mga ito particularly na sa mga ibang taong nakatingin sa amin. Actually sa akin, dahil matapos dumating ang babaeng nagngangalang Elisse ay iniwan na ako ng "asawa" ko. Whatever Venice! pagalit kong singhal sa sarili ko hindi mo naman talaga siya asawa! naisip ko habang papasok ng bahay. Mukhang hindi naman ako kailangan sa pagtitipon na iyon kaya bakit pa ako magtitiis na maiwan doon. In the first place wala akong kilala ni isa sa mga taong nandoon bukod na sa "asawa" ko. Buntong hingang binaybay ko ang pasilyo kung saan ako galing kaninang umaga malaki ang bahay pero alam ko kung saan banda ang inookopa kong kwarto. "Ma'am Venice?" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses na iyon. "Ano pong ginagawa niyo dito ma'am? Hindi ho dapat nasa baba po kayo at nakikihalubilo sa mga taga Nayon?" Nilingon ko ang babae. Ito iyong dalagitang naalimpungatan kong pumasok sa kwarto kaninang umaga, si Angie ito kung hindi ako nagkakamali. "Ah. Uhm. Iche-check ko lang sana ang bahay, I.. mean nawawala ako pupunta sana ako ng kwarto." pautal utal kong paliwanag sa babae sana ay hindi lang ito mag isip ng kung ano-ano kanina pa kasi ako naglakad lakad para tingnan kung may pwedeng daanan para makalabas ng bahay just in case I could escape. "Ah. Yung kwarto niyo ma'am doon po banda sa kaliwa ma'am, medyo nakalayo na po kayo.Halika po ihahatid ko na po kayo." Kagat labing ngumiti na lang ako sa babae at sumunod dito. Hindi pwedeng mapansin nang mga ito na nagbabalak siyang tumakas mamayang gabi. "Ma'am Venice pasensya na po kayo ha? Naiingayan po ba kayo sa baba kaya mas gusto niyo na lang pong magpahinga sa kwarto niyo? Ganto po kasi dito sa amin kapag may kinakasal maraming tao't nakikikain kapag may handaan." Sandali akong napatigil sa paglalakad, so yung mga tao kanina sa baba ay mga bisita nila at nakikisimpatiya sa pag iisang dibdib namin ng "boss" nila? Kaya pala may handaan at maraming pagkain kanina ganon pala iyon sa probinsya? "Alam mo ma'am naiintindihan kita. Wala kasi niyan sa maynila hindi po ba? Kasi pagkakaalam ko kapag sa maynila ka ikakasal at sa hotel ginanap kokonti lang ang mga dumadalo at pawang mga imbitado lamang ang pumupunta. Hindi katulad dito sa probinsya ma'am lahat invited kahit walang card." naeenganyong kwento ng dalaga. Ngumiti ako sa babae madaling makapalagayan ito ng loob dahil madaldal ito. Halatang may alam ito sa mga bagay-bagay sa maynila dahil sa mga kwento nito. Eksaktong nasa pasilyo na kami malapit sa kwarto ng makita namin ang lalaking naka sandal sa pintuan ng kwarto. Naka maong na pantalon ito at puting damit na hapit sa katawan kaya halata ang abs nito. "Sir Alex este kuya Alex." bati dito ni Angie. "Kasama mo pala ang asawa ko Anj. Akala ko tuloy tinakasan na ako." Tiningnan ko ang lalaki. Inarok ko ang sinasabi nito at nabanaag ko ang lungkot sa mga mata nito. "Takasan? Kuya Alex talaga kakakasal niyo lang ni ma'am Venice yan na ang naiisip niyo." may sigla pa rin sa boses na sabi dito ni Angie. Hanggang sa magpaalam si Angie ay nanatili akong nakatayo sa kinaroroonan ko. Nakasandal pa rin sa pintuan ang lalaki kaya paano ko sasabihing gusto ko ng magpahinga sa loob nito. Nakahalata siguro ang lalaki kaya humakbang ito matapos buksan ang kwarto para makapasok ako. Hindi ko ito pinansin at tuwid ang mga hakbang na pumasok ako at sinarado iyon. Wala akong pakialam kung ito ang nagmamay ari ng bahay. In the first place nananatiling stranger ito sa paningin ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

My Greek Professor

read
99.5K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
3.0M
bc

Lucas Sebastian III - SPG

read
2.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook