Second

2150 Words
“Sabi ng mga tauhan ko, ayaw mo raw kumain,” bumalik ang lalaking iyon alas tres na ng hapon. “Eh sa ayoko eh, pakialam mo ba?” kasalukuyan na siya noong nanonood ng tv habang nakaupo sa kama. Napatingin ito sa pagkaing nasa ibabaw ng lamesa na nasa pagitan ng dalawang couch. Malamig na ang mga iyon kung kaya tinawag nito ang isang tauhan na naghihintay lang sa labas ng pintuan ng kuwarto upang kumuha ulit ng panibago. “You need to eat, masama ang nagpapalipas ng gutom,” saad lang nito nang makarating na ang bagong lutong putahe. May kasama pa iyong soup na paborito niya. Inisnaban niya ang lalaking kunwari kamong may concern sa kanya, pero sa tingin niya ay wala naman. Subalit medyo na temp siya sa dumating na pagkain, kanina pa kasi siya nagugutom. Pansin niya lahat ng pagkaing inihahain sa kanya ng lalaki ay mga favorite dishes niya. Pero kailangan niyang magtiis na huwag kumain upang ipakita dito ang pagpoprotesta niya. “I will give you 5 minutes para simulan mo ang pagkain. Or else lahat ng mga pagkain na yan will just go in the trash,” malaki ang boses nitong saad. Natigilan siya. Simula pa kagabi ay wala nang laman ang kanyang sikmura kaya rinig niya na ang pagkalam noon. “Bakit ba ang kulit mo? Sabi nang ayaw kong kumain!” pagtataray niya pa dito. Paninindigan niya ang desisyon. Magmamatigasan siya. And if ever magkasakit siya sa ginagawa ay mas makabubuti dahil sigurado namang dadalhin siya nito sa ospital, at doon ay makakuha siya ng pagkakataon na makatakas. Sa mga sumunod na sandali ay narinig niya ang pag-countdown nito at nang matapos ay lumapit ito sa mga pagkain, binitbit at walang pag-aalinlangan na itinapon iyon kasama ng mga plato sa basurahang nandoon. Natira lang sa lamesa ang isang basong tubig. Pagkatapos ay pumihit ito patalikod at lumakad palabas ng kuwarto at nang maisarado ang pinto ay muli itong ikinandado. Naihalukipkip niya lang ang mga braso sa dibdib. Sumimangot at patuloy na nagmukmok. *** Gabi na noong mapagpasyahan ulit na balikan siya ng lalaki. “I am just checking on you kung buhay ka pa,” sarkastikong saad nito tungkol sa pagmamatigas niyang huwag kumain. Hindi naman siya umimik. Kanina pa niya kasi iniinda ang sakit ng tyan. Hindi sapat ang isang basong tubig na ininom niya na naiwan ng lalaki kanina para pahupain ang kalam ng kanyang sikmura. Napansin naman ng lalaki ang bahagyang pagdiin niya sa parte ng katawang iyon kaya nagpakuha ulit ito ng makakain niya. It was another set of her favorite food, may kasama pang desserts. Napalunok siya ng laway sa amoy na mga pagkaing dumating. Now she was having a second thought kung paninindigan pa ba ang pagpapagutom sa sarili. “I will count again, kapag hindi ka pa tumayo dyan para kumain, I will bring them back to the kitchen,” anito na ilang sandali pa ay sinimulan nang magbilang. Sa puntong iyon ay nagtalo ang kanyang isipan. Tila nananadyang binilisan naman ng lalaki ang pag-countdown nang bigla siyang napatayo at bilis-bilis na pumunta sa lamesa, umupo sa upuang nandoon at pagkatapos ay agad nang sinunggaban ang pagkaing mainit init pa. She realized bakit ba siya magpapagutom ng ganito kung balak pa niyang tumakas. Kailangan niya ng energy para makawala sa kamay ng mga dumukot sa kanya. Samantalang napakibot lang ang gilid ng labi ng lalaki. Somehow he felt relief na finally ay nakumbinsi na rin ang babae na kumain. Maya maya’y napagpasyahan din nitong iwan ang dalaga upang bigyan ito ng privacy. “Here’s your clothes. If you want to freshen up,” iyon ang nakasulat sa isang sticky note na naka-attach sa may kalakihang paper bag. Hinatid iyon ng isang tauhan na noong halungkatin niya ay nakita niya ang ilang pares na damit at underwear. Sa simula ay napakunot siya ng noo. Kasya ba naman ang mga iyon sa kanya? Kinuha niya ang isang t-shirt at shorts at sinukat sa pamamagitan ng pagdikit noon sa katawan. Pati ang bra at underwear ay tila ba tamang tama lang. Napaisip tuloy siya, paano nahulaan ng lalaki ang size niya? Ikinibit balikat niya lang iyon. Tamang tama, gusto na niyang maligo dahil ilang araw na rin since napasakamay siya ng unang grupo na kumidnap sa kanya. Wala siyang imik na binitbit iyon papasok sa kubeta at maya-maya pa ay ini-enjoy na ang warm water sa shower. Ewan ba, somehow medyo palagay na ang loob niya sa lugar na ito. Pero kahit ganoon, kahit pa maayos naman ang pakikitungo sa kanya ng lalaking nagsisilbing lider ng grupo na kumuha sa kanya, hindi pa rin makakaila na bihag pa rin siya ng mga ito at kailangan niyang tumakas. *** It was her second day sa bahay na iyon nang magising siya ng madaling araw. It was approximately 5 am. Madilim pa pero aninag niya ang liwanag sa labas gawa ng mga ilaw sa mga nagkalat na poste. Tumayo siya at tiningnan ang labas ng de salamin na sliding door kung may bantay ba roon ngunit wala siyang nakita. She checked if the door was locked, hindi rin, kung kaya sinamantala niya ang pagkakataon. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at humakbang papalabas. Mabilis niyang inilibot ang paningin sa paligid , nagbabakasakali na may magamit man lang na hagdanan o anumang matutuntungan paakyat sa mataas na bakod ngunit wala siyang makita. Ilang sandali pa ay may narinig siyang matinis na tunog na pagkalakas lakas. Hindi niya pala napansin na may nakakabit na security alarm sa sliding door ng kuwarto. Sigurado siyang naalarma na ang lahat ng taong naroroon at baka nga ngayon ay papunta na sa kinaroroonan niya. Bilis-bilis siyang pumasok ulit sa loob ng kuwarto, isinarado ang pinto, bumalik sa pagkakahiga at nagtulog-tulugan. Tamang-tama naman ang pagbumukas ng pintuan na kumukonekta sa loob ng bahay at dalawang lalaki ang agad nang pumasok roon. “Tulog naman eh,” saad ng isa nang makita ang bihag na babae na nasa higaan pa rin at tila himbing sa pagkakatulog. “Eh bakit tumunog ang alarm? “ Pagtatakang tanong naman ng isa. Tila palaisipan sa mga ito ang nangyari pero ipinagkibit-balikat na lamang. Samantala, nakahinga siya ng maluwag nang hindi siya nahuli ng mga ito. *** “I heard sinubukan mo raw tumakas kanina?” tanong ng lider ng grupo noong pumasok ito sa kuwartong inookupa niya kinatanghalian. “Hindi ah, saan mo naman nakuha ang impormasyon na yan?” pinabulaanan niyang sagot nang sulyapan ito pero bahagyang natigilan sa ayos ng lalaki. Gwapong gwapo ito sa formal suit na suot. Mukhang may bidding na Naman itong pupuntahan. Ganito kasi ang ayos nito noong nakaraang pagsayawin sya sa harapan ng mga ito. “Sa mga tauhan ko,” sagot naman ng lalaki na mapapansin ang pagkaseryoso ng mukha. Nameywang ito sa harapan niya. “Duh? Kita mo ngang tulog ako sa gabi at sa umaga naman never pa akong lumabas ng kuwartong ito,” ini-roll pa niya ang mga mata. “Then ano yung nakita ko sa cctv camera?” Inisnaban niya ang kausap sa narinig. So hindi lang pala security alarm ang kailangan niyang iwasan sa loob ng bahay na ito, kung hindi cctv camera rin! “Eh ano ba kasi ang gagawin nyo sa akin? Pangalawang araw ko na ito dito, ano buburuin n’yo lang ako dito? Pakawalan n’yo na lang kasi ako!” tila pagmamaktol niya. “I can’t. Mas safe ka dito kesa nasa labas ka kaya huwag ka nang magtangkang tumakas pa.” “You keep telling me na mas safe ako dito when we all know I’m not. Bakit ba talaga ako nandito?” magkasalubong na ang mga kilay niya sa pagtatanong niyang iyon. “Ayoko nang maraming tanong. Basta sundin mo na lang ako!” pumihit ito patalikod at lalabas na sana nang matigilan rin sa sunod na sinabi ng babae. “How about bigyan mo na lang ako ng freedom na makalabas ng kuwartong ito! Buryong buryo na ako dito. Kahit diyan lang sa tapat, maarawan man lang ako, tingnan mo oh, ang putla putla ko na!” iniangat niya ng bahagya ang mga braso sa pagsasabing iyon. Sandaling nag-isip ang lalaki. “Okay, fine. You can go wherever you want to go in this house, and also sa labas, sa isang kundisyon na hindi ka na magtatangka pang tumakas.” Lumiwanag ang mukha niya sa pahayag nito. “Promise! Hindi ako tatakas,” saad niya pa. But of course nagsisinungaling siya. Kailangan niya lang humanap ng paraan para mapagplanuhan ang sunod na hakbang upang makawala roon. Kinahapunan rin noong araw na iyon ay nilibot niya ang buong bahay. She was even shocked kung gaano kalaki iyon. May dalawang sala, dalawang dining area at isang malaking kusina. Pitong naglalakihang bedroom ang napasok niya maliban lang sa mga bedroom ng mga lalaking nagbabantay sa kanya pati na sa itinuturing na lider ng mga ito. Doon ay napag-alaman niyang siya lang ang bihag na naroroon at bukod tanging babae. “Hayaan n’yo siya. Sundan-sundan nyo lang at bantayan,” saad ng lalaki nang magsumbong dito ang isang tauhan dahil kasalukuyang nasa gate ang babae at kinukutingting ang lock nito. Iyon nga ang ginawa ng mga tauhan, sa ilang minuto niyang paglilibot sa bakuran ng bahay ay napag-alaman niyang nasa gitna sila ng masukal na kakahuyan. Ang malaking bahay na iyon ay nakatayo sa gitna ng kagubatan. *** “Hey, what are you doing?” tanong nito sa kanya nang maabutan siyang lumalangoy sa swimming pool. “Bulag ka ba? Ano ba sa tingin mong ginagawa ko?” sarkatiko niyang pakli dito. “I mean, tingnan mo ang ayos mo! Naka-underwear ka lang, alam mo namang maraming lalaking nakatingin sa iyo!” “And so? I don’t care. Ganito nga ang ayos ko noong pinagsayaw n’yo ako sa harapan n’yo ‘di ba?” pang-aasar niya pa. “It’s different. You were not soaking wet that time,” paglilinaw naman nito. “Ano namang kaibahan?” patay malisyang saad niya habang lumalangoy papuntang gilid ng pool upang umahon sa tubig. Namilog ang mga mata ng lalaki nang makita ang itsura niya. Walang problema sa suot niyang pang-itaas na bra pero sa pang-ibaba, dahil sa kanipisan ng tela ng kanyang underwear ay halos bumakat na ang maselang parte ng p********e roon. Mabilis nitong kinuha ang tuwalyang nakapatong sa bench at iniharang sa harapan ng babae. “Anong tinitingin-tingin nyo diyan?” pabalang nitong wika sa tatlong tauhan na kanina pa pinanonood ang dalaga. Mabilis namang nagsialisan ang mga sinabihan. “You, woman, kung gusto mong mag-swimming pwede ka namang magsabi sa akin para mapadalhan kita ng swimsuit,” itinapis nito ang hawak-hawak sa basang katawan ng kaharap. “Pwede ba, don’t pretend that you care. Isa pa, wala namang kasiguraduhan ang buhay ko dito, might as well i-enjoy ko na ang mga huling sandali ko sa mundo,” inalis niya ulit ang tuwalyang itinapis nito at tumalon ulit sa tubig. Wala namang nagawa ang lalaki kung hindi magtagis lang ang bagang habang pinapanood siya. Hanggang sa dumaan pa ang ilang oras at medyo dumilim dilim na. “That’s enough. Medyo malamig na. Pumasok ka na sa loob ng bahay,” utos nito sa kanya. Hindi na ito naghintay pa sa sagot niya nang habang nasa gilid ng pool ay iahon na siya nito mula sa tubig at parang isang sakong bigas lang na binuhat at isinampay sa balikat nito papasok sa kuwarto niya na tila ba walang pakealam kahit basa siya. “Get ready at magdi-dinner na tayo.” saad pa nito noong ilapag siya nito sa loob. “Tomorrow hintayin mo ang ibibigay kong swimwear sa iyo para magamit mo sa pagligo sa pool. Ayokong pinagpipyestahan ka ng mga tauhan ko… And don’t think na wala akong pakialam sa iyo, you wouldn’t be here if I don’t,” saad pa nito na dumire-diretso na papunta sa isa pang pintuan upang pumalabas doon. Hindi lang siya nakaimik. Naging palaisipanan sa kanya ang mga sinabing iyon ng lalaki hanggang sa sabay silang kumain ng hapunan. Hindi siya nito kinibo, maging sa pagtulog noong gabing iyon. Usually chini-check siya nito kung nakahiga na ba siya sa kanyang kama. Somehow she feels something weird with that guy. Kung makapag-alaga ito sa kanya ay para bang isa siyang importanteng tao. She was also wondering, bakit nga ba siya lang ang mag-isang bihag doon? At bakit ilang araw na ay wala pa ring sumusundo sa kanyang iba para dalhin siya sa ibang bansa? Hindi naman kaya ang taong ito talaga ang bumili sa kanya? Muling nagtalo ang kanyang isipan. Hindi naman siguro. Sa tingin niya ay inaalagaan lang siya nito para sa mismong taong bibili sa kanya? Baka nga, dahil it's been days na rin na nandito siya sa poder nito, na imbes na tratuhin bilang bihag ay tila isang VIP pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD