Fourth

1982 Words
“Kamusta ka na?” Tanong ng lalaki nang makita siyang nakatulala lang kinahapunan. Hindi siya umimik kun'di inirapan lang ito. Maraming bagay ang gumugulo sa isipan niya noong mga oras na iyon. Isa na ay kung may pag-asa pa ba siyang makatakas sa kamay ng lalaking ito. Ang taong kahit anong lamig ang pakikipag-usap sa kanya, kabaligtaran naman ang ipinapakita sa mga ikinikilos nito. Lumapit ito sa kanya. Inalis ang kumot na tumatabon sa pang-ibabang parte ng katawan niya upang tingnan ang kanyang sugat. Nakasuot lamang siya ng maikling shorts noon at sa pagiging miserable niya noong mga oras na iyon ay wala na siyang pakealam noong bahagya nitong ibuka ang kanyang hita upang tingnan ang natamo niyang gasgas mula sa pagtangkang pagtakas. “Looks good. It’s drying up,” saad nito at pagkatapos ay umupo sa gilid ng kama upang tingnan naman ang na-dislocate niyang paa na kasalukuyan nang nakabenda. “Is it still painful?” Tanong pa ng lalaki ng pakasalatin iyon. Marahan siyang tumango. “Nagdala ako ng pain reliever, kung hindi mo kaya ang sakit, tawagin mo lang ako para makainom ka,” saad nito habang ibinabalik ang pagkakatabon ng kumot sa kanyang katawan. “Why are you doing this? You could have just let me go para wala ka nang alalahanin pa. Masyadong mahal ba ang ibinayad nila sa akin para alagaan mo ako ng ganito at pagtuunan mo ng pansin?” tanong niya dito. “You are priceless, that’s why I’m doing this.” Saad naman ng kausap pero dahil pabulong iyon ay hindi niya gaanong narinig. “Please, just let me go. Promise, hindi ako magsasalita. I will not tell my Dad about you or about this place.” pagmamakaawa niya na sandali pang ipinukol ang paningin sa paligid ng kuwarto. Napabuntong hininga lamang ito sa muling pangungulit niya. “Do you know why you were kidn*pped?” matamang na tanong nito sa babae. “It's because of your Dad. Gumanti lang ang grupo dahil nanghihimasok ang Daddy mo sa mga business transactions namin,” pagtatapat nito. Napamaang siya sa narinig. So nangyari na nga ang ikinatatakot ng kanyang ama, ang madamay siya sa uri ng trabahong pinasok nito. Bakit nga ba hindi niya naisip iyon? Na nandoon siya dahil sa paghihiganti ng mga ito sa kanyang ama na ang unang layunin ay masawata ang mga malalaking tao sa likod ng lumalaganap na human trafficking na nangyayari sa Cebu. So, all along target na pala siya ng mga ito. All along, hindi lamang aksidente ang pagkakadukot sa kanya. “Please, huwag nyong sasaktan ang Daddy ko, all of us know na ginagawa niya lang ang trabaho niya.” pagtatanggol niya dito. Ngayon niya naintindihan kung bakit masyado itong strikto sa kanya sa tuwing umaalis siya at pupunta sa malayong lugar. “And so are we,” saad pa ng lalaki. “Eh masama naman kasi talaga ang ginagawa ninyo. Hindi n’yo ba naiisip? Paano na lang ang kinabukasan ng mga taong kinikidnap nyo? May mga pamilyang nag-aalala at naghihintay sa kanila na hindi nila alam kung makakauwi pa sila ng buhay?” HIndi ito nakaimik. Ang totoo kasi ay pagdating sa kwento ng pamilya, hindi ito maka-relate. Bata pa lamang ay ulila na ang binata, inampon lang ito ng isang may kaedaran nang lalaki noon na siyang pinaka lider na ng sindikato ngayon. Ang binata ang ginawa nitong kanang kamay. “Ikaw, what if mangyari ito sa isa sa mga kapatid mo? HIndi ka ba magagalit? At ano ba talaga ang ginagawa nyo sa mga kinikidnap ninyo?” sunod sunod niyang tanong. “Hindi mo na kailangang malaman pa.” saad pa nito. Hindi nito masabi na matapos ng mga itong bilhin ang mga kinidnap na babae ay ita-transport ang mga ito sa ibang kalapit na bansa upang gawing p********e. Hindi ito ang original plan ng grupo sa kanya. Dapat ay gagawin muna siyang pain ng mga ito para mapasakamay rin ang Tatay niyang pulis at doon ay sabay na silang papatayin. Ngunit dahil naisip ng lider na pwede pa siyang pagkakitaan ay sinalang na lang siya sa bar noong nakaraan. “Gusto kong malaman. Para naman makapaghanda na ako. Tutal doon rin naman ang punta ko eh, di ba?” Pagmamaktol niya. “Listen, hindi ko hahayaang may mangyari sa iyong masama, okay?” paninigurado naman nito. Hindi naman siya nakasagot ngunit mababanaag ang pagkalito sa reaksyon ng mukha. “Just trust me. Sa ngayon kailangan mong maghanda, ililipat kita ng location. Nakatanggap ako ng tip na natunton na tayo ng mga pulis,” “Is that my Dad’s group? I-surrender nyo na lang ako, please!” pagmamakaawa niya na. “No. Until now hinahunting ka pa rin ng grupo ko. They really want you to die, same as your Dad. So dito ka lang sa akin. I can protect you.” “Teka, naguguluhan ako. Bakit sabi mo hinahunting ako ng grupo mo? So you mean tinatago mo ako sa kanila? Why?” “Hindi pa ba obvious, Daphne?” Natigilan siya sa naging sagot nito especially nang banggitin nito ang kanyang pangalan. Its her first time na marinig iyon mula sa lalaki. All along, alam na pala nito ang pagkakakilanlan niya. Well, ano pa ba ang ie-expect niya eh kilala nga nito ang kanyang ama. Ngunit the way na banggitin nito ang kanyang pangalan, tila ba may kakaiba roon. May lambing iyon, na wari ba ay kumurot sa puso niya. Ilang sandali pa ay tumunog ang telepono ng kausap. “Boss, tatlong kahinahinalang sasakyan po ang papunta dyan ngayon,” report dito ng isang tauhan nang sagutin nito iyon. Isa ito sa mga look out na nakakubli sa tagong parte ng kagubatan na may isang milya ang agwat mula sa kinapapalooban nilang bahay Hindi na sumagot pa ang lalaki bagkus ay bilis bilis na siyang binuhat nito. Wala naman siyang nagawa kung hindi sumama lang dito. Humawak siya dito ng mahigpit noong isinakay siya ng lalaki sa isang motor. Tinungo nila ang kabilang daan papasok pa sa kasukalan ng kakahuyan. Ilang minuto lang noong nakalayo layo na sila ay magkakasunod na putok ng baril ang naulinigan niya na agad rin namang huminto. Maya maya pa ay isang chopper ang bumungad sa kanila noong dumating sila sa open area sa gitna rin nang kagubatang iyon. Muli ay binuhat siya nito at maingat na isinakay doon. As soon as makaupo sila at maisuot ang seatbelt ay agad na iyong pumataas. Hindi man naitatanong ay may phobia siya sa heights kung kaya napapikit na lamang siya sa takot. Nagulat na lamang siya ng hawakan ng lalaki ang kanyang kamay. Ewan ba at nagbigay ng security iyon sa kanya. Dinala sila ng chopper sa isang malaking vacation house, sa loob ng isang isla. Iyon lang ang bukod tanging bahay roon. “Feel at home,” saad ng lalaki nang ibaba siya nito sa isang electric wheelchair. Mukhang pinaghandaan nito ang pagdating niya sa lugar na iyon at sa dami ng bagaheng nakita niya sa sala ay mukhang magtatagal sila roon. Nailibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay pati na sa magandang tanawin sa labas. Sa kinaroroonan niya ngayon batid niyang sinigurado talaga ng lalaki na hindi siya makakatakas. Pero naisip rin ba ng lalaki na sa kalagayan niya ngayon, ay magagawa niya pa iyon? Dinagdagan pa ng lokasyon nila ngayon na puro tubig na ang pumapalibot sa bahay na pinagdalhan sa kanya. Sa buong araw na lumipas ay pinagsilbihan siya ng lalaki. Pinagluto siya nito. Kulang na nga lang ay ito na rin ang magpakain sa kanya. Inasikaso siya nitong mabuti at inalagaan. “So, you really do love me, huh?” finally ay sabi niya tungkol sa mga napapansin sa mga ikinikilos ng lalaki. Naikibot niya ang gilid ng mga labi habang isinosoot ang huling damit na nakasampay sa towel rack sa loob ng banyo. Katatapos niya lang maligo noon. Nandoon din ang lalaki upang alalayan siya pero pinatalikod niya ito. “Ngayon mo lang nahalata? HIndi ako mag -eefort na itakas ka sa grupo ko kung hindi,” sagot naman nito. “Parang ang hirap lang kasi paniwalaan. Kelan mo lang ako nakilala, mahal mo na agad ako?” Inabot niya ang wheelchair na nasa isang tabi at doon umupo noong matapos nang magbihis. Nang mapansin ay mabilis naman siyang inalalayan ng kausap. “It was two months ago noong maatasan akong kidnapin ka. Two months na kitang sinusubaybayan, sa work mo, sa bahay mo, kapag lalabas ka with your friends. Matagal ka na sanang napasakamay ng grupo kung hindi ko lang sila nililigaw. And for those months, hindi ko naiwasang mahulog sa iyo. Kaya nga nagprisinta na ako na maging isa sa mga bidder sa bar just to save you noong finally makuha ka nila,” kwento ng lalaki habang dinadala siya nito sa kwarto niya. “And sa maikling panahong iyon, willing ka nang i-risk ang buhay mo para sa akin?” ikinapit niya ang mga braso sa leeg nito noong buhatin ulit siya nito upang ilapag sa kanyang higaan. “There are things that you’re willing to do out of love,” pahayag rin nito. Doon ay nagtagpo ang kanilang paningin. Sa lapit ng kanilang mukha ay tila ba malinaw na naaninag niya ang sinseridad ng lalaki mula sa mga mata nito. Ngunit agad niya ring naibaba ang paningin noong makaramdam ng pagkailang. Doon ay tila natauhan din ito at dahan dahan na siyang ibinaba sa kanyang kama. “I’ve been alone my whole life, although may kasama ako sa aking paglaki, I still didn't think he really cared for me. Growing up, I was yearning to love and be loved in return. And in those time while I was following you, learning about your life, I had a feeling na gusto ko rin mapabilang sa mga taong minamahal mo,” Hindi siya nakasagot sa kinwentong ng kausap. Tama ito, it was one of her personality na gustong-gusto ng mga nakakakilala sa kanya. Ang pagiging maalaga niya at mapagmahal especially sa kanyang pamilya. Hindi siya makapaniwala na sa maikling panahong pag-stalk nito sa kanya ay napansin iyon ng lalaki. “Don’t worry, I will not force you to feel the same way for me,” nangingiti nitong sambit pa. Bahagyang namilog ang mga mata niya nang makita ang magandang pagngiti ng lalaki. It’s her first time to see him smile. Ibang iba ang awra ng mukha nito kapag nakangiti, kesa sa araw-araw na nakikita niya itong napakaseryoso ng mukha. Para bang napaka-inosente ng lalaki compare sa nakaka-intimidate na personality nito kapag magkasalubong ang mga kilay. “Talaga ba? Kaya mo ako dinala dito dahil ayaw mong i-force ako na magustuhan ka?” pangangantyaw niya dito. Natawa naman ang lalaki dahilan ng pagngiti niya rin. “Ayoko naman sigurong makitang isa nang bangkay ang babaeng mahal ko di ba?” sagot nito na umupo sa gilid ng kama paharap sa kanya. Napalabi siya. “Hmm.. Bakit kasi hindi ka na lang mag bagong buhay?” tanong niya ulit. Feeling niya kasi kahit ganoon ang nakagisnang gawain ng lalaki ay may puwang pa sa puso nito ang kabutihan. “Sa tingin mo, may pag-asa pa ba? I killed a lot of people already,” wika rin naman nito. “Eh di ba nga, habang may buhay, may pag-asa?’” idiniin niya ang pagkakasabi sa pangungusap na binitawan. “Thats if I’m still alive in the following days.” Natigilan siya sa narinig. “Sa ginawa kong pag traydor sa grupo ko, I know tina-target na rin nila ako. So it’s either ang lalaking nagpalaki sa akin ang makakapatay sa akin or yung Daddy mo,” Tuluyan na siyang hindi nakasagot noong oras na iyon. Bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala dito. Against siya sa trabaho nito, ngunit ngayong unti unti nang nakikilala ang pagkatao ng lalaki ay ayaw niya na itong mapahamak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD