Final

2231 Words
Namilog ang mga mata niya nang subukan niyang tumayo noong umagang iyon. Nawala na kasi ang pamamaga ng paa at the same time ang p*******t nito. Natigilan naman ang lalaki nang makita siya noong pumasok ito sa kwarto niya upang hatiran siya ng agahan. “Look, I can finally stand on my own,” natutuwa niyang saad. Sinubukan niyang lumakad at maayos na ngang naihakbang ang na-injured na isang paa. Malaki naman ang pagkakangiti ng lalaki nang ibaba nito ang isang tray na naglalaman ng pagkain sa ibabaw ng higaan niya. Hinawakan pa nito ang isa niyang kamay at inalalayan siya sa paglalakad. “Congratulations,” sabi pa nito ngunit napawi rin ang ngiti sa mga labi. “Oh, bakit ka biglang sumimangot dyan?” natatawa niya lang saad. “Baka kasi takasan mo na naman ako ngayong magaling ka na,” sagot naman nito. “Are you serious? Sa tingin mo malalangoy ko ang pagkalawak lawak na dagat na ‘yun papunta sa kabilang island?” natatawa niya namang pakli. Lumabi lang ito at nagkibit ng balikat. Masaya naman ito at magaling na ang paa ng babae pero tila ba mamimiss nito na all the time ay nakadipende dito si Daphne. “Gustoi kong mag-agahan by the beach, can we do that?” request niya dito kapagkuwan. Kahapon pa kasi niya gustong maglakad lakad sa pino at puting buhangin sa harapan ng bahay. “Sigurado ka? Baka naman ma-over use mo ang paa mo, sige ka sasakit ulit yan.” “Hindi yan, I’ll be careful,” natutuwa niyang sambit. “Pero paano yan, mataas na ang araw, mainit na sa labas, bawal pang mainitan ‘yan!” Nawala ang pagkakangiti niya sa narinig. “What if mamayang gabi na lang, we will have a dinner at the beach,” suhistyon ng kausap. Sa sinabi nito ay lumiwanag ang kanyang mukha at excited na tumango tango. Tinupad nito ang gusto niya. Maaga itong nagluto, nag-set up rin ito ng bonfire sa buhanginan. Dahil magpahanggang ngayon ay inaalala pa rin nito ang kalagayan ng babae ay naglagay na lamang ito ng isang lamesa sa pagitan ng dalawang upuan doon kesa sa maglatag ng kumot malapit sa bonfire. Doon nila pinagsaluhan ang niluto nitong hapunan habang papalubog ang araw. “Cheers to our first date!” sambit niya habang itinataas ang isang wine glass na may lamang alak. Request niya iyon, pati na ang steak, at iba pang niluto ng lalaki noong gabing iyon. Bigla namang namula ang mukha ng lalaki sa narinig mula sa kaharap. Indeed, sa pagkaka-arrange ng mga pagkain sa ibabaw ng lamesa, pati na ang semi-formal na suot nila ngayon, tila ba espesyal ang dinner na iyon. “Bakit? Hindi ba mukha tayong nagdi-date sa ayos natin ngayon?” natatawa niyang tanong. Tila naman namula ang mukha ng kaharap na tila ba nahiya sa kanya. Nangingiti itong tumango-tango lang at sinang-ayunan siya. “Teka, ilang araw na ba tayong magkasama?” napaisip siya bigla. Sumagot naman ang isa. “Seven days.” “See, it's been seven days at hindi ko pa pala nalalaman ang pangalan mo. I’sn't it unfair hmp!” itinaas niya ang kilay sa pagsasabing iyon. Ikinahalakhak iyon ng binata. Oo nga pala at hindi pa nito formal na naipapakilala ang sarili sa babae. Kumilos ito at mula sa bulsa ay inilabas ang cellphone. Gamit iyon ay nagpatugtog ito ng sweet song, tumayo at inilahad ang kamay sa harapan ng dalaga. “Magandang gabi, binibini. Ako nga pala si Charles Endrade. Pwede ka bang makasayaw sa gabing ito?” Natatawa siya sa tinuran nito. “Malugod kong tinatanggap ang iyong paanyaya, Ginoong Charles Endrade,” sambit niya rin pagkatapos iabot ang kamay dito. Iginiya siya nito papunta sa harapan ng bonfire at doon sumayaw sa saliw ng mahinang rhytm ng tugtugin. “Stop blushing. Napaghahalataan tuloy na patay na patay ka sa akin,” pangangantyaw niya. Natutuwa siya sa lalaki at nawawala ang pagiging astig nito sa tuwing maglalapit sila. “Sorry, hindi ko mapigilan,” bahagya itong yumuko at noong pumaharap sa kanya ay kagat na ang pang-ibabang labi. Naituon niya ang mga mata sa parteng iyon ng mukha nito. Gwapo naman na talaga ang lalaki pero mas lalo pa itong gumagwapo sa paningin niya nitong mga nakaraang araw. At ang paborito niya ngang pakatitigan dito ay ang mamula-mulang labi ng binata. “So, ilan na ang naakit mo sa pakagat kagat mo ng labi na yan, hmm?” Natigil ito sa ginagawa at napatawa lang. “Bakit naaakit ka ba?” pilyo namang tanong nito. “Hindi naman.” sagot niya rin pero ang totoo ay may dulot na kilig sa kanya ang manerism na iyon ng binata. “Pwede mo naman aminin na palagi kang nakatitig sa mga lips ko everytime nag-uusap tayo.” kantyaw naman nito sa kanya. “Hoy,” nahampas niya ito sa braso sa pagiging pranka nito. “Pwede mo naman gawin ang matagal mo nang gustong gawin sa mga labi ko,” kindat pa ng lalaki. “Aba, ganoon na kataas ang konpyansa mo sa sarili ah,” natatawa siya. May tinatago rin pala itong pagkakalog aside sa pagiging astigin nito. “Sige na, I will close my eyes para hindi ka na mahiya pa.” Napahalakhak siya sa pagtawa ng isarado nito ang mga mata. Sandali siyang napatitig sa mukha nito. Maya maya pa ay nakaisip ng kalokohan. Sinakyan niya ang pangangantyaw na iyon ng binata. Itinigil niya ang pagsayaw, sumunod rin naman ito. Inalis niya ang pagkakahawak nito sa balakang niya, at dinala ang sariling mga kamay sa mukha ng lalaki. Dahan dahan niyang inilapit iyon sa kanyang mukha at maya maya pa ay biglang kumaripas ng takbo papalayo dito habang nagtatatawa. Hinabol naman siya ng lalaki nang maramdaman wala na siya sa harapan nito. Paakyat na siya sa deck ng bahay ng biglang mapahinto sa naramdamang p*******t ng paa. Naiangat niya iyon nahawakan. Buong pag-aalala naman siyang nilapitan ng lalaki. “Sabi ko sa iyo kailangan mo pang magdahan-dahan,” anito na iginiya siya para makaupo sa sahig ng wooden deck, umupo rin ito doon at kinuha ang paa niya para imasahe. Nasa ganoong pagkakaayos sila nang hawakan niya ang kamay nito nang maramdaman ang kaonting kirot mula roon. Nagtagpo ang kanilang mga mata, at sa mga sandaling iyon ay tila huminto ang kanilang mundo. Kapwa malakas ang kabog ng kanilang dibdib noon na tila ba may sinasabi. Hanggang sa maglapit ang kanilang mga mukha, ipikit ang mga mata at hayaang lumapat ang mga labi sa labi ng isa’t isa. Halos magbunyi ang kung ano mang nararamdaman nila noong mga oras na iyon hanggang sa maya-maya pa ay may marinig silang ingay mula sa isang papalapit na motor boat. Ilang minuto lang ay pinaulanan na sila ng bala ng mga taong nakasakay roon. Bilis bilis silang pumasok sa loob ng bahay at doon nagkubli. Nakilala agad ni Charles ang mga kalalakihang iyon nang tawagin siya ng mga ito. Iyon ay ang grupo ng binata na balak paghigantihan ang lalaki dahil sa pagtraydor nito sa sariling grupo. Ngunit hindi rin nagtagal nang may isa pang malaking bangka ang dumating na siyang kinalululanan naman ng mga Pulis, kabilang doon ang ama ni Daphne, na as soon as makarating sa isla ay nakipagp[alitan na ng putok sa unang grupong dumating. “I’m scared,” aniya habang nakakubli sila sa loob ng kuwarto. Nasa likuran siya ng lalaki na kasalukuyan na noong may hawak na baril sa isang kamay, ready to shoot kung sino man ang magtatangkang pumasok roon. “Listen, ibibigay kita sa mga Pulis. Asked them to leave right away, ako na ang bahala sa grupo ko,” kausap nito sa dalaga habang pinakatitigan ito sa mga mata. “What? Paano ka? Baka patayin ka nila?” pag-aalala niyang pakli. “Hindi. I know a lot of secrets of the group, hindi nila ako itutumba ng ganon-ganon lang,” saad naman ng binata. “Daphne! Anak, nasaan ka?” isang boses ng isa pang lalaki ang naulinigan nila na nasa labas lang ng kuwartong kinapapalooban. Tila nabuhayan naman siya ng loob nang marinig iyon. “Dad! I’m here,” sagot niya. Bilis bilis niyang binuksan ang pinto, sandali silang nagyakap ngunit nang makita ng ama kung sino ang kasama niya roon ay agad nang itinutok ang hawak hawak na baril sa binata. “No, Dad. Hindi siya kalaban,” pigil naman niya dito. “What do you mean eh di ba siya ang kumidnap sa iyo?” naguguluhan namang tanong ng may kaedaran nang lalaki. Itinaas ni Charles ang mga kamay upang ipakita na hindi ito lalaban, nang biglang makarinig sila ng putok sa loob ng bahay. Napagtanto nila na nakapasok na rin doon ang grupo ng lalaki. Nabaling doon ang pansin ng Tatay ni Daphne, iniharang pa nito ang katawan sa anak na isang linggo ring hindi nakita. “Dito po,” nanguna naman si Charles upang ituro sa mga ito ang isa pang daan papalabas. “Charles, sige na, sumama ka na sa amin,” pagmamakaawa niya sa lalaki naoong finally ay mapasakamay na siya ng mga kasamahang Pulis ng ama. “Mas hindi nila kayo titigilan kapag sumama ako sa inyo,” sigaw ni Charles habang nakakubli sa pintuan at panay lingo sa likuran. “Sir, pakiingatan na lang po si Daphne,” bilin pa nito sa Tatay ng dalaga at dali-dali na ulit pumasok sa bahay at doon ay nakipagbuno sa sariling grupo. Maraming napatumbang miyembro ng sindikato ang mga Pulis noong gabing iyon pero kailangan nang umalis ng mga ito para i-secure si Daphne nang may marinig na isa pang motor boat na paparating. Naiwan sa islang iyon si Charles habang nakikipagpalitan ng bala sa mga dating kasamahan. *** Lumipas ang ilang araw at wala na siyang naging balita kay Charles kahit pa natagpuan na rin ng mga pulis ang mag pinagtataguan ng grupo nito. Marami ang nahuli kabiulang na ang lider ng sindikato ngunit bigo ang mga itong ma-rescue ang lalaki. She was praying na sana buhay pa ang binata pero sa dami raw na napatay sa engkwentro doon sa isla na ang iba ay pinaanod na lang sa dagat ay baka nga hindi rin ito nakaligtas knowing na mag-isa lang itong nakipaglaban noong nakaraan. Tahimik siya noong nakatanaw sa malayo, habang nakaupo sa isang bench sa ilalim ng malaking puno noong hapong iyon. Itinago siya ng kanyang ama sa tagong rest house nila sa Antipolo para mabilis niyang makalimutan ang mga hindi kaaya-ayang nangyari sa kanya noong isang linggo. “Ako ba ang iniisip mo?” isang pamilyar na boses ang naulinigan niya sa kanyang likuran. Tila ba tumalon ang puso niya sa sandaling iyon. Nilingon niya ang mukha at nakita roon si Charles, nakatayo habang nakapamulsa at nakangiti. Mabilis siyang napatayo at agad na niyakap ang lalaki. “Charles, akala ko kung napaano ka na. Paano ka nakatakas?” usisa niya agad. “Mahabang kwento,” saad lang nito na tumugon naman sa mahigpit na yakap ng dalaga. Nabihag ito ng ng sariling grupo ngunit nakatakas rin. Ito ang dahilan kung kaya natunton ng mga pulis ang pinagtataguang kuta ng mga kagrupo noong makipagsabwatan ito sa mga kinauukulan. Itinago ito ng mga pulis dahil ito ang pangunahing witness sa mga hindi kaaya-ayang ginagawa ng mga grupo ng sindikato kinabilangan nito noon. Doon nagkaroon ng lihim na komunikasyon ang Tatay ni Daphne at si Charles at nang humupa na nga ang lahat ay pinayagan na itong makita ang babae. “I miss you,” saad niya sa lalaki nang pagkatapos ng ilang minuto ng pagkakaakap ay magkahiwalay ang kanilang mga katawan. “Talaga?” malaki ang pagkakangiti ni Charles nang marinig iyon. “You have no idea. Nasanay na yata ako na kasama ka. Teka, paano mo pala nalaman na nandito ako?” tanong niya kapagkuwan. Nilingon ng lalaki ang kanyang ama na nakatingin lang sa kanila mula sa back porch ng rest house. Pagkatamis tamis na pagngiti niyang pinalipat lipat ang mga mata sa dalawang lalaki. She figured kahit papaano ay nagkakausap na rin ang dalawa. By now siguro, dahil pinayagan na siya nitong makita ang lalaki, payag na rin siguro ito sa kagustuhan niyang makipag relasyon dito. Aware ang kanyang ama sa nararamdaman niya sa lalaki especially noong iwan nila ito sa isla. She felt devastated noong iwan itong mag-isang nakikipaglaban sa grupo nito noon. *** “You may kiss the bride,” sambit ng pari sa kanila noong pagkatapos ng ilang buwan ay magpasya silang mag-isang dibdib. Magmula nang magkita ulit ay hindi na siya tinantanan ni Charles hanggang sa pumayag siyang magpakasal dito. Maayos na ang buhay nito at tuluyang lumayo na sa kinagisnang trabaho. Ipinakita nito na kaya nitong magbagong buhay, at ginawa nito iyon para sa kanya. Hinawakan ni Charles ang baba niya upang itaas ang kanyang mukha at doon ay lapatan ng halik ang kanyang mga labi. Walang paglagyan ng tuwa ang nararamdaman ng kanilang dibdib noong mga oras na iyon. Hindi niya akalain na ang makakatuluyan niya pala ay ang siyang lalaking mismong kumidnap sa kanya. Sa mga dumaan na buwan at taon ay pinaranas sa kanya ng lalaki ang masaganang buhay at tahimik. Hanggang sa biyayaan sila ng mga supling. Ang buhay talaga ay isang malaking misteryo, hindi mo alam kung ano at sino ang nakalaan para sa iyo. WAKAS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD